CHAPTER 5
CHAPTER 5
SARAH DAYANGHIRANG
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko panaginip lang lahat ng 'to... tama, panaginip lang 'to, Sarah. Magigising ka rin mamaya.
Pero bakit gano'n? Kahit na anong gawin kong puwedeng makakapagpagising sa akin, parang unti-unti nang pumapasok sa isipan ko na baka hindi 'to panaginip... na hindi 'to bangungot.
Na totoo lahat ng nakita at naririnig ko. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at nagawa pang halikan ang isa't isa... tapos ito ang kasunod?
Para akong lalagnatin sa mga nalalaman ko ngayon. Masyado akong nabigla sa nangyayari.
Wala na siya... wala na si Rafael. Hindi ko tanggap... ang hirap tanggapin na wala na siya. Atsaka, impossible naman na mangyari 'yon... na maaksidente sila kung siya ang nagmamaneho. Alam kong maingat siyang mag-drive ng kotse.
Sobrang hirap... nahihirapan ako na tanggapin na wala na siya. Siya lang ang nagiisa kong kaibigan... tapos kukunin lang siya sa akin ng gano'n lang? Alam na alam niya na mahihirapan ako kapag wala siya.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang lugmok. Sa tuwing iniisip ko pa rin ang tungkol doon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko. Ang bigat... sobrang bigat sa pakiramdam.
"Dinala ka namin dito ng mawalan ka ng malay."
Mabilis akong napalingon nang makarinig ng isang boses. Siya yung babae na tumulong sa akin kanina. Nakaupo siya sa isang monoblock chair habang nakatitig sa akin. Ang lambot at inosente ng tingin niya. Maayos na maayos din ang postura habang prenteng nakapatong ang palad sa ibabaw ng kan'yang hita.
"T-thank you..." sagot ko. Hindi ko naitago ang panginginig ng aking boses dahil ang mga luha ko ay nagbabadya ng tumulo.
Dahan-dahan akong bumangon at naupo habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"Totoo ba? Totoo bang wala na si Rafael o baka naman nagbibiro lang kayo?" paninigurado ko at tuluyan nang tumulo ang aking luha.
Malungkot lang siyang ngumiti sa akin at tumango. "Rafael was declared dead on arrival when he and his parents were rushed to the hospital."
Paulit-ulit akong umiling sa harapan niya at bumalot na sa apat na sulok nitong clinic ang mga hikbi ko. Habol ko ang aking hininga. Sa bawat hikbing lumalabas sa aking labi kapalit no'n ang pag sikip at kirot ng dibdib ko.
Lumapit siya sa akin. May pinakita siyang picture... picture ng maaksidente sila Raf. Naiisip ko na agad na baka itong mga picture ang ipapakita mamaya sa balita, lalo na at kilala ang mga Zevallos sa baryo namin.
Ang harapan ng kotse ay sobrang wasak at halos yupi na, lalo na sa bandang driver seat. Basag lahat ng salamin at hindi ko na magawang titigan 'yon nang matagal. Pakiramdam ko para ko na ring sinasaktan ang sarili ko kung sobrang tagal kong nakatingin doon.
"I think you should go home later this evening, Sarah. Baka mamaya ay nasa labas pa rin ang mga reporters na naghihintay sa 'yo."
Wala na akong nagawa kundi tumango na lang sa kan'yang sinabi. Masyado akong nalulunod sa sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyayari ngayon. Agad na bumalot ang katahimikan sa buong clinic room bago ko siya marinig na magsalita ulit.
"Or if you want, I can have my driver take you home. Susunduin niya rin ako—"
"Oh, gising kana pala. Bakit hindi ka pa lumabas?"
Biglang pumasok ang isang nurse kaya hindi natapos ng kasama ko ang sinabi niya. Sa tono pa lang ng kan'yang pananalita, halatang hindi niya gusto na nandito ako. Ang atensyon tuloy naming dalawa ay napunta sa kan'ya.
"Ms. Nurse, I think she's not feeling well right now. Kaya baka naman puwede pa kaming magtagal dito, hindi ba?" Salita ng kasama ko, malambot pa rin ang kan'yang boses pero may halong pagkairita na rin dahil sa ugali ng nurse.
Hindi na nakasagot ang nurse. Isang buntonghininga na lang ang kanyang pinakawalan bago ilapag ang bag sa lamesa nito at umalis na.
"I'm Iylla Ein, but you can call me Ei," pagpapakilala niya sa akin at ningitian ako.
"I'm Sarah. Nice to meet you, Ei," sagot ko.
"Nice to meet you too! Finally, may kaibigan na ako. We're friends now, right?"
Napalunok na lang ako sa kan'yang sinabi. "Hindi ka ba nahihiya?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh? Bakit naman?"
Umangat ang aking kamay at napakamot na lang sa aking braso dahil sa kaba. "Well... ang panget panget ko... my skin is dark... and I'm not conventionally attractive. Nahihiya lang din ako dahil bakit—"
"Hey, don't ever say that. You should love yourself and embrace your flaws. Walang taong perpekto, okay?"
"Anong walang taong perpekto... mukha ka kayang perfect sa akin."
Mahina lang siyang natawa sa aking sinabi. "Kung iisipin mo na mukha akong perfect sa paningin mo. Mayroon pa rin sa ibang parte ng katawan ko na hindi ko gusto kahit mukhang flawless siya sa paningin niyo."
Nagsimula na naman ang pagkakamot ko sa aking braso at nilibot ang paningin sa buong katawan niya. Wala akong nakitang kakaiba... o mali. Ang ganda ng kutis niya, halatang naalagaan. Kahit tingnan mo lang ay halatang makinis at malambot... higit sa lahat napakaputi pa niya.
"It's already afternoon. Saan mo gustong kumain? Tara, sabay na tayong kumain," aya niya.
"Kahit sa garden na lang—ay, baka nandoon din sila nag-aabang."
"Sa rooftop? I'm friends with the student council president; puwede ko munang hiramin yung susi sa kan'ya."
"Sige."
Tumayo na ako at inayos ang sarili. Sabay kaming umalis sa clinic at naglakad sa hallway. Lahat ng madadaanan naming tao ay ramdam na ramdam ko ang kanilang mga titig sa akin; paniguradong kalat na sa buong university ang pagkamatay ni Rafael.
Sa bawat dinig ko sa kanilang mga sinasabi na condolence ay hindi ko maiwasan na hindi mangilid ang mga luha ko. Grabe ang pagpipigil ko ng luha para lang hindi maiyak sa harap nang maraming tao.
Sana pala sinabi ko na sa kan'ya ang nararamdaman ko kung ganito ang mangyayari sa kan'ya... na mahal ko siya hindi bilang kaibigan. Na mas higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kan'ya.
"Wipe your tears," malumanay na wika ni Ei.
Tinanggap ko ang binigay niyang panyo at pinunasan ang luha.
"I know you're really hurt because of what happened to Raf," sambit nito.
Tanging tango na lang ang aking naitugon at hindi na napigilan na mapaluha ulit. Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang masayang alaala ng kaibigan ko habang kasama siya. Pakiramdam ko lahat ng masayang alaala na 'yon ay isinampal sa akin. Mas lalo lang tuloy sumikip ang dibdib ko dahil doon.
Kahit na nasa ganito akong sitwasyon, hindi umalis si Ei sa tabi ko. Sinusubukan niya rin akong icomfort sa abot nang makakaya niya. Halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa pagluha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko; halo-halo na lahat ng emosyon ko ngayon. Ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Lalo na at hindi man lang kami nakapagusap sa huling pagkakataon o marinig man lang ang kanyang boses. Hindi sapat ang huling pagkikita namin noong isang gabi... noong hinatid niya ako sa bahay at hinalikan niya ako. Hinding hindi 'yon sapat para sa akin.
Sabi na, eh. Tama ang kutob ko na parang may hindi magandang mangyayari. Mukha kasi siyang nagpapaalam kahapon.
"Thank you so much, Ei. Naa-appreciate ko ang pagiging mabait mo."
"You're always welcome, Sarah."
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Nang matapos ang klase namin, si Ei na ang nag-offer na ihatid ako sa bahay dahil susunduin din naman daw siya ng kan'yang personal driver. Ibababa niya na lang ako sa tapat ng bahay bago dumiretso sa condo nito kaya pumayag na lang din ako.
"Thank you, Ei," pagpapasalamat ko at ningitian siya bago lumingon sa driver. "Thank you po, kuya. Ingat po kayo sa pagmamaneho."
"You're welcome, Ma'am."
Nagpaalam ulit ako sa kanila at kinawayan pa. Hinintay ko muna na makaalis sila bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Nanatili pa akong nakatayo sa labas ng gate nang marinig ang boses nila mama na mukhang nag-aaway na naman. Napabuntonghininga na lang ako at pumasok na sa loob.
"Anong sabi mo!? Akala ko ba nabayaran mo na ang utang! Tangina naman, Hillary. Ang dami na nating mga utang. Patong-patong na silang lahat tapos malalaman ko na hindi mo pa pala nababayaran yung utang mo sa biyenan mo!?" singhal ni mama dahil sa galit.
"Pinambili ko pa kasi ng gatas ni baby, ma—"
"Ambobo mo kasi! Kung hindi ka sana nagpabuntis ng maaga, sa tingin mo nasaan ka ngayon? Baka nasa ibang bansa ka na! Nagtatrabaho at maganda ang buhay!" singhal niya.
"'Ma... aks—" Hindi natapos ni Hillary ang sasabihin nang unahan siya ni mama.
"At tigilan mo ako sa rason mo na aksidente lang kung bakit may nabuo dahil rinding rindi na ako! Ano 'yon? Hindi niyo sinasadya na maghubaran kayong dalawa?! Huwag mo 'kong gawing tanga, Hillary!"
"Itong si Hernand wala ring nagawang tama! Lagi na lang inaatupag puro sugal! Sugal na lang! Makakain ba natin 'yan, ha!? Magugutom pa tayo dahil d'yan sa punyetang pagsusugal mo!" bulyaw ni mama kay Hernand.
"Nanalo rin naman ako, ma—"
"Bobo! Nanalo ka?! Magkano ang napapanalunan mo roon?! Sampung libo!? Inisip mo sana kung magkano ang pinagsusugal mo bago mo makuha 'yang sampung libo! Mag-isip ka naman ng tama! Ang tanda-tanda mo na pero 'yang utak at desisyon mo sa buhay ay paurong!"
Napabuga na lang ako ng hangin at pumasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan ko silang makita, si mama ay hinihingal dahil sa pagsigaw. Samantala, ang bunso kong kapatid na si Hitsy ay nakaupo lang sa upuan na gawa sa kahoy habang nakikinig sa sermon ni mama.
Parehas silang lahat na napatingin sa akin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Hillary. Si Hernand naman ay lumabas ng bahay, samantala si Hitsy ay dumiretso sa kan'yang kuwarto.
Kaya ngayon... kaming dalawa na lang ni mama ang natira sa sala.
"'Ma, uminom po muna kayo nang maraming tubig. Baka atakehin kayo ng highblood niya—" Nilapitan ko siya dahil sa pag-aalala.
Pero hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumagapak ang mabigat niyang palad sa aking pisngi. Napabaling sa kaliwa ang mukha ko at naramdaman agad ang pamamanhid sa parte kung saan niya akong sinampal.
Nanlaki ang mga mata ko at nakahawak sa pisngi na binalingan ng tingin si mama.
"'Ma... bakit po?" nauutal kong tanong sa kan'ya.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top