78
They said that most of us do not end up with our greatest love but I’ll prove them wrong.
Nirvana Constantine is my first love.
We became best friends since we were in fourth grade. Makulit na talaga siya noon pa man. Kapag hindi ako okay palagi siyang nasa tabi ko. Matalino rin siya kaya lagi kami nag-aaway pagdating sa mga assignments namin noon.
Hanggang sa hindi ko namalayan na lahat ng tulang sinusulat ko ay tungkol sa kanya.
At hindi ko aakalaing iipunin ko ang lahat ng iyon para ibigay sa kanya. Hindi ako marunong tumugtog ng gitara o piano. Hindi rin ako magaling kumanta. Hindi ako magaling gumuhit para iguhit ang kagandahan niya, pero magaling akong magsulat ng tula na alam kong ito lamang ang paraan para masabi ko nang eksakto ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko pa noon ay itatapon lang niya pero nagulat ako nang umiyak siya at niyakap ako.
That's when I knew that she's my greatest love.
At alam kong siya na talaga.
“Sige na, Salem! Mag-law ka na para sabay tayong mag-aaral! Ako sa med ikaw sa law. Para kapag nagkamali ako ililigtas mo ako tapos kapag ikaw naman ang papatayin nila ako magliligtas sa ’yo!”
Natawa ako. “Paano naman kung ako ang pasyente mo tapos nagkataon na sa akin ka nagkamali?”
Natawa rin siya. “Edi see you sa kabilang buhay.”
“Gago,” tumatawang saad ko.
Gaya ng mga nasa libro everything went successfully. Nakapagtapos kami. Naging doctor siya at ako naman ay lawyer.
Naging mahirap ang pag-aapply namin ng trabaho pero nang makahanap na kami ay naging madali nalang ang lahat.
Naging matunog ang pangalan ko pagdating sa labanan sa korte. Palaging panalo at palagi ring nabibigyan ng hustisya ang mga nasasakdal.
Sobrang daming death threats ang natatanggap ko pero binalewala ko lang ’yon hanggang sa makita kong duguan at nag-aagaw buhay na si Nine.
Hanggang sa hawak ko na ang kahon kung saan nakalagay ang walang buhay na naming anak.
Hindi ko alam kung ilang beses akong namatay nong araw na iyon. Lalo na noong hindi ako maalala ng taong minamahal ko at tanging kinakapitan ko noong mga panahong iyon.
Pero natanto ko ring kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa at tulungan ang sarili ko. Alam kong nandiyan palagi si Nirvana pero kailangan ko ring tulungan ang sarili ko dahil nasa akin pa rin kung pipiliin kong magpatuloy o hindi na.
Pinili kong magpatuloy.
At hindi ako nagsisisi.
Dahil ngayon nasa bisig ko na ang buhay ko. Ang babaeng tanging minahal ko. Ang babaeng nagsilbing buwan sa madilim kong mundo. Ang babaeng dahilan ng paglikha ko ng mga salita, talata, at kwento na nagdugtong sa buhay ko.
Between our wars there’s still our love that connects us together. A love that is so strong that can conquer every war that comes between us.
She is my greatest love and she'll be the only one I'll end up with.
Siya lang at wala nang iba pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top