Chapter 29
TWO MONTHS.
I hadnt seen Miko in two months. Tandang-tanda ko pa nang aking sagutin ang tanong niya kung paano raw iyong nangyari sa amin, and I told him that he had nothing to worry about and that what had happened between us was nothing more than closure.
Halos magbuhol ang makakapal at itim na itim na mga kilay niya. His eyes darkened, and his jaw clenched many times. I was almost overwhelmed by his glaze; fortunately, he was the first to look away.
Ang mga labi niya ay bumukas-sara, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya naisaboses. Napahilamos na siya ng palad sa kanyang mukha at marahas na bumuntong hininga. He looked mad. That was not the reaction I had expected from him, but it was not bad. I did, at the very least, hurt his pride.
Pagkaalis niya noong huling umaga na iyon ay binura ko na ang number niya sa aking phone, blocked na rin siya sa lahat ng aking social media, at palagi na ring naka-lock ang aking bintana. Maski kurtina niyon ay palagi nang nakasara.
Kung dati ay naiinis ako kapag bukang-bibig ni Mommy ang tungkol sa pagtu-tourist namin papuntang Canada, ngayon ay hindi na. Kahit pa alam kong hirap na hirap si Kuya Zed sa pag-iipon ng pera at pag-aasikaso, gusto ko na lang maging selfish at ma-excite sa pag-alis namin. I desperately wanted to get out of the country, even for a few months.
DESPIDIDA PARTY. Ewan ko kung bakit may despidida pa, samantalang magtu-tourist lang naman kaming pamilya sa Canada. Si Mommy ang nakaisip nito. Ibinawas niya sa pocket money namin ang paghanda sa party.
All of my relatives were present, including distant cousins. Of course, Dessy and her sister were among them. Paiwas na ako nang habulin niya ako hanggang sa kuwarto ko. Muntik ko pa siyang maipit sa pinto dahil sa bigla niyang pagpasok. "Hi, Pretty Zaza!"
Nakapasok na ito at deretso upo sa kama ko. Gusto ko itong sawayin, dahil nitong nakaraan ay naging maselan na ako. Naiirita agad ako kapag narurumihan ang higaan ko. Kahit nga ako mismo ay nakakailang ligo muna bago sumasampa sa aking kama, tapos siya ay mula sa labas, deretso agad sa kama.
"Dito muna ako, ah? Init sa baba saka andaming tao, nakakasora," nakangiting ani ni Dessy sa akin. "Saka uy, aalis na pala kayo, ano? Magiging Canadian na raw kayo sabi ng mommy mo. Kainggit."
Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay humiga na sa aking kama habang yakap-yakap ang unan ko. "Sa CVSU ako nag-aaral. Ikaw, sa La Salle, ano? Doon din dapat ako, kaso sayang ang kupit ko sa tuition kung magpa-private ako."
Nang mangalay ako ay naupo na lang ako sa aking ottoman chair. Humalukipkip at hinintay kung kailan aalis si Dessy. Pero mukhang magtatagal pa siya dahil marami pang kuwento.
"Uy, Zaza," baling niya sa akin. "May narinig pala ako sa isa sa mga tropa ko, naging kayo raw ni Arkanghel del Valle? Iyong grey ang mata na pinsan ni Isaiah Gideon. Satrue ba?"
"Wag mong paniniwalaan lahat ng naririnig mo," masungit kong sabi.
"Sus, ako lang naman ito kaya wag ka na mag-deny. Pero umalis na raw iyong Arkanghel na iyon ngayon. Ampon lang pala at mayaman daw talaga. Totoo nga sigurong may lahi iyon kasi grey ang mata. Sayang, sana di mo na pinakawalan pa!"
Dumapa si Dessy sa kama para makatingin sa akin. "Uy, Zaza, 'nga pala, nakikita mo ba sa La Salle iyong ex mong si Hugo? Doon din ngayon pumapasok ng college. Engineering si hambog. Uy, kumusta na ba iyon?"
"Ewan. Di ko siya nakikita." Ang laki ng DLSU Dasma para magkita kami ni Hugo. At pakialam ko ba rito?
"Aw!" Napasimangot si Dessy. "Pero oy, may chismis pala ako. Narinig ko noong last time na nag-inuman ang tropa ni Hugo, tinutukso kamo siya. Matagal na pala siyang may crush kay Sussie. Kilala mo iyon, di ba? Si Susana Alcaraz. Friends pala ang family nila kaya childhood sweethearts sila. Kaya siguro babaero si Hugo, kasi alam niya sa sarili na kay Sussie rin siya sa huli."
Sina Sussie at Hugo? Nakita ko na minsan ang mga ito na magkasama, pero parang magkapatid lang naman ang galawan ng dalawa.
Nagpatuloy sa chismis niya si Dessy. "Sa huli nga lang, ang pinili ni Sussie ay si Arkanghel. Pero dahil wala na ngayon si Arkanghel, nililigawan na ni Hugo si Sussie. Sila na nga yata ang magka-live in ngayon. Balita raw kasi ay kina Sussie na palagi natambay si Hugo."
Nang wala akong comment ay binato ako ni Dessy ng unan. "Oy, anong feeling, Zaza? Mga boys na bet mo, napunta sa malditang chubby? Maldita talaga iyon si Sussie, mana sa best friend niyang pokpok na si Carlyn. Medyo maganda lang reputasyon niya kasi nadaan niya sa talino."
"Puwede bang umuwi ka na lang?" naiirita nang sabi ko kay Dessy. Hindi ko na kinayang tiisin pa siya.
"Hmp. Mamaya na. Ngayon na nga lang tayo nag-bonding na mag-cousin, e. Ito na lang, may kilala ka basa La Salle na Harry Caesar Aragon? Architecture. Puta, ang guwapo kamo, crush ko iyon!"
Napatakip na ako sa ilong ko. Bukod sa walang kuwentang chismis ni Dessy ay nagsisimula na akong mabahuan sa gamit niyang perfume. Parang gusto nang bumaliktad ng aking sikmura.
"Ang kaso, ang type ni Harry ay ang best friend kong si Jillian," patuloy niya. "Kainis nga, kasi magpinsan sila, pero gagi, pinatulan ang isat isa. Akala nila, wala akong alam? Ew, nababasa ko kaya text nila sa isat isa, saka nahuhuli ko silang magka-holding hands. Kadiri talaga, gago. Kung sino pa iyong matitino sa school, sila pala talaga iyong may mga tinatagong baho."
Sa lahat ng mga dalang chismis ni Dessy ay wala na akong komento. Hindi na rin ako humihinga. Hanggang sa ang babae na sa huli ang mabuwiset at manawa. Padabog siyang lumabas ng kuwarto ko matapos ang sabihan ng boring kaya wala raw nagkakagusto sa akin.
TAPOS NA ANG DESPIDIDA PARTY. Maagang natapos dahil tanghali pa lang ay nag-umpisa na. Dito na sa amin nananghalian at nagmeryenda ang lahat, pero sa dinner ay wala na kaming maipapakain na handa, kaya nagpanggap na si Mommy na masakit ang ulo para magsiuwian na ang mga bisita.
Kinatok ako ni Mommy sa aking kuwarto bandang 7:00 p.m. "Zandra, nakalimutan ni Dessy iyong paper bag ng Watsons na dala niya kanina. Baka hanapin niya. Isunod mo sa kanila."
Ano? Pupunta ako kina Dessy? Patulog na sana ako dahil mula nang maka-graduate ay pahinga is life ako. Hobby ko ngayon ang magtutulog maghapon. Gigising lang kapag kakain.
"Sige na, habang di pa ganoon kagabi. Kailangan ko rin kasi iyong hinihiram ibibigay sa aking maleta, padala ng mama nila. Kulang kasi ang maleta natin, para di na tayo bumili. Wala na rin tayong pambili."
Hindi na ako nakaangal. Naubos kasi maski ang itinatabi nitong pera dahil may mga humabol pang bisita noong bandang meryenda kanina. Nag-jacket na lang ako at nagpa-special sa tricycle papunta kina Dessy sa Buenavista.
Dahil may birthday-han sa kanto, may mga tent doon at mga mesa ng nag-iinuman, kaya hindi makapasok ang tricycle hanggang sa looban. Napababa na lang tuloy ako para lakarin ang papunta kina Dessy.
Sa daan ay may mga nakatambay. Nakilala ko iyong isang malaking lalaki na nakasandal sa motor, ito iyong Bimbo. Nang makita ako nito ay naglabas agad ng cell phone at nag-type roon. Hindi ko ito pinansin at nagmabilis na ako sa paglalakad.
Himala dahil walang mga tambay at walang mga nakaparang motor sa bakuran nina Dessy. Siguro dahil bakasyon, kaya bakasyon din ang mga manginginom at sunog baga. Binuksan ko ang kalawanging bakal na gate at pumasok na ako sa loob.
Madilim ang daan papunta sa bahay pero maliwanag ang sala. Pagpasok ko roon ay aking nakita agad si Dessy na may masinsinang kausap. Napatda ako nang makilala ang lalaking seryoso ang ekspresyon ng mukha, si Hugo Emmanuel Aguilar na ex ko!
Mukhang hindi maganda ang pinag-uusapan. Paiyak na nga si Dessy. "Hugo naman, ngayon ka na nga lang ulit nagawi rito, maniningil ka pa. Alam mo naman iyong nangyari, di ba? Na-raid itong bahay namin pagkatapos ng high school graduation natin. Mula noon, hanggang ngayon ay galit pa rin sa amin ng ate ko ang ermat namin. Sa lola na namin nagpapadala ng remittance, tapos nirarasyunan na lang kami rito ng lola namin ng budget linggo-linggo."
Napatigil lang ito nang makitang nakatayo ako sa pinto. "Inutusan lang ako ni Mommy na dalhin itong naiwan mo sa amin," mabilis na sabi ko sabay angat ng hawak na paper bag ng Watsons. Mga skincare niya ang laman.
Namulsa si Hugo sa suot na cargo shorts. "Whoa, nice. May pang-skincare, pero walang pambayad ng utang."
Inilapag ko ang paper bag sa may sofa. "Dessy, nag-chat pala iyong mama mo kay Mommy, may ibibigay na maleta. Kunin ko na lang daw dito sa inyo. Alam mo na raw iyon."
"Ah, iyong maleta!" Nangislap ang mga mata ni Dessy. Nakakita ng escape route. "Teka, sandali, kukunin ko!"
Pagkaalis ni Dessy ay hinarap ako ni Hugo. Wala naman itong sinasabi, basta nakatingin lang. Even though his voice was arrogant earlier, there was a noticeable change in him today. Siguro nag-mature dahil nga college na.
Tumaas ang sulok ng bibig ni Hugo at napailing pagkuwan. Mukhang magsasalita pa lang ito nang mula sa likod ko ay may biglang humila sa akin. Muntik akong mapatili sa gulat, pero nang tingalain ko ang lalaking nakahawak sa aking braso ay nauwi ako sa pagkatigagal.
Kung seryoso ang ekspresyon ni Hugo ay nakakangilo sa lamig naman ang ekspresyon ng lalaking ito... si Miko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Naghahalo sa mainit na hininga ang amoy ng mint at amoy ng alak.
Nakainom siya? Ang mukha niya ay namumula, mapupungay ang mga mata, at gusot pa ang suot na white plain shirt. But why was he here? And how did he know that I was here?!
Hindi na siya sa akin nakatingin kundi kay Hugo na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa amin. "Hindi si Zandra iyon, kaya lumayo ka kung ayaw mo ng gulo."
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Hugo, bagaman walang sinabi. Iyon ang tagpong naabutan ni Dessy pagbalik nito na bitbit ang maleta. Nagtaka ito nang makita si Miko. Palipat-lipat ang nagtatanong nitong paningin sa aming tatlo.
Hinila naman na ako ni Miko palabas ng pinto. "Ano ba?!" angal ko dahil kailangan kong kunin iyong maleta.
"Anong ano ba?" galit niyang balik sa akin nang lingunin ako. Nasa labas na kami ng bahay nina Dessy, dito sa tapat na kapiraso lang ang abot ng ilaw mula sa bukas na pinto ng sala. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na!"
"Anong pakialam mo?!" gigil na sigaw ko dahil nakakabuwiset siya. Bigla siyang susulpot tapos mangangaladkad agad. Para siyang tanga!
"Bakit ka pumunta rito? Dahil nandito si Hugo?!"
"What?!" Napahumindig ako. Nanginig ako sa galit. "Anong kinalaman ni Hugo? Ni hindi ko nga alam na nandito siya! At kahit pa siya nga ang sadya ko rito, wala ka namang pakialam—"
"Sino ang gusto mo?" tanong niya na nagpatigil sa akin.
Why did he have to ask? Napalunok ako sa intensidad ng titig niya. It was too fierce and arrogant, and it was wearing on my nerves, so I had to say something. "You know who it is. It is Arkanghel and will always be Arkanghel."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, to the point na masakit na, pero hindi ko ipinahalata. I gazed up at him, fearlessly meeting his stare. I had lowered myself too far for this man, and now I wanted to get back up.
"Gusto mo si Arkanghel?" ulit niya sa sinabi ko, sa tonong sarkastiko. "Okay, sige naniniwala naman ako. Pero matanong ko lang sa 'yo, si Arkanghel pa rin ba ang gusto mo habang inuungol mo ang pangalan ko?"
"You jerk!"
Muli siyang ngumisi, iyong ngisi na madilim. "Sa tuwing ginagawa natin iyon, si Arkanghel ba ang iniisip mo? At noong nag-all the way tayo, titi ba ni Arkanghel ang ini-imagine mong naglalabas-masok sa 'yo—"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Para siyang natauhan bigla. Natigilan siya, pero sandali lang ay nag-igting ang panga niya. Dumura siya sa lupa.
"Umalis ka na," nanginginig na sabi ko. My eyes were brimming with tears that I could no longer hold back. "May sadya ako rito at hindi iyon si Hugo, inutusan lang ako ng mommy ko, pero kung alam ko lang na makikita kita rito, sana hindi na ako pumunta. Sana kahit magalit si Mommy, hindi na ako pumunta! Para sana hindi na kita nakita pa!"
Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa isang braso ko ay pahablot ko iyong binawi. Sa lakas ng pagkakahila ko at sa pagkabigla niya ay nabitiwan niya ang kanyang hawak na phone.
Paglaglag ng phone niya sa lupa ay patihaya, namilog ang mga mata ko nang aking makita sa screen na nasa call logs ito. May tinatawagan siya kanina bago pumunta rito, pero hindi niya ma-contact. Hindi niya ma-contact kasi naka-blocked siya. Kasi i-blinock ko siya!
Number ko ang nasa screen, hindi ako puwedeng magkamali. Binura niya sa contacts pero kabisado niya. Sinubukan niya akong tawagan, at hindi ko alam kung ngayon niya lang ba ito ginawa. At hindi ako natutuwa. Iyong galit ko ay parang mas dumoble pa. Dahil ang kapal-kapal ng mukha niya na subukan akong contact-in! Para ano? Para ano, paasahin na naman ako?!
Hindi ako bayolenteng tao, kaya maski ako ay hindi ko makilala ang sarili, galit na galit kong pinagtatapakan sa lupa ang phone niya. Basta, galit ako. Ang emosyon ko ay napakataas at hindi ko mapigilan. Pinagtatapakan ko ang phone niya at hindi ako tumigil hanggang hindi nababasag ang screen.
Habang ginagawa ko naman iyon ay nakatingin lang sa akin si Miko. Ni hindi niya ako pinipigilan kahit nadudurog ko na ang kanyang phone. Nanginginig ako sa galit. Noong kinakapos na ako sa paghinga ay doon lang siya sa akin lumapit. "Tama na," mahinang sabi niya. "Tama na 'yan, Zandra..."
Pinaghahampas ko naman siya. "Anong karapatan mo na pagsabihan ako? Sino ka ba, ha?!" Pinagsasampal ko siya na tinanggap naman niya lahat.
Saka niya lang pinigilan ang magkabilang pulso ko nang pati aking sarili ay nasasaktan ko na rin. "Tama na," mahinahon at masuyong sabi niya. Niyakap niya ako para siya na lang ang mapahampas ko.
Nagpapasag pa rin naman ako. Para akong sinasaniban at ayaw kong magpapigil. Lahat ng galit ko, gusto kong ilabas. Nagsisisigaw ako. Sa lakas ng boses ko ay napalabas na tuloy si Dessy ng pinto. Gulat na gulat ito nang makita akong galit na galit kay Miko.
Mula naman sa gate ay dumating si Bimbo. Napalapit ito. Nang makita ang nangyayari ay hinarap nito si Miko. "Men, tara na," yaya nito. "Tama na muna iyan. Nakainom ka, e. Saka di huhupa galit niyan hanggang nakikita ka."
Dinampot ni Bimbo ang phone na wasak sa sahig saka ibinulsa sa shorts ni Miko. Hinila na siya nito, at ayaw pa niyang sumama noong una. Umiwas ako ng paningin, at doon lang siguro niya na-realize na hanggang nandito siya ay hindi ako kakalma.
"Zandra," baling ni Bimbo sa akin. "Zandra, di ba?" paniniguro nito sa pangalan ko. "Magpapapunta ako ng tricycle dito mula sa labasan, pa-special ka na pauwi sa inyo." Pagkuway kinaladkad na nito paalis si Miko.
Nang maiwan akong mag-isa ay lalabasin sana ako ni Dessy para usisain, kaya lang ay bago pa ito makalabas, may malaking kamay nang humarang sa mukha nito. Kamay ni Hugo.
Kita ko ang pamumutla at takot ni Dessy nang mapabalik agad ito sa loob. Si Hugo naman ay pormal ang mukha na nilapitan ako habang nakapamulsa sa suot na cargo shorts. "Alam ko na. Hindi ikaw iyon, di ba?"
Iyong tinutukoy niya ay iyong sigurong hating gabi sa likod ng simbahan, iyong dapat ay sa amin may mangyayari, but I chickened out. Pero natuloy iyong dapat mangyari, iba na nga lang ang kasama niya.
At mukhang pareho rin kami ni Hugo nang hinala kung sino ang nakasama niya. Napadura siya sa lupa. Diring-diri. "Fuck," gigil na sambit niya.
Fuck. I also wanted to curse. Gusto ko pa ngang isigaw. Naaalala ko na iyong gabi ring iyon ang simula ng lahat, doon nagsimula na nakilala ko si Michael Jonas Pangilinan, hanggang sa nagkaloko-loko na lahat sa buhay ko.
Hinarap ko si Hugo. "I hated you, but I hate you even more since you're also the reason I am suffering. Wala lang, I just want someone to blame. Kasi kung hindi dahil noong gabing iyon, hindi ko naman makikilala ang lalaking iyon. Sana wala ako sa sitwasyong ito ngayon."
Hugo did not react, as if he simply understood that I needed someone to rant to right now, and that someone was him.
Dinuro ko pa siya. "You know what? I used to like Arkanghel del Valle. I'd liked him since the first time we met. I also know now that you like Sussie. Kaya naiinis ako dahil bakit hindi mo agad niligawan si Sussie?! Bakit puro ka lang papansin at panggagago, but you didn't seriously pursue her?! Look what had happened, she fell for Arkanghel!"
Kasi kung gusto niya pala si Sussie, sana pag-transfer ulit nito pabalik ng Gov noon ay niligawan niya na agad. Hindi niya naman ginawa. Hinayaan niyang maging sina Arkanghel at Sussie pa. Kung wala sanang Sussie sa buhay ni Arkanghel, baka sa huli ay mapansin din ako nito, at baka hindi na ako ganoong mapalapit pa kay Miko. E di sana hindi ako ngayon mukhang tanga!
Palagi na lang akong naghahabol sa lalaki. I was pathetic throughout my high school life. I was smart academically but foolish in love. I was only twenty years old, yet I already felt like the unluckiest person in the world.
"Makakalimutan mo rin iyan," narinig kong mahinang sabi ni Hugo.
Napatingala ako rito. Malamlam ang mga mata nito na nakatingin sa ibang direksyon. Who would have thought that this guy could also have this kind of expression.
Pero wala rin itong kuwenta, kaya bakit ba ako nagsasayang ng oras dito? Pare-pareho lang naman ang mga ito. Nagpahid ako ng luha at tumalikod na. Ang kaso, nakakailang hakbang pa lamang ako nang makaramdam ako ng hilo. Bakit? Hindi naman ako nalipasan ng gutom, ah? Hindi rin ako puyat, dahil sobra-sobra pa nga ang tulog ko at pahinga.
Pero nanlalabo nga ang paningin ko. "Zandra!" sigaw ni Hugo na huli kong narinig, dahil pagkatapos ay bumagsak na ang katawan ko sa lupa. Nawalan na ako ng malay tao!
JFstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top