CHAPTER 25

CHAPTER 25

SARAH DAYANGHIRANG

Agad kaming dumiretso sa warehouse ni Atlas pagkalabas namin sa airport. Isang van ang sumunod sa amin kaya hindi na kami nag-abala pa na mag-commute. At alam kong wala rin namang balak mag-commute si Atlas dahil maikli lang ang pasensya niya sa traffic.

"Ang daming dinalang gamit, remind you that we'll be going back to Mexico," dinig kong wika ni Atlas nang maibaba ang black duffle bag niya sa sofa.

"Naexcite lang," tipid na sagot ni Oceanus at mahinang natawa. Pabagsak siyang naupo sa sofa at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng lounge area ng basement ni Atlas. "It's really been a few years since I last came here."

Napailing na lang ako at pinakinggan silang dalawa ni Atlas na nag-uusap. Natigil lang 'yon nang maramdaman na may tumapik sa aking balikat. Napalingon ako sa gilid at kusang sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita si Ria.

Nakangiti siya at kinawayan ako. As usual, she's wearing a lab coat. Nakababa nga lang ang facemask.

"Welcome back, Sarah," masaya niyang bati.

Hindi ko na natiis ang sarili ko. Hinila ko siya at niyakap. Mahina siyang natawa at gano'n din ang ginawa sa akin. Tinapik niya pa ng ilang beses ang likod ko bago ako muling harapin.

"Sorry, mukhang babalik ka pa yata sa loob ng lab. Tapos niyakap pa kita. "

Umiling lang ito. "No, it's okay. Matutulog na rin naman na ako. Almost 24 hours na rin kasi akong gising at plano ko nang matulog ngayon."

Saglit lang din kaming nag-usap ni Ria dahil halata na rin ang pagod sa mga mata niya kahit na nakangiti sa akin. Nagpaalam na siya sa akin at pati na rin kay Atlas kasama si Oceanus bago pumasok sa kan'yang kuwarto. Provided naman lahat ng mga kuwarto at pagkain dito sa lahat ng nagtatrabaho kay Atla.

"Babalik din pala tayo agad sa Mexico, Atlas?" tanong ko sa kan'ya ng malapitan siya.

Tumango lang siya at sumenyas sa aming dalawa ni Oceanus na sundan kaming dalawa.

"Yes. Follow me to my office room. May importante lang akong sasabihin sa inyo."

Nagkatinginan tuloy kaming dalawa ni Oceanus. Nagkibit balikat lang siya sa akin bago maunang tumayo at sumunod kay Atlas. Ako ang nasa pinakahuli dahil nakasunod lang ako sa kan'ya.

Saka lang nagsalita si Atlas ng mailock ko ang pintuan at lumapit sa kan'ya.

"What are we going to talk about?" kunot noo kong tanong sa kan'ya. Naupo ako sa isang bakanteng upuan sa tapat ng office table niya.

"We're going to the auction tomorrow night. Ismael has a favor; his niece wants the black star diamond necklace and the dragon's eye pendant. We can only get those two at the auction to be held tomorrow at a private convention near Austria."

"What? Bakit naman gusto ng pamangkin ni Ismael 'yan?" kunot noong tanong ni Oceanus.

"Actually the mother of his niece owned that. It's just stolen from her when she dies," sagot ni Atlas.

"At nanakawin din natin 'yon? Am I right?"

"As usual," Atlas replied briefly.

Hindi na rin ako nagulat sa naging sagot ni Atlas. Sanay na ako sa mga ganito nilang desisyon; tatlong taon ba naman na akong nagtatrabaho sa kanila. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo bago muling magsalita si Oceanus.

"I forgot to ask you, Sarah," biglang wika ni Oceanus. "Do you already have a code name? You're now officially a member of our organization. Na-approved na ang data mo at nakaupdate na sa system natin 'yon."

Umangat ang tingin sa akin ni Atlas at hinihintay ang sagot ko.

"Kailangan mo ng sabihin sa amin ang code name mo kung meron na. I'm talking to Lapetus right now; he can transfer your codename to Pallas. Para mailagay na niya sa system natin na meron ka nang napili."

Matagal na akong may napiling code name. Ang totoo niyan ay hinihintay ko na lang talaga na tanungin nila ako.

"Hexia," I replied.

Sabay silang tumango at hindi na ako tinanong kung bakit 'yon ang napili ko. Ginaya ko na lang din sila na related sa greek gods and goddesses ang code name nila. Nakakahiya naman kung ako pa ang naiiba.

"I'll tell Lapetus about Sarah's code name, Atlas," ani Oceanus.

Agad na tumango si Atlas at tinuon na ang atensyon sa kan'yang laptop. Nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa na mauuna na ako sa kuwarto ko dahil ramdam ko na ang panlalagkit ng aking katawan.

"I have to go now. Tawagan niyo na lang ako kung may hindi pa kayo sinabi sa akin," pagpapaalam ko.

"Okay," sabay nilang sagot.

Lumabas na ako at sinama ang mga gamit ko papasok sa elevator. Pinindot ko ang down button dahil ang underground house ni Atlas ay tapos na. May sarili kaming kuwarto ni Oceanus dito dahil ang ibang floor ng basement ni Atlas na puro mga kuwarto lang ay okupado na ng mga nagtatrabaho sa kan'ya.

Bumungad sa akin ang living area pagkalabas ko sa elevator. May flatscreen TV doon at sa kaliwang bahagi ay nandoon ang malinis na kusina. Sa gitna no'n ay may kitchen island at bar stools na may backrest.

Binuksan ko ang mga ilaw pati na rin ang aircon dahil alam ko maya-maya ay pupunta rin sila dito kapag tapos na sila sa ginagawa nila sa taas. Dumiretso ako sa hallway at nakita ko ang isang pintuan ng aking kuwarto sa kaliwang bahagi.

Agad akong pumasok doon at dumiretso sa banyo para maligo pagkalapag ko ng duffel bag sa ibaba ng kama.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Hawak-hawak ko ang papel na binigay ni Atlas sa akin. Nandito na lahat ng mga mangyayari at gagawin namin sa auction mamaya. Bago kami dumiretso roon ay kailangan muna naming tatlo na mag usap ngayon.

Nakapagusap naman na kami, kaya ngayon ay si Oceanus ay nasa taas na. Inilabas na niya ang magiging sasakyan namin sa garahe dahil siya ang magmamaneho no'n.

Para akong tuod sa kinauupuan ko ngayon, hindi pa ako gaano kasanay sa suot ko ngayon. Dahil may event kaming pupuntahan at sasamahan namin si Atlas, kailangan nakaganito ang suot ko ngayon.

Nakasuot ako ng nude evening long gown; silk ang type ng tela, at ang neckline no'n ay mababa. Lalo na rin ang likod, halos backless na hanggang sa aking baywang. Si Ria ang nag-makeup sa akin at inayos ang buhok ko. Plinantsa niya 'yon at hinayaan na nakalugay sa aking likuran. Kahit papaano ay natakpan din ang likuran ko.

"Your mission here is to kill this man." Tinuro ni Atlas ang picture ng isang lalaki sa papel na hawak ko. "He's the right-hand man of Perses."

"Helios..." mahina kong sabi.

Bumaba ang tingin ko sa pinakababa ng code name ni Helios. Nanatili lang akong nakatingin sa pangalan na nandoon. Hindi ako nagkakamali na full name yata ni Helios 'yon?

Amadeus Alejandro Zevallos.

Napalunok ako. Hindi ko alam bakit biglang naninikip ang aking dibdib. Bumibilis ang pintig ng puso ko nang mabasa ang apelyido na nakasulat doon. Zevallos? May koneksyon ba siya kay Rafael?

Kunot noong umangat ang ulo ko at tiningnan si Atlas. "Akala ko ba hindi malalaman ang totoong pangalan kapag nakapagtrabaho na rito?" tanong ko sa kan'ya. "Paano mo nalaman 'to?"

"I have my ways. Besides, I asked Pallas for help."

Bakit parang ngayon ko lang nakita 'tong si Amadeus? May kapatid ba si Rafael? Mas lalong lumalalim ang iniisip ko dahil doon. Naalala ko na masyadong ma-private na pamilya nga pala sila. Wala rin akong kaalam-alam kung may kapatid ba 'tong si Rafael o wala.

Muling bumalik ang mga tingin ko sa litrato ni Helios doon. Nakasuot siya ng black suit. Makapal at itim na itim ang kilay. Malinis din ang pagkakaayos ng kan'yang buhok, naka slicked back 'yon. Ang pilikmata ay mahaba at makapal din at mas lalong tumingkad ang kulay ng kan'yang mga mata na kulay abo na parang walang buhay. Mapanga siya... define na define ang magandang hugis ng panga niya.

Hindi rin maitatanggi na guwapo siya.

Napabuga na lang ako ng hangin at muling nilingon si Atlas. "Papatayin ko siya? Si Helios?"

Tumango siya. "Yes, I just saw Perses' right-hand man, and I think he just approved that guy's data in the Abyss Order system. 'Yon ang sabi ni Pallas sa akin," sagot niya. "At kailangan din natin na umattend sa lahat ng event na puwedeng mapuntahan na related sa trabaho natin. For sure, there must be one representative from our organization, Hexia."

"Sigurado ako na nandoon si Helios. Kung hindi pupunta si Perses, magiging proxy niya si Helios. His right-hand man will be there. And I'm sure that you'll see Helios later; kapag nangyari 'yon gawin mo ang inuutos ko."

Dahan-dahan na lang ako tumango. Alam ko naman na wala na akong laban sa kan'ya kung susubukan ko pang umangal. Mas maganda siguro kung matagal pa lang ay sinabihan niya na ako tungkol sa ganitong bagay.

"I'll have a hard time getting close to Perses while Helios is still alive; his right-hand man needs to die first for Perses to appear in a possible event he can attend."

"Okay," tipid kong tugon.

Hindi ko maialis ang paningin ko sa picture ni Helios. Parang natutuliro ang utak ko sa mga pumapasok sa isipan ko.

Kaya ba masyadong ma-private ang mga Zevallos dahil nagtatrabaho sila rito? S'yempre bukod doon, kilalang-kilala sila sa mga business na meron sila. Lalo na ang Real Estate Corporation na pagmamay-ari nila.

"Don't worry. We'll help you," Atlas assured.

Tumayo na siya sa swivel chair at inayos muna ang suot niyang black three-piece suit bago ako tingnan.

"Let's go."

Tumango ako. "Okay. Let's go," aya ko.

Sabay kaming lumabas sa office niya at nagtungo agad sa elevator para makaalis na.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Wear this so we can communicate with each other while we're away."

Kinuha ko sa kan'ya ang earpiece na inabot niya sa akin. Kinabit ko naman agad 'yon sa tainga ko. Bago kami makalabas, sinigurado ko muna na mahigpit ang pagkakakabit ng leg holster ko sa kaliwa kong hita. Hindi naman 'yon basta-basta makikita dahil ang slit ng suot kong gown ay nasa kanan.

Dala-dala ko ang binigay ni Atlas na golden stiletto-type weapon that Atlas gave me. Tinulungan niya akong gawing bun ang buhok ko, at ang nagsisilbing hairpin sa buhok ko ay ang binigay niya, ang golden stiletto-type weapon.

May manipis 'yong nakaharang doon kaya hindi matutusok ang ulo ko. Kung gusto ko naman na tanggalin 'yon. May maliit na button sa ilalim ng handle no'n at awtomatiko na 'yong maaalis. Gano'n din naman ang gagawin ko kapag ibabalik ko ang cover no'n.

"Thank you," ani ko. Nasasayangan tuloy ako sa pag-ayos ni Ria sa buhok ko.

Sabay kaming tatlo na lumabas sa kotse ng mai-park ni Oceanus ang sasakyan. Natungo kami agad sa entrance ng convention. Masasabi ko na nasa tama lang din pala ang suot kong evening gown ngayon. Dahil ang mga ibang babae na nakikita ko rito ay mga elegante ang kasuotan nila.

Kala ko ba naman ay overdressed ako. Hindi naman pala.

"Oceanus, go check their security system. I've already talked to Pallas to help you. Sabihan mo agad ako kung ano ang nangyayari, and please make sure that all CCTV areas here can be connected to Pallas," utos ni Atlas habang nililibot ang paningin sa kabuuhan ng convention.

May hindi gaano kataas na stage sa bandang dulo at sa gitna no'n ay may maliit na black table. Mukhang doon nila nilalagay ang mga ipapa-auction nila mamaya.

Agad din namin nahanap ang magiging lamesa naming tatlo. Nakapuwesto 'yon sa harapan ng stage. Magandang lamesa ang naokyupado namin dahil kitang-kita namin ang mangyayari sa stage.

Habang abala si Oceanus sa pinapautos sa kan'ya ni Atlas. Kaming dalawa ay tahimik na inoobserba ang kabuuhan ng convention. Unti-unti na rin napupuno ang looban ng convention. May mga nakaupo na rin sa kan'ya-kanyang upuan.

Kakalibot ko ng paningin, may isang lalaking matangkad ang pumukaw ng pansin ko. Hindi alam kung ilang segundo akong nakatingin sa kan'ya at pinagmamasdan siya.

Nakasuot ito ng black three-piece suit. Pamilyar ang mukha niyang walang emosyon habang nakatayo sa gilid ng entrance. Nakakunot ang makapal niyang kilay na halos maging isang linya na. Ang mata ay pabalik-balik sa suot niyang wrist watch at sa bukana ng entrance na para bang may hinihintay na kasama nito.

It was Helios.

Siya ang lalaki na pinapautos ni Atlas na patayin ko.

Mabilis kong iniwas ang aking paningin bago niya pa ako mahuling nakatingin sa kan'ya. Bigla akong hindi mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Napalunok na lang ako at pamsimpleng nilapat ang palad sa aking dibdib.

Bumibilis ang pintig ng puso ko. Mariin akong napapikit ng parang hihingalin ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog at kakawala sila.

Bakit gano'n? Bakit ganito nararamdaman ko?

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Don't drink the cocktail when the waiters are handing them out."

Kunot noong nilingon ko si Atlas. "Huh? Bakit naman?"

"Just follow what I said."

Tumango na lang ako kahit na naguguluhan. Hindi na rin ako nagtanong sa kan'ya.

Namatay ang malaking ilaw at napalitan na ng dim lights. May lumabas na lalaki sa stage at agad na silang nagsimula sa auction. Marami pa siyang sinasabi at nakinig na lang ako.

Lumipas ang ilang minuto, o baka nga umabot na ng isang oras, ang hinihintay namin ay wala pa rin. Wala pa rin ang gustong ipakuha sa amin ni Ismael. 'Yon naman ang plano namin bukod sa ipinapagawa sa akin ni Atlas tungkol kay Helios.

Kaya ngayon... nasaan na ba siya? Halos mabali ang leeg ko para mahanap ang taong 'yon.

Hindi rin nagtagal agad ko siyang nakita. Malaking tao 'to. May kalaparan ang katawan at kahit naman natatakpan ng suit ang buong katawan nito, masasabi ko na maayos ang pangangatawan niya.

Nasa pinaka dulo siya na lamesa. Doon siya nakaupo. Sa gilid ng stage kung nasaan ang bar counter. Tahimik lang siyang nanonood sa mga lalaking nagdidiskribe ng mamahaling alahas sa mga gustong mag bid doon.

Mahina kong tinapik ang kamay ni Atlas. Napatingin siya sa akin.

"Magbabanyo lang ako," pagpapaalam ko.

Sa sobrang lamig ba naman sa loob ng convention para akong maiihi sa lagay na 'yon. Tumayo na ako at naglakad papunta roon. Since may nag-iisang banyo lang ang available rito at nakapuwesto pa sa bandang gilid ng bar counter, alam kong madadaanan ko ang table ni Helios.

Nanatili pa rin na nakakunot ang kan'yang noo habang nakatingin sa stage.

"Ma'am, would you like a cocktail?"

Napaatras ako ng kamuntikan kong mabangga ang isang waiter.

"N-no, thank you," nauutal kong sagot dahil sa gulat.

Mabilis ko siyang nilagpasan at lakad takbong pumunta sa banyo. Agad din akong natapos kaya ngayon ay nagreretouch na lang ako. Bumaba ang tingin ko sa aking leg holster at inayos 'yon. Nang makitang wala nang problema ay saka lang ako tumingin sa harap ng salamin sa huling pagkakataon.

Perfect.

Saktong pagkalabas ko sa banyo saka naman namatay lahat ng ilaw sa hallway. Namilog ang mga mata ko dahil doon kasabay ng mga nangibabaw na malakas na sigawan ng ibang bisita.

Calm down, Sarah! Don't waste your training for nothing. Ilang beses akong huminga ng malalim at kinausap ang sarili na mag-focus sa dapat kong gagawin ngayon.

"Sarah, do what I said. Oceanus and I will take care of getting the jewel."

Napahawak ako sa earpiece na suot ko bago magsalita, "Noted, Atlas."

Napahawak na lang ako sa pader at napapakapa roon habang naglalakad palabas ng hallway. Kahit naman may emergency lights sa buong convention, hanggang dito sa hallway ay madilim pa rin naman talaga.

Napapabuga pa ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at pamamawis dahil sa nerbiyos.

Why am I so nervous!?

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa inis dahil doon. Nang makarating sa bar counter... may nagsisilbing mga ilaw doon. Medyo may kaliwanagan ang emergency lights doon kaya kahit papaano nakikita ko ang mga nakapatong sa counter.

Dahil siguro sa pinaghalong nyerbos at inis ay hinablot ko na lang ang margarita glass na nakalagay sa tray. Napainom ako ng wala sa oras, nagbabaka sakaling maalis ang kabang nararamdaman ko.

"Don't drink the cocktail when the waiters are handing them out."

Parang doon lang ako natauhan nang marinig ang boses ni Atlas sa isipan ko. Nabuga ko ang nainom kong alak, at alam kong huli naman na rin ang lahat dahil nainom ko ang kalahati no'n!

Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin sa akin kung bakit hindi puwedeng uminom ng mga cocktail drinks dito?!

Ang tanga mo, Sarah!

Mahina akong napamura at nilibot ang paningin sa madilim na lugar. Nakaalis na ba kaya si Helios?

"Helios is in the security room, Hexia. Go and kill him. He's near the backstage," biglang wika ni Atlas sa earpiece.

"That bastard. He's after the items, Atlas! Did you get the two?" tanong ni Oceanus. "Nasa security room siya; mukhang hinahanap kung saan tinatago yung mga items."

"Not yet. But I'm sure we'll get it and he won't get it."

"I'm going," pangunguna ko.

"Good. Alam mo na ang gagawin mo, Hexia. Do your job."

"Okay."

Nakikita ko ang mangingilang mga tao na tumatakbo pa rin palabas ng convention. Nakapag-adjust na rin naman ang mga mata ko sa dilim kaya naging madali na lang sa akin; gagawin ko.

I went straight to the backstage, pumasok ako sa security room. Habang papalapit nang papalapit sa pintuan ay bigla na lang nanlabo ang paningin ko.

Natigil ako sa paglalakad at napakurap ng ilang beses. Dahil ba 'yon sa alak? Impossible naman na dahil 'yon doon. Kaya ko pa ang alcohol content na nailagay roon kaya malabong bigla-bigla akong malalasing.

Pinagsawalang bahala ko 'yon. Inabot ko ang doorknob at pinihit 'yon. Nakalock siya kaya hindi ko mabuksan. Umatras ako at bumwelo bago sipain nang malakas ang pinto. Nakailang beses pa ako ng sipa roon bago tuluyang mawasak 'yon.

Hinihingal na pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng security room. Pagkalinga ko sa kaliwa ay agad akong may nakitang isang malaking bulto ng tao.

"Helios..." I called out his name.

Nakatayo siya sa malaking screen kung saan makikita lahat ang mga footage ng CCTV sa buong convention. Nakayuko siya habang nakatukod ang dalawang palad nito sa lamesa. Halatang hinihingal siya; kahit na hindi ko naririnig ang pagbuga niya ng hangin, ay kapansin-pansin naman 'yon dahil sa balikat niyang nagtaas baba.

Dumiretso ako sa kan'ya at mabilis na tinanggal ang two golden stiletto-type weapons na nakatusok sa buho ko. Bumagsak ang itim kong buhok at pinindot ang maliit na button para matanggal ang nakaharang doon.

Kaunti na lang ay makakalapit na sana ako sa kan'ya ng may maramdaman akong kakaiba sa aking katawan. I feel hot. Anong meron? Bakit ako parang pinagpapawisan at ang init ng pakiramdam ko? Ramdam na pa rin na medyo nahihilo ako pero hindi ko 'yon pinapahalata.

Mariin lang akong nakatingin sa kan'ya. "What are you doing here?"

Awtomatikong umangat ang ulo niya sa akin para tingnan ako. Bago patuluyang makalingon siya sa akin ay mabilis ang galaw ko na pumunta sa kan'ya para sugatan ang leeg niya gamit ang armas ko. Kahit na nahihilo ay nagawa ko pa rin 'yong gawin.

Akala ko magagawa ko 'yon pero hindi. Nahuli agad ni Helios ang kamay ko kahit na ang bilis ng pagkilos ko. Mahina akong napadaing nang marahas niya akong isinandal sa locker; kumalabog 'yon at agad na nanakit ang likod ko pero hindi ko pinansin ang sakit ng likod ko. May emergency light din dito sa loob ng security room kaya nakikita ko rin ang kan'yang mga mata. Matalim at nanlilisik ang mga tingin niya sa akin.

Mabilis niyang nakuha sa kamay ko ang hawak kong armas. Umangat ang isa kong kamay at akmang sasaksakin siya sa isa pang armas na hawak ko nang mahuli niya rin 'yon. Mariin akong napikit nang maramdaman ang malaki niyang kamay na pumalibot sa aking leeg.

"Who ordered you to kill me?" malamig niyang tanong habang nanlilisik pa rin ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Ang kamay ko ay nagsisimulang gumawa ng paraan para makawala sa sakal niya. Ilang beses na akong ubo nang ubo sa harapan niya at nang matyempohan na makakuha ako ng lakas.

Dinuruan ko ang kan'yang mukha. Awtomatikong lumawag ang kamay niya sa leeg ko at nakakuha ako ng pagkakataon na iuntog ang ulo ko sa kan'yang noo at sinuntok ang mukha.

Napaatras siya sa ginawa ko. Mabilis 'yon at alam kong hindi niya inaasahan na gagawin ko 'yon. Napamura siya sa ginawa ko. Ilang dipa na rin ang agwat niya sa aming dalawa dahil napaatras pa siya.

Unti-unting umungat muli ang paningin niya sa akin ng mapunasan ang kan'yang muhka. Parehas kaming naghahabol ng sariling hininga habang nakatingin sa isa't isa.

"No one ordered me," sagot ko bago siya muling sugurin.

Aabutan pa kami ng ibang tao rito kung magtatagal pa ako. Sunod-sunod na mga suntok ang binigay ko sa kan'ya habang siya ay umiiwas lang. He dodged every punch that I gave him. Hiningal na ako sa bawat galaw ko at parang lumalala na ang nararamdaman ko ngayon.

Mas lalong uminit ang katawan ko. Mas lalong nanlabo ang paningin at nahihilo pa. Kutob ko na sa ininom ko 'yon kanina. May nilagay ba sila roon?

Hindi agad ako nakakilos nang mahawakan niya ang kamay ko at kinaladkad pabalik sa locker. Buong lakas niya akong sinandal doon, nakakilos pa ako ulit para makatakas. Nagpumiglas ako iuntog ang ulo ko sa kan'ya pero hindi ko na nagawa ng sapuin niya ang panga ko para pigilan sa dapat kong gagawin.

"Tell me!—" bulyaw niya habang nanginginig ang boses pero agad din na naputol ng mag tagpo ang tingin naming dalawa.

Napabuga ako ng hangin dahil sa nararamdaman ko. Kumunot ang aking noo ng mapansin kung paano lumambot ang mga tingin niya sa akin. Sobrang lapit ng kan'yang mukha kaya kitang-kita ko ang mga mata niya sa malapitan.

His eyes were familiar to me. Soft, like ashes. Nakakapagtaka na bakit ganito ang tingin niya sa akin ngayon.

"What's happening... you're dead. Why are you here? I'm hallucinating again, fuck!"

Anong meron? Bakit gano'n ang sinasabi niya?

Focus, Sarah! Isipin mo kung bakit ka nandito at gawin mo ang pinapautos ni Atlas!

Parehas na nagtatalo ang isip, puso, at katawan ko sa nangyayari ngayon.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari... kung bakit awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ang palad niya sa aking mukha. I should kick him... punch him, pero hindi ko alam bakit hindi ko magawa 'yon.

Hinayaan ko na haplusin niya ang mukha ko sa magaan na paraan. I just met him now... but why do I feel a comfort in his touch? Sa paraan ng paghaplos niya sa mukha ko ay parang mas lalong lumalala ang nararamdaman ng katawan ko.

"You're not dead?" bulong niya.

Napahawak na lang ako sa kan'yang balikat dahil sa panghihina. Ang mga mata ko ay mas lalong nanlalabo... pakiramdam ko parang hinihele ako sa hindi malamang dahilan sa kung paano niya ako haplusin sa mukha. May iba pa siyang sinasabi pero parang nalulutang na ang isipan ko.

Nang dumako ang paningin ko sa kan'yang mukha pababa sa leeg niya ay kitang-kita ko ang pamumula no'n. Segundo rin ang tinagal bago ko muling inangat ang ulo para matingnan siya. Mariin pa rin siyang nakamasid sa akin... habang matagal din akong nakatitig sa kan'ya. Siguro baliw na ako kung pumapasok ang imahe ng kaibigan ko sa kan'ya.

May mali sa akin.

"You're not dead; I know you're not dead. Am I dreaming?" parang nanghihina niyang sambit. "Sarah."

May kalambutan ang boses niya ng banggitin ang pangalan ko. Pero bakit? Paanong nalaman niy—nawala ang iniisip kong 'yon ng may maramdamang malabot at mainit na labi sa akin. Parang may sariling utak ang mata ko. Awtomatiko silang pumikit at tinugon na lang ang halik niya kasabay ng lalong pagbaga ng kakaibang init ng aking katawan.

Nanghihina ang katawan ko sa nangyayari ngayon. Pakiramdam ko parang may ibang tao ang kumokontrol sa akin ngayon. Kung hindi ako nakakapit sa balikat niya, baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Ang mga labi namin ay nanatiling magkadikit, at sa tuwing maghihiwalay ang labi naming dalawa ay kusang gumagalaw ang kamay ko para pigilan siya.

What was happening to me?

Hindi ko alam kung ilang oras kaming tumagal habang magkalapat ang labi naming dalawa. Parang lumulutang ang isipan ko sa mga nangyayari ngayon. Nanatiling nakapikit ang kamay ko habang ang kamay namin ay naglalakbay sa katawan namin.

Nang inidilat ko ang paningin ko at bumaba 'yon sa kan'ya. Ngayon ko na lang napansin na nakabukas na ang tatlong butones ng suot niyang white polo. Pakiramdam ko ako lang din ang may gawa no'n dahil hindi ko namamalayan na humihigpit na ang kapit ko sa suot niya.

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang matipuno niyang dibdib. Parehas na magulo na ang suot naming dalawa. Alam kong hindi na rin maayos ang makeup ko dahil sa ginawa naming dalawa.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. "If this is a dream, please don't wake me up..."

May mali. Alam kong may mali talaga... tama ang kutob ko na sa ininom kong alak na 'yon. Sabay kaming bumagsak sa sahig ng kusang manlambot ang tuhod ko. Parehas pa kaming napadaing ng mapahiga sa sahig.

Sinubukan kong idilat ng maayos ang mga mata ko, pero hindi ko magawa dahil umiikot ang paningin ko. Parang bumabaliktad lahat ng nakikita ko sa paligid.

Hindi ko na kaya... tuluyan na bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Alam kong mawawalan na ako ng malay at tuluyan nang lalamunin ng dilim, pero bago pa 'yon mangyari ay napatingin na lang ako sa taong dapat kong patayin pero naging kahalikan ko pa, na ngayon ay wala nang malay.

"Hexia!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko bago ako tuluyang mapapikit.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top