CHAPTER 15

CHAPTER 15

SARAH DAYANGHIRANG

Wala nang nagtangkang magsalita sa pagitan naming dalawa nang matapos siya sa kan'yang sinabi. Nanatiling tikom na lang ang bibig ko habang malalim ang iniisip at hinihintay ang susunod niyang sasabihin pero wala.

Tanging mahinang ugong na nanggagaling sa elevator lang ang naririnig ko habang bumababa pa rin kami. Makalipas ng ilang segundo muntik pa ako mapatalon sa gulat nang marinig ang 'ding' ng elevator; nakarating na rin kami sa wakas.

Hinihintay ko na bubukas ang pintuan sa harapan namin pero wala. Ang tagal ko pang naghintay roon hanggang sa isang mahinang tunog ang narinig ko sa likuran. Mabilis akong napalingon doon habang nanlalaki ang mga mata.

Tama nga ang hinala ko. Dalawa nga ang pintuan dito.

Nang tingnan ko si Atlas sa gilid, nakita ko ang pag taas ng gilid ng kan'yang labi at napailing na lang. Bumaba ang paningin niya sa akin at ginalaw ang ulo patungo sa nakabukas na pintuan para sabihan na mauna na ako roon.

Napalunok ako at sumunod na lang. Habang nililipad ang utak ko sa malayo kanina, iniisip ko na agad ang magiging hitsura ng mapupuntahan namin. Madilim. Madumi. Nakakatakot at mabaho... pero hindi pala.

Kabaliktaran no'n ang nakikita ko ngayon. Sinalubong ako ng isang malaking lounge. Plain white lang ang kulay ng kapaligiran at meron lang na mga gold linings sa bawat corner. Maaliwalas ang kapaligiran, parang ikaw na lang na mahihiya na papasok dito na madumi.

Higit sa lahat, mabango pa. Medyo may kaparehas sa car freshener ng kotse ni Atlas. Mild pomegranate, gano'n siya. Hindi matapang ang amoy at katamtaman lang.

Maliwanag din sa kabuuhan ng lounge pero mukhang gamit nila ang soft type na ilaw na nakakabit sa kisame. 'Yon lang ang nasilip ko dahil pinakabungad talaga pagkalabas mo ng elevator ay isang maliit na reception desk na wala namang tao.

Nang malagpasan naming dalawa ang maliit na reception desk, nakita ko agad ang isang malaking flatscreen TV sa gilid sa bandang kaliwa ng isang hallway. At kung tama ako, mukhang living area nila 'yon. May mga sofa rin na nakapuwesto roon at center table na pinailaliman ng itim na carpet.

Habang sa kabilang dako naman ay mayroon na pahabang wooden table. Nakapatong doon ang coffee machine. May mga mugs din pati mga snacks; mukhang marami pa 'yon dahil may mga drawer din na kasama ang lamesa.

"Welcome to my basement, Sarah," usal ni Atlas.

Nauna siyang maglakad at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa hallway na nakita ko; akala ko ba naman ay mauupo pa muna kami sa sofa. Binilisan ko na lang ang lakad ko, at bago pa tuluyang makapasok sa hallway ay napatigin ako sa isang silid na may malaking glass window; may mga tao roon na mga nakasuot ng lab gowns at face masks.

Doctor ba si Atlas? O baka naman related sa gan'yan yung trabaho niya?

Pero kung gano'n... sobrang layo no'n sa pinag-aralan ko. Anong gagawin ko sa mga nasa laboratory eh wala naman 'yon sa mga napagaralan ko? Kitang-kitang ko pa ang ibang na may sinisilip sa microscope sa kinatatayuan ko ngayon.

Ang iba ay palakad-lakad at may kan'ya-kan'yang ginagawa. Sumasakit lang ang ulo ko sa mga nakikita ko, dumadagdag sa bigat. Bakit ko pa sila tinitingnan?

Natigilan ako saglit ng makita ang isang babae na binalingan ako ng tingin. Mahaba ang itim niyang buhok na may curtain bangs, kapapasok niya lang din sa laboratory at hindi pa nakasuot ng bouffant cap. May hawak siyang test tubes habang nakatingin pa rin sa akin.

"Sarah?"

Mabilis akong umiwas ng marinig ang boses ni Atlas. Nakapamulsa siya habang mariin na nakatingin sa akin, hinihintay na malapitan ko siya.

"Ay, sorry," sagot ko.

Agad akong lumapit sa kan'ya at sinundan ito papunta sa office niya.

Binuksan niya ang puting pintuan sa kanang bahagi at pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nanggagaling sa split-type aircon na nakapuwesto sa gilid; nakatutok 'yon kung saan nakapuwesto ang itim niyang lamesa na may brown leather swivel chair. Naupo siya roon at sumenyas na umupo sa dalawang sydney chair na nakapuwesto sa bawat gilid ng harapan ng kan'yang lamesa; napili ko ang sa kaliwa.

"Take a seat," utos niya.

Tumango ako at naupo na. "Puwede ko na bang malaman yung gagawin kong trabaho rito?"

Bukod sa gustong-gusto ko ng malaman, gusto ko na rin na makauwi ng bahay at makapagpahinga. Anong oras na rin at baka nga madaling araw na ngayon.

Tumikhim ako at tiningnan siya. "Nakita ko yung ginagawa nila kanina, Atlas. Hindi ba ako mahihirapan kapag dito nagtrabaho? Malayong malayo kasi talaga yung course ko sa mga ginagawa nila."

"Just give me a second. May gagawin lang ako," tugon niya.

Hinayaan ko na lang siya at pinanood sa gagawin nito. May kausap na naman siya sa kan'yang cellphone. Hindi ko rin naman maintindihan ang pinaguusapan nila bukod sa yes at no ang sagot nito.

Mabilis lang din siyang natapos, at nagawa niya pang isabay ang pag-print ng dalawang papel sa printer na nakapatong sa ibabaw ng drawer sa gilid ng lamesa niya.

"The area that you saw a while ago is a laboratory area. The laboratory area of Area 1." Binabasa niya ang papel na hawak habang nagsasalita. "'Yon pa lang ang nakikita mo dahil may Area 2 pa rito. Maraming laboratory ang nagkalat sa mga area kaya hindi lang 'yon ang nag-iisa."

Huh? Area 1 'tsaka Area 2? Ano 'yon?

"My basement is much larger than you think," habol niya.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang papel na inabot niya sa akin. Pagkatapos ay may hinila siyang drawer sa ilalim ng lamesa at kumuha ng ballpen.

"Read the paper," ani Atlas. Pinatong niya lang ang ballpen sa gilid ng papel.

Parang natutuliro ang utak ko sa nalalaman ko ngayon. Area 1. Area 2. Laboratory area. Halos magdikit na ang dalawa kong kilay dahil sa pagkakakunot ng noo ko.

Hindi ko talaga mahulaan kung ano ba talaga ang trabaho niya at higit sa lahat dito pa sa underground basement ang napiling lugar.

Bumaba ang tingin ko sa papel na ngayon ay nakabaliktad dahil nakatapat 'yon kay Atlas. Kinuha ko 'yon at binasa... nang makita ang nakalagay sa ibabaw ng papel ay umangat ang paningin ko sa kan'ya.

"Contract for Membership in El Orden Del Abismo..." mahina kong bigkas.

This Agreement is entered into by and between __________, referred to as the "Member," of El Orden Del Abismo, hereinafter referred to as the "Organization," on this _________

Huh? El Orden Del Abismo? Organization?

Pakiramdam ko para akong nabingi at bumagal yata ang ikot ng mundo ko. Parang akong nasa ilalim ng tubig. Maski siguro ang sarili kong boses ay hindi ko marinig sa nangyayari ngayon.

Hindi ko namalayan na nanginginig na ang kamay ko habang binabasa ang nasa papel, lalo na ang nakasulat sa 2.1 at 5.1. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Mas lalong bumigat ang nararamdaman at sakit ko sa ulo. Kahit malamig sa office ni Atlas, pakiramdam ko para akong pinagpapawisan.

2.1: By signing this agreement, the member agrees to become a permanent member of the organization, El Orden Del Abismo/The Abyss Order. The membership is irrevocable, and the member cannot withdraw or terminate this agreement.

Anong klaseng organisasyon ba 'tong pinapabasa niya sa akin!? Habang tumatagal ang pagbabasa ko sa kontrata ay dumoble ang panginginig ng kamay ko sa takot.

Parang gusto ko ng umuwi ng bahay.

5.1: The Member of the organization acknowledges that this Agreement cannot be terminated or rescinded. The member's participation in the organization is permanent.

Malakas akong napasinghap ng mabasa 'yon. Para akong nilublob sa tubig na kakaahon lang ngayon. Tama nga ang hinala ko. Hindi maganda 'tong pinasok ko. Una pa sa lahat ay ang pangalan ng organisasyon nila na nakalagay rito sa papel. Wala pa akong nababasa na gano'ng klaseng organisasyon.

"That's Abyss Order or El Orden Del Abismo."

Dahan-dahang umangat ang paningin ko kay Atlas. Nakasandal na siya ngayon sa kinauupuan niya habang seryosong nakatingin sa akin. Nang sandaling bumaba ang tingin ko sa kan'yang kamay, doon lang nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hawak siyang baril.

"A-ano 'yan... bakit ka may hawak na b-baril?" kinakabahan kong tanong sa kan'ya.

Ang kanan niyang kamay na may hawak na baril ay nakapatong lang sa lamesa habang nakasandal pa rin siya sa swivel chair nito. Samantala, ang kaliwa niyang siko ay nakapatong naman sa armchair ng kinauupuan niya habang ang kaliwa niyang kamay ay nakapaibabaw ang kan'yang baba roon.

Ang tanga mo, Sarah! Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan! Para akong mawawalan ng bait sa mga nangyayari ngayon... lalo na rin sa nakita ko! Ngayon ko lang din napagtanto na nakakatakot na ang titig ni Atlas sa akin. Bakit gano'n? Parang nandidilim na ang mga mata, o baka pinaglalaruan na ako ng isipan ko dahil sa mga tumatakbo sa utak ko?

"To let you join our organization," tipid niyang sagot.

Napalunok na lang ako ng magsitaasan ang buong balahibo ko sa katawan ng makitang ngumiti siya sa akin. Parang tataas pa yata ang temperature ko sa buong katawan dahil ngayon.

Gustong-gusto kong sampalin ang sarili ko dahil, bakit nga ba ako sumama pa kay Atlas!? Hindi ko pa siya kilala pero agad akong kumagat sa patibong niya na mukhang mahihirapan pa yata akong makaalis. Kaya sa pagiging hayok ko sa trabaho mukhang mapapahamak pa ako!

Mabilis akong umiling at nabitawan ang hawak na papel dahil sa kamay kong nanginginig pa rin. Akmang tatayo na ako mula sa aking kinauupuan ng marinig ang pagkasa ng hawak niyang baril at itinutok sa akin. Doon ako naestatwa.

"U-uuwi na ako, Atlas. Paalisin mo 'ko rito. Mukhang hinahanap na ako ni mama sa bahay," garalgal ang boses ko ng magsalita. Nasubukan ko pang magsinungaling para man lang makalayas na sa lugar na 'to.

"A-aalis na ako... Hinahanap na a-ako," nanginit ang sulok ng aking mga mata nang itutok niya ng maayos ang baril sa akin nang subukan ko ulit na tumayo.

Impit akong napaiyak at hindi na napigilan na lumuha sa kan'yang harapan. Mahina siyang natawa at napapailing pa.

"Oh, don't use that line on me, Sarah. You can't fool me with your reason. I know that your mother doesn't really care about you." Sumikip ang dibdib ko ng lumabas ang katagang 'yon sa kan'yang labi. "Alam mo 'yon at alam ko 'yon. She doesn't care about you because you're made from an accident. You're made from sin, and you're the consequence."

Napayuko na lang ako sa panghihina. Wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang paulit-ulit na umiling sa kinauupuan ko. Kahit na hindi niya sabihin ang isang salita at apat na letrang 'yon, alam na alam ko na agad ang ibig niyang sabihin.

Alam ko na bunga lang ako ng isang kasalanan. Na anak ako ng taong nang-rape kay mama.

Pero bakit niya alam!? Bakit alam ni Atlas ang tungkol doon!? Walang ibang nakakaalam no'n maliban sa amin nila mama at sa mga kapatid ko.

"B-bakit mo alam 'yan?" humihikbi kong tanong. "Bakit mo alam!?" hindi ko na napigilan na mapasigaw sa galit habang lumuluha.

Alam kong walang pakielam si mama sa akin. Alam kong gano'n na siya pero hindi niya kailangan isampal at ilampaso pa sa pagmumukha ko ang tungkol doon.

Halos hindi ko na makilala ang mga hikbi ko habang lumuluha. Sumisikip ang dibdib ko. Kumikipot ang lalamunan ko. Sobrang bilis ng pagtaas baba ng aking dibdib habang nanginginig sa galit.

Marahas kong dinampot ang kontrata na binigay niya sa akin at inabot 'yon sa kan'ya.

"Hindi ko tatanggapin 'tong inaalok mo, Atlas," tinapangan ko ang boses ko kahit na nangangatog na ang tuhod sa takot na baka mamaya ay bumulagta na lang ako sa carpet nitong office niya ng walang buhay.

Tuluyan na akong tumayo at sinubukang makatakas sa kan'ya pero hindi ko na naman 'yon nagawa dahil sa hawak niyang baril. Nakatayo na siya ngayon at nakatutok ang baril sa akin. Awtomatikong tumaas ang dalawa kong kamay at paulit-ulit na umiling sa kan'yang harapan.


"Pauwiin mo na ako... parang awa mo, Atlas. Hindi ko g-gusto... ayaw ko ng ganito. Gusto ko ng ibang trabaho..."

"I didn't even tell you about our organization, Sarah. You just judged our organization like that? That's rude, huh," aniya habang ang tono ng kan'yang pananalita ay parang nangaasar pa.

Nagmamakaawa na ako sa harapan niya na paalisin na ako rito. Ramdam na ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ko dahil sa nangyayari, at ngayon hindi ko na rin matukoy kung dahil ba 'yon doon o baka lumala na ang sakit ko ngayon.

"Hindi maganda ang kutob ko sa organisasyon niyo kaya pauwiin mo na ako. Huwag kang mag-aalala, wala namang makakailam na iba, eh. Promise, Atlas. Walang makakaalam," pagmamakaawa ko sa kan'ya at pinunasan ang luha. Pinagdikit ko ang dalawa kong palad sa harapan niya at nagbabakasakali na maawa siya sa akin.

"You're already here in my basement, Sarah. El Orden Del Abismo is a secret illegal organization, and you saw our organization contract with your own eyes. Kaya sa tingin mo ba papaalisin kita ng basta basta ngayong alam mo na ang tungkol doon?"

Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay siya namang pag-atras ko para hindi siya makalapit sa akin. Ilang beses naming ginawa 'yon hanggang sa tuluyan na akong makasandal sa likod ng pintuan habang nakatingala sa kan'ya.

Muling kumawala ang sunod-sunod na hikbi sa aking labi nang idikit niya ang dulo ng baril sa ilalim ng baba ko. Mariin akong napapikit at hindi na napigilan na lumakas ang pag-iyak dahil sa takot. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko ngayon, ang mga laman loob ko ay parang nagrarambulan din sa takot. Nasusuka ako.

Kahit na mariin na nakapikit, nararamdaman ko ang paglandas ng dulo ng baril sa panga ko.

"You don't have a choice, Sarah. Hindi mo alam? Someone made you their replacement here; that's why you need to work here," mahina niyang bulong sa akin at muling binalik sa ilalim ng baba ko ang nguso ng baril.

"P-please... gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi, A-Atlas," 'yon na lang ang namutawi sa bibig ko dahil sa takot at hindi na napansin ang sinabi niya.

Mahina siyang natawa. Naglakas loob ako na idilat ang mga mata ko at nagtagpo ang tingin naming dalawa.

"In our organization, we have two rules, Sarah. First, once you enter the organization, you can't back out," seryosong sambit niya sa akin.

Kung kanina ay nasa ilalim ng baba ko ang nguso ng baril, ngayon naman ay nasa leeg ko na. Hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko. Para akong mawawalan ng ulirat. Halos wala na akong kontrol sa katawan kong nanginginig pa rin hanggang ngayon. Ang ulo ko ay mabigat. Ang paningin ko ay parang unti-unting umiikot kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil sa sariling luha.

"And second... if you're planning to leave the organization. You need to find a replacement. If you can't find one or you don't want to, there's also another option..." nambitin pa siya sa kan'yang sinabi habang nakababa ang tingin sa akin. "We're going to kill you, Sarah."

Impit akong napaiyak at umiling na lang dahil maski ang magsalita ay hindi ko na nagawa dahil sa takot.

"It's just simple, right? May choice ka, Sarah. Humanap ka ng replacement mo at siya ang papasukin mo rito... kung wala naman, I don't have a choice but to kill you right now."

"A-Atlas... ayaw ko..." nahihirapan kong sagot sa kan'ya.

"It's okay, Sarah... there's also another way if you don't want to be killed. You just need to sign the contract and you don't have a choice but to join El Orden Del Abismo."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top