CHAPTER 44

CHAPTER 44

Xia's POV

Ito na yata ang pinakasamasayang araw ng buhay ko. Ang araw na ikakasal kami ni Zander. Salamat kila Dad dahil sila na nag-asikaso para matuloy ang kasal namin. Karamihan sa mga nandito member ng CLA at AVO. Yung iba katrabaho nila Zander.

Kasalukuyan ako naglalakad sa patungo kay Zander. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Medyo naluluha pa nga ako pero pinigilan ko. Paano kaya kung hindi ko siya nakilala noon? Ano kaya mangyayari sa akin? Matagal na siguro ako patay.

Nilahad niya kamay niya na agad ko naman hinawakan at sabay kami nagtungo sa pwesto namin kung saan katapat namin ang isang pari na kaibigan ni Dad.

'Ang ganda mo. Hindi na ako makapaghintay na matapos ito para masolo na kita,' sabi sa akin ni Zander gamit ang telepathy. Mabuti na lang may belo ako. Hindi masyadong halatang namula ako dahil sa sinabi niya.

'Ikaw nga sa sobrang gwapo mo parang gusto na lang kita itago. Grabe kasi makatingin sayo yung mga babae,' sagot ko sa kanya.

Nag-umpisa na magsalita ang pari pero ito kaming dalawa, nag-uusap gamit ang isip.

'Hanggang tingin lang naman sila. Sayong-sayo lang ako. Ikaw lang ang mamahalin ko kahit gumunaw pa ang mundo.'

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Pasimple ko siyang siniko dahil baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarli ko dahil sa kilig.

"Father, pwedeng pakibilisan. Hindi na ako makapaghintay sa honeymoon namin," aniya bigla na ikinagulat ko. Natigilan yung pari at nagsitawanan yung mga nanonood. Hindi tuloy alam ng pari kung ano gagawin.

"Father, wag niyo po pansinin yung sinabi niya. Ituloy niyo lang po yung ceremony," sabi ko sabay kurot kay Zander. Napailing na lang si Father.

'Bakit ba kasi kailangan ng wedding ceremony? Pwede namang pumirma na lang ng marriage contract,' reklamo ni Zander. Buti na lang hindi siya rinig nung iba dahil nakakahiya.

"Today we have come together to witness the joining of these two lives. For them, out of the routine of ordinary life, the extraordinary has happened. They met each other, fell in love and are finalizing it with their wedding. A good marriage must be created. It is never being too old to hold hands. It's remembering to say I love you every day and it is not just marrying the right person its being the right partner," sambit ng pari. Pinatayo na kami ng pari.

"And now; Mr. Zander Dale Hudson, do you take Ms. Caleigh Xia Knight to be your wife? Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?"

“I do,” sagot ni Zander.

"And Ms. Caleigh Xia Knight, do you take Mr. Zander Dale Hudson to be your husband?
Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?"

"I do," tugon ko.

"Mr. Hudson and Ms. Knight will now exchange rings as a symbol of love and commitment to each other. Rings are a precious metal; they are also made precious by you wearing them. Your wedding rings are special; they enhance who you are. They mark the beginning of your long journey together. Your wedding ring is a circle—a symbol of love never ending. It is the seal of the vows you have just taken to love each other without end."

Lumapit sa amin si Rain dala ang singsing.

"Mr. Hudson, please place the ring on Ms. Knight’s left hand and repeat after me:
As a sign of my love."

Kinuha ni Zander ang isang singsing at sinunod ang sinabi ni father.

“As a sign of my love," ulit niya sa sinabi ng pari.

"That I have chosen you."

"That I have chosen you," tinignan niya ako sa mata.

"Above all else"

“Above all else” aniya sabay ngiti.

"With this ring, I thee wed."

“With this ring, I thee wed," kahit nalagay na niya yung singsing. Hindi pa din niya ako binitawan. Kundi lang nagsita si Father magtitigan na lang kami.

"And Ms. Knight, please place the ring on Mr. Hudson’s left hand and repeat after me:
As a sign of my love," sabi naman ni father sa akin kaya ako naman kumuha ng singsing at humawak ng kamay ni Zander.

“As a sign of my love," pag-uulit ko. Gusto ko na nga sana ituloy para mabilis dahil alam ko na naman yung sasabihin.

"That I have chosen you"

"That I have chosen you” pag-uulit ko habang nakatingin sa mga kamay ni Zander. Ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Above all else"

'Bakit ayaw mo tumingin sa akin?' tanong sa akin ni Zander sa isip ko kaya napaangat ako ko ng ulo.

“Above all else," sambit ko. Ngumiti siya nang magkatinginan kami kaya naawa na din ako sa ngiti niya.

"With this ring, I thee wed."

“With this ring, I thee wed,” sabi ko habang nakangiti.

"Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have- the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," sabi ni father. Hindi na nagsayang ng oras si Zander. Tinaas niya ang belo ko at binigyan ng isang matamis na halik.

"Hoy nasa simbahan pa tayo. Mamaya niyo na ituloy yan," sigaw ni Kuya. Naitulak ko tuloy si Zander dahil natauhan ako. Parehas kami ng hahabol ng hininga dahil sa tagal namin naghalikan. Narinig ko na lang ang tawanan at pang-aasar nila Claude kay Zander.

******

Third Person's POV

"Mr. Tan, alis na po tayo. Malapit na po ang flight niyo," sabi ng secret ni Mr. Tan. Kasalukuyan silang nasa labas ng simbahan kung saan masayang lumabas sila Zander at Xia.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Mr. Tan nang makita niyang maghalikan ang dalawa.

"Hahayaan ko muna sayo si Xia pero sa pagbalik ko kukunin ko siya sayo," sambit niya habang nakatingin kay Zander. Muli niyang sinulyapan si Xia bago ito sumakay.

Patunggo siya ngayon sa America upang mas mapag-aralan ang business na minana niya sa kanyang ama na walang iba kundi ang paggawa ng artificial vampire. Nung una wala siya alam tungkol sa ginagawa ng kanyang ama. Nalaman na lamang niya ito nang pumanaw ito at siya ang pinalit president.

Hinayaan na lang niya ang secretary ng kanyang ama na magmanage doon dahil mas nakakaalam ito. Subalit natuntong ng CLA ang main laboratory nila at pinatay ito. Ngayon magtatago muna sila sa America habang pinag-aaralan niya ang tungkol sa Artificial Vampire dahil may posibilidad na mahanap din siya.

Samantala, napalingon si Xia sa sasakyan nang mapansin niya ito.

"Mauna na kami sa reception," paalam ni Zander habang hawak-hawak ang kamay ni Xia.

"Mag-iingat kayo," paalala ng ina ni Xia. Pinabuksan ng pinto ni Zander si Xia.

"Sakay ka na," sambit nito. Pagkasakay ni Xia sinara niya ang pinto saka sumakay. Hindi sila kumuha ng driver kaya si Zander na mismo ang nagmaneho ng sasakyan nila.

"Mahal, ayos lang ba sayo kung tumira tayo sa probinsya? Yung malayo sa maraming tao?" tanong ni Zander sa kanyang asawa.

"Oo naman. Mas gusto ko nga yun. Payapa lang," sagot ko.

"Mabuti naman," nakangiting sabi nito dahil may binili itong lupa sa Ilocos. Balak niya magpatayo ng bahay sa tabi dagat. Pinili niya talaga ang lugar na hindi masyado napupuntahan ng mga tao.

"Bakit?"

"May binili kasi ako lupa sa Ilocos. Papatayuan ko ng bahay kaya tinanong kita dahil doon na tayo titira kapag natapos yun. Doon tayo bubuo ng pamilya," nakangiting sabi ni Zander.


"Ilang anak ba gusto mo?" nakangiting tanong ng asawa niya.

"Kahit ilan basta ikaw yung ina at ako yung ama."

"Malayo pa ba tayo?" tanong bigla ni Phoenix habang humihikab. Biglang napapreno si Zander dahil hindi nila napansin na natutulog sa loob ang binata.

"Phoenix, ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Xia.

"Natutulog pero nagising ako sa usapan niyo. Pwede ba ako sumama sa inyo sa lilipatan niyo?"

"No," sagot agad ni Zander. Tinignan niya ng masama si Phoenix.

"Hindi ikaw tinatanong ko. Si Xia."

"Wala akong paki kung sino tinatanong mo. Basta bawal asungot sa titirahan namin."

"Hindi ako asungot. Hindi ko talaga maitindihan kung bakit ikaw napili ni Xia. Mas gwapo  naman ako sayo. Saka ang sungit-sungit mo. Daig mo pa yung babaeng  may dalaw."

Bumababa  ng sasakyan si Zander saka pinabuksan ng pinto si Phoenix.

"Baba!" utos niya dito.

"Ayoko nga. Kung gusto mo ikaw  ang umalis dito. Tutal nakababa ka na," sagot sa kanya ng binata.

"Wag mo inuubos ang pasensya ko. Kung ayaw mong maging yelo," inis na sabi ni Zander.

"Hayaan mo na siya mahal. Malapit na din naman tayo sa pupuntahan natin," singit ni Xia. Walang nagawa si Zander kundi sundin ang asawa nito. Ayaw naman niya magalit sa kanya si Xia. Padabog niyang niyang sinara ang pinto saka bumalik sa inuupuan niya.

"Ano ba kailangan mo kay Xia? Bakit lagi ka nakabuntot sa kanya?" tanong ni Zander habang nagmamaneho. Simula nung nakasama nila ang binata lagi itong nakasunod kay Xia.

"Pansin mo pala yun," sabi nito saka tumawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo."

Sumeryoso naman ang binata.

"Nasa kanya ang puso ng ate ko. Gusto kong bawiin yun oras na mamatay siya," sagot nito.

"Ate mo yung asawa ni Sir Navarro?" gulat na tanong ni Xia.

"Yeah. Kundi niya pinili ang lalaking yun, buhay pa sana siya. Mas ginusto niya maging bampira para lang makasama iyon."

"Paano nangyari yun? Diba tao siya?" tanong ni Xia.

"Ginagawa siyang bampira ng bampirang kumagat sa kaniya. Pero iba ang nangyayari sa katawan ng isang tao kapag ganun, kumpara sa Artificial Vampire. Sila maging bampira talaga. Hindi sila pwede tumayo sa arawan dahil masusunog sila kumpara sa Artificial Vampire," paliwanag ni Zander.

"Hindi na din naman big deal yung araw sa inyong mga bampira dahil nakakaimbento kayo ng pangontra doon," sambit ni Phoenix.

"Limitado lang ang ginagamit naming pangontra."

"Pati pa naman yan pagtatalunan niyo?" awat ni Xia sa dalawa bago sila magkainitan ulit. Natahimik naman ang dalawa dahil pareho nilang ayaw magalit si Xia.

Itutuloy...

Author's note: Next time ko na lang sila gagawan ng info about sa mga power na meron sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top