CHAPTER 3

CHAPTER 3

DELAIHLA FRIA HATT

Umaga na nang makabalik ako sa bahay. Sa pagod na nadarama ng katawan ko, pakiramdam ko ay tila sobrang napahaba pala ang naging trabaho ko kasama ang aking mga kliyente. Pero para sa akin, ayos lang 'yon dahil dinagdagan din naman nila 'yong bayad sa akin.

Pagkadating sa bahay ay naabutan ko si Stephanie na nakasuot na ng kanyang damit para sa kanyang trabaho. Pinapakain na rin niya si Aksana ng almusal na siyang nakasuot na rin ng uniform.

"Good morning!" buong ngiti kong bati sa kanila.

Sabay silang napalingon sa aking gawi. Nanlaki ang mga mata ni Aksana saka tumakbo papunta sa akin. Agaran siyang yumakap sa hita ko.

"Fria, good morning din! Saan ka pumunta? At saka bakit ganyan ang damit mo?" Nakanguso siya habang tinuturo ang damit ko.

Mahina akong natawa saka siya hinila papunta ng lamesa. Doon ko lang din napagtantong masyado nga palang revealing ang sout kong damit.

"Wala ka na bang ibang masuot? May sampung piso ako sa bag! Ibibili kita ng damit sa ukayan ni Aling Ising," giit niya.

Nagkatinginan kami ni Stephanie at saka sabay na napahagikhik kay Aksana. Ngumuso naman sa akin ang bata saka itinuloy ang kanyang pagkain ng almusal.

Niyuko ko ang aking ulo para tingnan siya. Nangingilid ang kanyang luha habang ngumunguya. Napabuntonghininga na lang ako.

"Axe, nagbibiro lang kami ni Tita Stephanie mo," mahina kong wika habang sinusuklay ang kanyang makapal at kulot na buhok gamit ang aking mga daliri.

"Bakit kasi ganyan ang damit mo! Hindi ko 'yan nagugustuhan. Baka mamaya may lalakeng magkagusto sa 'yo tapos kukunin ka niya sa 'kin," naiiyak niyang tugon.

Napailing na lang ako at hinalikan ang kanyang noo. Nagkatinginan kami ni Stephanie, nakangiti siya habang pinipigilan ang sariling hindi matawa.

"Ano ka ba naman. Sino'ng magkakagusto sa akin? Ang pangit pangit ko kaya at saka walang kukuha sa akin kasi sa 'yo lang ako," malambing kong pang-aalo. Mahirap na at baka bigla siyang topakin.

"Promise mo 'yan, ah? Magtatampo talaga ako sa 'yo."

"Promise," nakangiti kong sagot habang hinihimas pa rin ang kanyang buhok.

Naputol ang pag-uusap namin ni Aksana nang lumangitngit ang upuan sa pagtayo ni Stephanie.

"Fria, aalis na 'ko. Mamayang alas-dose pala ang balik ko rito," aniya.

"Ang aga mo naman," komento ko habang inaabot ang pitsel upang malagyan ng tubig ang baso ni Aksana.

"Hindi ba dapat mamayang gabi ka pa uuwi?" tanong ko saka kumuha ng tinapay sa lamesa.

"May shift na kasi ako pero sabi ni bossing, wala pa rin daw magbabago sa sahod ko kaya okay na rin 'yon," sagot niya sabay sukbit ang bag sa kanyang balikat.

"Sige! Ingat ka, ah?"

Tinanguan niya ako at umikot sa lamesa para puntahan si Aksana. Hinalikan niya sa pisngi ang bata.

"Bye, baby! Aalis na si tita. Huwag kang makulit kay ate mo, ah?" malambing na paalam ni Stephanie kay Aksana.

"Opo! Bye po, tita. I love you!" masiglang sagot naman ng bata.

Mahina kaming natawa.

"I love you too." Dumako ang tingin ni Stephanie sa 'kin. "Bye."

Tinanguan ko siya saka siya tuluyan nang lumabas ng bahay. Pinagmasdan ko si Aksana na tahimik na kumakain. Dahil maagang pumasok si Stephanie ngayon, ako ang maghahatid kay Aksana sa school.

"Aksana," pagkuha ko sa kanyang atensyon. Hinarap niya ako, ang kilay ay patanong na tumaas habang nginunguya pa ang kanyang kinakain. "Pumasok si Tita Stephanie mo sa work niya. . . Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

Mahigit sampung segundo siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa unti-unting lumaki ang kanyang mga mata.

"Ikaw maghahatid sa 'kin sa school?!" masayahin niyang hiyaw.

Buong ngiti akong tumango saka kumuha ng pagkain.

"Oo, kaya ano pang hinihintay mo? Bilisan mo nang kumain kasi male-late ka na."

Tumango siya. "Tapos na 'ko!" Bumaba siya sa kanyang upuan at nagtungo sa lababo para mag-toothbrush. Hinayaan ko lang siya dahil kaya naman na niya ang kanyang sarili.

"Magbibihis lang ako saglit, ah?" paalam ko.

"Ayaw ko ng damit mo kanina, Fria! Gusto ko mag-dress ka!" sigaw niya mula sa kusina.

Mahina akong natawa.

"Opo, Mama!" sigaw ko naman pabalik.

Kumuha ako ng maxi dress sa cabinet. Kulay krema 'yon at maganda ang style. Kahit partner-an ko iyon ng maayos na tsinelas, babagay na 'yon kaagad sa 'kin.

Pagkapunta ko sa sala ay naabutan ko si Aksana na nakaupong naghihintay. Nakangiti siyang tumayo at lumapit sa 'kin.

"Bagay sa 'yo!" pagpuri niya.

Ngumiti ako. "Thank you!"

Kukuhanin ko na sana ang kanyang bag ngunit pinigilan niya ako.

"Kaya ko ang bag ko," naiinis niyang sambit.

Natawa na lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya saka siya inakay palabas. Ni-lock ko muna ang pinto pati na rin ang gate saka kami tuluyang umalis.

Hawak ko ang kamay ni Aksana habang siya naman ay tumatalon-talon sa kanyang bawat hakbang. Sinaway ko siya dahil pinagpapawisan siya kaagad. Agad din naman niyang sinunod ang sinabi ko.

"Ihahatid ako ni ate! Ihahatid ako ni ate!" Paulit-ulit niyang pagkanta habang naglalakad kami.

Sumabay ang malambing na simoy ng hangin sa pakikipagsapalaran naming magpatintero sa gitna ng kalye. Sa gilid ng aking paningin, natanaw ko pa ang ilang mga tambay na animo'y mga espiyang nagmamanman sa akin.

Titig na titig ang kanilang mga mata sa aking hubog. Nakaramdam man ng pamimilipit sa aking dibdib, hindi ko na lang 'yon ininda at ibinaling na lang ang aking pokus kay Aksana.

Ilang pasikot-sikot pa at nakarating na kami sa tapat ng kanyang eskuwelahan. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Aksana saka siya maningning na tiningnan sa kanyang mga mata.

Bahagya kong inayos ang damit niya pati na rin ang kanyang buhok saka ko siya hinalikan sa pisngi. Doon ko napansin na tila lumantay ang kanyang mga mata.

"Fria, nahihiya na 'ko." Natigilan siya nang ilang segundo saka inilingat ang tingin sa paligid.

"Tingnan mo, tinitingnan tayo ng mga classmate ko. Mamaya aasarin nila ako pagdating ko sa classroom," malungkot na bulong niya sa 'kin.

Muling namilipit ang aking dibdib ngunit nagpamalas pa rin ako ng isang magaang ngiti.

"Huwag mo na lang silang pansinin. Hindi sila love ng mama nila kaya ganyan sila," biro ko saka siya kiniliti sa leeg.

Humagikhik si Aksana. "Kung ganoon love ako ng mama ko kasi hindi ako bad?" inosente niyang tanong.

Tumawa ako.

"Oo naman. . . Sobra kang mahal ng mama mo, Axe. mahal na mahal ka niya," malambing kong sambit sa kanya habang nanatiling nakatingin sa bilugan niyang mga mata.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Dadaanan ka lang ni Tita Stephanie mo rito, okay?"

Dahan-dahan siyang tumango bago biglang yumuko. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hinawakan ko ang kanyang baba at inangat ito.

Nanginginig ang kanyang labi at ang luha niya ay nagbabadyang tumulo. Ang kaninang pamimilipit sa dibdib ay napalitan na ngayon ng paninikip.

"Hoy! Bakit ka naiyak diyan?" Pinunasan ko ang kanyang luha.

"S-sumama ka na lang sa 'kin hanggang classroom, ate. Aawayin na naman nila a-ako," umiiyak niyang sambit.

Huminga ako nang malalim at kinarga siya.

"Ganito na lang. Ihahatid na lang kita hanggang sa classroom niyo. Bawal kasi ako tumagal doon," paliwanag ko sa kanya.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa 'king leeg at niyakap ako.

"Sige po," mahina niyang saad.

Naglakad kami papasok sa loob ng school. Binati ako ng guard na siya namang nginitian ko. Napansin kong pinagtitinginan kami ng ilang mga magulang na naroroon pati na ng ilang mga bata, siguro dahil sa kulay ng buhok namin.

Halos lahat ng naririto sa paaralan ay nangingintab sa itim ang buhok. Tila kaming dalawa lang ni Aksana ang naiiba. Nararamdaman ko na ngayon ang nararamdaman ni Aksana kapag mag-isa lang siyang naglalakad dito. Patuloy lang ang aming lakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng kanilang classroom.

"Saan ang upuan mo?" mahina kong tanong.

Tinuro niya ang upuan sa harap ng blackboard. Naglakad ako roon saka siya ibinaba.

"Huwag kang makulit, ah? Aalis na 'ko," malambing kong wika.

"Sige, ate. Ingat ka, ah?" mahina niyang tugon.

Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang noo. Naglakad na ako papalabas. Saktong nakasalubong ko naman ang kanilang teacher na papasok sa loob ng classroom.

"Good morning! You must be Aksana's mother."

I smiled and shook my head. "No. I'm her o-older sister."

"Oh. . . I'm sorry."

Tipid akong ngumiti bago nagmamadaling umalis.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Sumapit ang buong maghapon na ang tanging ginawa ko lamang sa bahay ay ang maglinis at magluto. Kung sa gabi ay trabaho sa labas ang aking inaatupag, sa umaga naman ay sinisigurado kong nagagampanan ko rin ang aking trabaho rito sa bahay at ang gampanin ko kay Aksana.

Nasundo na ni Stephanie si Aksana mula sa paaralan, saktong-sakto lang para sabay-sabay na kaming dumulog sa hapag-kainan para sa hapunan.

"Maaga akong aalis ngayon, Stephanie," paalam ko habang kumakain kami.

Napatingin sa 'kin si Aksana dahil sa sinabi ko.

"Saan ka na naman pupunta, Fria? Noong isang gabi wala ka sa bahay kaya si Tita Stephanie ang sumama sa 'kin mag-wiwi sa CR," nakabusangot niyang sambit.

"May pinuntahan lang si ate mo," tugon ko na lang.

"Tapos umaga ka umuuwi? Ano bang tinatrabaho mo?" tanong niya.

Heto ang mahirap kay Aksana—palatanong siya. Hindi na 'ko magtataka na baka isang araw magalit siya sa 'kin kapag nalaman niya ang trabaho ko.

"Call center kasi ako tapos gabi ang pasok ko sa trabaho kaya umaga na ako nakakauwi," pagsisinungaling ko.

"Call center?"

Bahagya akong ngumiti.

"Kapag malaki ka na, maiintindihan mo kung ano 'yon," paliwanag ko.

"Okay!" tugon niya saka tinuloy ang hapunan.

After I finished, I went to my room to get dressed. Suot ko ang isang red backless crop top na siyang tinernuhan ng isang black bell-bottom pants at stilettos.

Binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko silang kumakain pa rin. Nilapitan ko si Aksana saka siya hinalikan sa noo.

"Aalis na si ate. Huwag kang makulit kay Tita Stephanie mo."

Tumango siya at tumingin sa 'kin. Kumunot ang kanyang noo saka tinitigan ang suot ko. Mahina akong natawa at napailing na lang. Tila nabasa ko na agad ang kasunod niyang gagawin mula sa pungay ng kanyang mga mata.

Humaba ang kanyang nguso habang nakabusangot.

"Fria! May call center ba na naggaganyan? Kita ang likod mo!"

Mahina akong natawa at hinalikan siya sa pisngi. "Bibilhin kita ng laruan pagkauwi ko," pang-uuto ko.

Kuminang ang kanyang mata at nabalewala ang sinabi niya.

"Talaga? Hihintayin ko 'yan, ah!"

Tinanguan ko na lamang siya saka nilingon si Stephanie.

"Aalis na 'ko," huling paalam ko bago tuluyang umalis.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Kumpulan ng iba kong mga kasamahan ang siyang sumalubong sa akin pagkadating na pagkadating ko sa PC. Nakaumpok sila sa tapat ng bulletin board sa may hall.

Dahil sa pagtataka, agad ko nang nilapitan ang isa sa mga kakilala ko—si Rose. Isa siyang "source" ng mga nangyayari rito sa PC.

In short: chismosa!

"Anong nangyayari, Rose?"

Hinarap niya ako, ang kanyang mata ay nanlalaki sa tuwa.

"Delaihla! Buti dumating ka! Kunin mo na ang invitation card mo roon." Ngumuso siya sa direksyon ng babaeng receptionist.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit may invitation card?"

Ngumisi siya saka mahinang hinampas ang braso ko.

"Ano ka ba? Anniversary ng Poufiasse Club sa susunod na araw! Mag-ready ka na ng sexy at revealing na long gown," excited niyang sambit.

Mahina akong natawa sabay iling. "Pag umuwi na 'ko. Nandiyan na ba 'yong kliyente ko?"

Tumango siya at tinuro ang receptionist. "Tanong mo na lang sa kanya."

Sinilayan ko siya ng ngiti saka lumapit sa receptionist. Sinabi naman niya kaagad sa akin ang kwarto na papasukan ko mamaya. Dumiretso muna ako sa aming malaking dressing room upang makapagpalit ng damit.

Araw-araw, panibago ang nagiging mga kliyente namin. Mayroon silang kalayaang pumipili kung sino sa amin ang gusto nilang makasama sa gabi. Kahit na gano'n, hindi naman kami natatakot sa mga nakakasama namin.

Masyadong exclusive ang Poufiasse Club para pumalya sila sa mga kliyente't entertainers nila. Sinisugurado nilang bago pa man may mangyari sa pagitan ng mga kliyente at entertainers ay dapat mag-u-undergo muna sila ng HIV test.

Better safe than sorry, ika nga.

Sa third hanggang fifth floor ng club naroroon ang rooms na siyang pinapasukan namin. Sa second floor naman naroroon ang bar kung saan kami nagse-serve at sumasayaw. Maraming p'wedeng gawin doon na pagkakakitaan namin.

Dumiretso na kaagad ako sa kwarto kung saan naghihintay ang aking kliyente. Agad kong ini-scan ang aking tag sa scanner saka pumasok sa loob. Napabuntonghininga ako nang makita kung sino ang kliyente ko—matanda.

Mukhang may sakitan na magaganap ngayong gabi.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top