77

“Alam mo bang sobrang saya ko noong naging tayo ulit? Pero habang tumatagal nakokonsensya ako kasi karapatan mo pa ring malaman ang nakaraan natin.”

Napatingin ako sa kanya. Eto na ang kasagutan kung bakit ang dali niya lang akong iwan noon.

“I suffered from major depressive disorder and PTSD. Hindi ko nakayanan ang sakit na humantong ako sa ganyan. That's why I am so afraid to tell you the truth kasi ayokong maranasan mo rin ang naranasan ko.”

Tumulo ang luha ko at inabot na ang kamay niya.

“Tuwing pinipilit mo akong mag-open sa ’yo pinipilit ko rin ang sarili kong magsabi sa ’yo kaso ang hirap. . . Para akong sinasakal tuwing aalalahanin ko ang araw na ’yon. Kaya lagi rin akong walang paramdam pagkatapos ng away natin dahil pumupunta akong hospital para lang hindi ko masaktan ang sarili ko. Ayoko pang mamatay pero sukong-suko na ako noong mga panahong ’yon.” Tumingin siya sa mga mata ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata niya. “I am so sorry for making you feel useless that time, baby. I am so sorry for hurting you. I am so sorry kasi hindi ako naging matapang. . .”

Napailing ako. “Hindi ’yan totoo. Sobrang tapang mo nga e. Nakaya mo. You survived. And I am so proud of you, by. . .”

Tuluyan na siyang napahagulgol. Tumayo na ako at tumabi sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap at ganon din siya.

“Sorry. . .” paulit-ulit niyang iyak sa pagitan ng balikat at leeg ko.

Tumango ko. “Pinapatawad na kita, Salem. At naiintindihan kita. Sorry kung pinagdaanan mo ang lahat nang sakit nang mag-isa lang. Ang tapang mo. You've come so far, my love.”

“Dahil sa ’yo. . . Salamat kay Vesper kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob na ayusin ang sarili ko. I learned to love and forgive myself until I’m fully healed. Inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa ’yo. Dahil natanto kong hindi ko maaayos ang relasyon natin kung hindi ko maaayos ang sarili ko mismo. Salamat kasi naging rason ka para magpatuloy ako sa buhay. . .” aniya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. “Salamat din sa ’yo kasi natutunan ko kung paano ko mahalin ang sarili ko. Na hindi ko naman pala kailangan mamalimos ng pagmamahal ng iba dahil kaya ko naman pala iyong ibigay sa sarili ko. Salamat kasi natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya para maharap siya. Sabay kaming natawa nang sabay naming pinunasan ang luha ng bawat isa.

“I still and will always love you, Nirvana Constantine. . .” he said wholeheartedly.

I swiftly grabbed his collar and then pressed my lips against his hot and soft lips. Mabilis lang yon bago ko siya tinitigan sa mga mata.

“Mahal na mahal din kita, Salem Alexandrius. . .” I whispered against his lips.

We stared at each other, full of love, with our hearts who silently promised that our love will continue to grow even in the after life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top