CHAPTER 21

CHAPTER 21

SARAH DAYANGHIRANG

"Anong ginawa mo?" naguguluhan kong tanong sa kan'ya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nakakabingi. Ramdam ko na rin ang pamamawis ng palad ko. Vallosian... 'yon ang pangalan ng baryo namin. At ang baryo namin ay maliit lang. Kaya paniguradong nakarating na rin kela mama ang balitang 'yon.

"I did that because you no longer need to use your identity as Sarah."

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil doon. Kung hindi niya lang hawak ang buhay ko ngayon, baka tinanong ko na siya kung nasisiraan na ba 'to ng ulo o ano.

Pero alam kong hindi ko rin naman 'yon magagawa. Awtomatikong nanlabo ang mga mata ko. Nanlalambot ang mga tuhod, at alam ko na kung susubukan kong tumayo ulit, babagsak na ako no'n sa lapag.

"Maraming paraan, Atlas. Maraming paraan para gawin 'yon pero bakit 'yan pa?" nanginginig ang boses ko ng tanungin siya. Tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong luha. "Paniguradong nakarating na sa kanila ang tungkol sa balita..."

Sinabi niya man lang sa akin ang plano niya, hindi yung ganitong nambibigla siya. Para kahit papaano ay alam ko. Para makapaghanda man lang ako. Halos hindi ko manguya o malunok ang pagkain dahil sa mga nangyayari ngayon.

Hindi na nagsalita si Atlas. Pinagpatuloy na niya ang panonood sa TV hanggang sa isang reporter na naman ang nagsalita roon. Patapos na ang balita tungkol sa nasunog na kumpanya ng Zevallos at iba na ang pinapalabas sa news.

"Don't worry, your mom won't find out that I'm the one sponsoring all the expenses for the funeral until the day of your burial; wala na naman silang gagastusin kung 'yan ang iniisip mo. Everything we do will not be disclosed. If you want to watch your own burial, puwede kitang samahan."

Napabuga na lang ako ng hangin. Tahimik kong pinunasan ang mga luha ko at kinalma ang sarili. Wala na... tapos na... nakalagay na sa balita na wala na ako. Na patay na ako. Hindi na ako puwedeng basta-basta na lang na umalis dito dahil alam kong kalat na sa balita na patay na ako.

"I already planned this, Sarah. There's nothing you can do about it. You no longer need the identity of Sarah Dayanghirang. I didn't tell you my plan because I knew you wouldn't agree." Mariin ko siyang tiningnan na ngayon ay seryoso ang mga tingin sa akin. "Wala ka rin namang magagawa dahil gagawin ko pa rin 'yon. Making it look like you're dead is the easiest thing I've done to quickly finish my plan. Once I make it seem like you're dead, after a few days, months, or years, they will eventually forget about you."

Pinanood ko siyang tumayo mula sa kan'yang kinauupuan. Inabot niya ang remote sa isang maliit na table at pinatay ang TV. Dumiretso siya sa wine chiller nito malapit sa hallway patungo sa office niya. Naglagay siya ng alak sa baso at tiningnan ako habang sumisimsim na roon.

"Wala na rin namang magagawa ang pamilya mo ngayong nalaman nilang patay ka na. They will just have to accept that you're gone, that you're dead. There won't be any other explanation because your dead body will be the evidence," aniya at muling uminom sa wine glass nito.

Umiwas na lang akong ng tingin at nanginginig ang aking kamay na inabot ang pitsel na may naglalaman ng iced tea. Sinalinan ko ang baso ko at dali-daling ininom 'yon.

"At kapag may nawawala, may pumapalit, hindi ba?" dagdag niya. "Gano'n ang nangyayari sa buhay, Sarah."

"Y-yung katawan... kaninong katawan yung ginamit niyo?" nauutal kong tanong sa kan'ya. Pakiramdam ko humahapdi na naman ang mga mata ko.

"I paid the family of the owner of the body we used to make it look like it was you," mabilis niyang sagot na para bang normal lang sa kan'ya ang gano'ng pangyayari!

Parang mas lalo pa yata ako makakapusan ng hininga dahil doon. Napahawak ako sa t'yan ng maramdaman na parang bumabaliktad sila. Bakit ganito nararamdaman ko? Parang nararambulan sila at anumang minuto maduduwal ako?

Mabilis akong napalingon sa gilid ko nang maramdaman ang presensya niya sa aking likuran. Nakababa ang ulo niya sa akin habang ang mga mata niya ay seryosong nakamasid.

"Sa panahon ngayon, if you have a lot of money, you can do whatever you want in no time. Kaya huwag ka nang magugulat pa sa kung anong gagawin natin. Especially now that you're working for me and for our organization."

Mabilis kong iniwas ang aking paningin. Bumaba ang tingin ko sa hawak kong plato... sinubukan kong kumain pero sa kalaunan ay nawalan na ako ng gana.

Ang atensyon ko ay nailipat na sa kan'ya ng hawakan niya ang balikat ko at tinapik ng ilang beses.

"Sarah Dayanghirang is already dead. The processing of your data in our organization's system is almost complete. My calculations about everything that's happening now are correct. Once your training has finished, I can say that your new identity has been created. Kapag nangyaring 'yon, you'll be known as Valentina Imara Meadows and not Sarah Dayanghirang," aniya habang nakahawak pa rin sa aking balikat.

Pero pumantig ang tainga ko sa huli niyang sinabi.

"Valentina Imara Meadows?" wala sarili kong tanong sa kan'ya. Napalingon tuloy ako at tiningnan ito. Nanatili pa rin naman siya sa likuran ko at pinapanood ang reaksyon ng aking mukha.

"Yes."

Napalunok ako at napaawang ang aking labi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Valentina Imara Meadows... ang ganda pakinggan. Parang may ibubuga ang pangalan. Tunog malinis, classy, at higit sa lahat, parang nakakaakit.

"Ria also mentioned to me that you want to change yourself. You want to have plastic surgery. Puwede kitang matulungan sa gusto mong gawin sa sarili mo."

Humigpit ang hawak ko sa plato ng maramdaman ang kamay niya sa aking baba. Ginalaw niya ang ulo ko hanggang parehas na kaming nakatangin sa isang naka-display na full-length body mirror sa harapan namin.

Nakita ko na bumaba ang ulo niya sa gilid ko at pinantay 'yon sa akin habang pinapanood pa rin ang repleksyon naming dalawa sa harap ng salamin.

"I will help you change yourself. You will get to decide what you want to do. Just let me know. Create Valentina Imara into what you want her to be, and she's all yours."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halo na silang lahat. Pero parang may kislap sa dibdib ko sa mga sinasabi niya. Na tutulungan niya ako sa gusto kong gawin. Sa pagpaparetoke ko at pag-aayos sa sarili ko.

Hindi ako mapakali. Masaya ako... 'yon ang nararamdaman ko dahil parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa. Ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko dahil sa mga nalalaman ko ngayon ay napalitan ng tuwa.

Sobrang lapit ko na sa pangarap ko na baguhin ang sarili ko.

Kapag nangyari 'yon. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaganda. Maganda na ako... hindi na ako pangit. Parang ang perfect ko na kapag nakapagparetoke na ako.

Parang kinikiliti ang t'yan ko habang iniisip 'yon. Hindi ko man mavisualize ang magiging bago kong mukha. Alam ko sa sarili ko na magiging maayos naman ang kalalabasan no'n.

"Saan ako magtatraining, Atlas?" tanong ko sa kan'ya habang nakatingin pa rin sa salamin. "Dito ba? Sa warehouse mo?"

Isang ngiti ang sumilay sa kan'yang labi. Tinuwid niya ang kan'yang tayo at hinaplos ang buhok ko.

"We're going to Mexico."

Mabilis pa sa alas kuwatro na napalingon ako sa kan'ya

"M-mexico?" nauutal kong tanong dahil sa gulat.

"Yes."

Hindi pa ako nakakapunta roon. May passport naman na ako, pero sana maaga niya pa lang sinabi sa akin para maprocess ko ang ibang kinakailangan—

"After they bury your dead body, we're going to Mexico. And if you're thinking about all the travel needs, that's all taken care of, wala ka ng iba pang aasikasuhin," putol niya sa sinasabi ko," sagot niya na para bang nababasa niya ang iniisip ko kanina.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

A few weeks later...

Nakatayo lang kami ni Atlas sa ilalim ng malaking puno, pinapanood sila mama sa puntod ko. Kasama niya rin ang mga kapatid ko. Kumpleto silang lahat doon. Ang pekeng bangkay ko ay nasa ilalim na ng lupa, nakalibing.

Nanatili lang kami ni Atlas sa kinatatayuan naming dalawa at hindi na naisipang lumapit pa roon. Parehas kami ng kulay ng suot na damit. Black. Maski ang sunglasses ay gano'n din.

Isang simpleng black puff-sleeve dress ang suot ko samantala ay ang usual na suotan ni Atlas. Black polo shirt na nakatuck in sa maong niyang pantalon.

Pinapanood din namin ngayon ang isang nagpapanggap na lawyer na inutusan ni Atlas. 'Yon ang mag bibigay ng pera sa unang sahod na binigay sa akin ni Atlas noong first mission na binabanggit niya. Medyo naweweirduhan pa ako na 'yon ang sinasabi niya.

Napagusapan na namin ni Atlas na ang malaking pera ay sa cheque ilalagay. Parang nalula ako kung magkano ang nandoon at hindi ko na 'yon tinandaan pa. Pakiramdam ko sapat na 'yon para sa pagrerenovate ng bahay. Maliit lang at hindi gaano kalakihan na bahay.

Sa tingin ko nga ay puwede pa silang makapagpatayo ng maliit na sari-sari store para magkaroon ng business. Para umikot ang natirang pera.

"Mrs. Pajarilla, please accept my deepest condolences on the loss of your daughter." May inabot siyang cheque kay mama at papel. "This is Ms. Sarah's last will and testament. Nakalagay na d'yan sa loob na ang perang naipon at pagmamay-ari niya ay mapupunta sa 'yo. Puwede niyo po 'tong iwithdraw sa malapit na banko sa Austria City ang cheque na 'to."

Naririnig namin ang kanilang pinaguusapan dahil ang pekeng lawyer ay may suot na earpiece. Naririnig at nakikita ko rin ang kanilang ginagawa sa pekeng puntod ko.

Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni Mama nang mabasa ang nakasulat sa papel pati na rin ang cheque.

"S-sobrang dami naman 'to..." paos ang boses ni mama ng magsalita.

Wala sa sarili na napahawak ako sa aking dibdib ng sumikip 'yon. Umiiyak siya? Anong ibig sabihin no'n? Hindi na ba siya galit sa akin ngayon?

Ang daming mga katanungan bigla na pumasok sa isipan ko. May gusto akong itanong sa kan'ya pero hindi naman puwede.

"That's all yours."

Tinuloy nila ang kanilang pinag-uusapan. Nagsasalita ang lawyer nang tanungin siya ulit ni mama.

"Impossible na makapag-ipon siya ng ganito kalaking pera. Ang alam ko lang ay isa siyang assistant. 'Yon lang at wala nang iba. Aabot pa ng ilang dekada bago makapag-ipon ng ganito karaming pera. May alam ka ba? May alam ka ba tungkol sa trabaho niya?"

Napasandal na lang ako sa katawan ng punong kahoy nang maramdaman na parang mabubuwal ako sa kinatatayuan ko. Ang tuhod ko ay nanlalambot. Nanginit ang sulok ng mga mata ko ng marinig ang tono ng kan'yang boses.

Bakit gano'n? Parang iba ang tono ng boses niya? Ibang iba sa tuwing kinakausap niya ako kapag nakikita ako. Bakit ang lambot ng boses niya?

"I'm sorry, that's too confidential, Mrs. Pajarilla. I was only instructed to give this to you, and that's my job. I'll be going now. My condolences again," tipid na sagot ng lalaki at agaran di na umalis.

Mabuti na lang at nakasuot ako ng sunglasses. Natatago no'n ang mga luha kong hindi ko na napigilan. Malaya silang tumulo pababa sa aking pisngi. Parang iniipit ang dibdib ko habang pinapanood si mama. Nakababa ang tingin habang walang tigil sa pagpunas sa kan'yang mata.

Naghintay kami ng ilang oras, nanatili pa rin sa ilalim ng puno hanggang sa makaalis na sila. Kaya ngayon, kaming dalawa na ni Atlas ang pupunta roon bago umalis papunta sa Mexico.

"How are you feeling?" biglang tanong ni Atlas.

Bahagya akong yumuko at hinaplos ang lapida. Mapait akong ngumiti habang ginagawa 'yon.

"Hindi ko alam, Atlas. Hindi ko alam kung alin sa kanilang lahat ang uunahin ko..."

Kanina pa ako tumahan. Kumalma. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Bakit gano'n?

Nandito ako ngayon sa harap ng sarili kong pekeng puntod. Ang weird sa pakiramdam pero hindi ko itatanggi na parang nakaramdam ako ng pahinga at payapa. Siguro noong una nagaalala pa ako dahil sila mama ang iniisip ko, pero ngayon?

Parang mas mainam na 'to.

Alam kong mabubuhay na sila ng maayos sa iniwan kong pera. Kailangan lang nila gamitin 'yon sa tamang paraan at wala nang iba. Hindi pa rin naman ako titigil sa pagpapadala ng pera sa kanila basta nagtatrabaho ako kay Atlas.

"Wala na talaga ako... at ito na ang ebidensya. Nasa harapan na natin..."

Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang tingin ni Atlas. Nakahalukipkip lang siya at nakababa ang ulo sa akin.

"Sana hindi mo ako biguin, Atlas. Yung pangako mo sa akin... at sa pamilya ko gagawin mo. Susundin ko lahat ng gusto mo basta gawin mo 'yon. May utang na loob pa rin naman ako sa 'yo dahil alam ko na kung hindi dahil sa 'yo hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral."

Tumango si Atlas. "I never broke my promises, Sarah. Makakaasa ka sa akin."

Napabuntonghininga na lang ako at binalik ang paningin sa lapida na gawa sa marmol. Hinaplos ko 'yon sa huling pagkakataon. Pinaglandas ko ang daliri ko sa nakaengraved na pangalan ko roon.

Sarah Dayanghirang.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago ko maisipang tumayo.

"It's already time. Let's go to the van."

"Tara," sagot ko at nilapitan siya.

Nilingon ko ulit ang aking puntod sa huling pagkakataon. Mapait akong ngumiti at napailing na lang. Patay ka na, Sarah. Hindi ka na nageexist pa sa mundong 'to.

Dahil pagkatapos nito... ibang-iba ka na. Hindi ka na ang dating Sarah. Magiging malayong-malayo ka na sa dating ikaw.

"Masaya ako na nangyari 'to dahil paparating na ang bagong ikaw..." mahina kong wika sa puntod ko. "Gagawin ko 'to para sa atin... para sa pangarap nating dalawa."

Napakurap ako ng maraming beses ng maramdaman ang panunubig ng aking mga mata. Napabuga na lang ulit ako ng hangin at inayos ang sarili. Agad kong tinalikuran ang puntod at hinarap na si Atlas.

"Tara, Atlas."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top