CHAPTER 10

CHAPTER 10

DELAIHLA FRIA HATT

"Nakalugay lang ba ang gusto mo?" tanong ni Stephanie habang sinusuklay ang aking buhok.

Tumango ako at kinuha ang unang liham na binigay ni Dom sa akin. Kulay puti 'yon at simple lang ang design.

Dear Daisy,

Napangiti ako nang mabasa ko ang 'Daisy.' Alam niya ang tunay kong ngalan pero mas gusto niya na Daisy ang tawag sa akin.

Hello Daisy. How are you? Okay ka lang ba sa tinitirhan mo? I think you've changed your sim card. Hindi na kita matawagan pero ayos lang. Alam ko namang may dahilan ka kung bakit mo iyon ginawa.

Narinig ko kasi sa usapan nina Kuya Dom at Hylo na sa PC ka nagta-trabaho. Nauntog yata ang ulo ni kuya at sa iba pa nagtrabaho. Anyway, if you have time, sana magkita tayo.

Gusto kong maipakilala sa 'yo ang anak namin ni Levin. Lagi kitang kinukwento sa kanila lalo na kay Cazy. She really loves your hair.

Titigil na muna ako sa pagsusulat. Ang sakit na ng kamay ko. I love you and I miss you so much.

Love,

Cattalina

Natatawa kong tiniklop ang liham at itinago 'yon sa drawer ng vanity table. Natikman na rin namin ang cupcake na ibinigay niya. Singtamis ng personalidad niya ang mga 'yon. Kung hindi ko sinaway si Aksana, baka naubusan na ako.

"Nakalugay lang talaga? As in?" tanong ulit ni Stephanie.

Tiningnan ko ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Tinutuyo na lang ni Stephanie ang buhok ko.

Ngayong araw na ang kasal ni Rose. Ako na lang ang inaayusan ni Stephanie. Si Aksana naman ay nakaayos na rin. Siya ang inuna namin dahil siya ang bata.

I'm wearing a gray vintage long gown as a bridesmaid. Para naman sa flower girl, kulay gray rin ang kulay ng suot nila.

"Can you do a Dutch braid, messy bun?"

Lumawak ang kanyang ngiti at tumango sa akin. "Oo naman!"

"Sige, 'yon na lang gawin mo sa buhok ko."

Tumango siya at sinimulan ang pag-ayos sa aking buhok. Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Napabuntonghininga ako at naglagay ng red matte lipstick sa aking labi.

"Si Aksana?" tanong ko kay Stephanie.

"Nandoon yata sa sala. Naglalaro ng paper doll," sagot niya habang inaayos ang buhok ko. Bahagya akong bumalikwas.

"Sure ka? Baka madumihan 'yong dress niya. Alam mo namang makulit 'yon," saad ko saka siya tiningnan sa repleksyon ng salamin.

Ngumisi lang siya.

"Ayan tapos na. Ang ganda mo," pagpuri niya sa akin.

Tumayo na ako at tiningnan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako nang makita kong maganda nga ang ayos ko ngayon. Hinarap ko si Stephanie at niyakap.

"Maraming salamat sa pag-aayos." Ngumiti ako sa kanya.

Niyakap niya rin ako at mahinang tinapik ang aking likod.

"Walang anuman."

Kinuha ko ang aking nude na stiletto pagkatapos ay binitbit ko ang paper bag na naglalaman ng doll shoes namin ni Aksana.

"Pakitawag na lang si Aksana. Aayusan ko ulit siya."

"Sure."

Bahagya kong hinagod ang aking suot saka sinundan si Stephanie palabas ng kwarto, ngunit isang Stephanie na kunot ang noo ang siyang sumalubong sa akin.

"Delaihla, wala si Axe sa sala. Mukhang nakalabas."

"Ano? Hindi ba naka-lock 'yong gate?" Agad akong nagtungo sa sala.

"Ni-lock ko. Alam mo naman, atribida 'yong kamay no'n."

Napabuntonghininga ako saka agad na nagtungo palabas ng gate. Maraming lalaking tumitingin sa akin pero binalewala ko lamang sila.

"Aksana!" malakas kong sigaw.

Ni 'Fria' o 'Ate,' wala akong narinig! Nasaan na ba 'yong batang 'yon?

"Ate Fria! Ate Fria!"

Bumaba ang tingin ko sa dalawang bata, isang lalaki at isang babae.

"Nakita niyo ba si Axe?" tanong ko.

"Ate Fria!" sabay nilang sigaw sa 'kin.

Napakamot ako sa aking ulo. "Ano nga? Nandito na kayo sa harapan ko."

"Si Axe po kasi," kinakabahang wika ng dalawang bata.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong nanyari sa kanya?"

"Nahulog po sa kanal!" sabay nilang sabi.

Punyeta!

"Saan?! Dalhin niyo ko kung nasaan siya."

Ang batang 'yon! Ang daming pwedeng paghulugan, kanal pa!

Tumakbo ang dalawang bata, at gano'n din ako, hanggang sa tumigil kami sa mga batang nagkukumpulan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hitsura ni Aksana. Ang kulay puti nitong dress, naging itim na! Hawak-hawak niya ang dalawa niyang heels na bigay ni Stephanie.

"Aksana!"

"Ate!"

Nanlaki ang kanyang mga mata at kinakabahan na tumakbo papalapit sa akin. Umatras ako at inipit ang ilong ko dahil umaalingasaw ang amoy ng kanal sa kanya.

"Bakit at paanong ka nahulog sa kanal?!" nanggigil kong wika. Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aray!" Napalabi siya at napahawak sa kanyang tagiliran.

"Ako, huwag mo akong pag-iinartehan diyan! May sinabi ba akong lumabas ka?! Pasok sa loob!"

Saglit itong natulala sa akin at biglang ngumawa ng iyak. Napahilot ako sa aking sintido at natulala nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Kumunot ang noo ko nang makita kong lumabas si Dom.

Anong ginagawa nito rito?

"Leaving!" malakas na sigaw ni Aksana at tumakbo papunta kay Dom.

Tumakbo ako at hinila si Aksana. Baka bigla nitong yakapin si Dom at madumihan siya.

"Isa! May sinabi ba akong yakapin mo siya? Pasok sa loob!" galit kong wika.

Tumalim ang titig niya sa akin at basta na lang binato ang heels sa akin. Padabog itong tumakbo papasok sa loob ng bahay habang umiiyak. Iyong iyak niya akala mo aping-api talaga. Amoy burak na nga eh, yayakap pa kay Dom.

"What's happening?" naguguluhang tanong ni Dominic.

Bumuga ako ng hangin at pinulot ang heels ni Aksana at hinarap siya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I'm also invited to Rose's wedding. Dumaan na ako rito para sabay na sana tayo," sagot niya at tumingin sa kanyang relo.

Nakasuot siya ng gray tuxedo. Sa loob niyon ay nakasuot siya ng maroon polo at gray na bow tie.

"T-talaga? Pasok ka muna. Pinaliliguan pa yata ni Stephanie si Aksana." Binuksan ko ang gate para sa kanya.

Tahimik lang na sumunod si Dom sa akin papasok sa loob ng bahay. Naupo siya sa mahabang sofa habang ako ay nakaupo sa monobloc. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay.

"Juice?" alok ko.

Dumapo ang tingin niya sa akin at umiling. Nakahinga ako nang maluwag nang tumanggi siya. Wala naman kasi talaga kaming juice. 'Di ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang biglang lumabas si Aksana. She's wearing an opening back gray tulle. Nakalagay na rin sa kanyang ulo ang isang puting flower crown.

"Lumapit ka rito sa 'kin. Susuotan na kita ng doll shoes." Yumuko ako at kinuha ang doll shoes sa loob ng paper bag.

"Ayaw!" sigaw niya sa akin at lumapit kay Dom.

"Don't yell at your ate," sabi ni Dom kay Aksana.

Humaba ang nguso ni Aksana. Umirap ako at tumayo. Naglakad ako papunta sa kanila, ang mga tingin ni Aksana ay masama pa rin.

"Suotin mo." Inabot ko sa kanya ang kanyang doll shoes.

Umiling siya at sumiksik kay Dominic. Bumaba ang tingin ni Dom kay Aksana pagkatapos ay umangat ang tingin sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay, na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Her doll shoes. Ako na lang magsusuot sa kanya." Bumaba ulit ang tingin niya kay Aksana.

Kahit ayaw kong ibigay, ginawa ko na lang. Tiningnan ko si Aksana at pinanlakihan ng mata. Inirapan niya lang ako at lalo pang sumiksik kay Dominic.

"Dom, anong oras na?" baling ko sa kanya habang nakatingin kay Aksana.

"Oh, it's 9:30," tugon niya habang busy sa pagkabit ng strap ng sandal sa binti ni Aksana. Ganoon kasi ang design no'n—mukha tuloy siyang fairy.

Binitbit ko ang paper bag at hinila ang kamay ni Dom para makatayo siya. Napasunod ko naman siya dahil nabigla ito.

"Tara, alis na tayo. Iwan na lang natin 'yan, hindi pwede sa simbahan ang salbahe at makulit na bata," pang-aasar ko kay Aksana.

Napatingin sa akin si Dom. "Delaihla."

Hindi pa kami nakalabas sa mismong bahay nang narinig ko ang pagsinghot ni Aksana. Nilingon ko si Stephanie na napailing na lang. Alam niyang inaasar ko lang si Aksana.

"B-bakit mo 'ko iiwan?" naluluha niyang tanong.

Tinanggal ni Dom ang pagkakahawak ko sa kanya at nagtungo kay Aksana. Binuhat niya ito at nagtungo sa aking pwesto.

"Sasama na ako?" mahinang tanong ni Aksana kay Dom.

"Yes, inaasar ka lang ng ate mo," natatawa niyang sabi at nauna na sa akin palabas ng gate.

Naglakad papalapit sa akin si Stephanie at niyakap ako nang mahigpit.

"Ikaw ang hilig mo talagang asarin ana—"

"Oo na," pagputol ko kaagad dahil kamuntikan na siyang may masabi na hindi dapat mabanggit. "Mag-iingat ka rito. Baka mga gabi na kami makakauwi. Huwag mo na kaming hintayin."

"Ang pogi talaga no'ng Dom. Sabi ko sa 'yo patusin mo na, eh," nakangiti niyang sabi.

"Sapatusin kita, gusto mo?"

Tumawa siya at napabuntonghininga.

"Baka mamaya nakalimutan mo na 'yong totoong pakay mo sa kanya. 'Di ko nga alam bakit mo pa iyon gagawin. Mamaya ay baka mahulog pa ang loob mo sa kanya."

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nag-aalala siya o tinatakot ako. Lagi ko na lang nakakalimutan 'yong pakay ko, pero buti na lang ay laging pinapaalala sa akin ni Stephanie. Kapag nakakasama ko siya, bigla na lang 'yon nawawala sa isip ko. Natatakot ako na baka bumalik na naman 'yong nararamdaman ko sa kanya.

At natatakot din na baka malaman niya. Lakas loob na lang ang pinanghahawakan ko sa tuwing nandito siya kahit na sa puso't isipan ko ay parang nanghihina ako sa sobrang kaba.

Nabalik lang ako sa ulirat nang bigla akong tinapik ni Stephanie sa braso.

"Sumisigaw na si Aksana. Pumasok ka na sa kotse. Ingat kayo." Niyakap niya ulit ako.

"S-sige. Ingat ka ulit," paalam ko at nagtungo kaagad sa kotse ni Dom.

Binuksan ko ang pintuan sa passenger seat. Napaatras ako nang biglang sumalubong sa akin ang rosas, mukhang mahigit isang dosena iyon.

"Flowers?"

Wala sa sariling kinuha ko 'yon at naupo na sa upuan. Bumaba ang tingin ko doon—maganda ang pagkakaayos.

Tahimik lang ako buong byahe, samantalang si Aksana ay nakikipagdaldalan kay Dom. Buti na lang hindi siya naiirita at napakahaba ng kanyang pasensya.

Nabalik ako sa aking katinuan nang biglang tumunog ang cellphone ko. I opened my pearl rhinestone clutch purse and answered the call.

"Hello?"

"Delaihla! Malapit na ba kayo sa simbahan? Hindi pa raw kasi kompleto 'yong mga bridesmaid."

"Malapit na ba tayo sa simbahan?"

Pagbaling ko kay Dom. Tahimik niya lang akong tinugon ng pagtango.

"Oo, malapit na kami. Napaliguan ulit namin nang wala sa oras 'tong kapatid ko. Nahulog sa kanal, eh. Napakakulit!" siyasat ko.

Nilingon ko si Aksana. Napawi ang ngiti niya at tumingin na lang sa bintana ng sasakyan.

"Okay lang, ikaw talaga. Baka pinagalitan mo na naman 'yon. Ang cute pa naman. Oh, sige. Ire-retouch pa ako. Ingat kayo."

"Sige, ingat ka rin." Ako na ang nagpatay ng tawag at binalik ang cellphone sa loob ng purse ko.

Nilingon ko si Aksana sa likod. "Malapit na tayo sa simbahan, Aksana. Magpirmi ka doon kung ayaw mong kurutin kita," pananakot ko.

Pinag-krus niya ang kanyang braso sa dibdib at tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. Humaba na naman ang nguso niya.

"Huwag mo 'kong artehan, Axe," wika ko at tumingin sa dinaraanan namin.

Hinayaan ko na lang siya. Buti nga at hindi niya naisipan na magwala. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nagwala pa siya.

Napalingon ako kay Dom nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko sa paraan ng kanyang titig, muli ko na namang naramdaman ang kakaibang kaba na naglalaro sa aking dibdib. Pilit kong nilabanan iyon at hindi pinakita sa kanya ang nararamdaman ko.

Tipid lang itong ngumiti, napabuntonghininga na lang ako at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Kung minamalas ka nga naman! Sa dinami-raming pwedeng i-partner sa akin, si Dom pa.

Nauna na ang flower girl sa prusisyon saka kami sumunod.

"Bakit naman ikaw pa ang p-in-artner sa akin?" maktol ko, napipilitan na inaangkla ang kamay ko sa kanyang braso.

"You are so lucky because I'm your partner." Ngumisi lang siya sa akin at napasuklay sa kanyang buhok. "The other bridesmaids look disappointed because I'm not the one escorting them. Consider yourself blessed."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Blessed? As if," bulong ko.

Magpo-protesta pa sana ako no'ng maglalakad na kami pero nagpatianod na lang ako. Tumigil kami saglit para makuhaan ng litrato sa gitna ng paglalakad namin sa pasilyo. Nang maipresenta na ang aming sarili ay nagtungo na rin kami kung saan kami dapat umupo.

Si Mr. Cancon ay nandito rin. Kalahati sa nagtatrabaho sa PC ay invited sa kasal ni Rose. Makalipas pa ang ilang minuto, naging malambing na ang himig na naglalaro sa hangin. Narito na ang pinakahihintay ng lahat—ang bride.

Tumayo kaming lahat upang masilayan si Rose na naglalakad patungong altar. Nilingon ko si Aksana na tahimik lang na nakaupo sa gilid ko. Huminga ako nang malalim at binuhat si Aksana para makita niya si Rose. Nagulat siya at napakapit sa akin.

"Ate. . ."

"'Yan ang ikakasal. Siya ang kausap ko kanina habang papunta rito. Maganda, 'di ba?" nakangiti kong wika.

Tumitig lang siya sa akin at yumuko.

"Opo," mahina niyang sabi at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.

"Hindi na galit si ate, Axe. I'm sorry," malambing kong sabi at hinalikan ang pisngi niya.

"Talaga?" paninigurado niya.

Tumango ako. "Nainis lang si ate. Nagmamadali na tayo, tapos nakita kitang madumi. Sa tingin mo nakakatuwa 'yong gano'n? Syempre hindi. Hindi talaga si ate natutuwa sa ginawa mo."

Nagsimulang mangilid ang kanyang luha.

"S-sorry na." Kasabay no'n ang pagtulo ng kanyang luha.

Ngumiti ako at pinunasan ang mga 'yon gamit ang aking kamay.

"Tama na. Mamaya may pupuntahan ulit tayo kapag tapos na itong kasal. Maraming pagkain doon. Nagugutom ka na ba?"

Dahan-dahan siyang tumango. Hinalikan ko ang noo niya at naupo na kami, sinilayan ang mga kasunod na kaganapan sa kasal.

"Fria."

Bumaba ang tingin ko kay Aksana.

"Bakit?"

"Sabi nila kapag nag-boyfriend, maggaganyan daw. Ikakasal ka rin ba?" inosente niyang tanong.

"Wala naman akong boyfriend, ba't ako ikakasal? At saka, 'di lahat ng may boyfriend o girlfriend ay nauuwi sa kasalan."

Mahina kong pinisil ang kanyang ilong. Humagikhik siya.

"Bago ka ikasal sa isang tao, dapat sure ka na. Wala na kasing atrasan kapag ikakasal ka. Kaya dapat, sure ka sa nararamdaman mo sa kanya," sabi ko sa kanya. Dumapo ang tingin ko kay Dom.

Kanina pa pala siya nakatingin sa amin. Ako ang unang umiwas. Binuhat ko si Akasana at inupo sa hita ko.

"May gusto ka kay Leaving?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano ba 'yang tinatanong mo? Hindi!"

"Gusto ko makita kitang nakasuot ng puting gown habang naglalakad doon." Itinuro niya ang pulang carpet na nilalakaran ni Rose papunta sa altar.

Batang 'to talaga, mga lumalabas sa bibig.

Bigla-bigla na lang akong kinakabahan sa mga sinasabi niya.

"Ano ka ba? Wala na akong balak na mag-asawa, Axe. Masaya na ako na kasama kita." Halos masamid pa ako nang sabihin ko 'yon.

"Sabi ni teacher kailangan niyo 'yon. Pinapasaya mo ako, samantalang ikaw hindi mo man lang mapasaya ang sarili mo. Hindi naman ako tumututol na magka-boyfriend ka. Natatakot lang ako kasi. . . 'yong atensyon mo nasa kanya na, tapos ako parang wala na."

Napabuntonghininga ako at pinisil ang kanyang pisngi.

"Ikaw na bata ka. Saan mo natutuhan 'yan?"

"Kay teacher," buong bungisngis niyang tugon. "Kailangan mo ng tao na magpapasaya sa 'yo, 'yong makakasama mo habang buhay." Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ako.

"Napapasaya mo naman ako. Hindi ko na kailangan ng boyfriend. Kuntento na 'ko dahil kasama kita. At saka, magsasama pa tayo habang buhay. Sira ka talaga," sabi ko habang hinihimas ang kanyang likod.

"Basta promise mo, ah?"

Kahit napipilitan ay tumango ako. "Kung 'yon ang ikasasaya mo."

"I love you, ate."

Hinalikan ko siya sa kanyang sintido saka siya niyakap nang mahigpit. "I love you too."

Masidhi naming tinunghayan ang mga kasunod pang mga minutong dumaan sa saliw ng tugtog ng organ. Sa paglingat-lingat ko ng aking paningin ay nasaksihan ko ang ilang mga dumalo na mangiyak-ngiyak sa kasalang kanilang pinanonood.

May mga bisitang nakataas pa ang mga camera ng cellphone habang hindi maitago ang mga ngiting nagpapahiwatig ng kagalakan sa ikakasal. Mga ilang palitan pa ng mga litanya ay isang alon ng palakpakan na ang umalingawngaw sa paligid. Nakilahok ako sa hiyawan nang masaksihan na naming hinalikan na ng groom ang bride.

"Aksana?" tawag ko sa aking kapatid na mistulang natahimik na sa aking tabi.

Wala akong narinig ni isang salita galing sa kanya kung kaya'y mahina kong tinapik ang kanyang hita.

"Aksana? Gising. 'Di mo na nakita. Nag-kiss na sila," natatawa kong sambit habang pinagmamasdan ang batang nakaidlip na sa kanyang kinauupuan.

Mahimbing siyang humilik. Wala na akong narinig mula sa kanya. Ngumiti ako at hinayaan na lang na matulog siya sa aking bisig.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Masama ba akong ate?"

He shook his head while drinking his soda.

"No." Inabot niya sa 'kin ang sandwich na siya namang agad kong tinanggap at kinagatan.

Tumingin ulit ako sa mga naglalakihang building ng Metro Manila mula sa durungawan. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Dom sapagkat hindi kami nagtagal sa reception ng kasal.

Kalagitnaan kasi ng reception, bigla na lang niya akong niyayang umalis. Gabi na rin kaya naman nagmistulang Christmas lights ang mga ilaw na natatanaw ko sa labas. Ang ganda na animo'y hinihilot ng view ang aking paningin.

"Mukhang nasaktan ko siya kanina," mahina kong wika.

Bumaba ang tingin ko kay Aksana. Sinuklay ko ang daliri ko sa kanyang buhok.

Mahimbing siyang natutulog sa banig na nilatag ni Dom. Napagigitnaan namin siya.

"And that's true," he sounded. Inabot niya sa akin ang isang bote ng tubig.

"Thanks."

"I thought she's your daughter," bigla niyang imik.

"H-hindi." Halos tumiklop ako sa harapan niya. Bukod sa mga insektong maingay sa aming paligid, mas nangingibabaw ang nakakabinging tibok ng aking puso sa sinabi niya.

Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya. Isang tikhim ang aking pinakawalan bago nagsalita.

"Nagsimula 'yon noong napadaan ako sa isang bahay a-ampunan. Doon ko nakilala si Axe noong medyo bata-bata pa siya. . ." Naglaro ang aking mga daliri, hinahanap ang mga salita sa dulo ng aking dila.

"M-madre. . . Isang madre ang kumausap sa akin at nabanggit tungkol kay Aksana. Parehas raw kami ng buhok. . . at habang iniisip iyon ay hindi pa rin mawala sa utak ko kung paano sila m-mangha sa aming dalawa ni A-aksana."

"Medyo matagal ang proseso bago ko siya nakuha. . . bago siya naging a-akin. Gumawa ng paraan ang madre sa bahay-ampunan para mapadali ang pag-ampon ko kay Aksana. Nagsisimula pa lang ako no'n sa tinitirhan namin, pero hindi naman siya mahirap a-alagaan."

Bumaba ang tingin niya kay Aksana. He caressed the fleeting locks of her hair. Hindi ko namalayan na halos ilang segundo akong nakatulala habang pinagmamasdan niyang suklayin ang buhok ni Aksana at parang may kung anong mainit na humaplos sa aking puso dahil sa ginawa niya.

"Ang swerte niya dahil nakilala mo siya."

Namayani ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa magagandang ilaw, hanggang sa binasag niya ulit iyon.

"Delaihla." Nilingon ko siya, mga tingin nami'y naglalandas. "Let's forget about the past. I know that you can't still move—"

"I'm trying, Dom. I'm still trying to move on."

"Me too. Kung gusto mong pareho nating kalimutan 'yon, gumawa tayo ng paraan para agad na rin tayong makausad."

Baka mamaya nakalimutan mo na 'yong totoong pakay mo sa kanya. 'Di ko nga alam bakit mo pa iyon gagawin. Baka mamaya, mahulog pa ang loob mo sa kanya.

Saglit akong natulala sa kanya. Ang boses na naman ni Stephanie ang naririnig ko sa aking isipan. Sinuri ko ang mukha ni Dom. Hindi ko mawari kung bakit ba siya ganyan. Kung papayag ako sa sinasabi niya, baka mas mapalapit pa siya sa akin. Hindi na ako mahihirapan sa plano ko.

"S-Sige." Halos nag-alinlangan pa ako nang tanguan ko siya. Isang tipid na ngiti ang aking ipinamalas.

A soft smile was drawn on his lips.

"Thank you." Marahan niyang binuhat si Aksana. "Let's go. Iuuwi ko na kayo."

Tumango ako at niligpit ang banig. Ang mga pinagkainan namin ay siyang itinapon ko na lang sa basurahan. Nagtagal pa ako sa labas nang ilang minuto dahil nilinis ko pa ang mga kalat namin. Pagkatapos ay saka ako nagtungo sa kotse ni Dom at agad na naupo sa passenger seat.

"Okay na?" he checked.

"Yes."

At sa simpleng sagot ko na 'yon ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan. Nilingon ko si Aksana na mahimbing na natutulog sa backseat.

Binalingan ko ng tingin si Dom. Seryoso siyang nagmamaneho. Ang dalawang butones sa kanyang maroon na polo ay nakabukas, magulo na rin ang kanyang buhok pero mas lalo 'yong bumagay sa kanya.

Hindi ko pa rin alam kung tama ba na sumang-ayon ako sa kanya. Bahala na! Kung ano ang kapalit nito, tatanggapin ko na lang.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top