CHAPTER 26

CHAPTER 26

SARAH DAYANGHIRANG

Namimigat pa rin ang talukap ng mga mata ko ng subukan kong dumilat. Isang bagay lang ang una kong nararamdaman ngayon. Ang katawan ko ay nanginginig sa hindi malamang dahilan, parang nag shishiver ako at hindi ko 'yon makontrol.

Ang malabo kong mga mata ay unti-unting lumilinaw at nalaman na nandito pala ako ngayon sa bathtub... nakalubog sa malamig na tubig at may mga yelo pang kasama. Mas lalo nanginig ang kalamnan ko dahil doon. Kahit na anong pigil ko ay parang may sariling utak ang katawan ko kung manginig.

Pero kahit na gano'n... kahit na punong-puno ng mga yelo ang bathtub na kinauupuan ko ngayon, hindi ko siya maramdaman sa mismong balat ko. Parang namamanhid ang buong katawan ko sa nangyayari ngayon.

Nakakaramdam pa rin ako ng init sa aking katawan. Mas nangingibabaw 'yon kumpara sa lamig ng tubig at yelo rito sa bathtub. Nanginginig pa rin ako... ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kung saan ako nakalublob ngayon o baka may iba pang dahilan.

"Hexia, how are you? Thank God, you're awake now."

Napalingon ako sa gilid nang marinig ang mahinang boses ni Ria. Nakapalapit na siya sa akin habang nakababa ang paningin. Pasimpleng lumingon ako sa likuran niya; medyo nakabukas ang pintuan, at naririnig ko ang dalawang boses ng parang nag-uusap sa labas no'n na sa tingin ko ay si Atlas at Oceanus 'yon.

Hindi ko lang gaano marinig 'yon dahil parang nalulutang pa rin ang isipan ko. Parang hindi pa ma-proseso sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

"Ria..." mahina kong sabi.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Nakasuot ito ng lab coat at nakababa ang facemask. Naupo siya sa gilid ng bathtub at maliit na ngiti ang sumilay sa kan'yang labi.

"Inutusan agad ako ni Oceanus na asikasuhin ka pagkarating nila rito," aniya.

Dahan-dahan akong tumango at wala sa sariling bumaba ang tingin sa sarili. Mahina akong napasinghap at niyakap na lang ang katawan ng mapansing hubo't hubad pala ako. Alam ko naman na nakita na niya 'tong katawan ko kanina pero parang tinamaan pa ako ng hiya ngayon.

Sinubukan kong tumayo at agad naman akong inalalayan ni Ria. nanginginig pa kasi ang dalawang tuhod at hita ko habang dahan-dahang tumayo. Inabot niya ang black bathrobe na nakasabit sa gilid niya at sinuot 'yon sa akin.

"She's still sleeping—"

Sabay kaming napatingin ni Ria nang pumasok bigla si Atlas at Oceanus. Mabuti na lang at naitali agad sa baywang ko ang tali ng robe. Wala na silang suot na coat o kung ano mang sinuot nila kanina sa auction. Tanging white polo long sleeves na lang ang suot nila na nakatupi hanggang sa siko.

"I'm sorry," paghingi ko agad ng paumanhin. "Hindi ko nagawa yung pinaguutos mo, Atlas. I promise, aaysuin ko na siya sa susunod."

Napayakap ako sa sarili nang maramdaman kong nanginginig na naman ang katawan ko na halos umabot sa aking kalamnan. Humigpit ang hawak ni Ria sa braso ko dahil parang mabubuwal yata ako sa kinauupuan ko ngayon. Sa kalaunan ay napaupo kaming dalawa sa gilid ng bathtub habang nakatingin sa gawi ni Atlas at Oceanus.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbalot ng malamig na tubig sa aking katawan. Nanunuot agad 'yon sa katawan ko. Nawala na rin ang mataas na temperatura ng aking katawan. Naka-on naman na ang heater dito sa banyo pero nilalamig pa rin ako.

"It's okay, Sarah," pagsingit ni Oceanus.  "Ang importante ay okay ka na ngayon, and It seems like you were caught off guard by what Atlas did."

Napabungtong hininga ako. Pinairal ko pa kasi ang katangahan ko kanina kaya ito ang nangyari sa akin ngayon.

"Yeah... siguro nga. Hindi ko alam kung ano ang nilagay niyo roon sa mga inumin pero kakaiba ang naramdaman ko nung makainom ako no'n," ani ko. "Ano bang nilagay niyo sa mga alak na siniserve ng mga waiters?"

"Sex drugs," simpleng sagot ni Atlas habang nakahalukipkip.

Napalunok na lang ako sa naging sagot niya. Ngayon may sagot na sa lahat ng mga katanungan na pumasok sa isipan ko. Kaya naman pala gano'n na lang ang naging reaksyon ng katawan ko nang subukan kong patayin si Helios.

Malabo man ang mga nangyari sa loob ng security room, pero hindi maalis sa isipan ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Nakakapagtaka lang na bakit alam niya na ako si Sarah? Paano niya nalaman ang tungkol doon at higit sa lahat, hindi ko naman siya kilala.

Wala rin akong alam kay Helios bukod sa apelyido niya na kaparehas sa kaibigan ko.

Malaki na posibilidad na ang suspicion ko ay totoo—na ang pamilya nila ay involved sa mga ganitong gawain. Ang kapal naman din ng mukha ko kung bigla-bigla ko siyang tanungin tungkol sa gano'ng bagay at higit sa lahat may kailangan akong gawin sa kan'ya dahil sa utos ni Atlas.

Nakakatuliro sa utak kung iisipin ko pa 'yon pero hindi ko maiwasan na isipin ang tungkol doon. Bumilis ang tibok ng aking puso nang rumehistro sa aking isipan ang pangalan niya.

Amadeus Alejandro Zevallos... Helios...

"Sarah..."

Nanginit ang pisngi ko nang marinig ang boses niya. Nababaliw na ba ako? 'Tsaka bakit ganito ang nagiging reaksyon ng katawan ko nang marinig ang pangalan ko sa boses niya?

Mahina kong sinampal ang pisngi ko at wala sa sariling hinawakan ang labi. Bakit parang ramdam na ramdam ko sa labi ko ang halik niya? Ang planong pagpatay sa kan'ya ay nauwi pa sa ibang bagay.

Kung hindi kaming dalawa nawalan ng malay... paniguradong bukod pa sa halik ang puwedeng mangyari sa aming dalawa.

Mariin akong napapikit at parang gusto kong ilublob ang ulo ko rito sa malamig na tubig na punong-puno ng yelo dahil sa kahihiyan.

"That's why I told you not to drink the cocktail," ani Atlas.

Napabuntong hininga na lang ako bago siya tingnan. "I'm sorry. Nagpanic ako kaya napainom na lang ako sa ka ba. Huwag kang mag-aalala, hindi na 'yon mauulit."

Tumango na lang siya at nagpaalam sa amin; may kailangan pa siyang gawin, kaya ngayon ay kaming tatlo na lang ni Ria at Oceanus ang natira.

"Bakit niya ba ginawa 'yon?" tanong ko kay Oceanus at nilingon din si Ria. "Bakit siya naglalagay ng sex drugs sa mga inumin?"

Napakamot na lang si Oceanus sa leeg at lumingon kay Ria, na para bang inuutusan na siya ang sumagot. Nagpapabalik-balik tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa at naghihintay ng sagot.

"Atlas just wanted to try the sex drugs he made," pag amin ni Ria.

Napaawang ang aking labi dahil doon. Nababaliw na ba si Atlas? Hindi ko alam na gagawin niya 'yon.

My jaw dropped. Was he crazy? I had no idea my boss was capable of something so twisted.

"Mukhang naging maganda naman ang resulta no'n, he'll sell the sex drugs to his dealers in other countries," pahabol niya.

Napabuga na lang ako ng hangin at mas lalong niyakap ang sarili. Bakit ba nagulat pa ako na gano'n ang ginawa ni Atlas? Dapat hindi na, dapat inaasahan ko na lahat ng tao rito parang may sayad sa utak o ewan ko ba.

"Gan'yan talaga paminsan-minsan si Atlas, Hexia. We've gotten used to it," singit ni Oceanus. "Mas mainam pa na sa sarili niya lang sinubukan 'yon kung effective ba ang ginawa niya o hindi. Para naman hindi palagi mainit ang ulo niya."

"Huh?" kunot noo kong tanong.

"Do you know that I can hear you, Oceanus?"

Parehas kaming tatlo na muntikang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Atlas sa labas ng banyo. Akala ko ba ay umalis na siya sa kuwarto ko?

Napatingin ako kay Atlas ng sumilip siya sa nakabukas na pintuan. Ang cellphone niya ay nakadikit sa kaliwang tainga niya, at alam kong may kausap na naman siya roon.

"Atlas! Biro lang 'yon," alanganing tumawa si Oceanus at nagpaalam na sa aming dalawa ni Ria. "I'll go ahead."

Tinalikuran niya na kaming dalawa at naglakad palabas pero agad din na natigil 'yon. Kumaripas siya ng takbo patungo sa amin habang nakangisi at para bang nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"That's what happens when there's no one to have sex with. 'Yan ang dahilan kung bakit laging may topak si Atlas," natatawa niyang sabi. "He hasn't been able to hook up with anyone for more than years—"

"Nikolai Vaughnn Sergeev. If I catch you talking about me behind my back again, you won't like what I'll do to you."

Nanlaki ang mata naming tatlo. Sabay naming tinulak ni Ria si Oceanus papalayo para makalabas nang marinig ang buong pangalan niya kay Atlas; muntik pa nga siyang ma-out of balance dahil doon.

"Bye!"

"Bye..." sabay naming sabi ni Ria.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

A week later... at Mexico

"Huh? Bakit hindi ako makakasama?" kunot noo kong tanong sa kan'ya habang pinupunasan ang mukha.

Katatapos ko lang mag-workout sa gym ni Atlas. Kakaakyat ko lang mula roon kaya pawisan pa ang buong katawan at mukha ko. Kasama ko silang dalawa ni Oceanus na mag-workout sa basement niya. Mas nakakamotivate na mag gano'n kapag may kasama. Minsan naman ay nakikisabayan na rin ako sa mga binubuhat nila pero yung mga kaya ko lang naman.

"I'll go alone; hindi mo na ako kailangan pang samahan. Ang kailangan mong gawin ay ihanda ang sarili mo sa ipapagawa ko sa 'yo."

"Anong gagawin mo?" lumapit pa ako sa kan'ya habang tinutuyo ang sariling pawis.

"It's time for your major plastic surgery," sagot niya at pinatong ang puting maliit na tuwalya na pinangpunas niya rin sa sarili niyang pawis. "Is that what you want, right?"

Parang bumagal ang ikot ng mundo ko sa narinig ko. Hindi ko pa maiproseso sa aking isipan 'yon kung hindi lang akong tinapik ng mahina ni Atlas sa aking balikat.

Sa wakas! Ang matagal kong pinapangarap ay mangyayari na. Magiging maganda na ako!

"Totoo ba?" mahina kong tanong sa kan'ya ay hindi na mawiasan na mapangiti.

"Yes."

Sinundan ko siya nang maglakad papunta sa second floor ng bahay niya at nagtungo sa hallway kung saan nakahilera roon ang mga pintuan ng aming kuwarto.

"Don't worry about the exclusive auction I'm going to attend," aniya. "Maliligo muna ako at mamaya natin pag-usapan ang tungkol sa plastic surgery mo."

Tumango lang ako. "Okay."

"Don't worry about the exclusive auction I'm going to attend," he said. "I'll just take a bath, and we'll talk about your plastic surgery later."

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"I told you that your new name would be Valentina Imara Meadows, didn't I?"

Hating gabi na ngayon at nandito pa rin kami sa living area, tinutuloy ang usapan tungkol sa plastic surgery ko. Si Oceanus ay wala ngayon dahil nandoon siya ngayon kay Ismael, tinutulungan na idouble check ang mga crates ng mga drugs na natanggap nila.

"Yes."

"Before you proceed with your plastic surgery in a few days, you're going to meet your new family," ani Atlas. May inabot siya sa aking white folder at tinanggap ko agad 'yon. 

Meadows family.

Ang nilalaman ng white folder ay tungkol sa mga background information ng Meadows family. Akala ko ba naman ay gawa-gawa lang talaga ni Atlas ang tungkol sa magiging bago kong pangalan pero hindi pala.

According to the information, may anak silang babae na namatay sa edad na 18 years old. Ang parehas na mag-asawa ay hindi pa rin naka-move on sa pagkamatay ng anak nila kaya ngayon... ako ang magiging kapalit sa kanilang anak bilang si Valentina Imara Meadows.

Umangat ang tingin ko kay Atlas na ngayon ay may binabasa rin sa loob ng white folder. Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi at sinarado ang folder.

"I'm ready, Atlas."

I'm going to be beautiful. Gaganda na tayo, Sarah. Ito na ang pinapangarap mo. matutupad na siya.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top