76

(continuation for part 00)

Mukhang hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ko siya pinapakinggan.

Bumuntonghininga ako.

Fine.

Papakinggan ko na siya, matapos lang ‘tong kahibangan niya.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko kung paano muling nabuhayan ang mga mata niya.

“Thank you,” he said hoarsely before he entered my house. Tinuro ko ang sofa sa salas. Nauna akong pumunta roon at sumunod naman siya sa akin. Naupo ako sa kanan at siya naman ay sa kaliwa kaya ngayon ay magkaharap kami at pinagigitnaan namin ang coffe table.

“Sabihin mo na ang dapat mong sabihin para matapos na,” atat kong saad.

Humugot naman siya nang malalim na hininga saka niya ito pinakawalan nang marahan. Tipid siyang ngumiti sa akin habang masuyo siyang nakatingin sa mga mata ko.

Muli kong naramdaman ang pamilyar na emosyon ngunit pilit ko iyong binalewala.

“Magsasalita ka o magtititigan lang tayo dito?”

Napatikhim siya. “Sorry. . .”

Tumango ako. Sinasabing mag-umpisa na siya.

“First, I am so sorry for everything. Patawarin mo ako sa sakit na dinulot ko sa ’yo.”

Tumitig lang ako sa kanya.

“Please, paniwalaan mo na ako ngayon, by. I never cheated on you. Hindi rin ako nagsinungaling sa ’yo. At si mama ang kausap ko noong dumating ka sa penthouse. At hindi dahil wala akong tiwala sa ’yo kaya hindi ko masabi ang pinagdaraanan ko, kundi dahil ayokong masaktan kita. Ayokong danasin mo ang sakit na dinanas ko.”

Kumunot ang noo ko. “Anong ba ang pinagdaanan mo na makakasakit sa akin?”

Namuo ang luha sa mga mata niya. “Are you ready to hear the truth?”

Tumango ako. May kinuha siya mula sa bulsa niya. Pictures.

“Yung best friend ko na kinukuwento ko sa ’yo noon at yung best friend ko na naging girlfriend ko at greatest love ko?” saad niya at may hinugot siya mula sa mga pictures na hawak niya. “That’s you, baby. . .” aniya sabay lapag sa picture naming dalawa.

Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang batang ako na yakap yakap ng batang Salem habang hawak nila ang unang version ng librong ‘Always You’.

Napatingin ako sa kan’ya naguguluhan. Ako talaga ang nasa picture at imposibleng edited yun kasi luma na.

“Naaalala mo bang na-aksidente ka four years ago?”

Napatango ako. Unti-unting nauunawaan siya.

Pumatak ang mabibigat na luha mula sa mata niya. “Araw ng kasal natin ’yon, by. . .”

Nanlaki ang mga mata ko.

“At. . . buntis ka no’n sa panganay sana natin. . .” nabasag ang boses niya at tuluyan na siyang napayuko sa paghikbi.

Napakagat ako sa labi ko dahil kahit na wala akong maalala ramdam ko ang sakit. Ramdam kong totoo ang sinasabi niya.

“Nag-aagaw buhay ka na no’n at gulong-gulo na ako kung sinong ililigtas ko sa inyong dalawa ng anak natin. Pipiliin ko na sana ang anak natin kasi ’yon ang gusto mo at ayokong maging makasarili kasi alam kong magagalit ka sa akin pero nalaman kong patay na pala ang anak natin sa loob ng tiyan mo at kailangan lang nilang ilabas siya mula sa ’yo para hindi ka rin mamatay. . .”

Pumatak ang luha ko kasabay ng paghagulgol ni Salem.

“Nakaligtas ka nga pero hindi mo naman ako maalala. Nakakatawa kasi yung iba naaalala mo pero ako, hindi. Pero naisip ko na tama lang sigurong hindi mo ako maalala para hindi mo na danasin ang sakit na pinagdadaanan ko. Ang sakit sa kung paano ko nakitang mag-agaw buhay kayong mag-ina ko. Ang sakit sa kung paano ko nilibing ang anak natin. Akala ko mamamatay na ako no’n gusto ko nang sumuko pero hindi pwede. Kailangan kong masigurong ayos ka lang.”

Napalunok ako at hindi makapaniwala sa naririnig mula sa kanya.

“Kaya pinapunta ko kayo ni Vesper sa Canada. Malayo sa mga masasamang taong nagbabanta sa buhay ko. Tinapos ko muna ang dapat kong gawin dito sa Pinas. Pinahanap ko ang gumawa no’n sa inyo at siniguradong mabubulok sila sa kulungan,” puno ng galit niyang sabi kasabay ng pagkuyom niya sa kamao niya.

“Kilala ka na ni Vesper noon pa?” gulat kong tanong.

Tumingin siya sa akin at saka tumango. Kaya pala minsan kung umakto siya parang kilala niya si Salem.

“Hanggang sa makalipas ang isang taon. Sumunod na ako sa inyo sa Canada. Namuhay doon at pinanood kang maging maayos. Hanggang sa na-aksidente ako. Akala ko mamamatay na ako no’n pero hindi pa pala. Iyon pala ang simula muli natin.” Tipid siyang ngumiti sa akin.

“At alam mo bang noong pumasok ka sa kwarto ko para mag-rant kasi bakit gano’n kasakit yung ‘Remember Us’? Napangiti ako kasi sa wakas naabot na ng libro ko ang taong dahilan kung bakit ko iyon sinulat pero at the same time kinabahan at natakot ako. Kasi kung mula pa lang sa libro sobra ka nang nasaktan paano pa kaya kapag nalaman mong kwento natin ’yon?”

Napahikbi na rin ako. Ang bigat at ang sakit sa puso. Lalo na nang nilapag niya ang mga pictures namin. Mula pagkabata hanggang sa nakapagtrabaho na kami, noong buntis ako, at ikakasal na sana kami.

Kaya pala parang may kulang sa akin matapos akong maaksidente. Siya pala. Sila pala ng anak namin.

Sa kwento pa lang ni Salem, sobrang sakit na paano pa kaya siyang naaalala niya ang lahat?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top