CHAPTER 43

CHAPTER 43

Xia's POV

Handa na sana ako labanan yung mga robot nang lampasan ako nito at diretsong inatake si Zander. Agad siyang naglabas ng yelo saka tumalon palayo. Nagyelo ang mga kamay ng robot pero tuloy pa rin ito sa pagsugod.

Nagkatinginan kaming dalawa ni kuya dahil naiwan kaming nakatayo habang tinitignan ang mga robot na sinusugod sila Claude. Bakit sila lang? Bampira din naman kami.

"Siguro hindi nila tayo sinusugod dahil artificial vampire lang tayo. Katulad pa rin sa tao ang katawan natin bukod sa may katangian tayo na katulad sa bampira," sambit ni kuya. Tumango na lang ako.

"Edi madali natin sila mapapatumba kung hindi nila tayo aatakihin," tugon ko. Humarap ako kila Zander. Isa-isang pinalutang ang mga robot sa ere.

Sinuntok ni Claude ang iba dito gamit ang kamao niyang may apoy habang ginagawa naman yelo Zander yung mga robot. Kapag alam kong sira na yung robot, hinahayaan ko na lang silang bumagsak.

Nakatayo lang kami doon nang dumating si Sir Hayato. Palapit ito sa amin.

"Shirayuki!" tawag niya sa akin. Nagkatinginan kami.

'Pasabugin mo itong building. Marami pa silang nakatagong robot. Mukhang hindi natin sila madaan sa pakiusapan,' sabi niya sa akin sa isip ko. Tinanguan ko siya.

"Iwan niyo na lang ako dito. Mauna na kayong lumabas," sabi ko sa kanila.

"What?!" sabay na sabi nina Kuya at Zander.

"Sundin niyo na lang siya. May pinagawa ako sa kanya," sabi sa kanila Sir Hayato sabay hila sa kanila.

"Sasamahan ko siya," reklamo ni Zander.

"No. Wag ka mag-aalala, ayos lang si Xia. Tatapusin lang niya yung misyon natin. Tulungan niyo ko mailabas yung mga empleyado at bihag nila."

'Mag-iingat ka. May dalawang member pa ng Zodiac sa loob. Sasabihan kita kapag papasabugin mo na,' paalala sa akin ni Sir Hayato. Tumango ulit ako bilang tugon.

"Ano pinag-uusapan niyo? Alam kong kinakausap mo siya sa isip," tanong ni Zander sa Dad niya habang hila-hila siya nito.

"Sinabi ko lang na mag-iingat siya," tugon nito. Pinanonood ko lang sila habang palayo hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Nabalutan ng katahimikan sa kinatatayuan ko.

May narinig akong tumatakbo palapit sa akin.

K
"Sigurado ka bang dito siya nagpunta?" tanong lalaki sa kasama nito.

"Oo. Sigurado ako," sagot ng isa sa kanila. Unang tingin ko pa lang sa kanila alam ko na sila yung natitirang member ng Zodiac.

At dahil hindi nila ako kita, hindi nila napansin ang pagharang ko. Pagkalapit nila sa kinatatayuan ko bigla silang tumalsik at nagkaroon ng sugat. Naramdaman ko nanaman na parang may umiikot na hangin sa akin. Parang pinoprotektahan ako nito na kapag may lumapit sa akin agad itong tumatalsik.

"Sino nandyan? Magpakita ka! Wag kang duwag," sigaw ng isa kanila nang makatayo ito. Pero wala akong balak magpakita sa kanila.

"Wala ako balak makipaglaban sa inyo. Nandito ako para sirain lahat ng plano ng boss. Alam kong sinusunod niyo lang siya dahil hawak niya ang pamilya niyo. Pwede ko kayo tulungan para mabawi sila," paliwanag ko sa kanila.

"Tingin mo ba maniniwala kami sayo? Magpakita ka muna?" sigaw nito. Napabuntong hininga ako saka pinatay ang invisibility ng jacket ko. Hindi pa rin naman nila kita ang buong mukha ko pero kita nila ang mata ko.

"Iba ang mata mo. Hindi ka bampira," komento ng isa sa kanila.

"No. Bampira ako pero iba ako sa inyo," sagot ko na lang.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Isa akong Artificial Vampire."

"Ikaw! Ikaw ba yung babaeng nakaligtas pagkatapos operahan sa puso? Yung sinabi nilang kaisa-isang nabuhay pagkatapos nila lagyan puso ng bampira?" tanong ng kasama nito.

"Ako nga yon. Isa din ako sa biktima nila pero hindi ako naging artificial vampire dahil doon. Noon pa lang may nabubuhay ng Artificial Vampire pero konti lang sila dahil napigilan din nila ang paglikha nito. Hanggang sa muli nanaman sila nag-umpisa magpaexperiment. Patuloy kami dumadami dahil sa kanila pero isa pa ring lihim ang tungkol sa amin. Oras na malaman ang sikreto kung paano kami nalikha, ikakapahamak lamang yun ng lahi niyo."

"Totoo nga ang Artificial Vampire."

"Shirayuki, umpisahan mo na," rinig kong utos sa akin ni Sir Hayato sa earphone ki.

Binuksan ko ulit ang invisibility ko.

"Umalis na kayo dito," sabi ko sa kanila.

"Tutulong kami."

"Kaya ko mag-isa ito. Nasa labas na ang mga kasamahan niyo at iba pa," sambit ko saka tumakbo papunta sa boss nila. Alam ko naman kung saan yun.

Pagkadating ko sa pinakadulong pintuan, nakita ko ang mga nagkalat na robot at isang matandang lalaki.

"Ikaw? Ikaw ang nasa likod ng lahat," sambit ko. Nakahawak ito sa tagiliran niya na nagdudugo.

"Sino ka? Bakit hindi ka inaatake ng mga robot?" gulat na tanong niya.

"Who knows?" tugon ko saka lumapit sa kanya. Bigla niya anong binaril pero gumawa lang ako ng ice shield at unti-unting ginawang yelo ang kwarto kasama ang mga robot niya.

Inagaw ko ang baril niya at tinapon ito saka ko siya tinignan sa mga mata habang hawak ko ang kamay niya. Unti-unti kong nakikita ang nilalaman ng isip niya hanggang sa makotento na ako sa nalaman ko. Binitawan ko na siya.

"Alam mo ba 99% na gugustuhin ko, nagkakatotoo? Dito ka sa lugar na ito mamatay. Kasama ng mga nilikha mong robot. Dito na matatapos ang kasamahan niyo."

"Tingin mo ba kapag  namatay ako, tapos na ang lahat?"

"Hindi. Pero tulad ng sabi ko kung gugustuhin ko, mangyayari yun. Meron pang tao na mas mataas sayo tama? Ako papatay sa taong yun oras  na makilala ko siya pero tingin ko alam ko na kung sino siya," sambit ko saka naglakad paalis habang iniisip ang kahahantungan ng building. Gamit ang mga kapangyarihan na nakuha ko unti-unti kong sinisira ang mga nadaananan ko. Bawat malalampasan ko, gumuguho at ang iba nalulusaw dahil sa kakayahan ko na katulad kay kuya.

Natigilan ako nang may masalubong akong isang pamilyar na bata. Palakad-lakad ito habang natingin sa paligid. May hawak itong manika. Alam kong nakita ko na siya dati? Saan nga ba? Ah! Naalala ko na.

"Risa," sambit ko nang maalala ko siya sabay hawak sa kanya bago niya ako lampasan. Siya yung bata sa ampunan pero biglang nawala pagkatapos namin sirain.

Tumigil ito sa paglalakad. Mukhang hindi ito takot sa ginawa ko.

"Ano ginagawa mo dito? Delikado dito," sambit ko at hindi pinansin ang kakaibang kulay ng mata niya.

Pinatay ko ang invisibility ko saka siya binuhat.

"Umalis na tayo dito," sambit ko saka tumakbo palabas.

Pagkalabas namin saktong gumuho ang building.

"Shirayuki!" tawag sa akin ni Kuya mula sa sasakyan. Tumakbo ako palapit sa kanila  at saka sumakay. Nagulat pa sila sa kasama ko.

"Ikaw yung bata sa ampunan noon," sambit ni Jason. Hindi ito pinansin ng bata. Yumakap lang ito sa akin.

"Mukhang gusto niya sayo," komento ni Sir Hayato habang nagmamaneho.

"Matagal na kita hinahanap," sambit nito sabay titig  sa akin.

"Ako? Bakit?" tanong ko.

"Na sayo puso niya at hindi na ako bata," sabi nito at nagulat na kami nang mag-iba ang anyo niya habang kandong ko.

"What the F! Lalaki ka!" sigaw ni Zander nang maging lalaki si Risa at tumanda ito.

Bago pa siya masapak ni Zander bumalik siya sa anyo ng batang babae. Ako naman natulala lang dahil sa nangyari.

"Bitawan mo siya Xia. Hindi na yan bata," sigaw ni Zander. Hindi kasi kami magkatabi. Agad na yumakap sa akin si Risa kaya naman sapilitan siya hinila Claude.

"Bitawan mo siya. Hindi mo na kami maloloko!" sambit ni kuya.

"Ayoko!!" sigaw ni Risa na grabe makakapit sa akin.

"Bitawan mo siya sabi!" inis na sabi ni Kuya sabay batok kay Risa. Napabitaw ito sa akin kaya nahila  nila  ito at inilayo sa akin.

"Ano na nga pala nangyari sa mga member ng Zodiac?" tanong ko.

"Dinala na sila sa opisina para kausapin. May natuklasan ka ba sa loob?" tugon ni Sir Hayato.

"Nasa Canada ang pamilya nila. Saka meron pang mas mataas kaysa sa boss nila," sagot ko.

"Hindi pa pala dito natatapos ang lahat. Saka na natin siya problemahin. Malaki ang nawala sa kanya kaya mahihirapan yun kumilos. Ayusin niyo na muna ang kasal niyo sa sunday," nakangiting sabi sa amin ni Sir Hayato.

"Ikakasal na kayo? Sayang naman. Type pa naman kita," diretsong sabi ni Risa.

"Pababain niyo nga ang batang yan bago ko pa siya gawing yelo," inis na sabi ni Zander.

"Dude kalma lang," pigil sa kanya ni Claude.

"Ano nga pala totoo mong pangalan?" tanong ko.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo binibini."

Bumalik siya sa totoong anyo niya.

"Ako si Phoenix. Nagmula  ako sa pamilyang Blackstone. Ang pamilyang nagtataglay ng kakaibang kapangyariha."

"Aww!" sambit ko nang mauntog ako. Bigla kasi nagpreno si Sir Hayato kaya napasubsob ako sa likod ng inuupuan niya.

"Dad!" inis na sabi ni Zander nang makita ako.

"Sorry," paumanhin ni Sir Hayato sa amin.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Zander.

"Ayos lang ako."

"Pasensya na. Nagulat kasi ako sa sinabi ni Phoenix. Isa kang Blackstone?"

"Oo. At ako na lang ang natitirang buhay sa angkan namin," tugon ni Phoenix.

"Ano ba meron sa pamilya nila?" tanong ni Kuya kay Sir Hayato.

"Sila yung tinutukoy ko na taong ipinanganak na may kapangyarihan."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top