CHAPTER 40

CHAPTER 40

Xia's POV

"Sorry natagalan ako," sabi sa amin ni Dad. Tumingin ito doon sa lalaki. "Chairman Tan, sorry pinaghintay ko kayo."

"It's okay. No problem," tugon nito sabay ngiti.

"Dad, sila na po muna kausapin niyo," sambit ko.

"No, Dr. Knight. Makakapaghintay pa naman kami. Unahin mo na ang anak mo," sabi naman ni Chairman Tan. Hindi alam ni Dad kung sino uunahin niya sa amin kaya nagsalita na ako.

"Dad, ikakasal na po kami sa sa sunday."

Natigilan si Dad sa sinabi ko at tinignan kami ng seryoso. Siniko ko si Zander para magsalita na.

"Gusto ko po sana formal na hingiin ang kamay ng anak niyo. Sana po payagan niyo kaming magpakasal. Pangako aalagaan ko si Xia. Poprotektahan ko siya habang nabubuhay ako. Mamahalin ko siya habang buhay. Hindi ko po hahayaang saktan siya ng kahit sino," seryosong sabi ni Zander na ikinangiti ko. Biglang ngumiti si Dad.

"Sino pa nga ba ako para pigilan ang kasiyahan ng anak ko? Saka bata pa lang kayo botong-boto na kami sa inyo. Kaya ka palaging sinasama ng Daddy mo tuwing dumadalaw sa amin para makilala niyo ang bawat isa. Masaya ako na nagkatotoo ang matagal namin hiling. Kung kailangan niyo ng tulong sa pag-aayos ng kasal niyo sabihan niyo lang kami. Suportado namin kayo," litanya ni Dad sabay tapik sa balikat ni Zander.

"Congratulations," masayang sabi nito sa amin. Sa sobrang saya ko, niyakap ko siya.

"Salamat Dad," bulong ko bago humiwalay.

"Maraming salamat po Tito John," pagpapasalamat ni Zander.

"Dad na lang. Parang anak na din naman kita," pagtatama sa kanya ni Dad.

"Salamat po... Dad," nahihiyang sabi ni Zander na ikinatawa ko. Ang cute niya. Nilakihan ako ng mata ni Zander pero ningitian ko lang siya.

"Alis na po kami Dad para makapag-usap kayo," paalam ko.

"Mag-iingat kayong dalawa," paalala niya sa amin.

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Zander habang may ngiti sa labi.

"Anong balita?" tanong sa amin ni Bliss pagkauwi namin. Isang matamis na ngiti lamang ang itinugon namin.

"May mission tayo. Huhuliin na daw natin si Oliver," pag-aanunsyo ni Trevor pagkatapos ibaba ang telepono. Nawala bigla yung ngiti ko nang marinig ko yung pangalan niya.

"Sasama ka ba?" tanong ni Zander.

"Ayos lang ba? Baka mapatay ko siya."

"Nandito naman kami para pigilan ka."

"Sige."

Nagpalit lang kami ng uniforme namin bilang agents saka sumakay sa isang van. Nagtungo kami sa apartment ni Zander para hintayin si Oliver.

Kapansin-pansin ang masamang aura ni Kuya. Para siyang papatay anumang oras kaya nilapitan ko ito.

"Bad mood ka yata. May nangyari ba?" tanong ko.

"Yeah. Pero hindi ko na sasabihin sayo. Baka kung ano gawin mo kapag nalaman mo," sagot niya.

"Mukhang bad news nga yan. Huwag mo na lang sabihin kuya. Yung tungkol nga lang kay Oliver halos mawala ako sa sarili, mabuti na lang dumating si Zander."

"Ano yung tungkol kay Oliver?"

"Isa siya sa mga nanloob sa bahay natin noon. Nakita ko din lahat ng ginawa nila kay Rea bago patayin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad."

"Maliban doon, may alam ka pa ba?" tanong niya. Halatang kinakabahan siya.

"Wala na. Bakit? May dapat pa ba ako malaman bukod doon?"

"Wala."

Umiwas siya bigla ng tingin. May kutob ako na may kinalaman doon yung bad news na ayaw niya sabihin sa akin kaya hindi na ako nagtanong. Natatakot din ako malaman yung totoo.

"Nandito na si Oliver. Maghanda na kayo," sabi sa amin ni Kenji  kaya tumayo na kami ni kuya.

Tinulungan ako ni Zander magkabit ng ear piece at kung ano-ano pang device na kakailanganin namin. Siya na din nagtaas ng zipper ng hoodie ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Mag-iingat kayo. 75% ang chance na nakatira din diyan ang ibang member ng Zodiac kaya malaki ang posibilidad na mapalaban kayo. Tandaan, misyon niyong hulihin ng buhay si Oliver. Wag na wag niyo siya papatayin at iwasan niyong mahawakan niya kayo. Shirayuki, lagi ko sinasabi sayo na kontrolin mo mabuti ang kapangyarihan mo," paalala ni Sir Hayato. Tumango ako bilang tugon saka binaling tingin kay Zander na abala sa paglalagay ng contact lens. Hindi na ako gumamit nun dahil makikita ko naman sila kahit invisible sila dahil sa kapangyarihan na nakuha ko noong nakipaglaban kami sa mga hostage taker ng Saitou High.

"Pagkakuha niyo sa kanya, isakay niyo siya agad sa sasakyan at kami na ang bahala sa kanya magdala sa CLA." dugtong ni Sir Hayato.

Pinindot namin ang on para maging invisible kami. Pinabuksan kami ni Kenji  pinto saka kami lumabas. Naghati kami sa dalawang grupo. Kaming mga IRIS umakyat sa mismong likod ng building. Sa pamamagitan suot naming gloves, nakakadikit kami sa pader. Balak namin pasukin si Oliver sa balcony habang ang Melancholic Knight, sa may pintuan mismo dumaan.

Pagkatungtong namin sa balcony ng kwarto ni Oliver, tinanggal na namin ang gloves namin saka ito nilagay sa secret pocket. Nakasarado ang salamin na pinto at natatakpan din ng kurtina yung kwarto kaya hindi namin kita ang loob.

'Babasagin ko yung salamin,' sabi ko kina Kuya at Jason. Hinawakan ko yung salamin at ayun bigla itong nabasag. Pumasok na kami sa loob. Una kong napansin ang mga nakadikit na larawan ng babae sa pader. Isa doon ang larawan ko. Pati yung larawan ng mga dating nakatira sa apartment ko at yung agent na nakita naming patay ni Xander.

'What the hell! Bakit may picture si Xia dito?' basa ko sa isip ni kuya.

'Hmmm. Magaling siya pumili. Lahat magaganda,' sa isip ni Jason habang tinitignan yung picture.

Hinawakan ni Kuya yung larawan ko at saka tinunaw kasama yung iba. May narinig kami ingay mula sa labas kaya binuksan ko na yung pinto. Pagkabukas ko saktong patakbong pumasok si Oliver. Nagtama pa ang mga balikat namin dahil hindi na ako nakaiwas.

"Xia, ikaw ba yan?" tanong niya. Napatingin tuloy sila sa akin. Paano niya nalaman na nandito ako?

"Magpakita ka na. Alam kong nandito ka. Kilala ko ang amoy mo," sigaw niya.

Sinuntok siya ni kuya at hinila naman ako ni Zander palabas. Gamit ang X-ray Vision ko pinanood ko ang ginagawa nila sa loob. Hindi maiwasan ni Oliver ang mga atake nila dahil hindi niya ito makita. Sinusubukan din niya sumuntok kahit hindi niya alam kung saan ang kalaban.

"Kaya mo ng gamitin yung kapangyarihan sa pamamagitan ng mata?" tanong sa akin ni Zander.

"Hindi pa masyado. Minsan ko lang magamit," tugon ko.

Nakarinig ako ng mga yapak palapit sa amin.

"Paparating na sila," sambit ni Zander. Nakatingin ako sa kanan habang siya naman sa kaliwa. Hindi kasi namin alam kung saan sila manggagaling. Bumukas ang pinto, katabing kwarto ng apartment ni Oliver. Lumabas ang isang babae na may pulang mata. Hindi nagtagal may dumating na din ang iba pang nakatira sa building. Lahat sila may pulang mata. Hula ko na member nga sila ng Zodiac kaya bago pa sila makapasok ginamit ko na agad ang kapangyarihan ko.

Bawat lapit nila sa pintuan kung saan kami nakatayo, pinapalutang ko sila  agad saka pinapatalsik sa malayo. Napangiti ako bigla dahil kahit hindi ko pa sila nahahawakan, nagamit ko iyon sa kanila. Ito na siguro ang bunga ng araw-araw na pagsasanay ko kay Sir Hayato.

"Siyet! May bampira sa harap natin," sambit ng isa kanila habang tumatayo. Lahat sila masama ang tingin sa kinatatayuan namin. Hinawakan ako ni Zander saka hinila palapit sa kanya.

*BOOOOM*

"Be careful," bulong niya dahil kung hindi niya ako hinila baka natamaan na ako ng laser ng kalaban.

"Thank you," pagpapasalamat ko pero walang boses. Basta yung labi ko lang yung gumalaw.

Muling nagpaputok ng laser gun ang kalaban. Sunod-sunod ito palapit sa direksyon namin. Agad kami tumakbo ni Zander palayo doon subalit palapit naman kami sa kasamahan nilang malaking lalaki. May hawak itong spiked chain. Pinapaikot niya ito habang nakatayo kaya hindi ko na alam kung saan kami pupunta.

'Dapa!' sabi sa akin ni Zander sa isip ko. Tinulak niya ako pababa kaya natumba na din ako. Niyakap niya ako saka gumulong palayo doon sa lalaking may chain. Hindi din naman kami natamaan ng laser gun dahil nasa diretso lang ang direksyon nito.

Tinulungan niya ako makatayo at sabay kaming tumakbo para magtago.

"Tama na yan. Wala naman kayo tinatamaan," sabi ng isa sa kanila kaya tumigil na ang mga ito. Namulot ng malaking bato ang kasama nila saka binato ito sa pintuan para masigurado nila kung nandoon pa kami.

Nang masigurado nila ito, pumasok na sila sa loob. Pinindot ni Zander yung earpiece niya.

"May paparating na kalaban," aniya para masabihan ang iba sa loob.

"Tapos na kami. Sa balcony na kami dadaan, umalis na din kayo diyan," tugon ni Trevor kaya bumaba na din kami ni Zander.

Pagkalabas namin nakita ko si Oliver na sinasakay nila sa sasakyan. Wala itong malay.

"Una na kami," paalam ni Jason bago sumakay sa loob kung saan nila pinasok si Oliver. Nakita ko pa na tinatali ni kuya sa loob si Oliver para siguro hindi mahirapan kapag nagising ito.

Umalis na sila kasama sila Sir Hayato. Sumakay na din kami sa van na gamit namin kanina para sumunod sa kanila. Pinatay na namin yung invisibility ng suot namin.

"Salamat kay Jason kundi baka natagalan tayo kay Oliver," komento ni Claude.

"Buti na lang kaya niya gamitin yung ability niya sa pamamagitan ng pagtitig. Saka malaki din naitulong ni Trevor. Kung wala siya hindi natin mapapatulog agad si Oliver," dugtong ni Bliss sabay lingon kay Trevor. Ningitian naman siya nito.

Mula sa bintana nakita ko yung mga nakaharap namin kanina na lumabas sa apartment building. Nakatingin sila sa sasakyan namin kaya medyo kinabahan ako. Nataranta ako bigla nung makita kong itutok sa amin yung laser.

"Bilisan mo. Nandyan na yung kalaban," sabi ko kay Trevor. Isang malakas na pagsabog sa tabi ng sasakyan ang lalong nagpakaba sa akin. Binilisan lalo ni Trevor ang sasakyan.

"Sinunsundan nila tayo," sambit ni Claudine.

"Yumuko kayo!" sigaw ni Zander. Naramdaman ko ang pagdaan ng laser sa itaas ko. Pag- angat ko ng ulo may butas na sa inuupuan ni Claude.

May narinig akong pumutok at bigla kaming nagpaikot-ikot bago tumigil yung sasakyan. Tinaas namin yung hood sa ulo namin saka binuksan yung on ng invisibility bago lumabas. Sinunog muna ni Claude yung sasakyan bago ito tumakbo para magtago.

Nakita ko ang paglapit ng kalaban gamit ang motor. Lahat sila nakamotor.

"Matumba sana sila," sambit ko habang nakatingin sa nauunang motor. Pagkasabi ko nun bigla natumba yung motor.

"Wow! Nagkatotoo yung sinabi mo. Isa pa nga," sabi sa akin ni Claude. Tinignan ko yung dalawang motor na magkatabi.

"Magkakabanggaan sila saka parehong tutumba," sabi ko naman at sa pangalawang pagkakataon nagkatotoo ito. Naalala ko noon, ito yung dahilan kung bakit ayoko magsalita pero  ngayon ito ako ginagamit ang isa ko pang kakayahan. Nalaman ko din na  nagagamit ko itong kapangyarihan kahit kanino at saan, nahawakan ko man ito o hindi.

"Siyet! Bakit mo ko binangga?" reklamo ng isa sa kanila pagkatapos nito makatayo.

"Hindi ko sinasadya. Kusang gumalaw yung motor," tugon ng kasamahan niya.

Sumabog bigla yung van na ikinatahimik nila.

"Umalis na tayo dito," sabi ni Trevor kaya hinayaan na namin silang magtalo. Wala silang kaalam-alam na tumatakas na pala kami.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top