CHAPTER 42
CHAPTER 42
Xia's POV
"Guys! May good news ako sa inyo," nakangiting sabi sa amin ni Claude.
"Ano yun?" tanong ko.
"Dahil umalis kayo kahapon hindi niyo alam kung ano nakuha naming impormasyon kay Oliver," pagkukwento niya.
"Sabihin mo na. Ang dami mo pang sinasabi," reklamo ni Zander.
"Ito na nga eh. Alam na namin kung sino boss nila. At susugod tayo ngayon sa opisina niya."
"Magandang balita nga yan. Matatapos na din ang lahat," komento ko.
"Ito na siguro huling misyon niyo bago kayo ikasal."
"Sa totoo lang plano namin talaga tumigil pagkatapos natin mahuli yung nasa likod ng paggawa ng Artificial Vampire."
"What? Aalis na kayo sa CLA?" tanong ni Claude kay Zander.
"Yeah," maiksing tugon nito.
"Bilisan niyo na diyan. Pinapatawag na tayo sa office," sambit ni Trevor sa amin.
Inubos ko na yung apple na kinakain ko saka tumayo. Tumayo na din si Zander dahil hindi naman siya kumakain. Si Claude na nagkakape, binilisan ang pag-inom. Natawa nga ako sa kanya dahil napaso pa dila niya sa pagmamadali.
"Let's go. Hayaan mo na si Claude," sabi sa akin ni Zander sabay hawak sa kamay ko. Sa ibang sasakyan kasi kami kaya hindi namin sila hihintayin.
"Mauna na kami sa inyo," paalam ko sa kanila bago ako tuluyan mahila sa labas.
Pagkadating namin sa CLA, abala ang lahat sa paghahanda ng gagamitin namin.
"Shirayuki! Tetsuo! Sumama muna kayo sa akin saglit," tawag sa amin ni Sir Hayato.
Dinala niya kami sa laboratory ng CLA.
"Bakit Dad?" tanong ni Zander.
"May ibibigay ako sa inyo," sambit nito. Sabay bukas ng isang lalagyan na naglalaman ng injection.
"Ano yan?" tanong ko.
"Isa yan sa mga nilikha ko. Oras na ilagay niyo yan sa katawan niyo, magkakaroon kayo ng iba pang kapangyarihan," paliwanag ni Sir Hayato.
"Safe ba yan?" tanong ni Zander.
"Oo naman. Sinubukan na namin ito. Kenji, ipakita mo sa kanila ang nakuha mo," utos niya kay Kenji na abala sa pagcocomputer. Tumigil ito saglit saka humarap sa kanya at pinakita sa amin ang kamay niya na naglalabas ng kuryente.
"Paano? Ginawa niyo ba siyang artificial vampire?" tanong ko.
"Hindi. Tao pa rin siya na nagtataglay ng kapangyarihan. May nakilala akong scientist sa america, bago siya mamatay may iniwan siya sa akin isang research niya tungkol sa mga taong may special ability. Siya din ang nagbigay ng mga matang ito," aniya sabay tanggal ng eyepatch niya. Bumungad sa amin ang kulay lila niyang mata.
"Akala ko bulag yung..." hindi makapaniwalang sabi ko. Ningitian niya lang ako.
"Bulag nga ito dati pero ngayon ayos na. Binigay niya ang matang ito kapalit ng pagligtas ko sa kanya. Nang mawala siya, pinagpatuloy ko ang research niya at ito na ang resulta," pinakita niya sa amin yung mga injection na naglalaman ng kulay green na liquid. May nakalagay naman kung anong kapangyarihan yung makukuha doon sa gamot. Pinili ko yung ice.
"Hindi mo na kailangan niyan. Masyado ka ng malakas," sabi ni Zander.
"Gusto ko subukan. Try mo din para parehas tayo," nakangiting sabi ko.
"Bibigyan mo din ba yung iba?" tanong niya kay Sir Hayato.
"Kung gusto nila subukan, bibigyan ko sila. Nauna ko lang kayo nakita kaya kayo pa lang ang nakakaalam bukod kay Kenji. Ano? Parehong ice kukunin niyo?" tanong sa amin ni Sir Hayato. Tinignan ko si Zander.
"Kung ayun ang gusto ni Xia. Sige," sagot nito.
"Parang napipilitan ka lang," nakasimangot na sabi ko. Saka binalik yung kinuha ko pero binawi niya ito at agad na tinusok sa kanya.
"Hindi ako napipilitan. May extra pa ba kayong ganito para kay Xia?" aniya pagkatapos niya iturok lahat ng laman ng injection.
"Oo naman. Sandali kukunin ko. Buti na lang napaghandaan ko ito," sambit ni Sir Hayato na parang alam na niya mangyayari.
*****
Third Person's POV
Handa na ang lahat para sa gagawing pagsalakay sa kalaban. Sa pangunguna ni Sir Hayato at Sir Takeshi, pinasok nila ang pinakatatagong laboratory ng kalaban. Gamit ang mga hawak nilang baril, pinagpapatay nila ang mga nagtatangkang sumugod sa kanila.
Sa likod naman nila nakasunod sila Xia. Invisible ang mga ito kaya tanging ang dalawag pinuno nila ang nakikita ng mga ito.
"Nandyan na ang Zodiac," sambit ni Kenji na kasalukuyang hinahack ang mga camera ng laboratory.
"Dalawa lang sila?" hindi makapaniwalang sabi ni Aries.
"No. May kasama sila. May iba pa akong naririnig na heartbeat bukod sa kanila," sambit ng isa sa kanila.
"Sorry kailangan na namin umalis. Wala kaming oras para makipaglaro sa inyo," paalam ni Sir Hayato.
"Wag kayo mag-alala nag-iwan kami ng makakalaro niyo," sambit ni Sir Takeshi saka siya naghulog ng smoke bomb at patakbong tumakas.
Naglabas ng apoy si Claude sa paligid nila kaya hindi na nagawang sumunod ng Zodiac.
"Kulang sila ng dalawa," pansin ni Claudine sa kaharap nila.
"Baka naiwan sa tabi ng boss nila yung dalawa," hula ni Bliss.
"Kulang tayo ng isa," pansin ni Xia dahil siyam ang kalaban nila samantalang walo lang sila.
"No. Sakto lang."
Napatingin sila Xia kay Kenji na kakadating lang. Tapos na kasi nito ihack ang camera.
"Kung gusto niyo ng patas na laban magpakita kayo," sambit ni Gemini.
"No. Tama lang yung ganito. May mga sandata kayo kami wala," sagot naman ni Bliss.
"Kung ganun wala kami magagawa kundi ang pakiramdaman kung nasaan kayo," sabi ni Taurus habang pinapakingan ang heartbeat nila. Tinutok nito ang laser gun sa pwesto ni Xia saka ito pinaputukan.
Tumakbo si Xia pakanan para iwasan ito. Tumama ito sa pader dahilan para sumabog ito at halos gumuho na ang building.
"Not bad," komento ni Kenji.
"Ako naman ang susunod," sambit ni Aries sabay hagis ng bomba sa harapan. Mabilis na kumilos sina Xia at Zander para gumawa ng ice shield sa harapan nila.
Nang sumabog ito agad na sumugod patungo sa kalaban sila Claudine. Nagpakawala ng kuyente si Kenji patungo sa baril na hawak ni Taurus kaya nabitawan niya ito.
Pinalambot naman ni Trevor ang lupa kaya lumubog bigla si Aries. Nagulat pa ito dahil naging buhangin ang tinutungtungan niya.
Gumawa ng water whip si Claudine saka niya ito pinulupot sa kamay ni Gemini. Dahil nalaman ni Capricorn kung nasaan siya dahil sinundan nito ang water whip Hindi niya alam na nasa likod lang ni Claudine si Claude. Nang atakihin niya si Claudine agad nagpawakala ng apoy si Claude. Tinamaan at natumba ito sa sahig.
Sunod na inatake ni Claude si Geminini. Hindi nito nagawang umiwas dahil sa water whip ngunit hinagis nito ang dalang dagger bago tamaan ng apoy.
Agad ito sinalo ni Jason bago tumama kay Claudine. Hinagis nito ang dagger sa sahig at binalewala ang sugat sa kamay saka sinugod si Libra. Nagpakawala ito ng apoy na agad naman naiwasan ng kalaban kasabay ng pagbaril sa direksyon ni Jason. Tumakbo palapit sa kalaban si Jason habang iniiwasan ang bala. Sinipa niya ang kamay ni Libra para mabitawam nito ang baril bago niya ito hawakan at pinaralyze ang katawan bago hampasin sa batok.
"Libra!" sigaw ni Virgo habang tumitingin sa paligid. Hindi nito alam kung saan titingin dahil wala siya idea kung saan sila Xia.
Hindi alam na nasa likod na pala niya si Bliss. Sinuntok siya ni Bliss sa bahagi ng katawan kung saan hindi na ito makakakilos.
"Yuriko sa likod mo," sigaw ni Xia nang mapansin si Cancer sa likod ni Bliss. Hindi ito kita ni Bliss dahil invisible din ito ito katulad nila. At dahil kaya ni Xia makakita ng invisible napansin niya ito agad.
"Hindi lang kayo ang invisible," sambit ni Cancer pagkatapos sasaksakin sa likod si Bliss.
"Invisible ka nga pero nakikita kita," sabi ni Xia bago nito gawing yelo si Cancer. Saka nito tinulungan si Bliss.
"Ako na bahala sa kanya," sabi ni Trevor nang makalapit ito sa kanila. Katatapos lang nito patulugin si Aries. Binuhat niya si Bliss at patakbong lumabas.
"Siyet! Kung nakikita lang sana natin sila," inis na sabi ni Aquarius, pagkatapos makita ang mga natalo niyang kasamahan.
Nagtalikuran sila ni Pisces habang nakikiramdam sa paligid. Hinawakan ni Zander ang sahig saka ito ginawang yelo patungon sa dalawa.
"Sa ibaba," pansin dito ni Aquarius. Lumundag sila bago maging yelo ang mga paa nila. Nagkahiwalay silang dalawa at doon na inumpisahang sumugod sila Zander.
Sinuntok ni Xavier si Pisces. Naramdaman ito ng kalaban kaya nakaiwas ito pero tuloy lang sa pagsuntok ang binata. Habang hinawakan naman ni Zander sa balikat si Aquarius ang ginawang yelo ito.
"Tapusin mo na yan tol," sigaw ni Jason kay Xavier dahil ito na lang ang hinihintay. Pinalutang ni Xavier ang nga bagal sa paligid saka ito tinutok kay Pisces. Nang itutok niya ang kamay niya sa binata sabay-sabay ito lumapit sa kalaban pero sa gilid lamang nito tumusok ang mga ito. Ginamit iyon ni Xavier para hindi makagalaw si Pisces.
"Dito na lang ako. Kayo na sumunod sa taas," sabi ni Jason saka umupo.
"Maiiwan din ako," sambit ni Claudine saka lumapit kay Jason.
"Ayos lang ba yung kamay mo?" tanong niya sa binata dahil sa ginawa nito kanina.
"Ito ba? Ayos lang ako. Gagaling din yan," sagot ng binata sabay pakita ng palad habang unti-unting nawawala ang sugat niya.
"Apat na lang kaming tutuloy," sambit ni Xavier dahil alam niyang walang balak umakyat si Kenji.
"Mag-iingat kayo," paalala ni Kenji bago sila umalis.
"Dapat nagpaiwan ka na din," sabi ni Zander kay Xia dahil ayaw nitong mapahamak ang dalaga.
"Alam mo na sagot ko diyan," tugon ng dalaga.
Pareho silang natigilan nang may pagsabog sa harapan nila at mula doon tumalsik si Sir Takeshi. Tumayo ito at pinagpagan ang sarili.
"Nandito na pala kayo," pansin niya kila Zander.
"Kayo na bahala sa mga robot na yan," turo niya sa mga robot na hugis tao na palapit sa kanila kung saan inaatake nito ang lahat ng bampirang makikita.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top