CHAPTER 49
CHAPTER 49
Trevor's POV
"Ano nangyari sa dalawang yan? Kanina pa sila ganyan," pansin ni Bliss kila Claude. Tulala kasi yung dalawa parang ang lalim ng iniisip.
"Hindi ko rin alam. Kung nandito lang sana si Zander," tugon ko. Kung kasama namin si Zander sigurado nabasa na niya isip nung dalawa.
"Kamusta na kaya yung dalawa? Bisitahin natin sila kapag nagkaoras tayo," sabi ni Bliss. Tinanguan ko naman siya bilang pagsang-ayon.
"Haaayssttt! Saang lupalop ba ng mundo ang babaeng yun? Bakit hindi ko mahanap?" problemadong sabi ni Claude sabay gulo ng buhok.
"Babae?" tanong naming dalawa.
"Sinong babae hinahanap mo?" tanong ko ulit. May binigay siyang papel sa akin yung kanina pa niya hawak at tinitignan.
"Salamat sa masayang gabi na nakasama kita. Dahil sayo nagawa ko ang isa sa wish ko bago mamatay. Ayun ay ang maranasan ang bagay na yun. Alam mo na yun. Hindi ko nga alam kung ginawa mo lang yun dala ng kalasingan o dahil naawa ka sa kwento ko. Pero kahit ano man yung dahilan mo salamat pa rin, Claude. -Sunshine," basa ko sa nakasulat.
"Sino si Sunshine?" tanong ni Bliss.
"Hoy Claude. Wag mong sabihin na may nangyari sa inyo? At ayun sinasabi niya na ginawa niyo?" hula ko.
"Ganun na nga," tugon ni Claude.
"May nangyari sa inyo ni Sunshine?" gulat na tanong ni Bliss.
"Anong nangyari? Sinong Sunshine?" tanong bigla ni Claudine. Natauhan na siguro dahil sa sigaw ni Bliss.
"Itong kakambal mo. May nagalaw na babae," paliwanag ni Bliss.
"Ano?! Diba sinabi ko na sayo na mag-iingat ka? Sino yung babae? Ha? Suma--" tanong ni Claudine sa kakambal niya habang nakahawak sa balikat ni Claude para harapin siya. Magkatabi kasi silang dalawa.
"Wait lang. Kumalma ka muna. Paano ako magpapaliwanag kung tanong ka ng tanong," awat sa kanya ni Claude. Tumigil naman si Claudine.
"Si Sunshine yung babae. Nakakilala ko siya sa Bar na pinuntahan ko. May sakit daw siya tapos malapit na siyang mamatay. Bago daw siya mamatay gusto niya daw maexperience yung hindi pa niya nararanasan. Ayun sa sobrang kalasingan namin, ginawa namin yung isa sa wish niya," paliwanag ni Claude.
"Paano kung mabuntis mo siya? Ano gagawin mo? Alam ba niya kung ano ka?"
"Yun na nga eh. Kaya ko siya hinahanap dahil doon. Hindi niya alam na ano ako."
Hindi kasi nila pwedeng sabihin ang salitang bampira dahil nadito kami sa police station. Baka may makarinig na bampira kami.
"Babalik naman siguro yun kung mabuntis mo yun. Hindi naman tayo sigurado kung mabubuntis siya," sambit ko.
"Sana nga hindi. Ikaw kasi hindi nag-iingat," sermon ulit Claudine.
"Ikaw ba Claudine? Ano problema mo?" tanong ni Bliss.
"Ako? Wala naman," tugon nito.
"Wala pero tulala ka din katulad ni Claude kanina. Ano iniisip mo kanina?" tanong ko.
"Oo mga kambal. Wag mong sabihin na may umano sayo," sabi naman ni Claude.
"Walang ganun nangyari Claude. Iniisip ko lang kung ano yung gagawin ni Jason," tugon niya.
"Siya nanaman. Sabihin mo sa akin kung pinagtitripan ka nung lalaking yun para masapak namin ni Trevor."
"Hindi ko nga alam."
Napatingin ako sa cellphone ko nung magvibrate ito.
"Si Zander tumatawag," sambit ko saka ko ito sinagot. Nanahimik naman sila Claude habang nag-aabang sa pag-uusapan namin.
"Hello?" bungad ko sa kanya.
"Busy ba kayo? May ipapagawa sana ako sa inyo," tanong niya.
"Wala naman kami masyado ginagawa ngayon. Bakit? May problema ba?"
"Papunta ako ngayon diyan. Hanapin niyo si Phoenix. Kapag nahanap niyo na siya itali niyo o kaya lagyan ng posas para hindi makatakas bago ako makarating," utos niya sa amin.
"Bakit? May ginawa nanaman ba siya?" tanong ko.
"May itatanong lang ako sa kanya tungkol kay Xia," seryosong sabi niya.
"Sige. Kita na lang tayo mamaya. Dadalhin namin sa siya CLA," tugon ko.
"Mahal, sino kausap mo? Kanina pa kita hina--" rinig kong sabi ni Xia pero naputol yun dahil pinatayan ako ni Zander.
"Anong sabi?" tanong ni Bliss.
"Pinapahuli niya sa atin si Phoenix. Mukhang may importante siyang tatanungin," tugon ko.
"Sigurado tungkol nanaman kay Xia yan," sambit ni Claude. Iba kasi talaga si Zander pagdating kay Xia kaya una pa lang tumigil na ako.
"Saan naman natin hahanapin si Phoenix?" tanong ni Bliss.
"Hinanap niyo ko?"
Sabay kami napalingon sa may pinto nang marinig namin ang isang tinig ng lalaki. Nakasuot pa ito ng uniforme katulad sa amin.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Alam kong ipapahanap ako ni Zander. Para hindi na kayo mahirapan ako na mismo lumapit," nakangiting sabi niya sabay pasok sa loob. Umupo siya sa office chair ko. Nakatayo kasi ako kaya nakiupo ang loko. Feel na feel pa niya ung upuan ko.
"Ano ba ginawa mo kay Zander? Bakit pinapahanap ka?" tanong ni Claude. Lumapit pa talaga ito kay Phoenix.
"Wala naman. May nalaman lang sa akin si Xia. Hindi ko naman gusto ipaalam yun pero nabasa niya nasa isip ko. Siya lang nakakagawa nun sa akin," tugon nito.
"Ano naman yun?" pag-uusisa ko.
"Secret. Saan niyo ba kikitain si Zander? Kasama ba niya si Xia?" sagot niya.
"Bakit naman namin sasabihin sayo? Sumama ka na lang sa amin," sabi naman sa kanya ni Claude sabay hila sa kanya palabas. Tinext ko na lang si Zander para sabihin na kasama na namin si Phoenix.
*******
Zander's POV
"Mahal, sino kausap mo? Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala," sabi ng asawa ko. Agad ko pinatay yung tawag bago siya lumapit. Lumabas muna kasi ako para tawagan si Trevor. Ayokong malaman niya yun kaya pumunta ako sa may tabi ng dagat.
"Si Trevor mahal. May pinagawa lang ako. Alis muna ako mahal," tugon ko.
"Iiwan mo ko mag-isa?" tanong niya.
"Ngayon daw lilipat sila Xavier. Sasabihan ko sila na puntahan ka pagdating nila. Parating na siguro sila," sambit ko pero sinimangutan niya lang ako. Alam niya talaga kahinaan ko. Pero kailangan ko umalis.
"Mahal, importante ito. Hindi naman ako magtatagal. Bilhan kita pasalubong. Ano gusto mo?" pangkukumbinsi ko sa kanya. Sana tumalab.
"Makikipagkita ka ba kila Trevor?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Okay gusto ko dalhan mo ko ng mga pagkain na luto nilang apat. Dapat nakavideo habang ginagawa nila yun. Kapag wala ka dala kila kuya ako matutulog mamaya."
"Okay mahal. Alis na ko ha?"
Hinalikan ko siya saglit saka niyakap.
"Sige na. Baka magbago isip ko."
Tulak niya sa akin papuntang sasakyan.
"I love you mahal," sabi ko sa kanya bago sumakay.
"I love you too. Ingat ka mahal," aniya sabay halik sa akin. Nakita ko pa siya sa side mirror ng sasakyan na kumakaway habang paalis ako.
"Tagal mo. Hinahanap na kami sa office," salubong sa akin ni Claude.
"Nasaan si Phoenix?" tanong ko para matapos ako agad.
"Nasa loob," turo niya sa isa sa kwarto dito sa CLA.
"Pwede na ba kami umalis?" tanong ni Bliss.
"Hindi pa. Ipagluto niyo daw si Xia," utos ko nang maalala ko ang pasalubong na hiniling ng asawa ko.
"Uutusan mo kami magluto? Seriously?" tanong ni Claudine.
"Oo. Kuhaan niyo din ng video habang ginawa niyo yun. Para may maipakita ako kay Xia," tugon ko habang nag-iisip ng pwedeng gamitin para mapapayag sila kung sakaling aayaw sila.
"Paano kung hindi namin ginawa?" tanong ni Claude.
"Lalayasan ako ni Xia sa bahay. Doon siya kila Xavier matutulog. Kapag ginawa niyo yan... Bliss at Trevor, sagot gastos niyo sa balak niyo bakasyon sa London. Claudine, sasabihin ko sayo kung seryoso ba talaga sayo si Jason. At Claude, tutulungan kita mahanap yung babaeng nakase--"
"Okay. Wag mo na ituloy. Alam ko na sasabihin mo. Pati pa naman yun alam mo," pigil sa akin ni Claude.
"Gagawin na namin yung sinabi mo. Basta yung sinabi mo ha?" nakangiting sabi ni Bliss.
"Bili na kami ng ingredient. Gawa na lang kami ng apple cake," sabi naman ni Claudine. Tinanguan ko siya kaya umalis na sila. Ako naman pumasok na sa kwarto kung nasaan si Phoenix.
"Alam mo na siguro ang ipinunta ko dito?" tanong ko kay Phoenix. May kakayahan kasi siya malaman ang mangyayari sa pamamagitan ng panaginip.
"Gusto mo malaman kung sa paano paraan mamatay si Xia? Para mapigilan ito," tugon nito.
"Sabihin mo sa akin lahat."
Tumayo siya bigla habang nakangiti. Kahit kailan hindi ko siya maintindihan. Hindi ko kasi mabasa isip niya. Hindi ko nga alam kung paano nagawa ni Xia na makita ang bagay na yun.
"Mamatay siya dahil sayo. Kung gusto mo hindi mangyari ang bagay na yun, wag ka mamatay. Ayun lang masasabi ko. Hindi ko alam kung mapipigilan niyo ang nakatadhana. Nasa inyo na yun," aniya sabay lakad papuntang pinto. Huminto siya saglit.
"Ah! Bakit hindi mo tanungin si Sir Takeshi? Nandito ka din naman. O kaya yung Dad mo. Diba kaya din nila makita ang hinaharap?" suhestiyon niya bago tuluyang lumabas.
Pinag-isipan ko mabuti kung susundin ko ba yung suhestiyon niya. At sa huli napagdesisyunan kong sundin kaya nagtunggo ako sa opisina ni Sir Takeshi. Sakto nga dahil nandoon din si Dad.
"Nakakagulat kang bata ka. Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok? Tinuruan naman kitang kumatok," litanya ni Sir. Takeshi. Nasa tabi kasi siya ng pinto kaya nung buksan ko, nagulat siya.
"Ano nakikita niyo sa hinaharap ko?" tanong ko sa kanila agad. Nagtinginan yung dalawa.
"Hmmmm... Hindi maganda ang nakikita ko para kay Xia. Mamatay ka kasama ang mga anak niyo. Maiiwang mag-isa si Xia," tugon ni Sir. Takeshi.
"Hindi mamatay si Xia?" tanong ko. Umiling siya bilang tugon. Napatingin ako kay Dad nang mapansin ko ang hindi niya magandang expression.
"Iba ang nakikita ko," aniya nang magkatinginan kami. Tumayo siya at lumapit sa akin sabay hawak sa balikat ko habang nakatingin ng seryoso.
"Si Xia ang mamatay. Ikaw ang maiiwan kasama ng mga anak niyo. Tingin ko nakadipende sa desisyon niyo kung ano mangyayari kaya magkaiba ang nakikita namin."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top