CHAPTER 19

trigger warning: mentioning rape

₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

CHAPTER 19

SARAH DAYANGHIRANG

"I already examined your blood."

Lumipas muna ng ilang araw at pinabalik ulit ako ni Atlas sa warehouse niya. Sa mga araw na hinihintay ang magiging result ng blood test ko ay pinayagan niya ako na makauwi ng bahay.

Kaya ngayon, nandito na naman kami sa main hall ng Section 1 ng Laboratory. Wala si Ria ngayon dahil may kailangan siyang gawin sa production area nila kung saan sinasagawa ang mga ipinagbabawal na gamot na kakailanganing ipadala sa Mexico. Medyo rush na raw 'yon dahil nagkaproblema raw sa shipping nung kailan lang.

Sa isang maliit na clinic area kami ni Atlas ngayon, kung saan ako kinuhaan ni Ria ng dugo. Nakaupo si Atlas sa isang swivel chair habang ako ay nakaupo rin sa isang bakanteng upuan sa tapat ng kan'yang lamesa.

Nakababa ang tingin niya. May binabasa sa hawak niyang table. Kumunot ang aking noo ng makitang tumaas ang gilid ng kan'yang labi. Inadjust niya pa ang suot nitong eyeglasses at pinipigilan ang sarili na huwag ngumiti habang nakababa pa rin ang paningin.

Bakit parang tuwang-tuwa siya sa nababasa niya ngayon? Anong nakakatawa sa result ng dugo ko?

Maya-maya ay umangat na rin ang ulo niya at tiningnan ako. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin at pinatong sa lamesa ang tablet na hawak nito.

"Hmm... this is very interesting, huh," nakangiti niyang sabi. he said softly to me.

"Anong meron, Atlas?" naguguluhan kong tanong. "May nakita ka bang kakaiba sa dugo ko? Ano pa lang type ng dugo ko?"

"You have the rarest type of blood, Sarah," sagot niya at tipid akong ningitian. "The thing is, it's very interesting because one of my frontliners has the same blood type as yours. An A-negative."

A-negative?

Tumikhim siya bago muling magsalita, "Sinabi naman ni Ria ang gagawin ko sa 'yo pagtapos nito, hindi ba? I'll take at least one or two bags of blood from you."

Tumango ako. "Oo, sinabihan niya na ako."

"That's good, then. Stay here for the meantime. May kukunin lang ako sa labas."

"Okay. Stay here for the meantime. I'll just get something outside for a bit," he said.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil nagmamadali na rin siyang makalabas. Naghintay na lang ako sa kinauupuan ko at inabala ang sarili sa ibang bagay.

Ang dami pa talagang pasikot-sikot sa kanila bago makapagtrabaho rito.

'It's very interesting because one of my frontliners has the same blood type as yours. An A-negative.'

Baka coincidence lang? Pero siya na nagsabi sa akin na rare ang blood type ko. Kaya medyo na cucurious din tuloy ako kung sino 'yon. Atsaka, alam kong kilala ni Atlas 'yon dahil naging trabahante niya ang taong sinasabi niyang may rare na blood type rin.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Sino yung taong sinasabi mo na kaparehas kong A-negative rin ang blood type, Atlas?" hindi ko na napigilan ang sarili na tanungin siya.

Nakahiga ako ngayon sa hospital bed, medyo nakaangat lang ng kaunti ang backrest kaya parang nakaangat ng bahagya ang upper body ko. May hawak akong stress ball at pinipiga 'yon habang nakatingala sa kisame.

Hindi ko na nagawang lingunin si Atlas na ngayon ay nakaupo pa rin sa swivel chair habang may binasa sa hawak niyang tablet. Paminsan-minsan naman ay naririnig ko ang pagtatype niya sa keyboard ng kan'yang laptop.

"You don't need to know that," tipid niyang sagot.

Napangiwi na lang ako roon. "Sorry."

Muling namayani ang katahimikan at hindi ko na naman napigilan na tanungin siya. "Dapat ba talaga na dito ako tumira kapag magtatrabaho na ako sa 'yo?"

"Yes, of course."

Napabuntong hininga ako nang marinig ang sagot niya. Parang biglang nanikip ang dibdib ko dahil doon. Hindi na ba puwedeng mabago 'yon? Mahihirapan akong makapag-adjust kung mangyayari man 'yon sa akin.

"Kahit isang beses lang naman kahit nag-ta-trabaho ako rito, Atlas. Kahit saglit ko lang makita sila mama."

Nakita ko na pinatong niya ang kanan niyang siko sa ibabaw ng lamesa at pinatong ang baba sa palad nito ng tingnan ako. Umiling siya nang maraming beses na nakapagpasikip muli ng aking dibdib.

"No. you're not allowed, Sarah. Do you think your family will be safe if you still go home to them while working for me? Hindi natin malalaman kung ano ang susunod na mangyayari kaya mas mainam na lumayo ka sa kanila."

Hindi ko namalayan na mariin ko na pa lang napipiga ang hawak kong stress ball. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at nilipat na lang ang paningin sa kisame. Napabuntonghininga na lang ako at nilabanan ang pagtulo ng mainit kong luha.

"Besides, why would you even go home? I know that your mother hates you. What's the point of going home to your house if your mother hates you? Wala ka nang ibang dahilan para umuwi ka pa roon."

Napalunok na lang ako. Pilit na nilululon ang matigas na bagay sa aking lalamunan. Hindi lang 'yon, pakiramdam ko para akong sinasakal sa nararamdaman ko ngayon. Ang mga mata ko ay sobrang labo na dahil sa mga naiipong luha roon. Maya-maya rin ay tuluyan na silang tumulo pababa sa gilid ng aking mga mata.

"M-mahal ko sila..." tuluyan nang mabasag ang sarili kong boses nang sagutin siya.

"Did they even love you?" tanong niya sa akin pabalik.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hinayaan ko lang 'yon. Parang mas lalo pang bumuhos ang mainit kong luha dahil alam ko sa sarili ko na ang sagot sa tanong niya ay hindi. Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang mga masasamang salitang binibitawan ni mama sa akin... sa mga ginagawa niya sa akin na hanggang ngayon ay pinagsasawalang bahala ko lang.

Kung paano uminit ang ulo niya sa tuwing nakikita niya ako. Kung paano niya ako bulyawan sa tuwing may kinikilos lang ako sa bahay. Kahit anong gawin ko na sa tingin ko ay makakapagpasaya sa kan'ya nauuwi lang 'yon sa sigawan at sakitan, na para bang mali ang naging desisyon niya na isinilang niya ako sa mundong 'to.

Natigilan ako sa aking iniisip. Hindi ko na talaga makontrol ang nararamdaman ko ngayon kaya hinayaan ko na lang ang sarili na magpadala sa emosyon ko.

Siguro ito naman talaga ang gusto niya.

Sabagay... sino ba namang ang gustong makita kung bunga ka ng isang panggagahasa?

"I'll ask you again, Sarah. Did she even love you? Did your mother love you?"

"She doesn't love you."

"Your mother doesn't care for you, and you already know what the reason is."

Paulit-ulit niyang sinasabi 'yan na parang mas lalong umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko parang mababaliw ako. Oo, alam ko. Alam ko na hindi niya ako mahal pero huwag niyang isampal sa akin isampal ang katotohanang 'yon dahil alam na alam ko.

Para akong kakapusan ng hangin sa katawan. Mas lalong humihigpit at bumibilis ang pagpiga ko sa stress ball, na para bang nakikipagkumpitensya pa sa bilis ng tibok ng puso ko.

"She can even love you because you're a rap—"

"Tama na, A-Atlas..." nahihirapan kong sabi. "Hindi na ako uuwi kapag nagsimula na ako rito. Masaya ka na ba? Hindi mo kailangan na ipaalala sa akin na hindi ako mahal ni mama dahil alam ko 'yon."

Walang emosyon itong nakatingin sa akin. "That's good. Don't worry, I'll give you one day to bring your important belongings from your house to here. After that, you need to come back here immediately."

"Kung susundin ko lahat ng gusto mo... makakaasa ba ako na magiging safe sila mama habang magtatrabaho ako rito?" tanong ko sa kan'ya ng pinunasan ko ang aking luha.

Gusto ko ng tumayo. Gusto ko ng bumangon kaso hindi ko naman magawa dahil kailangan ko pang tapusin 'tong huling bag na paglalagyan ng dugo ko. Tapos na kami sa una, kaya ito na ang pangalawa.

"Of course. They're not involved in what you're doing here. Don't worry, they'll be safe," sagot niya.

Tipid niya akong ningitian ng linugunin ko ito; nakasandal siya sa swivel chair habang nakatingin sa akin. Masakit pa rin ang mga mata ko, at ang talukap ay bumibigat. Parang gusto ko tuloy matulog ngayon at ipikit na ang mga mata.

"Paano ako makakasiguro?" tanong ko.

Kailangan kong malaman kung paano magiging safe sila mama dahil 'tong trabaho na pinasok ko hindi naman biro, eh. Ayaw ko na may mangyaring masama sa kanila kaya gusto ko na magiging maayos ang kalagayan nilang lahat habang magtatrabaho ako kay Atlas.

"You need to create a new identity when you enter our organization. Since you're still new, and your data is still being processed in our system, I will handle your training for now. Don't worry, ako lang at ang mga big boss ng mga kada faction ng organisasyon natin ang makakaalam sa totoong identity mo at wala nang iba."

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nag-iimpake? "

Umangat ang ulo ko nang marinig ang boses ni mama. Hindi ko napansin na nakapasok na pala ito. Masyado akong busy sa paglalagay ng mga iba kong damit sa itim kong backpack.

Saka lang ako tumayo ng maisara ko na 'yon at masiguro na nandoon na lahat ng mga importante kong mga gamit. Nang lingunin ko si mama ay nanatili pa rin siyang nakatayo sa gilid ko. Nakamaywang at may gamit na toothpick sa bibig.

"Mag-o-overnight po ako sa bahay ni Ei, 'ma," sagot ko. "Pagkatapos po no'n, diretso na po agad ako sa trabaho ko. Pagkatapos po no'n babalik din ako kay Ei kaya baka kinabukasan pa po uwi ko rito."

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Humalukipkip ito at naupo sa kama. Bumaba ang tingin niya sa bag ko na katabi niya lang din.

"Ei? Sino 'yang, Ei? Marami bang pera 'yan?"

Napabuntong hininga na lang ako at umiling. "Hindi, 'ma. Birthday niya kasi bukas kaya inaya niya ako na mag dinner. Mga bandang hapon daw ang start ng party kaya sigurado ako na doon niya muna ako papatulugin hanggang matapos ang party," pagsisinungaling ko.

Umismid siya. Halatang hindi nagustuhan ang sagot ko. Basta talaga kapag may pera na kasama sa usapan namin nagiging alerto ang tainga niya. Kaya nagsinungaling na lang din ako sa kan'ya dahil ayaw ko nang makarinig kay mama na peperahan ko 'yang si Ei katulad ng una niyang sinabi sa akin noon nang malaman niya na magkaibigan kami ni Rafael.

"Basta siguraduhin mo lang na ang unang sahod mo sa akin mapupunta."

Tumango ako. "Opo."

Mukhang nakalimutan din ni Atlas ang tungkol sa sahod. Lalo na rin kung paano ko ito makukuha sa kan'ya.

Handa na akong umalis ng bahay sa huling pagkakataon. Nakabihis na ako. Isang white fitted shirt na nakatuck-in sa suot kong nude na slacks. Mabilis ko lang din na tiningnan ang sarili sa salamin sa buong kuwarto ko dahil naiilang ako kay mama, nakatingin siya sa akin.

Napabuntong hininga ako at nilingon siya. Sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko parang may pumipigil sa akin na huminga. Ganito ang nararamdaman ko dahil ito na ang huling pagkakataon ko na makikita at makakasama siya.

Alam kong magugulat siya sa susunod kong gawin. Pero mas mainam 'tong ginawa ko. Dahil kung sasabihin ko pa sa kan'ya ang dapat kong gagawin ay alam kong hindi siya papayag.

Niyakap ko siya. Niyakap ko nang mahigpit si mama. Mas maganda na sa ganitong paraan na lang ako magpapaalam sa kan'ya.

"Ano bang problema mo?" iritableng reklamo ni mama. "Bitawan mo nga ako!"

Hindi ako nakinig sa reklamo niya. Nagbingi-bingiian lang ako. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap at pilit na sinusulit ang mainit niyang katawan sa akin.

"Bitawan mo 'ko!"

Malakas niya akong tinulak kaya napaatras ako. Hindi ko na napigilan ang pamamumuo ng aking luha at tuluyan nang tumulo habang nakatingin kay mama. Malabo na siya agad sa paningin ko dahil sa bigat ng bugso ng damdamin ko.

"Baliw ka na, ba? Ano bang problema mo, Sarah?"

"G-gusto ko lang naman po na yakapin ka..." humihikbi kong sagot.

Umasim ang mukha niya dahil doon. Hindi niya gusto ang sinabi ko dahil kitang-kita ko ang pandidiri sa mga mata at ekspresyon ng kan'yang mukha.

"Lumayas ka nga rito! Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko!" pangtataboy niya sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang may milyon-milyong karayom ang tumutusok ng paulit-ulit sa puso ko. Kahit na alam ko na gan'yan ang mga salitaan niya sa akin, masakit pa rin pala talaga sa puso. Kahit na tanggap ko na gan'yan siya sa akin ay kirot pa rin akong nararamdaman.

Tahimik akong lumuluha sa kan'yang harapan at walang ng sinasabi dahil natatakot ako na baka may sasabihin na naman siya sa akin na masasamang salita.

Ilang minuto rin akong umiiyak sa kuwarto bago ko napagdesisyunan na umalis na ng bahay. Ang black na backpack ay nakasakbit na sa aking balikat. Wala si mama sa sala kaya alam kong nasa sarili niyang kuwarto siya. Kumatok na lang ako ng tatlong beses at nagpaalam bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nilingon ko ang bahay namin sa labas ng gate sa huling pagkakataon bago maglakad papalayo.

"Sa susunod maganda na 'tong bahay natin, 'ma. Huwag kang mag-alala. Maghintay ka lang," bulong ko sa sarili.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Agad din akong nakapunta sa condo unit ni Ei pagkaalis ko ng bahay. Nagulat pa nga siya dahil bigla akong pumunta ng hindi nagpapaalam. Balak ko rin naman 'yong gawin, ang sopresahin siya kaya hindi na ako nag-text.

"Mabuti na lang at kakauwi ko lang galing trabaho. Baka mamaya maghintay ka pa sa akin sa labas o sa lobby. Kumain ka na ba?"

Kalalabas lang ni Ei sa banyo. Kaliligo lang at nakabihis na ng pantulog. Malawak ang ngiti niya sa kan'yang labi at nilapitan ako.

"Sorry kung pumunta ako rito ng hindi nagsasabi sa 'yo."

Mahina siyang natawa at hinawakan ang aking kamay para maupo kami sa sofa. Inangkla niya pa ang kamay sa aking braso at sinandal ang ulo sa aking balikat.

"Let's just order some food so we can eat right away. Tinatamad na akong magluto ngayon," reklamo niya bago kinuha ang cellphone nitong nakapatong sa center table. "Grabe ang pagod ko sa trabaho."

Ningitian ko na lang siya at tumango. "Sige. Ikaw na ang bahala mamili ng pagkain natin."

Mabilis lang din siiyang naka-order ng pagkain namin. Naghintay na lang kami ng ilang minuto para dumating 'yon. Maya-maya rin, nang makarating ang pagkain ay agad din naming nilantakan. Kinain namin 'yon sa maliit na mini dining area niya.

"Hindi rin pala ako magtatagal dito, Ei," sambit ko ng maibaba ang iniinom ko.

Umangat ang paningin niya sa akin habang ngumunguya. Nakakunot ang noo at natigilan pa sa kinakain nito.

"Huh, why? Gusto mo banag ihatid na lang kita sa bahay niyo? Wala kasi yung naghahatid sa akin pero yung kotse ko nasa parking lot. Baka kasi mamaya may mangyaring masama sa 'yo n'yan kung uuwi kang mag-isa. It's already night, Sarah."

Hindi ko dala ang backpack ko kung saan nakalagay roon ang mga inempake kong mga damit. Iniwan ko lang 'yon sa guard sa may lobby. Para hindi niya mapansin at tanungin na rin ako kung saan ang lakad ko.

Dahil pagkatapos nito ay didiretso na agad ako sa warehouse ni Atlas. Kailangan ko na lang sulitin ang mga natitira kong oras na kasama si Ei dahil alam kong pagkatapos nito ay hindi ko na talaga siya makikita pa.

"Okay lang, Ei. Kaya ko naman sarili ko," pag-a-assure ko sa kan'ya.

Binaba ko ang hawak kong kutsara at inabot ang kan'yang kamay. Natigilan tuloy siya at napatingin sa akin.

"Ei... gusto ko lang na magpasalamat sa lahat. Thank you kasi ikaw yung dumating sa akin noong nawala si Rafael. Akala ko... hindi na ako magkakaroon pa ng kaibigan pero hindi pala." Malambot ko siyang ningitian. "Pero sa tingin ko mas masaya at mas maganda kung pati siya nandito kasama natin. Hindi lang isa ang magiging kaibigan ko... kundi dalawa na."

Naramdaman ko na hinawakan niya rin ang kamay ko. Humigpit pa 'yon bago ako ningitian.

"You're always welcome, Sarah," malambing niyang sagot. "Is there something wrong? Why does it seem like you're saying goodbye? May problema ka ba? Makikinig ako, alam mo 'yan."

Umiling ako. "Wala. Wala akong problema. Gusto ko lang talagang magpasalamat. Masuwerte ako na naging kaibigan kita at nakilala."

Ningitian ko lang siya. Para at least maramdaman niya na totoo ang mga sinasabi ko. Ang kaso parang nagbubutil pa yata ang pawis ko sa noo dahil nakatingin siya sa mga mata ko. Sobrang tagal at para bang binabasa ang ekspresyon sa aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Pero sa kalaunan mukhang na kumbinsi ko na siya. Napabuntong hininga na lang ito at ningitian ako.

"I hope we will have a bonding time soon, Sarah. My schedule at work is very hectic. Hindi ko alam kung kailan ko pa kaya maiisisingit ang magiging bonding natin sa susunod. I'm afraid to say that this will be the last time that I'm seeing you, at hindi ko pa alam kung kailan ulit tayo magkikita."

"Okay lang, Ei. Naiintindihan kita. Parehas lang din naman tayo, kahit ako magiging busy na rin sa trabaho."

Napabuntonghininga na lang siya dahil doon. Bumagsak pa ang balikat at malungkot ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Don't worry, Sarah. When I have a chance, we can meet."

Tumayo siya sa kan'yang kinauupuan at nagtungo sa akin para yakapin ako. Pinikit ko ang aking mga mata at hinigpitan ang bisig sa kan'ya. Kailangan kong sulitin ito dahil hindi na 'to mauulit pa.

Susubukan kong kitain siya... ilang beses na 'tong pumasok sa isipan ko kasi nag dadalawang isip ako. Ayaw ko na madamay siya at ang pamilya niya sa trabahong mayroon ako. May anak si Ei... at hindi ko rin talagang kayang makitang mapahamak ang dalawang 'yon dahil sa akin.

"Mamimiss kita, Ei."

Humigpit ang yakap niya sa akin. "Me too. I'm going to miss you too, Sarah."

₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Madaling araw na rin ako nakarating sa bahay nila Atlas. Gano'n pa rin naman ang setup; sinundo ako ng isa sa mga tauhan ni Atlas sa arko ng Rarito para dalhin sa warehouse. Medyo natagalan lang talaga ako sa pagpunta rito dahil napahaba ang oras ko kay Ei. Nanood pa kami ng movie sa huling pagkakataon kaya 'yon ang dahilan.

"Give me your bag."

Inabot ko kay Atlas ang dala kong black backpack nang makalabas ako sa elevator. Magpapaumaga na rin ngayon at gising na gising pa rin talaga ang mga tao rito. Napapaisip din tuloy ako kung nakakatulog pa ba ng maayos si Ria sa sobrang busy ng mga ginagawa rito.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa living area. Hindi na nakasuot ng lab gown si Atlas. Isang white long-sleeved polo na nakatupi ang manggas hanggang sa kan'yang siko. Nakatucked-in 'yon sa itim niyang pantalon.

Mukhang okay na ang nangyayari sa laboratory dahil wala na siya roon, o baka naman may iba lang siyang inaasikaso ngayon at pinaubaya na niya sa ibang tauhan nito ang mga gagawin sa loob ng production area.

Binaba niya ang bag ko sa sofa at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang binuksan 'yon. Mabuti na lang nasa pinaka ilalim ko nilagay ang mga personal kong gamit. Lalo na ang mga underwear.

"I thought you would bring a suitcase here. Okay na 'tong mga dala mo; besides, you can buy new things with your first salary working for me," ani Atlas habang patuloy pa rin siya sa kan'yang ginagawa.

Agad din siyang natapos kaya sinarado niya na 'yon. Ngayon naman ay nakalahad ang palad niya sa akin. Bumaba ang tingin ko doon habang nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong ko sa kan'ya.

"Your phone. Give me your phone," utos niya. "And open it already."

Ang tagal ko pang iabot sa kan'ya ang cellphone na hawak ko. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba 'yon o hindi dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin niya roon.

Bumibilis ang paghinga at pintig ng puso ko habang sinisilip ang ginagawa niya. Dahil matangkad na tao si Atlas. Nakatingkayad ako ngayon at pinapanood ang ginagawa niya.

Dumiretso siya sa contacts, at namilog ang mga mata ko nang bigla niyang dinelete ang mga numbers na naka-saved doon.

At ang pinaka huli ay ang number ni Rafael. Doon na agad ako umalma dahil parang pinupunit ang puso ko ng makitang pipindutin niya na sana ang delete button.

"Atlas... iwan mo lang 'yan, please," pagmamakaawa ko.

Dumako ang paningin niya sa akin. "Why?"

Napalunok ako at mapait na ngumiti sa kan'ya. "Huwag kang mag-alala, kung sa tingin mo may ibang makaka-track n'yan, malabong mangyari 'yon..." mahina kong sambit at nagpipigil na huwag mabasag ang boses sa harapan niya. "Ang number kasi niyan ay pagmamay-ari ng kaibigan ko na namatay na. Kaya kahit 'yan na lang huwag mong idelete, Atlas. Importante kasi sa akin 'yan."

Paminsan-minsan kasi ang number ni Rafael ang takbuhan ko sa tuwing hindi ako maayos. Kapag malungkot ako. Kapag may mabigat at kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Tinitext ko sa kan'ya ang nararamdaman ko kahit na alam kong hindi naman siya magrereply pa.

Pakiramdam ko kasi sa paraan na 'yon parang nararamdaman ko pa rin si Rafael na nasa tabi ko lang siya.

"Okay."

"Thank you..."

Ningitian ko siya at pinunasan ang namamasang mata. 'Yon lang naman ang ginawa niya sa cellphone ko bago ibigay sa akin pabalik. Sumenyas siya ng sundan ko siya at nauna na itong maglakad.

Dumiretso kami sa office niya. Naupo na agad ako sa kung saan ako palaging nakaupo sa tuwing papasok kami roon. May kinuha siya sa drawer sa office table at inabot sa akin.

"This will be your new phone, Sarah. Simula ngayon ito na gagamitin mo at hindi 'yang isang ginagamit mo. Make sure that you don't use your old phone whenever you're on your mission or working here," aniya nang mahawakan ko ang binigay niyang cellphone.

Hawak ko na ngayon ang cellphone na binigay niya. Black 'yon at hindi pa nabubuksan. Halatang brand new dahil hindi pa natatanggal ang nakaharang sa screen. Smooth ang likod at masarap sa palad kapag hahawakan. Tiningnan ko pa ang kabuuhan ng cellphone. Sa likod no'n ay may logo ng organisasyon nila.

"Magagamit ko pa ba yung isa kong cellphone?" tanong ko sa kan'ya.

Nagkibit balikat ito. "Desisyon mo na 'yon kung gagamitin mo o hindi. Kung sa tingin mo safe gamitin ang luma mong cellphone sa isang lugar, you can use it. But I suggest that you don't use it whenever we attend some gatherings under our organization because they can easily hack your phone."

Tumango na lang ako bilang sagot at nakinig pa sa iba niyang sinabi. May kinuha na naman siya sa drawer ng office table nito. Isang white folder, pinatong niya 'yon sa lamesa at tinulak papunta sa akin. Kinuha ko agad 'yon at binasa ang nakasulat doon.

Zevallos Real Estate Corporation.

Pagmamay-ari ng pamilya nila Rafael 'to, hindi ba? Umangat ang aking ulo at akmang kakausapin si Atlas pero naunahan na niya ako.

"Your work starts now, Sarah. I have a small mission for you, and it will be very easy. Since you're just starting now, you should begin with something easy so you don't get overwhelmed."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top