CHAPTER 14
CHAPTER 14
SARAH DAYANGHIRANG
"Warehouse?" kunot noo kong tanong sa kan'ya.
Napalinga-linga pa siya sa paligid naming dalawa na akala mo ay may nagmamasid sa amin. Napapatingin din tuloy ako dahil sa kan'ya. Tumango lang siya sa akin bago magsalita.
"Yes. Let's go. Gabi na rin ngayon, I need to take care of something first, then we can discuss your job."
"Okay," sagot ko at pinipigilan na ngumiti. Hindi ko maiwasan na hindi ma-excite sa mangyayari ngayon. "May dala akong mga puwedeng ipasa na requirement sa 'yo, Atlas. Kailangan ko rin ba na mainterview?"
"I'll tell you later when we get there," tukoy niya sa warehouse. "Do you need to do something now? May pupuntahan ka pa ba?"
Mabilis akong umiling. "Wala na. Tara na?" aya ko.
Tumango lang siya at tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad kaya sinundan ko ito. Segundo lang din ang lumipas bago kami tumigil sa isang kotse na nakapark sa gilid ng sidewalk. May lumapit na binatilyo sa kan'ya at nilahad ang palad ng may inabot na pera si Atlas sa kan'ya.
Mukhang siya ang nagbabantay ng kotse pansamantala habang wala si Atlas.
"Get in," ani Atlas nang pagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.
"Thank you," pasasalamat ko bago pumasok sa loob.
Nanuot sa ilong ko ang panlalaking amoy nang makaupo sa upuan. Mabango siya at hindi masyadong matapang. Pakiramdam ko para akong tuod na tuwid lang ang pagkakaupo ko rito ng maikabit ko ang seatbelt.
Parang nakakatakot gumalaw sa sobrang ganda ng kotse niya. Pakiramdam ko madudumihan ko agad kapag naglilikot pa ako rito. Hinintay ko pa si Atlas na pumasok sa loob ng kotse dahil may kinakausap pa siya sa cellphone niya sa labas. Napapansin ko na napapatingin pa siya sa akin at maya-maya ay tatalikod na.
Isa lang naman ang nararamdaman ko ngayon. Masaya. Sobrang saya dahil sa wakas magkakatrabaho na ako. Ito lang naman ang gusto ko dahil hindi ko rin kaya na nakikitan na nahihirapan si mama sa pinansyal.
Hindi ko na napigilan na mapangiti at inayos ang postura. Sinilip ko ulit si Atlas, gano'n pa rin naman siya. May kausap pa rin siya, at nang magtama ang paningin naming dalawa ay napalunok na lang ako sa sobrang seryoso ng mga tingin niya sa akin.
Mabilis na naglaho ang ngiti sa aking labi at umiwas ng tingin. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking dibdib. Mukhang mabait naman si Atlas dahil una sa lahat, siya ang dahilan kung bakit nakapagtapos ako sa pag-aaral. Pangalawa ay tinulungan akong magkatrabaho.
Pero bakit gano'n? Bigla na lang akong kinabahan sa mga tingin niya. Siguro dahil hindi ko pa siya gaano kakilala?
Umabot pa ng ilang minutong paghihintay ay tuluyan na siyang pumasok sa loob. Okay lang naman sa akin kung matatagalan pa. Hindi naman mainit sa loob dahil bago ako makapasok sa loob ay binuksan na niya ang kotse nito at kasama na roon ang aircon kaya hindi na ako pinagpawisan.
Pinaandar na niya ang kotse at sabay kaming nagtungo sa sinasabi niyang warehouse.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Dahil gabing-gabi na ngayon at wala na masyadong mga sasakyan na dumadaan sa kalsada ay naging mas mabilis ang byahe namin. Nasa Austria City kami ngayon, ang city sa baryo namin.
Pumasok lang kami sa isang tahimik na lugar na sa tingin ko ay private na 'yon. Nalagpasan na namin ang arko nitong private na lugar na pangalan ay Rarito. Ngayon ko lang narinig 'to. Medyo naweweirduhan pa ako pero hinayaan ko na lang.
Ang kalsada na dinadaanan namin ngayon ay napapalibutan ng mga halaman at nagtataasang puno. Wala kaming kasalubong na sasakyan maski kasabayan din maliban dito sa sinasakyan kong kotse.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko at pilit na tinatago ang nararamdamang kaba. Kanina pa kasi namamawis ang palad ko, nanginginig na nga dahil din sa takot. "Ang totoo n'yan ay first time ko pa lang na pumunta rito."
Kahit sino naman na tao na makakapunta rito makakaramdam ng kaba. Lalo na kapag kasama mo ang taong kakakilala mo lang. Siguro estupida nga ako o bobita dahil pumayag ako sa sinabi ni Atlas pero kailangan ko na ng trabaho.
Pero kahit na gano'n may nararamdaman pa rin akong kaunting porsyento na pagiging komportable sa kan'ya dahil siya ang nagsponsor ng scholarship ko.
"Yes, we're almost there. Don't worry, I own this place and this is a private area."
Sabi na. Halata na rin talaga na private area 'to pero hindi ko inaasahan na pagmamay-ari niya 'tong lugar. Sobrang yaman niya talaga siguro kaya nabili niya 'tong buong lugar na 'to.
Kagaya rin ng sinabi niya na malapit na kami. Nakarating na rin kami sa wakas sa warehouse. Medyo may kalakihan nga lang 'yon. Lahat ay gray, lalo na ang steel door na mayroong katabing lamp post. Walang nakaharang na fence sa paligid kaya kitang-kita ko ang malapad na steel rolling shutter.
Pinarke niya sa gilid ng kalsada ang kotse at may pinindot sa gilid nito. Maya-maya ay nakarinig ako nang mahinang click, alam kong hindi na naka-lock ang pintuan kaya nauna na akong lumabas habang nakatingin pa rin sa warehouse na pagmamay-ari niya... paniguradong sa kan'ya rin 'to.
Mayaman naman siya. Maraming pera, pero bakit dito siya nakatira? O baka naman dito lang nagtatrabaho?
O baka mamaya kuripot—
"Sarah, let's go."
Agad akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Atlas. Walang ka emosyon-emosyon ang mga mata niya sa akin ng tingnan ako. Nauna na siyang maglakad habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumenyas na pumasok. Ningitian ko siya at pinasalamatan. Bumungad sa akin ang mga storage racks. May mangingilang tao roon na may inaasikaso sa mga malalaking box na nakapatong doon habang ang iba naman ay nakatingin sa hawak nilang papel.
May iba na nakasuot ng lab gowns habang ang iba naman ay simple lang din ang pananamit. White shirt at itim na slacks lang.
"Atlas, good evening."
Napansin kami ng ibang mga tao kaya tumigil sila sa kanilang ginagawa ay binati si Atlas.
"Good evening," tipid na sagot ni Atlas.
Pagkatapos no'n ay bumalik lang din sila agad sa kanilang trabaho. Medyo naguguluhan at nacucurious na rin ako sa magiging trabaho ko rito. Lalo na rin kay Atlas, ano ba talaga ang trabaho niya rito lalo na 'tong mga tauhan niya na parang dino-double check ang mga box.
Ano bang laman no'n? May kasi na maliit at may pahabang box.
"Follow me. Let's go this way, para makauwi ka na rin kapag napagusapan na natin ang magiging trabaho mo rito." Naramdaman ko na hinawakan niya ang braso ko para igayak sa isang maliit na office. "Don't worry, I'll take you home. Is your family looking for you?"
Simple lang ang office ni Atlas. Hindi pala siya maliit; mukha siyang maliit sa labas pero medyo malawak din pala siya sa loob. Sa gitna ay doon nakapuwesto ang malapad na lamesa kasama ang itim na swivel chair. Wala masyadong mga gamit doon maliban sa maliit na painting at mga puting folder na nakapatong sa lamesa. Meron din pala na water dispenser at maliit na lamesa sa gilid no'n kung saan nakapatong ang mga coffee cups kasama ang mga instant coffee.
Ang nag-iisang malaking painting ay nakapuwesto sa likod ng swivel chair. Kumunot ang noo ko nang makitang nagtungo siya roon.
"Atlas, pagusapan na natin ngayon—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tanggalin niya ang painting. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko nang mapansin ang isang silver button doon. Magkanda haba pa ang leeg ko para silipin 'yon kung namamalikmata lang ba ako o ano.
Ano 'yon?
Tahimik niyang pinindot 'yon at hindi rin nagtagal ay narinig ko ang isang mahinang ugong, parang isang machine na bubukas na hindi ko maintindihan.
Muli kong nilibot ang paningin habang umatras dahil hindi ko alam kung saan 'yon lalabas o manggagaling. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.
Bakit ang weird lahat ng nangyayari ngayon?
Pero nang binalik ko ang paningin kung saan nakatayo si Atlas ay napaawang na lang ang aking labi ng makita ang metal wall sa gilid ng office niya ay bumukas. Sumalubong sa amin ang isang malaki at eleganteng elevator. Narinig ko ang pamilyar na tunog no'n, tunog kung saan maririnig ko sa tuwing nakakarating ang isang elevator sa floor nito. Maya-maya ay unti-unti na siyang bumukas.
"Let's get inside," aya niya sa akin.
"A-ano 'yan?" nanginginig ang boses ko ng tanungin siya.
Parang may sariling utak ang mga paa ko ng umatras 'yon habang si Atlas ay nauna ng pumasok sa loob. Ang tagal niyang nakatingin sa akin at hinihintay akong makapasok sa loob.
Mabilis ang bawat paghinga ko. Ang dalawa kong balikat ay nagtaas baba habang hinahabol ang sariling hininga. Walang second floor ang warehouse ni Atlas ng matingnan ko 'yon kanina bago kami pumasok.
Kung walang second floor ang warehouse niya, isang lugar lang ang mapupuntahan namin once na pumasok ako sa loob ng elevator. Dahan-dahan akong tumungo at tiningnan ang carpet na inaapakan ko ngayon.
Papunta kami sa baba.
"Do you really want this job or not?" tanong ni Atlas na ikinaangat ko ng paningin sa kan'ya.
Ang likot ng mga mata ko ngayon. Hindi ko magawang tingnan siya ng diretso dahil nilalamon ako ng kaba. Hindi mapakali ang kamay ko at nagsisimula ko nang kamutin ang braso ko. Hindi ako mapakali... bakit parang gusto ko na lang umuwi ngayon?
Pinanood ko siya na lumabas ulit sa elevator para isinabit ulit ang malaking painting. Kaya ngayon nakatago na ang silver button bago muling pumasok sa loob ng elevator. Nakakunot na ang noo niya ngayon habang nakatingin sa akin.
"Kung nag dadalawang isip ka ngayon, feel free to leave."
Napalunok ako ng marinig ang tono ng kan'yang boses. Hindi ko alam ang isasagot ko... parang nagdadalawang isip ako. Ang utak at katawan ko parang nagtatalo kung alin ang susundin. Ang paa ko ay unti-unting umaatras habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"I know that you want to help your family," aniya. Umangat ang kamay niya at pinagkrus 'yon sa kan'yang dibdib. "Tama naman ako, hindi ba?"
I swallowed when I heard the tone of his voice.
Dahan-dahan akong tumango. "Oo..."
Napatango siya at ningitian ako. "Kung gano'n bakit hindi mo tanggapin 'tong alok ko? Why don't you trust me and accept this job? I guarantee you that you can really help your family when you work with me."
"Paano ko tatanggapin yung alok mo, Atlas? Hindi ko alam kung anong g-gagawin ko rito."
"That's why let's go inside so I can discuss the job that you will do."
Sumenyas siya na pumasok ako sa loob. Sa bawat hakbang ng mga paa ko papunta roon ay parang mas lalong bumabagal ang paghinga ko. Bawat hakbang at galaw ay pakiramdam ko kakapusin ako ng hangin sa katawan.
Sa mga palabas lang ako nakakapanood ng ganito. Hindi ko alam na nangyayari 'to sa totoong buhay.
Nang makapasok sa loob ay medyo nawala rin kahit papaano ang takot at kaba sa dibdib ko dahil maganda ang disenyo ng elevator. Higit sa lahat mabango pa. Amoy air freshener na pomegranate ang scent.
Nang makapasok sa loob ay tipid lang akong ningitian ni Atlas. Nagdadalawang isip na talaga ako ngayon pero sayang din. Nandito na rin naman na ako kaya susubukan ko na lang.
Sigurado magbabago ang buhay ko kapag magtatrabaho ako sa kan'ya. Ang pangarap kong mabigyan ng komportableng buhay sila mama baka mangyari na talaga.
Wala namang mangyayaring masama kung hindi ko susubukan, hindi ba?
"Don't be scared, Sarah. Don't worry, I'll guide you while working here. I promise," pagpapagaan niya sa loob ko bago ako tipid na ngitian ulit.
Ang mga mata niya... siya na siguro ang pinaka misteryosong tao na nakilala ko. Bukod din kay Rafael, parehas silang dalawa ng mata, eh. Pero nangunguna si Atlas sa pagiging misteryoso maliban sa isa kong kaibigan. Nagagawa pang magkuwento ni Rafael tungkol sa buhay niya kaya kahit papaano ay may alam ako tungkol sa kan'ya.
May pinindot na si Atlas na button, pababa 'yon. Awtomatikong sumara ang pintuan ng elevator at umandar na.
Hindi ko tuloy mapigilan na ilibot ang paningin sa kabuuhan ng elevator. Malaki siya at malawak kaya medyo may distansya pa ako ng kaunti kay Atlas.
Pero nang matingnan ko ang bandang likuran namin. Kumunot ang noo ko ng makita na parang may gap doon. Parang linya, kagaya sa pintuan na nakasarado sa harapan namin kanina.
Dalawa ang pintuan dito?
Umangat ang ulo ko para tanungin si Atlas tungkol doon pero naunahan na niya ako.
"Accepting this job will help your mother pay her debt. I hope you are going to accept this because I sponsor your scholarship," bigla niyang ani habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng elevator. "I'm really looking forward to it if you're going to work here."
Naitikom ko na lang ang bibig habang nakatingin sa kan'ya. Hindi naman niya rin ako nagawang lingunin kaya napayuko na lang ako at inabala ang sarili sa paglalaro ng daliri para man lang mabaling sa ibang bagay ang nararamdaman ko.
Tama ba 'tong naging desisyon ko o hindi?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top