CHAPTER 50

CHAPTER 50

Xia's POV

"Umupo ka na lang sabi. Kami na bahala mag-ayos," sermon sa akin ni kuya. Balak ko kasi sana sila tulungan magbuhat.

"Oo nga. Baka mapaano pa yung baby mo," pagsang-ayon naman ni Stella.

"Ikaw naman yung magaan lang buhatin mo," sabi naman ni Kuya sa bestfriend ko.

"Oo na."

Napangiti na lang ako habang pinapanood sila.

"Ayeeii. Ang sweet naman ni kuya. Kaya Stella wag na wag mo iiwan si kuya, mamatay man ako. Gusto ko magkasama kayo hanggang sa huli," nakangiting sabi ko. Isa sa hiling ko ang maging masaya silang dalawa.

"Hoy! Wag ka nga magsalita ng ganyan. Anong mamatay ka?" sermon sa akin ni Stella pero ningitian ko lang siya.

"May problema ba Xia?" tanong naman ni Kuya.

"Wala naman kuya. Balik na ako sa bahay, doon ko na lang hihintayin si Zander. Tuloy niyo na yung ginagawa niyo," paalam ko sa kanila.

Nagtunggo na lang ako doon sa may gazebo sa garden. Doon ko na lang hihintayin yung asawa ko. Kumuha pa ako ng apple para may kainin ako.

Napahikab ako bigla. Inantok na ako sa kakahintay kaya lumipat ako sa may upuan na nakaswing na pwedeng gawing bed, ibaba lang yung nagsisilbing sandalan kapag upuan yun at ayun nagiging bed na. May silungan na ito kaya hindi ako mabibilad kahit doon ako matulog bukod sa nasa tabi ito ng mga puno. Ginawa ko yung bed at doon ako nahiga para matulog.

Nagising ako nang may maramdaman akong humawak sa buhok ko.

"Bakit dito ka natutulog?" tanong sa akin ni Zander. At dahil inaantok pa ako, pumikit ulit.

"Bumangon ka na diyan. May dala akong apple cake," aniya sabay halik sa akin. Muli akong dumilat at doon ko lang napansin na may hawak pala siyang box. Umupo na ako.

"Homemade?" tanong ko. Yung lalagyan kasi walang tatak. Tinanguan niya ako.

"Gawa nila Bliss," tugon niya. Kaya pala may may nakalagay na cd doon sa ibabaw ng box. Nandoon siguro yung video.

Kukunin ko na sana ito pero nilayo niya yung kamay niya.

"Doon na sa loob. Tumayo ka na diyan," utos niya sa akin kaya kahit tinatamad ako maglakad, napilitan akong tumayo.

"Mahal, buhatin mo ko paakyat," pakiusap ko nung nandoon na kami sa tapat ng hagdan. Bakit ba kasi naisipan  paniya sa taas yung bahay. Saka dapat nagpalagay din siya ng elevator pababa.

"Hawakan mo," binigay niya sa akin yung cake saka niya ako binuhat na katulad sa bagong kasal. Pagkapasok namin sa loob umupo siya agad kahit hindi pa niya ako binaba.
Tatayo na sana ako pero niyakap niya ako bigla. Sobrang higpit nga ng yakap niya parang ayaw niya ako bitawan.

"Mahal?" tawag ko sa kanya nung hindi pa rin niya ako binibitawan. Limang minuto na yata ang nakalipas simula nung yakapin niya ako.

"Hmmm?" tugon niya.

"Gusto ko na kumain," sabi ko sa kanya. Mukha kasing wala siyang balak bitawan ako.

Bumuntong hininga siya saka ako binitawan. Alam kong may problema siya kaya sinubukan ko basahin yung isip niya pero nakablock ako sa kanya.

"Ano nangyari sa lakad mo?" tanong ko sabay alis sa pagkakandong sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wala naman. Akala ko ba gusto mo na kumain? Bakit nakaupo ka pa diyan?" pang-iiba niya sa usapan. Ngayon sigurado ako na may nililihim siya.

"Baka nambabae ka ha?" biro ko. Alam ko naman hindi niya magagawa yun.

"Gutom lang yan. Kumain ka na lang," aniya sabay kuha ng cake at punta sa kusina. Sumunod ako sa kanya. Pinaghiwa niya ako ng cake saka ito nilagay sa platito.

"Hindi ka ba talaga magkukwento?" tanong ko.

"Hindi."

"Tatanungin ko na lang sila Trevor."

"Wala silang alam. Umupo ka na dito" aniya sabay lapag ng cake sa mesa. Pinanghila niya ako ng upuan.

"Edi kay Phoenix ako magtatanong" sabi ko nung makaupo ako.

"Wag mo kakausapin ang lalaking yun," pagbabawal niya sa akin.

"Sabihin mo na kasi sa akin. Ano ba nangyari sa lakad mo?"

"Dumalaw lang ako sa CLA. Wag ka na maraming tanong. Kumain ka. Pinaghirapan nilang gawin yan."

Tumusok siya ng maliit na cake sa tinidor at saka sinubo sa akin. Kinain ko na lang yun at  hindi na nagtanong.

"Ang sarap. Marunong pala sila gumawa nito?"

"First lang nila gumawa niyan. Nagresearch pa talaga sila kung ano yung pinakamasarap na recipe ng apple cake."

"Talaga? Mamaya panuorin natin yung video nila. Kain ka din," sabi ko sa kanya. Subo kasi siya ng subo sa akin. Tapos siya hindi kumakain. Inagaw ko sa kanya yung tinidor at siya naman yung sinubuan ko.

Pagkatapos namin kainin yung cake na dala niya, nagtunggo kami sa sala para panuorin yung video.

"Ayan ayos na! Hi Xia! Ang gwapo ko no?" bati ni Claude na siyang nag-ayos ng camera. Nilapit pa niya yung mukha niya sa mismong camera.

"Oo na gwapo ka na. Tumabi ka na diyan," rinig kong sabi sa kanya ni Claudine kaya umalis na sa harapan si Claude at nakita ko naman ung tatlo naka-apron habang may mga sangkap sa harapan nila.

"Dito tayo ngayon sa Melancholic Knight's cooking show! Ngayon gagawa kami ng apple cake para sa pinakamamahal ni Zander na si Xia," litanya ni Claude na muli gumitna kila Trevor.

"Pasimple ka Claude. Tumulong ka dito," tawag sa kanya ni Trevor.

"Ano ba kayo? Kailangan may ganito para matuwa si Xia. Ang boring kung walang host," tugon nito.

"Hugasan mo na yung apple tapos balatan at hiwain mo," utos sa kanya ni Trevor sabay abot ng plastic sa kanya. Napilitan tuloy si Trevor na umalis.

"Ehem. Tulad ng sinabi ni Claude, tuturuan ka namin kung paano gumawa ng apple cake. First time namin gagawin ito kaya pagpasensyahan mo na. Suggestions ko sayo ipakita mo ito kay Zander para siya na ang pagawain mo. Mabilis naman yan matuto," sabi naman ni Zander.

"Ang ganda ng suggestion niya. Next time ikaw naman gumawa ha?" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oo naman mahal. Kung gusto mo gawan din kita ng apple icecream, apple shake, apple pie o kung ano mang apple na gusto mo," sabi niya sa akin.

"Sige nga gawan mo ko ngayon," paghahamon ko sa kanya.

"Wala pa tayo gamit mahal. Sa susunod gagawan kita."

"Joke lang mahal. Hindi naman ako nagmamadali. Basta gawan mo ko bago ako mamat--"

"Masama magmura," aniya pagkatapos ako halikan.

"Hindi naman mura yun ah?" reklamo ko.

"Diba sinabi ko na sayo na wag mo sasabihin yung salitang yun?" sermon niya sa akin. Ayaw niya nga pala na sinasabi ko yung mamatay ako.

"Sorry mahal. Nawala sa isip ko," paglalambing ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

"Wag mo na ulit babanggitin yun ha?"

"Opo."

Hinalikan niya ako sa noo. Sabay yakap din sa akin. Pumikit ako at mas lalong sumandal sa dibdib niya.

*****

Zander's POV

Lumuwag bigla yung pagkakayakap sa akin ni Xia. Pagtingin ko sa kanya, tulog  nanaman siya. Kinuha ko yung remote at pinatay yung pinapanood namin saka ko siya binuhat para dalhin sa kwarto. Totoo nga yung sinasabi nila Xavier na madalas tulog si Xia.

Binaba ko siya sa kama saka kinumutan. Bago ko siya iniwanan hinalikan ko muna siya sa noo.

"Mahal, punta muna ako sa kuya mo."

Hindi ko alam kung narinig niya ako pero atleast nagpaalam ako bago umalis.

"Zander," gulat na sabi ni Stella nang makita ako. Tumingin siya sa tabi ko na para bang may hinahanap.

"Wala si Xia. Nakatulog. Si Xavier?" sabi ko sa kanya.

"Nasa loob. Pasok ka," aniya sabay bukas ng pinto.

"Himala! Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Xavier.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko.

"Oo. Konti lang naman gamit namin. Yung iba nauna  ng nadala dito."

"Pwede ko ba kayo makausap?"

"Tungkol saan?"

"Business."

"Sige. Ano ba yun? Upo ka muna," pinaupo niya ako.

"Balak ko sana magtayo ng business," umpisa ko.

"Anong business?" tanong niya.

"Idea ito ni Xia nung kumain kami sa isang restaurant. Gusto niya magpatayo ng business na may apple icecream, apple pie, apple cake at apple shake."

"Si Xia talaga. Basta apple gumagana utak. Ano ba maitutulong ko?"

"Wala akong alam sa business kaya ikaw na lang magpatakbo. Ako magpapatayo at gagastos sa lahat. Payag ka ba na maging business partner namin?"

"Alam mo naman na basta para sa kapatid ko. Payag ako. Ako na gagawa ng business plan," pagsang-ayon nito agad.

"Maganda yan. Kahit dito na tayo may pagkakakitaan pa rin," komento ni Stella.

"Mukha bang walang pinagkakitaan yan si Zander? Hindi yan lilipat dito  kung walang plano. May tagong business yan," sabi ni Xavier.

"Tagong business? Akala ko ba hindi siya magaling sa business?" tanong ni Stella.

"Siyempre meron din siya assistant doon."

"Paano mo nalaman yung tungkol doon?" tanong ko kay Xavier. Alam ko na kasi kung ano yung tinutukoy niya.

"Narinig ko kayo ni Kenji. Ayun pala balak mo kaya ka umalis bilang agent? Mas safe nga naman yun,"  komento niya. Nagpagawa kasi ako kay Kenji ng isang online detective agency. Kung saan nagsosolve ako ng case via online. At dahil bago pa lang nagpatulong muna ako kila Trevor para mas makilala yung online agency ko. Plano kasi  gumawa ng connection sa pulis kahit na hindi nila kami nakikita dahil sila yung pumupunta sa crime scene. Mahalagang makuha namin ang tiwala ng kapulisan habang bago pa.

Itutuloy...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top