Chapter Seven

Stubborn

Gerardo

"BAKIT para kang tanga diyan, Kuya?"

"Huu, hindi parang tanga iyang si Gerardo."

"Tanga talaga iyan maya't maya."

Ang hirap para sa akin na hindi pansinin ng mga kapatid ko. It's another Sunday and it's been two days since I kissed my boss' daughter. Hindi ko nga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko ba ginawa iyon. It's just that, I really didn't mean for it to happen. I was having the time of my life. I am happy finally seeing my boy participating with the sports fest. Ang tagal – tagal kong kinukumbinsi si Joshua na maglaro, pero dahil wala siya sa mood dahil sa napakong pangako ni Alona sa kanya ay wala akong nagawa. I sat beside my son and watched with him. Ayokong maramdaman niyang nag – iisa siya.

Joshua has gone through a lot, pero kahit na ganoon ay masayahin pa rin siya at palakaibigan. He's a good kid pero kapag may kinalaman talaga sa nanay niya ay naiiba ang mood ng bata. I love Joshua with all my heart and I am willing to do everything just to make him happy. Kaya nga kapag nakakikilala ako ng mga taong mababait kay Joshua ay hindi ko maiwasang gawing kaibigan sila. Joshua needs to be surrounded by the people who loves him – and Saina just so happens to treat my son so well.

Ikinagulat ko kung gaano siya kabait sa bata. She treats him nicely and because of that, nakikita ko ang attachment ni Joshua katy Saina kahit na minsan lang silang magkita noon. My son was always asking his best friend about his mom, mabuti na lang at mabait ring bata si Haniel. Ang buong akala ko kasi maldita si Saina.

I've known about her in years, I read about her in the society pages at noong makausap ko ang ilang staff ni Mr. Buensuceso ay hindi lang isa ang nagsabi na iba ang ugali ng anak ng boss namin, pero habang tinitingnan ko siya kung paano niya kalmahin si Joshua noong araw na iyon ay hindi ko nakikita ang sinasabi nilang kakaibang ugali.

I sighed,up until now, hindi ko maipaliwanag kung bakit hinalikan ko si Saina. It's not supposed to happen like that.

"Anong problema mo? Si Alona na naman? Nakita ko siya sa mall noong isang araw, may kasamang AFAM." Narinig kong wika ni Andres. Nasa dining area kami ng bahay ni Mama noong araw na iyon. Mama was busy cooking with Joshua. Malapit kasi talaga ang anak ko sa Lola niya kaya tuwing may pagkakataon ay palaging tinutulungan ng anak ko ang lola niya. Gusto rin naman ni Mama noon, bonding daw nila.

"POTA, 'wag kang maingay, Andres, iiyak na naman si Gerardo!" Nang-aasar lang naman si Andres at Alberto, hindi ko sila pinapansin. Paulit ulit sa isip kong hinalikan ko si Saina. I still have that lingering feeling in my lips, it's been twenty – four hours since that happened and it's still there. Anong gagawin ko?

"Do you just kiss someone and then walks away after?" Nanlaki ang mga mata ko na parang platito matapos kong marinig ang sinasabi ni Jose Maria. Napalingon ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?!" Napataas ang boses ko. Paano niya nalaman? Wala naman ang kahit sino sa kanila sa family day kahapon! Paano niya nalaman na basta na lang ako umalis – na halos makalimutan ko ang anak ko – pagkatapos kong halikan si Saina? Paano? Hindi ko nga alam kung paano ko siya pakikiharapan bukas!

"Wala naman. I was just asking for research. Itong writer ng teleserye namin hindi alam kung anong magiging approach niya sa next scene kaya nagtatanong siya ng creative input. Bakit parang defensive ka, Gerry? Hinalikan ka ba ni Alona tapos nilayasan ka basta?" At sumama na nga ang panganay naming sa pangyayamot sa akin. Hindi na lang ako sumagot, hindi naman ako napipikon sa kanila. I stood up and went to the kitchen, I could still here them bickering like kids. Hindi na yata kami magbabago kasi kung wala naman akong iniisip ngayon, sigurado akong nakikipagbatuhan rin ako sa kanila ng kung ano – anong mga insulto, pero hindi ko talaga maalis si Saina sa isipan ko. What is she doing now? Is she thinking about the kiss? Ang hirap naman nito, hindi pwedeng hindi ko siya isipin. Nasa iisang workplace kami tapos magkaibigan ang mga anak namin, paano ko siya iiwasan? Paano ko siya pakikiharapan?

Nakakahiya ako sa totoo lang. Baka kapag nalaman pa ng anak ko ang nangyari, lalo niya akong ikahiya.

Ano bang gagawin ko?

"Papa, okay ka lang?" Narinig ko ang boses ni Joshua, nakita kong naghihiwa siya ng kalamansi. Si Mama at katabi niya, napansin kong may kaharap silang Ipad- my son's. I smiled at him. Ayokong malaman niyang kung ano – anong iniisip ko tungkol sa nanay ng best friend niya.

"Oo naman, anak. Dahan – dahan sa kutsilyo ha?" I smiled at my son. Bigla niyang hinarap sa akin ang Ipad niya.

"Hanhan, si Papa oh! Pinakilala ko si Hanhan kay Lola, Papa."

"Hello po, Papa oh sorry, it's Uncle Gerry. I got carried away." Nanatili akong nakangiti. Okay lang naman na tawagin niya akong Papa. Mommy naman ang tawag ni Joshua kay Saina. I was about to say something to Haniel when Saina appeared in the background – wearing a white robe, she looked as if she got out of the shower, mukhang hindi naman niya napansin na ako ang kausap ng bata.

"Baby love ko, is that Joshua?"

"Si, Mamma."

"Digli che ho detto ciao, Amore." Saina can speak Italian and in my ears that so hot – her accent and her everything - bumalik na naman sa isipan ko na hinalikan ko siya. It wasn't even a real kiss, it was just a chaste kiss. Nilapat ko lang ang labi ko sa labi niya, nagtagal ng higit sa sampung segundo na ikinagulat namin parehas – I've kissed enough girls to feel like a teenager who just had his first kiss. Hindi ako dapat ganito.

"Mama says hi to you Joshua."

"Hello rin Mommy! I miss you po!" Napansin kong nakatingin si Mama sa anak ko, nakataas ang kilay, ang sumunod ay sa akin naman siya tumingin. Mukhang kailangan ko nang ipaliwanag kung bakit Mommy ang tawag ni Joshua sa nanay ng best friend niya. Nawala na si Saina sa screen. Si Mama naman ay titig na titig pa rin sa akin. Noong tumingin siya kay Joshua ay alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Joshua, punta ka muna kina Tito Andres mo, sabihin mo kailangan ko ng dahoon ng saging para sa lunch natin ngayon."

"Okay po, Lola!"

Mabilis na sumunod ang anak ko sa lola niya. Alam ko na talaga ang susunod na gagawin ni Mama. She's not a psychiatrist for nothing. Huminga siya nang napakalalim at saka tinapik ang pwesto sa tabi niya. Ganito niya kami kausapin noong mga bata pa kami and right now, I feel so much in trouble. Para akong dinala sa guidance office.

"Care to tell me about this woman my grandson is calling Mommy?"

"She's Haniel's mom, you know, his best friend. Iyong nakilala niya sa paglalaro ng roblox." Paliwanag ko.

"And why is he calling him Mom?"

"Ma... you know why."

"Alam ko, pero bakit hinahayaan ng taong iyon na tawagin siya ng apo ko ng Mommy? Girlfriend mo ba iyon? May relasyon ba kayo? Naikama mo na ba?"

"MA!"

"Anak, h'wag mo akong tawagin nang tawagin. Naikama mo na ba? Kung si Tiya Luisa mo ang kausap mo mas direkta niyang itatanong sa'yo. Nag-sex na ba kayo kaya ba tinatawag siyang Mommy ng apo ko?"

"Ma! Ano... magkatrabaho kami. Tatay niya iyong boss ko. Saka bakit mo naisip na nag-sex kami dahil tinatawag ni Joshua na Mommy—"

"You like her." Biglang bitaw ng nanay ko. "You are thinking about her."

"I'm not—"

"Okay, maybe you're still in denial, but that's good anak, ibig sabihin kahit paano nakakaalis ka na diyan sa pagsintang pururot mo kay Alona. It's about time, you're getting old anak, pero hanggang ngayon, tanga ka pa rin."

"Ma..."

"You know that I never liked her, right? And I only accepted her because you love her and because I saw that she was in love with you too. She gave me a precious grandson, kaya kong maging civil sa kanya pero kahit kailan hindi ko na muli siya matatanggap bilang manugang, anak. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa ginawa niya, si Joshua rin and as a grandmother, I will do everything to keep my grandchild from hurting."

"Ma..." She cupped my face.

"I will always protect my family from pain..."

"Kahit na ikaw mismo iyong nasaktan noon?" I asked her. I know what she did to raise us all. She smiled at me and kissed my cheeks.

"That is the duty of a mother, son. And as the only parent present in your son's life, you must protect him too. It's time to move on from your failed marriage, Gerry."

I know for a fact that she is right, it's just that... my heart is stubborn...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top