CHAPTER 41
CHAPTER 41
Xia's POV
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Zander.
"Hmmm. Naisip ko lang... kung nagawa mo yun kanina sa mga kasamahan ni Oliver kahit hindi mo pa sila nahahawakan, ibig-sabihin ikaw nga yung sumunog ng buhok ni Cor--"
Tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya matapos yung sasabihin niya.
"Wag mo mabanggit-banggit sa akin yung lintang yun."
Inalis niya yung kamay ko.
"Ikaw nga may gawa nun?"
"Hindi ko alam. Kung ako man yun, hindi ko sinasadya gawin yun. Malay ko bang magkakatotoo pati yung nasa isip ko."
"Baka nagkatotoo yun dahil sa telepathy mo," komento ni Claude. Nandito na kami ngayon sa pinagdalhan kay Oliver na kasalukuyang kinakausap ni Sir Takeshi. Habang kami naman nanonood sa kanila. Hindi kami kita ni Oliver pero kita namin sila mula sa glass window. Rinig din naman sila pero hindi nila kami rinig.
"Ano ba klaseng kapanyarihan yung kay Xia?" tanong ni Bliss.
"Reality Warping," tugon ni Sir Hayato habang pumapasok.
"Reality Warping?" tanong namin.
"Narinig ko yung usapan niyo kanina. Base sa sinabi ni Zander, reality warping ang kapangyarihang meron si Xia. Akala namin nung una Siren song ang ability niyo pero higit pa pala doon ang meron siya. Xia can manipulate reality using her mind and voice," paliwanag nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi nalaman yung tungkol doon.
"Seryoso po ba kayo diyan Sir Hayato?" tanong ko.
"Yes. Kung hindi ka naniniwala bakit naging immortal si Stella? Hindi siya bampira kagaya natin pero mabilis na gumagaling ang mga sugat niya katulad sa atin."
"Hindi ko po alam," tugon ko. Pati pala yun alam niya.
"Dahil yun sa ayaw mo siya mamatay nung panahon na nasagasaan siya ng sasakyan. Ayaw mong mawala siya sa tabi mo kaya binuhay mo siya. Ikaw ang ang dahilan kung bakit nabubuhay pa siya."
"No way! Nagkataon lang yun."
"Isipin mo na ang gusto mo pero ayun ang totoo. May isa pa pala kaming hindi sinasabi sayo."
"Ano po yun?" kinakabahang tanong ko.
"About your mother's ability. Hindi power replication ang meron siya. Sinabi lang namin yun dahil hindi ka nagpapakita ng kapangyarihan na katulad sa kanila."
"Hindi totoo yan," sambit ko saka umalis para kausapin si Mom. Hindi ako maniniwala hanggang hindi si Mom ang nagsasabi mismo ng totoo.
"Xia!" tawag sa akin ni Zander pero tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ako ng Headquarter ng CLA.
"Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakahawak sa kamay ko para patigilin ako.
"Kay Mom," sagot ko.
"Hindi diyan ang daan," aniya kaya napatingin ako sa direksyon kung saan ako pupunta. Maling direksyon pala ang nilalakaran ko. Hindi na kasi ako nakapag-isip ng maayos dahil sa sinabi ni Sir Hayato. Para akong nawala sa sarili.
"Samahan na kita," hinila ako ni Zander papunta sa sasakyan niya. Masyaso malayo ang HQ ng AVO dito para lakarin ko.
Pagdating namin sa tapat ng HQ, bumama agad ako at patakbong pumasok. Alam ko namang susunod sa akin si Zander kaya nauna na ako.
"Mom!" sambit ko. Napalingon sa akin si Mom. Tinigil niya muna ang pagdidilig sa mga halaman niya.
"Anak, ano ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Totoo ba? Totoo ba na hindi power replication ang ability mo?" tanong ko.
"Sino nagsabi sayo niyan?" gulat na tanong niya
"Si Sir Hayato," tugon ko. Kita ko sa itsura niya ang pagkabahala.
"Totoo ang sinasabi niya," tugon nito. Kaya pala kahit kailan hindi ko siya nakita gumagamit ng kapangyarihan. Akala ko noon dahil kontrolado niya lang ito pero hindi pala.
"Ano po kapangyarihan niyo?" tanong ko.
"Plant manipulation," aniya sabay kumpas ng kampay niya. Biglang gumalaw ang mga halaman papunta sa kanya.
"Kung iba yung kapangyarihan mo bakit ganun? Ilang beses na kita nahawakan pero hindi ko man lang nalaman yung kapangyarihan mo. Hindi ko rin ito nakopya?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Baka dahil meron ka na kapangyarihang katulad sa akin?"
"Sana nga," sambit ko. Pakiramdam ko kasi hindi nila ako anak kapag wala man lang ako namanang kapangyarihan nila.
"Wala ka man kapangyarihan na katulad sa amin ng Daddy mo, ikaw pa rin ang bunso namin. Sorry kung hindi namin sayo sinabi agad yung tungkol dito," aniya sabay yakap sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil sa sinabi niya.
"Hinihintay ka na ni Zander," bumitaw siya pagkakayakap. Napatingin naman ako sa pinto kung saan nakatayo si Zander.
"Ayos ka na ba?" tanong niya. Ningitian ko siya saka tinanguan.
May naramdaman ako kumalabit sa akin. Pagtingin ko sa likod ko bumungad sa akin ang isang sanga na may apple. Para itong inaabot sa akin. Tinignan ko si Mom. Tinanguan naman niya ako.
"Salamat."
Kinuha ko yung apple saka lumapit kay Zander.
"Mag-iingat kayo."
******
Third Person's POV
"Sabihin mo sa amin, sino ang boss niyo?" tanong ni Sir Takeshi kay Oliver.
Nakatali ang mga kamay ni Oliver sa upuan habang nasa pagitan nila ang mesa.
"Bakit ko naman sasabihin?" tugon nito.
"Kahit naman hindi mo sabihin, kaya kong makita ang nilalaman ng isip mo."
"Ayun naman pala eh. Bakit hindi mo na lang gawin yun kaysa tanungin mo ko? Wala ka din naman makukuhang sagot sa akin," matigas na sabi nito.
Lumapit sa kanya si Sir Takeshi saka hinawakan nito ang ulo nito. Napapikit na lang ito nang mag-umpisa niya makita ang nasa memorya ni Oliver.
- 6 years ago
"Carl! Nandito na ako. Nasaan ka?" tawag ni Oliver sa nakakabatang kapatid, ngunit pagpasok nito magulong bahay naabutan niya.
Nag-umpisa ito kabahan kaya hinanap nito ang kanyang kapatid habang paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan nito. Napansin nito ang isang sulat sa mesa.
"Kung gusto mo pa makitang buhay ang kapatid mo, magkita tayo sa Synactan Restaurant mamayang 9pm," basa ni Oliver. Nilukot niya ang hawak niyang papel dahil sa galit bago ito umalis.
Wala pang 9pm, nandoon na siya sa nasabing restaurant. Nakatunganga lang ito hanggang sa may umupong lalaki na may edad na 31. Naka-business suit ito at makikita na mayaman ito. Mula sa gilid nito nakatayo ang dalawang personal guard.
"Nasaan ang kapatid ko?" tanong ni Oliver. Kukwelyuhan niya sana ang matandang lalaki ngunit nahawakan siya ng bantay nito.
"Makikita mo din siya pero sa isang kondisyon."
"Anong kondisyon?"
"Susundin mo lahat ng utos ko. Isang maling kilos mo lang, mamatay ang kapatid mo. Pero kapag ginawa mo ng maayos ang trabaho mo, ibabalik ko siya ng buhay. Wag ka mag-alala na sa maayos siyang kalagayan."
"Tingin mo ba maniniwala ako sayo pagkatapos niyo kunin ang kapatid ko?!"
Ngumiti ang lalaki saka hinagis ang larawan ng kapatid niya na pitong taong gulang. Nasa isang magandang kwarto ito at kitang-kita na masaya ito.
"Kami na bahala sa gastusin niya pati sa pagpaaral sa kanya. Alam ko na hirap ka maghanap ng tranabo kaya mas pinili mo na lang magnakaw. Alam ko din na bampira ka. Alam ko lahat ng tungkol sayo. Simple lang naman ang gagawin mo, magtatrabaho ka sa akin."
"Susundin ko lahat ng utos niyo pero siguraduhin niyo lang na aalagaan niyo ang kapatid ko. Kapag nalaman ko na nagsisinungaling kayo, papatayin ko kayong lahat," tugon ni Oliver bago umalis.
-Present
Bumitaw si Sir Takeshi pagkatapos makita ang lahat.
"Sinusunod mo lang ang utos niya para lang sa kaligtasan ng kapatid mo. Alam mo ba kung ano ginagawa nila? Pinapatay nila ang mga bampira para lang makalikha sila ng Artificial Vampire. Oras na matagumpay sila, papatayin din nila ang kapatid mo para lang magkaroon sila ng kapangyarihan na katulad sa atin," litanya nito.
"Kalokohan. Imposibleng makalikha sila ng Artificial Vampire. Kahit ano gawin nila ganun pa rin ang resulta. Mamatay lang ang taong ginamit nila."
"Mali ka. Posible ang lahat. Matagal na sila nakalikha ng Artificial Vampire. Yung mga sinasabi mong ginamit nila sa experiment... Lahat sila bampira na ngayon dahil kamatayan ang susi para matagumpay sila."
Hindi makapaniwala si Oliver sa narinig niya. Hindi siya naniniwala sa Artificial Vampire dahil kahit kailan hindi pa siya nakakakita nito.
"Sigurado ako na nakakakita ka na ng katulad nila. Kumpara sa atin, nagagawa nilang maglakad sa labas kahit maaraw. Hindi sila masusunog kahit na wala silang sun protection. May kulay ginto sila," dugtong ni Sir Takeshi. Biglang naalala ni Oliver si Xia dahil minsan na niya nakita ang mga mata nito.
"Si Xia..." sambit nito.
"Tama ka. Isa nga siya Artificial Vampire. Nakita ko kung ano ginawa mo sa kanya. Mali ka ng napiling target."
Hindi na nakapagsalita si Oliver dahil sa natuklasan nito. Iniwan na muna siya ni Sir Takeshi para sabihin kay Sir Hayato ang lahat ng nalaman niya.
Samantala, kasalukuyang nakamasid si Xavier sa kumapanya ni Mr. Sanchez. Maraming pulis ang nakaabang sa tapat nito dahil naisumbong na nila ito at binigay na din nila ang video na nakuha nila bilang ebidensya. Gusto niya masigurado na mahuhuli ito.
Mula sa glass door, lumabas ang ito na nakaposas habang hawak ng mga pulis.
"Sisiguraduhin ko mabubulok ka sa kulungan," bulong ni Xavier habang masamang nakatingin kay Mr. Sanchez.
"Kuya!" sigaw ni Xia nang makita niya ang kapatid nito. Habang pabalik sila sa CLA, napansin nilang maraming pulis sa tapat ng kumpanya na pagmamay-ari noon ni Mr. Cortez.
"Ano ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ng binata.
"Napadaan lang kami. Kaya pala bigla ka na lang nawala. Nandito ka lang pala. Bakit hinuhuli si Mr. Sanchez?"
"Nalaman ng mga pulis yung kasalanang ginagawa niya kaya hinuli siya."
"Mabuti na sa kanya. Matatapos na din yung mga kasamaan niya. Pero hindi sapat na makulong lang siya. Dapat mamatay din siya katulad ng nangyari kila Papa."
"Alam mo?" gulat na tanong ni Xavier.
"Nabasa ko isip mo. Bakit hindi mo sinabi? Nakakatampo. Lagi na lang kayo naglilihim sa akin," malungkot na sabi ng dalaga kaya agad siya sinuyo ni Xavier.
"Sorry. Ayoko lang madagdagan yung iniisip mo. Saka baka kung ano lang gawin mo kay Mr. San--" naputol ang sasabihin niya nang makarinig siyang putok ng baril. Mula sa kinatayuan nila, kitang-kitang ang tangkang pagtakas ni Mr. Sanchez.
Hawak nito ang isang baril habang tumatakbo at nakikipag barilan sa mga pulis.
"Mababaril siya sa puso," sambit ni Xia habang nakatingin kay Mr. Sanchez.
Pagkasabi niya nun, saktong bumaril ang isang pulis at tinamaan ito sa dibdib. Agad na bumagsak ito at nawalan ng buhay katulad ng sinabi ni Xia.
"Alis na tayo," sabi ng dalaga at bumalik na sa sasakyan. Napailing na lang si Xavier dahil alam niyang nagamit nanaman ni Xia ang kapangyarihan nito.
"Una na kami," paalam ni Zander bago sumunod kay Xia. Pagkasakay niya naabutan niya si Xia na nakasandal sa upuan habang nakapikit. Alam niyang nagpapanggap lang itong tulog para hindi niya mapagsabihan. Nilagay na lang niya ang seatbelt nito saka ninakawan ng isang halik bago magmaneho.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top