CHAPTER 27

CHAPTER 27

SARAH DAYANGHIRANG

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mag-asawang Meadows nang makarating sila sa bahay ni Atlas. Nasa dining area kami ngayon at kumakain na ng hapunan. Napagusapan na rin namin kanina ang mga dapat mapag-usapan, lalo na sila na ang magiging bago kong pamilya.

"Nice to meet you again, Ms. Hexia," bati sa akin ni Mr. Meadows.

Ngumiti ako. "Nice meeting you too, Mr. Meadows."

Isang mahinhin na tawa ang narinig ko kay Mrs. Meadows kaya napalingon ako sa kan'ya.

"You can call him papá and mamá for me," malambing niyang ani. "I can't wait to see you after your surgery, mi hija. We're already a family here. I know you're still uncomfortable, but we're willing to wait for you until you're comfortable with us."

Ningitian ko na lang siya ng lingunin ito; nasa kabilang side sila ng lamesa at katabi niya ang asawa niya. Wala sa sarili na napatingin ako kay Atlas na tahimik na kumakain sa tabi ko. Nasa kaliwang bahagi siya, at si Oceanus naman ay nasa kanan; parehas silang dalawa na abala sa kanilang kinakain.

Kulang na lang humingi ako ng tulong sa kanilang dalawa para lang mapahaba 'tong conversation ko sa magasawang Meadows pero hinahayaan lang nila ako.

"Thank you for understanding, Mrs. Meadows—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ang mahinang tapik ni Atlas sa aking hita.

Mabilis akong napalingon sa kan'ya dahil doon. "Call her mamá. Just do what they want, Hexia."

Napalunok na lang ako nang marinig ang bulong niya. Agad din naman na bumalik ang tingin ko sa mag-asawa sa harapan ko na kumakain pa rin.

"Thank you for understanding, mamá."

Nagkatinginan ang magasawa at sabay na napangiti. Agad na naming tinapos ang kinakain namin at si Oceanus na ang nagligpit ng mga pinagkainan dahil inutusan siya ni Atlas.

Kami namang apat ay dumiresto sa living area para ituloy ang mga paguusapan sa mangyayari sa akin. Naexplain na ni Atlas kung ano ang magiging procedure ng plastic surgery ko, nabanggit niya rin na may skilled na doktor siyang nakausap galing sa Thailand. Naka byahe na raw ito papunta rito, at sa nasabi ni Atlas kanina, mukhang malapit na rin 'yon makarating dito sa Mexico.

Sinamahan ko ang mag-asawa na mamili ng mga ipapabago sa mukha ko. May mga suggestions sila pero majority ay s'yempre ako pa rin ang masusunod. Hindi naman nila ako pinipilit kung may hindi ako gusto sa mga desisyon nila.

Lumipas na ng ilang araw at dumating na rin ang pinakahihintay ko sa lahat. Nakahiga ako ngayon sa kama. Dinadala na ako papunta sa operating room para masimulan na ang gagawin sa mukha ko. Bumaba ang tingin ko sa IV na nakagamit sa kaliwang kamay ko. Hindi ko na maitago ang panginginig ng daliri ko sa kaba. 

Umangat ang tingin ko nang marinig ang mahinang tawa ni Oceanus habang naglalakad. "Don't be nervous, Hexia. I know you can do it. Good luck."

Si Oceanus muna ang makakasama sa akin dito dahil si Atlas ay wala. Nakaattend na siya sa isang exclusive auction event. Narinig ko rin kay Oceanus na may dadaanan pa si Atlas sa isang black market kaya alam kong hindi rin talaga siya makakapunta rito.

"Thank you, Oceanus..." mahina kong sagot.

'Yon na lang ang nasabi ko at hindi na nasundan dahil hindi na siya puwedeng sumama pa sa akin hanggang sa operating room. Napabuga na lang ako ng hangin at pinikit ang mga mata ng mas lalong lamunin ako ng kaba. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nakakabingi siya, at parang umiikot pa yata ang laman-loob ko ngayon.

"I'm going to put you to sleep, Ms. Hexia. Don't worry, you're safe in your doctor's hands. Advance congratulations."

"Thank you."

Ginawa na nila ang dapat nilang gawin sa akin. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa kisame. May ginawa pa sila sa IV na nakatusok sa kamay, at maya-maya ay mukhang nararamdaman ko na ang epekto no'n.

Sobrang bilis no'n at ang mga mata ko ay unti-unti ng namimigat. Sinusubukan kong idilat ang mga mata ko, nagagawa ko siya pero sadyang malakas ang anesthesia. Tuluyan ng pumikit ang aking mga mata at hinayaan na makatulog nang mahimbing.

Magiging maayos din ang lahat pagkatapos nito... kapag naging okay ang opera sa akin at pagkagising ko, magiging si Valentina Imara Meadows na ako.

▄︻デ══━一

VALENTINA IMARA MEADOWS

One year later, after the surgery...

Wala sa sarili na bumaba ang tingin ko sa isang red ring tattoo sa kanan kong hinliliit. I just got this as a gift for myself on my 25th birthday last month. Masyado na kaming busy kaya hindi na nakapag-celebrate kaya ito na lang ang ginawa ko.

"What if magpatattoo tayo sa hinliliit natin? Yung plain red ring lang, sa tingin mo bagay 'yon sa atin. Ano sa tingin mo?"

"That sounds great. How about we do that after we graduate? Is that okay?"

Napakurap ako ng ilang beses nang pumasok sa isipan ko ang memoryang noong magkasama pa kaming dalawa ni Rafael. I took a deep breath and caressed the tattoo on my pinky. It's been 5 years already and I still miss him so much; wala pa rin nagbago. In fact, mas lalo pa yata akong nangulila sa kan'ya.

"Ma'am, we're already at the Meadows house."

Umangat ang tingin ko nang marinig na magsalita ang driver. I just booked an uber because Atlas and Oceanus' car is not available at the house.

"Thank you," I answered.

I immediately cover my red tattoo on my pinky using my gold ring before getting out of the car after I pay the driver. Dumiretso agad ako sa gate ng bahay. Inayos ko muna ang sarili bago pindutin ang doorbell. Every other day ako pumupunta rito sa bahay nila mamá dahil magtatrabaho pa ako kay Atlas.

"Oh my! Welcome home again, Valentina! My beautiful daughter."

'Yon agad ang bungad sa akin nang makita siyang lumabas sa pintuan ng bahay. She opened the gate and hugged me tightly; mahina akong natawa at niyakap din siya pabalik. Maya-maya ay sumunod din si papá sa amin at nakiyakap na rin.

"Let's go inside. The food will be cold now," papá invited.

I nodded. "Let's go."

Parehas ko silang ningitian at hinawakan ang kamay ni mamá. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at nagtungo agad sa dining area dahil saktong dinner time na ng makauwi ako rito.

"How's your day, Valentina?" mamá asked suddenly.

"It's good," I answered while chewing on the Huevos Rancheros she'd made. "I've been busy for the past few days; Atlas has a lot of work for me. But it's okay because I like working for him."

'Did you hear that, Atlas? Kahit si Hexia pinapahirapan mo.'

Mariin akong napapikit ng bigla na lang magsalita si Oceanus. He's so talkative!

'What do you want me to do? Papadaliin ang magiging trabaho niyo, you know how hard our work is? You spoiled her; that's why she's like that now.'

Muntikan pa akong mabulunan sa kinakain ko nang marinig ang reply ni Atlas. Papá quickly got me some water when he saw me almost choking on my food.

"Are you okay? Drink your water," nag-aalalang ani papá.

I nodded. "Yes. thank you, papá."

Ningitian niya ako at napahaplos na lang sa akin buhok. He leaned closer to me and later on I felt his lips on my forehead. Hinalikan niya ang noo ko bago siya naupo muli sa upuan niya at kumain na.

'Hexia, go to your room. Now.'

Natigil ang pagakmang subo ko ng pagkain nang biglang magsalita si Atlas. Hindi naman ako puwedeng sumagot sa kan'ya dahil nasa harapan ko pa ngayon ang dalawang mag-asawang Meadows. Kaya ang magagawa ko lang ay pakinggan silang dalawa.

Hindi ako nagsalita at bigla na lang tumayo.

"Is there something wrong, Val?" tanong ni papá.

"Yes. I need to go to the bathroom," sagot ko.

Si mamá na ang sumagot, "Sure."

Ningitian ko lang silang dalawa at dumaan sa puwesto ni papá. Nang makarating sa kan'yang puwesto ay sinadya kong banggain ng pasimple ang wine glass niya, natapos ang laman ng wine sa suot kong damit, at napasinghap si mama dahil doon.

"I-i'm sorry, papá, mamá," kunwaring kinakabahan sambit. Bumaba ang tingin ko sa suot kong damit ngayon. Kulang pula na 'yon dahil sa wine. "I'll change my clothes upstairs after I clean this mess."

Umiling si papá. "No, Val. Go to your room and change your shirt. I'll clean this."

"Thank you."

Mabilis akong tumalikod at iniwan sila sa dining area. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad ko 'yon nilock at dumiretso sa puting drawing para kumuha ng itim na tshirt.

"Atlas, I'm in my room now," ani ko habang nagbibihis. Basta ko na lang hinagis ang namantsahan kong damit sa laundry basket at lumabas na.

'Did you bring what I sent you?'

"Yes."

'Good. Oceanus is at the gate with the flowers. Just wait for my signal.'

"On it."

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako nagtungo sa balkonahe nitong second floor ng bahay. And there he is... Oceanus. He was disguised as a delivery man. Umangat ang tingin niya sa akin bago ako pumasok sa loob. Tumunog na ang doorbell, umalingawngaw 'yon hanggang sa dining area. Narinig ko pa ang yapak ng paa ni papá at mamá para puntahan kung sino ang nag-doorbell.

'Now your chance, Hexia. Get downstairs."

"Copy that."

Maingat at magaan ang mga lakad ko ng bumaba patungo sa dining area. Pasimple pa akong sumilip sa sliding glass sa sala para tingnan ang mag-asawa. Nang makitang kinakausap pa sila ni Oceannus ay agad ko nang ginawa ang dapat kong trabaho.

Ang dinurog na gamot na dala ko ay inihalo ko sa pagkain nila at gano'n din sa wine nila. Nilabas ko ang maliit na stick sa bulsa ng short ko bago ihalo 'yon sa alak. Nang matapos na ang lahat ay naupo ako sa puwesto ko at tinuloy ang kinakain na para bang walang ginawa kanina.

"Is this for us, Val?" 'Yon agad ang tanong sa akin ni mamá nang makarating siya sa dining area kasama si papá

"Yes, mamá. I just want to thank you for everything," malambing kong sagot at ningitian silang dalawa ni papá.

"You're so lovely, my dear. Thank you for the flowers, and you don't need to do that. Spending your days here is enough."

Muli silang nagpasalamat sa akin bago bumalik sa kanilang upuan. Marami pa silang sinasabi sa akin habang kumakain, at ang nagawa ko na lang ay bantayan ang kanilang kinikilos. Mahirap na, mas maganda na alam ko ang susunod nilang gagawin at baka ako pa ang masalisihan.

And I'm right. I dropped the spoon that I was holding when I heard a gun cock. Ramdam ko ang malamig na nguso ng baril sa noo ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nakita na may maliit na pistol na hawak si mamá.

The happy and sweet smile was gone from her lip. Napalitan na 'yon ng seryosong ekspresyon sa kan'yang mukha. .

"Tell us what's Atlas true name is, or I'm going to shoot your head," malamig niyang sambit.

Instead of being scared, I just smiled at them while staying still in my seat. I need to wait at least five seconds.

5...

4...

3...

"Any seconds from now you will feel the effects of poison drugs that I put in your food... and in your wine..."

2...

"What are you talking about?"

1...

Nang lingunin ko si papá, sa tabi ng asawa niya ay matalim na pala siyang nakatingin sa akin. "Bitch—"

Hindi natapos ang sasabihin ng bigla siyang napaupo. Napaawang ang aking labi at mahinang natawa ng makitang agad siyang sumuka ng dugo. Ang puting mantle na nakasapin sa lamesa ay namantsahan na ng kulay pula.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at pinanood silang dalawa na unti-unting mamatay sa harapan ko. Patuloy lang sila sa pagsuka, at pati na rin ang kinakainan nila ay may dugo ng kasama.

"Y-you fucking b-bitch!" singhal ni papá. 

Muli siyang umubo. I can also see his blood dripping from his nose. Hindi ko alam na ganito kalala ang ginawa ni Atlas. Habang ang asawa ni papá ay wala nang buhay sa lamesa. Nakasalampak ang kalahati ng kan'yang katawan, nakadilat ang dalawang mata. Ang ilong ay may bahid na rin ng dugo, at gano'n din ang suot niyang damit dahil sa pagsuka nito habang may hawak ng maliit na pistol.

"I'll never tell you what Atlas' name is," ani ko at nilapitan siya.

"Don't c-call me that, whore!" Muli siyang napaubo. Awtomatiko akong napapikit ng tumalsik ang dugo niya sa aking mukha at sa damit ko. Thank God I'm wearing a black shirt.

"You'll n-never be my d-daughter. My daughter is a-already dead!" sigaw niya at unti-unting napapasalampak sa tiles.

I laughed at nodded. "Yeah, we both know that." Mabilis kong hinila ang buhok niya at nilapita ang mukha sa akin. "And the reason why your beloved only daughter is dead is because of you... you and your wife killed your daughter. Am I right?"

His eyes widened in shock. "No!"

"Aww, don't be such a liar, Papá. I know your dirty little secret. Don't worry, you will meet your daughter after this," malambing ko sabi at ningitian siya.

"Bitch! You fucking b-bitch! I'm going to kill you, you m-motherfucker!"

Napailing na lang ako sa mga lumalabas sa kan'yang bibig. I let go of his hair and kicked him in the face. Mas lalo siyang napahiga habang patuloy pa rin sa pag-ubo na may kasama ng dugo.

Bakit ba ang tagal nitong mamatay? His wife is already dead; bakit hindi na lang siya sumunod?

"Never in my life will I fuck a mother, papá," seryoso kong sambit sa kan'ya.

I drew Saf, the golden two stiletto-type weapon hidden within my clothes. Lumuhod ako sa harapan niya at muling inipon ang kan'yang buhok para ilapit ang mukha ko sa kan'ya. "I'm not a fucker because I'm still a virgin."

Hindi agad siyang nakakilos dahil sa panghihina, mas lalo na rin sa ginawa ko. Mahigpit kong hinawakan si Saf at ginamit 'yon para saksakin siya sa leeg at hiwain 'yon. Sariwang dugo ang sumirit doon at napapikit ng tumalsik ang iba sa aking mukha.

Kaya ngayon, lantang gulay na siya at wala nang buhay. Agad kong binitawan ang buhok niya at hinayaan na bumagsak ang duguan na katawan sa tiles na punong-puno na niya ngayon ng sariling dugo.

"Atlas, are you still in the line? Where's Oceanus?"

'I'm right here! Are you done? I've been chilling out here. Hinihintay ko na lang ang signal mo,' Oceanus replied.

Mahina akong natawa. "I'm finished. I need someone to clean this up..." Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng dining area. Sobrang daming dugo, lalo na sa lamesa. Napangiwi ako bago magsalita, "It's pretty messy here... maraming dugo."

'Copy that, Hexia. I've sent someone to clean up. You can go outside.'

"Okay."

Nilingon ko ang mag-asawa sa huling pagkakataon bago napagisipan na kunin ang bulaklak na pinadala ko sa kanila. Kumuha ako ng dalawang tangkay at binigyan silang dalawa ng tig isang bulaklak sa katawan nilang walang buhay.

"Rest in peace."

Nang makalabas sa bahay, nakita ko agad si Oceanus na nakaupo sa gutter ng sidewalk habang hinihintay ako. Agad siyang naglakad papunta sa akin ng makita akong naglalakad papunta sa kan'ya.

And as usual, Oceanus is being nosy. He peeked at the main door and saw what happened in the dining area.

"Fuck..." dinig kong bulong niya at halos hindi makapaniwala sa kan'yang nakita bago ako lingunin. "You did that?"

I nodded. "Yes, why?"

He shook his head. "You're right. It's pretty fucking messy right there."

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. Sa limang taon na pagtatrabaho ko sa kanilang dalawa ni Atlas. Nasanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Wala nang pandidiri ang nararamdaman ko sa katawan sa tuwing nakakakita ako ng ganito.

Agad na nagusot ang mukha ko nang maramdaman ang kamay niya sa buhok ko. Ginulo niya 'yon ng ilang segundo. Malakas kong tinampal ang kamay niya at tinulak ang kamay niya.

"Ano ba!? Yung buhok ko!" inis kong wika.

Tumawa lang siya at hinayaan ang reklamo ko. "You did a great job, Hexia. Galing mo, ah."

Nginisihan ko lang siya at nag-thumbs up bago kunin ang helmet ko sa kan'ya para suotin 'yon. Agad akong naupo sa motor niya at sumenyas na umangkas na para makauwi na kaming dalawa sa bahay ni Atlas.

"Sakay na bilis."

Agad siyang natigilan sa sinabi ko. "I can drive. Ako na magdadrive ng motor."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "So do I, Oceanus. Now get on my back before I leave you here."

Mabilis siyang umiling at alanganing tumawa sa akin. "Maybe you're tired now? Ako na lang—"

'Oceanus, just get on the bike for fuck's sake.'

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ilang segundo na lang ay sasabog na ang pinipigilan kong tawa.

"Ano 'to!? This is so unfair! Pinagtutulungan niyo 'kong dalawa!" reklamo niya at walang nagawa kung umangkas sa likod ko para makaalis na.

▄︻デ══━一

Agad din akong nakapagpahinga pagkatapos ng ginawa ko sa mag-asawang Meadows. It was Atlas' idea and plan to kill them after my surgery. Hindi namatay ang unica hija nila dahil sila mismo ang pumatay roon.

I only learned about this from Atlas, especially sa mga sekretong meron at sa mga trabaho nila sa organisasyon. Ang dalawang mag-asawa ay parehas na nagtatrabaho sa El Orden Del Abismo, pero magkaiba lang kami ng faction na pinanggalingan; nasa Faction tres sila. At nalaman din na isa rin sila sa mga gustong malaman ang tungkol kay Atlas.

Napagtanto ko lang din na kung gaano kaimportante na hindi malaman ang tunay mong pangalan dahil madali na lang din malaman ang totoong background mo kung sakaling nalaman nila ang tunay mong katauhan.

"Did you find him?" tanong ko kay Oceanus.

Malakas na napabuga ng hangin si Oceanus at sumandal sa sandalan ng swivel chair ni Atlas kung saan siya ngayon nakaupo. Umiling lang siya sa akin bilang sa akin.

We're stressing right now. It's been weeks since Atlas just vanished without saying anything to us. Kaya ngayon, dahil si Oceanus ang righthandman ni Atlas. Siya na muna ang nag-aasikaso tungkol sa mga distribution ng mga crates kaya mas lalong nagiging busy na siya.

"Wala pa. This is stressing the hell out of me. I know he's been like this since I met him but not like this. This is too much; he's really a mitch," irritable niyang tugon.

"Mitch?"

"Male bitch," he replied curtly.

Mahina akong natawa at napailing na lang. Sa tagal na naging katrabaho ko si   Oceanus, nasanay na ako sa pagiging ganito niya kay Atlas kaya hindi na rin ako nagulat sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Bago siya umalis, narinig ko na may kausap siya. He's angry as fuck," aniya habang nakatuon ang mga mata sa laptop. "That's the first time that I saw him mad like that. After that, he's gone in the morning. I don't know where the hell he is now."

Napabuntong hininga na lang ako. "Maybe someone messed up with the drug deals in another country?"

Nagkibit balikat lang siya. "That's possible. But Atlas doesn't get that angry when someone messes up. I swear he was really angry that night." Napahilamos na lang siya sa kan'yang mukha. "Lalo tuloy akong na-cucurious kung anong dahilan bakit naging gano'n siya..."

Napangisi ako. "Curious? O baka naman gusto mo lang chumismis."

Umismid siya sa akin. "Both, I guess."

Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Nagsimula na lang akong maglibot-libot sa opisina ni Atlas hanggang sa mapadpad ako sa isang drawer na naglalaman ng maraming mga folder. Basta na lang akong humila sa pinakababang drawer at kumuha ng random na folder. Medyo maalikabok pa 'yon kaya pinunasan ko pa bago buksan.

"Oceanus, mas maganda siguro kung linisin na lang muna natin 'tong mga drawer na pinaglalagyan ng mga folders. Ang aalikabok na kasi—" natatawa kong sabi at agad na naglaho ang ngiti sa aking labi nang makita ang isang litrato.

Para akong nanlamig. Hindi ako makagalaw. Ang litratong nakita ko sa nakapaloob sa folder ay nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko. It chilled me to the bone. Mabilis kong tiningnan ang drawer kung saan ko kinuha ang folder para makasigurado na tama ba ang nakuha ko.

Deceased.

'Yon ang nakapangalan sa drawer na hinila ko. Mas lalo pa yata akong nanlamig nang mabasa 'yon.

Miguel Parajilla

Age: unknown

Status: Deceased

Job: Faction Uno, El Orden Del Abismo

Recruiter: Atlas Collazo

Position: Frontline and associate

Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang kamay ko habang nakahawak sa folder. Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat doon. Nagbabaka sakaling namamalikmata lang ba ako o pinaglalaruan ako ng isipan ko?

Basta ko na lang binagsak ang folder na hawak ko at kahit na nanginginig ang kamay ko ay sinubukan ko pang maghanap ng document. Nabibingi na ako sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Para akong kakapusan ng hininga kaya parang hinihingal ako habang pinagkakalkal ang mga nakalagay sa drawer.

Nahanap ko ang isang kontrata na kagaya sa pinirmahan ko noon; saktong kay papa 'yon, at kailangan na sa kan'ya rin ang mahanap ko dahil may kailangan lang akong kumpirmahin. Mabilis kong binasa ang nakapaloob doon at may hinanap sa bandang dulo. Atlas warned me about their organization. That I can leave in El Orden Del Abismo as long as I have a replacement. Kung hindi ako makahanap, papatayin ako.

May nabanggit siyang replacement tungkol sa akin... at malakas ang kutob ko. Malakas ang kutob ko na baka totoo 'tong tumatakbo sa isipan ko.

Nanginginig na ang hawak kong papel at sinalo no'n ang malaking butil ng aking mga luha ng mabasa ang nakalagay sa baba ng kontrata ni papa. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa nabasa ko. Ang labi ko ay nangangatal at hindi na napigilan ang paglabas ng hikbi sa aking labi.

Replacement: Sarah Dayanghirang.

Cause of death: killed by Atlas.

"Hexia! What happened? Okay ka lang ba?" ngayon ko na lang narinig ang sigaw ni Oceanus.

Nakita ko na lumapit siya sa akin at bago pa ako mahawakan ay napaluhod na lang sa carpet habang lumuluha. Hindi ko namalayan na unti-unti ko nang nagugusot ang hawak kong folder habang humahagulgol sa harapan niya.

I can't control my emotion now. My sobs were nonstop from coming out of my mouth.

"Hexia!" sigaw ni Oceanus pero pakiramdam ko ay ang layo niya sa akin kahit na nasa harapan ko siya ngayon at sapo-sapo ang magkabilaan kong pisngi para iharap ako sa kan'ya.

Alam ko na. Napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Kaya naman pala hindi ko na nakita noon si papa dahil dito siya nagtatrabaho. Pinaniwala niya kami na kinitil ni papa ang buhay niya pero hindi pala.

It was Atlas! He killed my father!

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top