Chapter 30

NASAAN AKO?


Masakit ang likod ko. Matigas ang kinahihigaan kaya malamang na wala ako sa kuwarto ko. I hadn't opened my eyes when I heard familiar voices talking. "Hugo, anong nangyari? Bakit hinimatay ang pinsan ko? Ano ba kasing ginawa sa kanya ni Miko? Sinaktan ba siya ng gagong iyon?!"


It was Dessy's voice. Nasa kanila pa ako? At anong hinimatay? Hindi naman ako nalipasan ng gutom dahil nitong mga nakaraan ay palakain ako, hindi rin naman ako kulang sa pahinga, dahil mula nang maka-graduate ay palaging nasa kuwarto na lang ako. Was it because of stress?


"Hoy, Hugo, ano ba? Dadalhin ba natin sa ospital si Zandra?! Hindi ako puwede, may inaabangan akong papanooring teleserye ngayon, e!"


"Just call her parents." Yamot na boses ni Hugo.


"Hala, ayoko! Mamaya, sunduin pa rito iyan, tapos makita pa ng mommy niya mga tambay sa labas, at mapagkamalang galing dito! Maisumbong pa ako sa ermat ko! Nagpapakabait nga kami ngayon ng ate ko para madagdagan ulit allowance namin, e!"


"Kung ayaw mo, ako ang tatawag. Give me their numbers. And please? Lumayo ka sa akin dahil baka kung anong magawa ko sa 'yo."


"Sungit mo naman. Sige na nga. Pasalamat ka talaga dahil malakas ka sa akin kaya tatawagan ko na ang parents ni Zandra—"


Doon ako biglang napabalikwas. "No! Okay na ako!"


Napatingin ang dalawa sa akin. Nandito pala ako sa sofa. Nasa sala. Ni hindi man lang ako inakyat sa kuwarto para makahiga sa kama, pero okay na rin. Malamang si Hugo ang kumarga sa akin.


Nagpalinga-linga ako. Tatatlo lang kami rito. Tumingala ako kay Hugo. "Wala namang ibang nakaalam na hinimatay ako, di ba?" paniniguro ko.


"Wala." Si Dessy ang sumagot. "Saglit ka pa lang naman na walang malay. Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Sinaktan ka ba ni Miko? Gago talaga iyon, e! Dapat doon isumbong mo sa mommy mo! Ipabaranggay niyo!"


Pasadlak na itinulak ni Hugo ang mukha ni Dessy kaya natigil sa pagsasalita ang babae. Nagusot nang matindi ang mukha nito.


"Uuwi na ako," Hugo said to me in his neutral tone. "Bumangon ka na riyan kung sasabay ka."


Sasabay? E tagarito lang din siya sa Buenavista at taga Pinagtipunan ako?


Pero mas maigi na rin ngang sumabay kay Hugo kaysa mag-stay pa rito kina Dessy o maglakad papunta sa labasan. Tumayo na ako na saktong may tumawag sa labas ng pinto. Isang matangkad na payat na lalaking may itsura. May band aid ito sa bridge ng matangos nitong ilong. "Andiyan pa ba bata ni Pangilinan?" tanong nito.


Bata nino?


"Bata?" Si Dessy ay gilalas. "Hoy, Francis, sinong bata ni Miko ang sinasabi mo?! Tangina, ako ba?! Hoy, kahit guwapo si Miko, ayoko sa kanya! Hindi lang siya babaero, nananakit din yata iyon kasi nga tarantado! Malakas loob porke't pulis nanay! Pwe! Over my dead body!"


"Hindi ikaw, tanga," sagot noong Francis pala ang pangalan. Bumaling ito kay Hugo. "Hugo boy, may tricycle na pinadala si Bimbo galing labasan. Para daw sa bata ni Miko. Andiyan pa ba?" Nang makita ako nito ay magsasalita pa sana, pero nauna na si Hugo.


"Di na, Angke. Ako na maghahatid." Sinenyasan na ako Hugo na sumunod.


Mabilis naman akong tumayo mula sa sofa. Ayaw kong mag-tricycle dahil baka mamaya ay nasa labasan pa si Miko. Hindi naman sa iniisip kong haharang siya, pero baka. At least, with Hugo, he probably would not try, even if he was not afraid of anyone or anything.


Palipat-lipat naman ang tingin ni Dessy. Hindi pa rin maka-recover. Humabol pa sa amin sa labas. "Za, don't tell me na BF mo si Miko? Gaga ka ba? Tarantado pa iyon sa tarantado! Alam ba iyon sa inyo? O tinakot ka ba niya para maging kayo? Ikaw kasi, napaka-easy mo! Uto-uto ka! Matalino ka lang talaga sa school pero boba ka sa—"


Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil pinasakan ni Hugo ng walang lamang kaha ng sigarilyo ang bunganga nito. Napairit na lang ang babae sa gulat at pagkabuwiset.


Malamig ang mga mata ni Hugo nang lingunin ito. "Hindi na ako babalik dito, pero wag kang paharang-harang dito sa Buenavista, dahil pag nakita ko ang pagmumukha mo, hihilahin ko mga appliances niyo rito sa bahay para pambayad sa utang niyo." Pagkuwa'y nauna na ito sa may gate. "Zandra, bilisan mo!" sigaw nito.


Napatakbo naman na ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Dessy at hindi ko na rin nadala ang pinapakuhang maleta ni Mommy. Sa labas ng kalawanging bakal na gate ay naroon na ang isang motor na wala naman doon kanina. Kay Hugo raw iyon na hiniram niyong Francis 'Angke' kanina, dahil may pinuntahan.


Awkward pa ang pag-angkas ko kay Hugo, pero ito ang aking pinili. Pinaandar niya na ang motor, at nang naparaan kami sa kumpulan sa kanto ay napayuko ako. Hindi ako tumingin pero ramdam ko na merong matalim na mga mata ang nakahabol sa amin.


Kung ano ang kaba ko ay siya namang chill lang ni Hugo. Bumusina pa siya nang malakas dahil nandoon din yata ang kanyang tropa. Nagpatuloy na kami at inihatid niya na nga ako hanggang Pinagtipunan. Sa may kanto na lang ako nagpababa, at bago siya umalis ay nagpasalamat ako. Ang sagot lang naman niya sa akin ay isang tango.


Sa kuwarto ko ay nag-lock agad ako. Hinala pa lang naman pero iyong kabog ng aking dibdib ay wala nang mapaglagyan. My fingers trembled as I tapped my phone screen to access the calendar section. While looking at the dates, I was struck with the question: what would happen to me if I was right in my suspicion?



OUR DEPARTURE DATE HAD BEEN SET.


After more than a year of planning and months of preparation, our family was finally leaving. Tourist lang kami pero itinuring na nina Mommy at Daddy na talagang migration ang mangyayari. Nagbenta na sila ng mga gamit na para bang hindi na talaga kami uuwi. Ang sabi ni Mommy ay bahala na raw pagdating sa Canada. Makikiusap daw sila kay Kuya Zed na gawin ang lahat para mapahaba ang stay namin. 


For sale na rin pati ang Kiss Bar, my dad's small restaurant bar in Pinagtipunan. A gathering spot for teenagers and lovers. Nagsi-serve ng snacks, pasta, non-alcoholic, and light alcoholic beverages. Meron doong tumutugtog na live band tuwing weekend. Nakakalungkot dahil ibebenta na iyon ngayon.


"Zandra, ang mga damit mo na luma ay ipamigay mo na sa mga pinsan mo. Naipangako ko na iyan sa mga tita mo. Wag kang mag-alala, pag nasa Canada naman na ay magpapa-shopping tayo sa Kuya Zed mo. Syempre, bagong bansa kaya dapat bago rin ang mga pang-OOTD."


Tapos na rin ako na mag-impake, pero iyong inimpake ko ay binawasan pa ni Mommy. She didn't want me to carry too many clothes. Hindi naman na ako tumutol dahil ang totoo ay isang linggo na akong hindi makapag-isip nang maayos. Sumusunod na lang ako sa agos.


Wala naman na akong maiaambag sa mga plano dahil kasado na lahat. Aalis na talaga kami. But the question was... Would I actually be able to join my family in leaving the country?



WE WERE LEAVING TOMORROW. Huling gabi na at ngayon lang ako nakabuo ng lakas ng loob para harapin ang kinatatakutan ko. Tumingin ako sa hawak kong phone. No new notifications. Ang kanina lang ay mga farewell message ng kung sino-sinong kakilala at kamaganak, pero wala iyong taong hinihintay ko.


Walang kahit isang sagot mula rito. My anxiety intensified. Just what the heck was that person doing right now?!



THAT PERSON. That person who taught me that the world was full with different individuals. Mga taong kahit matagal mo nang nakakasama ay hindi mo pa rin masasabi na kilala mo na talaga. Dahil ang lahat ay may kanya-kanyang suot na maskara.


'There are so many pretentious individuals that are concealing who they truly are.'


Katulad ng mga taong ang mga ngiti ay minsa'y pagpapanggap lang pala. Na ang pagiging maligalig ay hindi talaga kabuuhan ng personalidad, kundi maliit na bahagi lang. Katulad niya. Katulad ng taong iyon mismo. That person that I thought I would never look for again and would no longer need.


I opened my eyes and was greeted by my room that was almost empty, except for the bed in the middle of it. Ang kama kung saan ilang beses na naging pahingahan ng taong iyon. Tao o lalaki to be exact. Siya na tanging ako lang ang may alam na nakakapasok dito sa kuwartong ito.


A man who used to knock on my window every night, na ilang ulit napagkamalang akyat-bahay ng mga tanod sa baranggay, na ilang ulit kong nalusutang gamit ang aking pinag-isipang mabuti na mga alibi.


Itinatago ko siya sa ilalim ng aking kama kapag may kumakatok sa pinto. Pinaalis bago sumikat ang araw sa umaga, dahil pareho kaming may pasok sa eskwela. Ako sa Dasma at siya ay sa Manila pa. Ganoon kalalim ang pinagsamahan naming dalawa, pero ganoon din kababaw dahil alam kong hanggang doon lang ako para sa kanya.


Natigil ako sa pag-iisip nang sumilip si Mommy sa pinto ng kuwarto ko. "Zandra, aalis muna kami ng daddy mo. Kakausapin niya iyong kaibigan niya na interesadong bumili sa resto bar natin."


Nang umalis na si Mommy ay natagpuan ko ang sarili na humahakbang pasunod sa kanya. I was on the stairs when I overheard her conversation with Daddy in our living room.


"Malungkot ba si Zandra dahil malalayo na siya sa mga naging kaibigan niya sa La Salle? Mabuti na lang talaga dahil wala siyang boyfriend si Zandra. Mas mahirap iyon kung meron."


Yumakap si Mommy kay Daddy. "Hindi ko rin alam diyan sa batang iyan, hindi naman natin pinaghihigpitan, dahil may tiwala naman tayo sa kanya. Saka, okay lang talaga kung magkaka-boyfriend siya sa La Salle. Ang kaso ay wala."


Nakalabas na sila ng main door ng bahay ay nasa taas pa rin ako ng hagdan. Nang marinig ang pag-alis ng luma naming kotse sa garahe ay saka dumukot ang aking kamay sa bulsa ng suot kong walking shorts. Sa loob niyon ay may bagay akong kinuha at pinakatitigan. Ang bagay na ilang beses ko pang kinatakutan noong una na tingnan.


Napabuga ako ng hangin. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Ini-lock ko ang pinto saka pumara ng tricycle na dumaan. "Kuya, sa may Bacao po."


I had no idea where it was exactly, but I knew the address. Habang papalapit nang papalapit sa pupuntahan ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, na para bang magigiba na ito.


May ilan akong pinagtanungan at itinuro naman agad kung saan ang pakay ko. Sinabi ko iyon sa tricycle driver. Sa tapat ng isang up and down na modern house kami napadpad. Dito na rin ako nagpababa. Ang gate ay bakal na kita ang garahe sa loob. Madilim, walang kailaw-ilaw, at may takip na ang kotse na doon ay nakaparada. Nanlalamig ang mga kamay na pinindot ko ang doorbell.


Bumukas ang ilaw sa harapan. Lumabas ang isang matandang babae na ang edad ay nasa 70s na siguro. Sinipat ako nito ng tingin. "Ano iyon, Nene?"


"Nandiyan po ba si..."


Inunahan na ako nito sa pagsasalita. "Ah, ang apo kong si Tisoy? Ay, oo. Nasa loob!"


Niyaya ako nito na pumasok na magalang ko namang tinanggihan. "Thank you po, pero hindi na po, La. Pakisabi na lang po sa kanya na hinihintay kamo siya rito sa labas ni Zandra."


"Zandra?" Ngumiti ang matanda. "Kow, ang ganda naman ng pangalan mo, Nene. Parang iyong sa anak ni Zuma!"


Hindi ba si Galema ang anak ni Zuma? Ngumiti na lang ako sa matanda. Ito ang lola niya. Nabanggit niya na noon sa akin na dito na nga ito nakatira.


Pumasok na ang matanda ng bahay. Bumalik naman ang kaba ng dibdib ko. Kung kanina ay nanlalamig ang mga palad ko, ngayon ay namamawis na sa kaba ang mga ito. Mahigit dalawang linggo rin nang huli, anong sasabihin ko kapag nagkaharap na ulit kami?


Lumayo ako sa gate para magpalakad-lakad. Madilim pa rin kahit nanatiling bukas ang ilaw sa patio, kaya hindi ko makita kung bumukas na ba ulit ang pinto. Mga ilang minuto pa bago ako makarinig ng kaluskos. Napatuwid ako sa pagkakatayo.


Mula sa gate ng bahay ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Kahit bahagyang madilim ang paligid ay ramdam ko ang bigat ng mga titig niya sa akin.


Nang masinagan na siya ng liwanag ng lamppost ay saka ko nabistahan ang itsura niya. Naka t-shirt ng plain white, striped na pajama sa pang-ibaba, at house slippers sa paahan. Ang buhok niya na medyo mahaba na ay magulo, parang kababangon lang sa kama.


He smelled good. Clean and fresh, but I also smelled something else. He always had a pleasant scent, so I could easily notice even the faintest traces of smoke and alcohol in him. Tumiim ang mga ngipin ko. Kung nag-iinom lang pala siya at nagsi-siesta, bakit hindi siya nakapag-aksaya man lang ng panahon para mag-check ng phone niya?


I was annoyed but I still spoke calmly, "Didn't you receive my text?"


Nagtutule lang siya gamit ang hinliliit na daliri, nasa itsura ang pagkabagot.


"I texted you," pigil ang inis sa boses ko. "Hindi lang ngayon ako nag-text kundi kahapon pa. Hindi mo ako nire-reply."


"Bakit hindi mo subukang tawagan?" tamad na tanong niya. "Para malaman mong naka-off. Kasi sira, di ba? Sinira mo. Tinapakan mo. Hindi mo tinigilan hanggang hindi wasak ang screen ng phone ko."


My palms clenched but I did my best to remain calm. "Tuloy na iyong pagpunta ng pamilya ko sa Canada. Bukas na."


"E di take care."


Nang tumalikod na siya ay nag-panic ako. Really? Was he just going to leave me here? He didn't bother asking why I was here or what I needed from him?!


Nakatalikod na siya para bumalik sa bahay nila nang magsalita ako. "Buntis ako."


Sandaling napapikit ako nang mariin. Hindi sana sa ganitong paraan ko sasabihin, pero nag-panic ako dahil aalis na siya. Pagdilat ko ay nakahinto na siya pero hindi sa akin lumingon.


"L-look, Miko... H-hindi ko alam kung paano nabuo. Siguro ay pumalya ako ng isang araw sa pag-take ng pills, hindi ko pa na-check dahil natatakot ako. Nauna pa akong mag-PT kanina. Three test at pare-pareho. Nakalusot nga. Buntis ako. I didn't expect it and I—" Natigilan ako dahil wala man lang siyang reaksyon. Nakatalikod pa rin. "Didn't you hear me? I said I'm pregnant..."


"Ano ngayon?"


Gimbal ako sa sagot niya. "W-what?"


Nang lumingon siya sa akin ay may naglalaro ng mapanuyang ngiti sa mga labi niya. "Ang sabi ko, ano ngayon? Ano ang gusto mong gawin ko?"


Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa reaksyon at mga salitang binitiwan niya. Gusto ko siyang sampalin pero wala naman iyong maitutulong sa sitwasyon. Tumango na lang ako. "W-wala. Pumunta lang ako rito para malaman mo."


"Oh, alam ko na. What's next?"


Sinikap kong magpakatatag kahit para na akong mabubuwal mula sa aking pagkakatayo. "I-iyon na iyon. Nasabi ko na. Thank you for your time."


Tinalikuran ko na siya bago pa kumawala ang mga nagbabantang init sa mga mata ko. Dang, I really went here for nothing.


Nakakailang hakbang na ako nang marinig ko siya na magsalita. "Zandra."


May nabuhay na kung ano sa dibdib ko, para lang agad ding mamatay nang marinig ang kasunod na sasabihin niya.


"If you do not want the child, you can give it to me."


Nanigas ako sa pagkakatayo, na ni hindi ko siya magawang lingunin.


"You know, I'm not only your toy; I'm also your trash can."


Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nasa mga labi niya ang isang mapait na ngiti.


"You didn't just play with me. Tinatapunan mo rin ako ng mga bagay at emosyon na ayaw mong makita ng iba, di ba? And you can still do it now, kahit pa late game na."


Tumunog na ang gate nila senyales na binuksan niya na ulit ang gate nila. Babalik na siya sa loob. Ang kaninang kaba at sakit sa dibdib ko ay napalitan ng ibayong paninikip. How dare he?! Although this was not planned, this was not something to be discarded like that!


At bakit parang siya pa ang galit? Na parang sa aming dalawa ay ako lang iyong nananakit?!


Miko had entered their gate and was about to close it. Ganoon-ganoon na lang, iiwan niya na ako?! Ang emosyon ko ay napalataas. Naglalatang ako sa galit. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at tinadyakan ang gate nila bago niya pa maisara. Bumadha ang gulat sa kanyang mukha.


Dahil hindi inaasahan ay na-out of balance siya. Bumagsak siya paupo sa lapag habang nakatingala sa akin habang pinanlalakihan ng mga mata.


Pumasok ako sa gate nila. "You want to have the baby, right?"


Tigagal pa rin siya sa akin.


Matabang ko siyang nginitian. "Sure, get the baby. But I'm sorry to say that it's a package deal!" Dahil wala naman na akong ibang mapupuntahan, hindi ko kayang harapin ang aking mga magulang, kaya ang aking option ay ito lang.


Napanganga si Miko. Lalo nang dakmain ko ang kuwelyo niya at hilahin siya patayo. "'You hear me? Kahit nakakasuka, wala tayong choice kundi pagtiyagaan ang isa't isa!"


Ang gulat sa mukha niya ay iglap na nabura. Sa kapirasong liwanag ay nakita ko ang pag-iiba ng kislap sa mga mata niya, kislap na hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin, pero kislap na may dilim.


Napabitiw naman ako sa kuwelyo niya dahil nang umayos siya ng tayo ay hanggang leeg niya na lang ako.


"Deal," he said in a cold tone that sent a shiver through my entire being.


Ngayon ko naalala ang isang bagay, na nasa loob ang kulo ng taong ito. But, unfortunately, it was too late to for me as I had already entered his den and even proked him.


Yumuko siya sa akin, ang isang kamay niya ay marahang umangat papunta sa leeg ko, at magaan na sinakal ako. "Okay, let's play this game."


"O-okay." I summoned all of my remaining strength just to give this man a fake smile, although I felt like a deer in the presence of a sly beast. Yes, that was the best term to describe him.


Michael Jonas Pangilinan was like a huge tiger, that despite appearing harmless, and calm, was ready to devour me at any time!


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top