CHAPTER 4

CHAPTER 4

SARAH DAYANGHIRANG

Malapit lang ang mall na pinuntahan namin. Matatansya ko na aabot lang hanggang sampung minuto ang byahe kung hindi traffic bago makarating doon.

Hindi ko mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses kong inayos ang sarili ko at kung paano ang pag-upo ko sa passenger seat. Iniiwasan ko na huwag sumandal sa upuan dahil natatakot ako na baka mamantsahan ng dugo 'yon.

Nang makarating na sa mall at nakapagpark na ng kotse si Rafael, dumiretso na agad kaming dalawa sa department store para bumili ng damit.

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Siya na ang pumili ng damit ko, at ang nagawa ko na lang ay sumunod sa kan'ya. Masasabi ko naman na magaling 'to at may taste sa pamimili ng damit. Kung tutuusin ay mas may alam nga siya sa fashion kumpara sa akin.

"This one... and that one..." aniya sa isang saleslady.

Halos malaglag ang panga ko sa dami ng mga t-shirt na pinaglalagay niya sa itim na basket. Bumilis ang pintig ng puso ko at palipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa saleslady na kasama namin. Ineexpect ko lang naman na isang piraso lang ang bibilhin namin pero bakit ganito karami!?

"T-teka nga, Raf. Okay na 'yan, okay na 'yang binili mo. Hindi mo pa alam kung gaano karami na 'yang mga nilagay mo sa basket?" pagpigil ko sa kan'ya.

Imbis na sagutin niya ako, ang ginawa niya ay hinaplos niya lang ang buhok ko ng nakangiti. Naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko para dalhin sa isang bench para maupo roon.

"Don't worry, ako naman mag babayad nito kaya ayos lang. After this we're going straight to the hospital so you can get an anti-tetanus shot there. Kahit doon ka na rin magbihis. Okay?"

Bakit gano'n? Pakiramdam ko para akong matutunaw sa tono ng boses niya nang magsalita siya. Ang lambot... ang lambing. Parang akong hinihele.

Sa kalaunan ay tahimik na lang akong tumango. Higit sa lahat wala rin akong magagawa kahit anong gawin kong pagpipigil sa kan'ya. Naging mabilis din ang proseso sa cashier. Nakapagbayad na agad siya kaya lumabas na kami sa department store.

"Isang damit lang sana ang binili mo, Raf," ani ko habang naglalakad kami.

He chuckled. "That's fine. At least, marami ka nang t-shirt na susuotin ngayon."

Napabuntong hininga na lang ako. "Kukunin lang 'to ng mga kapatid ko kapag nakita nila ang dami kong inuwing paper bags."

"I'll bring these clothes to school so you have something to change into if you get sweaty. Does that sound okay to you?"

Tumango ako. "Hmm."

Nang makarating kami sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan nito at kinabit na ang seatbelt. Pinaandar na ni Rafael ang sasakyan at nagtungo agad kami sa hospital.

Agad kaming nilapitan ng nurse na mukhang kilala rin si Rafael nang makapasok kami sa hospital. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila, nakita ko lang na tumango ang nurse bago maglakad papalayo.

Kumunot ang noo ko at nilingon si Rafael. Ngayon naman ay isang doktor na ang kausap niya. Medyo familiar 'yon... parang ito yata ang isa sa pinakakilalang doktor dito sa Austria.

Ganito ba talaga ka kilala at importante ang mga Zevallos kaya napapabilis na lang lahat ng ginagawa nila?

"Rafael."

Mabilis niya akong nilingon at binalingan ng tingin ang doctor. Sumenyas siya na saglit lang bago ako lingunin ulit para magsalita.

"What? Is there something wrong?" nagaalala niyang tanong sa akin.

"Wala naman. Baka puwede naman siguro tayo na maghintay na muna. Baka may mga iba pa siyang pasyente na kailangan na asikasuhin," tukoy ko sa doktor na kausap niya kanina.

Tipid niya lang akong ningitian at umiling. "No, Sarah. Don't worry, aasikasuhin ka na raw niya ngayon. He's done with his rounds today; that's why. Kailangan mo nang maturukan agad, para rin 'yan sa 'yo."

Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik na lang. Kahit na anong pigil ko sa kan'ya alam kong wala akong magagawa. Lumipas lang ng ilang minuto bago kami pumasok sa isang silid, at doon na ako tiningnan ng doktor, pagkatapos ay tinurukan na.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Raf, malapit na ang birthday mo."

Kasalukuyan na kaming pabalik sa school dahil tapos na ang dapat gawin sa hospital. Malinis na rin ako at nakapagpalit na rin ng damit. Pakiramdam ko maayos na ang katawan ko. May kirot pa rin naman pero natitiis ko pa.

Dahil umalis kami sa school, last subject na lang ang maattend-dan namin.

Tumango lang siya at tahimik na tumingin sa kalsada dahil nagmamaneho ito.

"I know, but I wish I could delay my birthday a little longer. But I don't have a choice."

Mahina akong natawa. "Bakit? Kasi 23 years old ka na?" natatawa kong tanong. "Ang tanda mo na, Raf."

Mabilis niya lang akong nilingon at tipid na ningitian. Awtomatikong naglaho ang ngiti sa aking labi dahil doon. Parang dinaga ang dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Bakit gano'n? Bakit parang kumikirot ang puso ko?

"Okay ka lang ba?"

"Of course... I'm okay," malumanay niyang tugon.

Hindi ko na nagawang makapagsalita. Sa buong byahe pabalik sa university ay tahimik lang siya. Seryosong nagmamaneho at parang ang layo ng iniisip nito. Habang ako ay hindi ko maiwasan na hindi siya pagmasdan dahil parang may takot at kaba sa dibdib ko na naglalaro.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Bakit pakiramdam ko iiwan mo ako, Raf?" Hindi ko na napigilan na tanungin siya habang naglalakad kami pauwi ng bahay.

Nang matapos ang klase namin ay dumaan kami sa pinagtatambayan namin noong birthday ko. Siya ang nag-aya kaya sinamahan ko siya. Halos maggagabi na rin kaya ihahatid niya na ako ngayon sa likod ng bahay.

"I promise I'll never leave you, Sarah," sagot nito.

Hinawakan niya ang aking kamay nang makadaan kami sa mga nagtataasang mga dahon. Ang araw ay unti-unti nang bumababa kaya ang buong kapaligiran ay nagsisimulang magkulay dilaw na may pinaghalong kahel. Malakas din ang hangin na dumadaan sa aming puwesto kaya sinasayaw no'n ang buhok naming dalawa.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niyang nakasalikop sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin bago siya nilingon.

"Hindi ko alam pero... kinakabahan ako. Pakiramdam ko aalis ka talaga. Okay ka lang ba? Baka mamaya may problema ka sa bahay niyo," mahina kong sabi. "Kapag may problema ka huwag kang mahihiyang magsabi sa akin, ah? Makikinig ako... papakinggan kita, Raf."

Tipid niya akong ningitian. "I'm okay, Sarah. I promise..."

Napanguso na lang ako at mahina siyang tinulak. Natawa na lang siya sa ginawa ko at hinila ang aking kamay para ikulong sa kan'yang bisig. Niyakap ko siya pabalik, at ako na rin ang kumawala sa pagkakayakap, pero hindi 'yon nangyari dahil humigpit ang hawak niya sa kamay ko para pigilan ang pag-alis ko. Nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

Hinila niya ako at dinala sa puno malapit sa amin. Habang unti-unting bumababa ng tuluyan ang araw, may nagsisilbing silong sa paligid naming dalawa. Natagpuan ko na lang ang sarili na kasama siya sa ilalim ng malaking puno.

Napasandal ako sa puno habang naghuhurumentado ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok; pakiramdam ko parang kakawala na siya sa dibdib ko. Ilang beses akong napakurap-kurap habang sinasalubong ang kakaibang titig ng abo niyang mga mata, parang kinakabisado niya ang mukha ko.

Bakit parang ito na ang huling beses na magkikita kaming dalawa?

Nang maramdaman ang kan'yang daliri sa aking baba, bakit parang nakaramdam ako ng pananabik? Yumuko siya at hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na ang labi niya sa akin, para akong nakuryente sa lagay na 'yon.

Ang kaliwa kong kamay ay humigpit ang hawak sa kan'ya habang ang kanan naman ay napahawak na lang sa katawan ng puno sa aking likuran. Doon ako kumukuha ng suporta para hindi tuluyang bumagsak sa sahig dahil sa halik niyang nakakapanghina.

Naramdaman ko ang katawan niya sa akin, nasa pagitan na ako ng katawan ni Raf at itong katawan ng puno sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko siya habang mas lalong lumalalim ang halikan na pinagsaluhan naming dalawa.

Ang kan'yang kamay ay unti-unting gumagapang pababa sa aking leeg, hanggang sa matagpuan no'n ang buhok ko. Inipon niya 'yon sa kan'yang kamay at mas lalong nilapit ang aking sarili sa kan'ya.

Hindi ko napigilan ang sarili na lumabas ang mahinang ungol sa labi ko; may kakaibang init na dumadaloy sa aking katawan sa bawat pagdampi ng balat namin sa isa't isa. Habang tumatagal, at habang lumalalim pa ang aming paghahalikan, ay parang mas lalong umiinit ang paligid ko.

Pakiramdam ko mas lalo lang yata akong nanghina nang marinig ang mahina nitong daing habang abala ang labi niya sa akin. Mas lalo pa yatang sumiklab ang nararamdaman kong init. Hindi ako mapakali. Bakit meron sa kaloob-looban ko na gusto ko siyang angkinin?

Marahan niyang kinakagat ang ibaba kong labi, at maya-maya ay naramdaman ko na ang dila niya sa akin. Nabigla ako sa kan'yang ginawa pero sa kalaunan ay nagpadala na rin at sinabayan ang bawat galaw nito.

Nahihiya pa ako dahil parang mas marunong pa siya sa akin. Parang nagawa na niya rin ito dahil bakit ang galing niya?!

Pero imbis na tumigil siya dahil ang awkward ko kung paano humalik, mas lalo niya lang pinalalim ang halik naming dalawa. Nakakapanglambot, nakakapanghina ang bawat hagod at galaw ng labi niya sa akin. Parang kinikiliti ang puson ko habang ramdam na ramdam 'yon.

Parehas kaming dalawang hinihingal nang maghiwalay ang labi naming dalawa. Kitang kita ko ang pag taas baba ng dibdib niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ang kamay ko ay nakalapat sa kan'yang dibdib.

Mahina ko siyang tinulak papalayo sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang labi niyang kumikintab. Parang namamaga pa yata 'yon?

Nang magtagpo ang mata naming dalawa, kitang-kita ko ang kakaibang kislap sa kulay abo niyang mga mata na para bang tuwang-tuwa siya na nahalikan niya ulit ako.

"I think you should go inside. It's already dark," malambing niyang wika sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi na naming pinagusapan kung bakit kami naghalikan o kung anong ibig sabihin no'n. Pakiramdam ko ang tanga ko dahil hinayaan ko ang sarili na mangyari 'yon pero sa kaloob-looban ay alam ko sa sarili ko na nagustuhan ko 'yon. Gusto ko ang mainit at malambot niyang labi sa akin, at sa kung paano siya humalik.

Pangalawang beses na itong nangyari pero hindi man lang namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.

Walang magkaibigan na naghahalikan at umaasta na parang nasa isang relasyon. Higit sa lahat, walang magkaibigan na nagpapalitan ng mainit at nakakapanghina na halik sa isa't isa.

"Okay..."

Bago pa tuluyang makapasok sa backdoor ng bahay ay nag-picture muna kaming dalawa, isang selfie at isang portrait. Nag-wacky pose pa kami bago kumuha ng normal na picture.

Nang matapos ay muli niya na naman akong niyakap na akala mo ay ito na ang huling beses na magagawa namin 'yon.

"Bye. Be careful, Raf..."

"Bye. See you..."

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Isang malakas at nakakabinging sampal ang nakapagpagising sa akin. Napabalikwas ako sa bangon at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.

"Sarah!" bulyaw ni Hillary, nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa cellphone na hawak nito.

"Saan ka nakakuha ng pera para makabili nito, ha?!"

Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone ko sa kamay niya, pero pinasok niya lang 'yon sa bulsa ng suot niyang short.

"Ibigay mo sa akin 'yan, Hillary. Hindi sa 'yo 'yan."

Seryoso ko siyang tiningnan pero unti-unting nangingibabaw ang kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil binigay ni Rafael ang cellphone na 'yon! Pangalawa, natatakot din ako sa gagawin ni Hillary.

Mahina akong napadaing ng hiklatin niya ang aking braso papalapit sa kan'ya. Nanlilisik pa rin ang mga mata niya sa akin.

"Desperada ka na ba para makabili ng ganitong cellphone?! May kinakama ka talaga siguro kaya nakabili ka ng ganito, 'no!?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinikom ko na lang ang aking bibig at piniling hindi magsalita bago kinuha ang cellphone sa kan'ya. Mahigpit kong hinawakan 'yon at mariin siyang tiningnan. Pakiramdam ko mas lalo lang yatang uminit ang ulo ni Hillary sa akin.

"Ano, bakit hindi ka makapagsalita? Totoo nga ang sinasabi ko, 'no? May kinakama ka kaya nakabili ka ng gan'yang cellphone." Nilapitan niya ako at akmang kukunin sa akin ang cellphone pero hindi niya 'yon nagawa dahil mabilis kong tinago sa likuran ko 'yon. "Isangla muna natin 'yan. Kailangan natin ng pang gatas sa pamangkin mo!"

"Maghanap ka ng trabaho para makabili ka," tugon ko. Dinampot ko ang tuwalya at bumaba para magtungo sa banyo para maligo.

"Hindi pa ako tapos makipagusap sa 'yo! Tanga ka talaga!"

"Tangina naman, Hillary! Ang aga-aga para d'yan sa walang kwenta mong problema! Bakit hindi mo puntahan 'tong anak mong iyak nang iyak? Kung hindi mo sana inatupag ang paglalandi mo noon, ay baka nakapagtapos ka ng pag-aaral ngayon at maganda ang buhay mo!" singhal ni mama.

Napabuntong hininga na lang ako at naligo na lang. Palagi namang ganito ang umaga sa amin kaya hindi na bago 'yon. Pero sa tuwing nakakarinig ako ng walang katapusang sigawan at away ay sumasakit ang ulo ko.

Nang matapos maligo ay binuksan ko ang cellphone para i-message si Rafael.

To Rafael:

Hi. Good morning!

Nasa school ka na ba?

Dumiretso ako sa baba nang matapos akong magbihis. Natagpuan ko agad si mama sa labas na inaayos ang mga panggatong na naipon nito, samantala si Hernand naman ay hindi man lang nagawang tulungan si mama.

"Tulungan na kita, ma—"

"Lumayo layo ka sa 'kin, Sarah. Baka sumabay ka pa sa init ng ulo ko!"

Naitikom ko ang aking bibig at ningitian na lang siya kahit na nasasaktan ako sa sinabi nito. Mabilis na lang akong nagpaalam sa kan'ya na papasok na ako sa school at umalis na agad.

Habang naglalakad sa sidewalk ay napagisipan ko na tawagan si Rafael pero hindi niya sinasagot.

"Bakit hindi mo sinasagot?" mahina kong tanong.

Nang tuluyang makarating sa gate ng university ay kumunot ang aking noo nang makita ang nagkukumpulang mga tao roon.

Anong meron?

Mabilis kong kinuhaan ng picture 'yon at sinend kay Rafael.

To Rafael:

Ang daming tao dito. Nasa school kana ba?

Alam mo na ba kung anong meron dito?

Pagkasend ko ng text ay saktong may humila sa aking braso kaya nagulat ako.

"Ikaw ba si Sarah? Rafael Zevallos' best friend?"

"Anong masasabi mo sa kan'yang pagkamatay ni Rafael?"

"Girlfriend ka ba niya o kaibigan lang?"

"H-huh? Anong pagkamatay?" nauutal at naguguluhan kong tanong.

Akala ko ay dadagsain na naman ako ng mga tao, pero may isang estudyante rin sa university namin na hinila ako papasok sa gate. Hinihingal siya nang tingnan niya ako.

"Are you okay?"

Pawisan ang kan'yang noo ng tingnan ako. Huminga siya nang malalim bago niya ako hinila para sumilong kami sa ilalim ng puno.

"Thank you. Ano pa lang nangyayari? Bakit ang daming reporters sa labas ng school?"

'Anong masasabi mo sa kanyang pagkamatay ni Rafael?'

Parang tinusok nang maraming beses ang puso ko nang maalala ang sinabi ng isang reporter. Baka naman nagbibiro lang sila. Pero wala namang gano'n kung involved na ang mga reporters.

Hindi ako sinagot ng babae; sa halip ay kinuha niya ang aking kamay at dinala ako sa room namin. Nang makarating doon ay saka lang siya nagsalita.

"Just go in and you'll see. Condolence, Sarah," malambot ang boses niya nang magsalita at magaan akong niyakap.

Napalunok ako dahil doon. Hindi sila nagbibiro? Agad akong nilamon ng kaba at takot. Parang akong hihingalin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang balikat ko ay unti-unti ko nang nararamdaman na nanginginig at hindi ko 'yon makontrol. Sana naman hindi totoo ang tumatakbo sa isipan ko.

Sobrang bigat ng paa ko nang makapasok sa loob ng classroom. Parang sa bawat hakbang ko ay parang may nakakabit na mabigat na kadena sa dalawa kong bukong-bukong.

Ramdam ko lahat ng tingin sa akin ng mga classmate ko habang naglalakad patungo sa upuan ni Rafael. Walang Rafael ang nakaupo roon kundi ang mga bulaklak at picture niya lang ang nandoon.

Pakiramdam ko umikot ang paligid ko sa nakita ko. Anong meron? Bakit nangyayari 'to? Nasaan si Rafael?

"Condolences, Sarah."

Napabuga ako ng hangin at wala sa sarili na napahawak sa aking pisngi. Doon ko lang napagtanto na lumuluha na pala ako.

"A-anong nangyari? Bakit nandito 'tong mga to? N-nasaan si Raf? Nasaan siya?" nanginginig ang boses ko nang magsalita.

"Nabangga raw ang sasakyan ng magulang niya habang papunta sa restaurant. Mas malala ang natamong sugat ni Rafael dahil siya ang nag-drive ng sasakyan nila," pag-explain nito sa akin. "Wasak ang harapan ng kotse at halos hindi na raw makilala ang mukha ni Rafael maliban lang sa leather bracelet na suot niya."

Ang huling sinabi nito ay nakapagpabingi sa akin. Isang malaking ebidensya na ang sinabi niya, ang leather bracelet ay regalo ko kay Rafael noong valentines day.

Bahagyang nanlabo ang paningin ko habang nakatingin sa upuan ng kaibigan ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha at kasabay no'n ang masayang alaala naming dalawa ni Rafael na basta na lang pumasok sa aking isipan.

Pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan. Pinangako niya 'yon sa akin, kaya bakit nangyari 'to?

Napahawak ako sa armrest ng upuan nang maramdaman na nanlalambot ang aking mga binti. Nandidilim ang paningin ko at pakiramdam ko ang layo ng mga boses na sumisigaw bago ako tuluyang bumagsak sa tiles at mawalan ng malay.

"Sarah!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top