Chapter 19

Chapter 19

KEI'S P.O.V


Tinignan niya ako sa mata. Napangiti siya nang makita niya ang luha mula sa mata ko. Pinunasan niya ang luha d'on habang nasa ibabaw ko pa rin siya.

"Shhh, umiiyak ka na naman. Nagpo-propose ako sa'yo, hindi ako nakikipag-break," natatawang sabi niya habang patuloy na pinupunasan ang luha ko.

Tumango-tango ako.

"Is that a yes?" Medyo garalgal na rin ang boses niya.

"Tatanggi pa ba ako eh nakuha mo na," natatawang sabi ko. Ngumiti siya at nakita ko na naman ang pagkinang sa mata niya. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako.

"Nararamdaman mo ba? Yung puso ko lalabas na naman sa sobrang pagwawala, sa sobrang pagmamahal ko sa'yo," bulong niya. Sobrang ingay nga ng puso niya na para bang gusto na nitong lumabas.

Hinalikan niya muna ang leeg ko bago siya humiga sa tabi ko at yumakap sa akin.
Sobrang saya ko. Dahil sa ginawa namin, mas lalo kong naramdaman yung pagmamahal niya sa akin, yung pag-iingat niya na h'wag akong masaktan. Sobra-sobrang mahal ko itong tao na 'to.

Kinabukasan, pinilit kong gumising ng maaga kahit na inaantok pa ako at ang sakit ng katawan ko. Ganito ba talaga 'yon? Masakit sa katawan, saka isa pa ang sakit din ng ibaba ko.

Nag-aayos na ako ngayon sa tapat ng salamin. Napatingin ako kay Kyle na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Ang gwapo niya. Napangiti ako nang maalala ko kung paano niya ako inangkin nang buong pag-iingat kagabi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong may dugo yung bed sheets ko. Napailing-iling ako habang nakangiti. Itong gwapong at sexy na bolerong lalaki na ito pala ang makakaangkin sa akin ng ganun kaingat.

Napapitlag ako nang imulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sa akin at napailing ako nang kindatan niya ako. Ang aga-aga nito.

"Papasok ka na?" tanong niya saka tumayo sa kama. Napalunok ako nang makita kong naka-boxer shorts lang siya, at nakabalandra na naman sa harapan ko yung magandang abs niya. Tapos yung buhok niya ang sexy lang tignan dahil gulo-gulo ito galing sa pagtulog.

"Ah... Oo!" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Narinig kong pumasok siya sa CR, naghilamos yata siya saka toothbrush.


"Maaga pa naman, baby! Ipagluluto muna kita ng breakfast!" sigaw niya sa loob ng CR.
Napangiti ako.

"Hindi na, Kyle," sagot ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Tumayo ako para sana kuhanin yung bag sa cabinet ko. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa likod ko.

"Magluluto muna ako. Hindi ako papayag na papasok kang hindi kumakain," bulong niya.

Humarap ako sa kanya.

"Male-late na ako," sabi ko, saka umupo ako sa kama at nagsapatos.

"Hmm? Maliligo na ako, sa labas na lang tayo mag-breakfast," suhestiyon niya.

Tinignan ko siya, at nakahalukipkip siya ngayon.

"Ha? Baby?" Umupo siya sa tabi ko. Bigla siyang natahimik. Tinignan ko siya at napansin kong nakatingin siya sa bed sheets kung saan may dugo. Nakita kong napalunok pa siya.

Tumingin siya sa akin at nagulat ako ng halikan niya ang noo ko.

"I'm sorry for making you sore," bulong niya na hindi inaalis ang halik sa noo ko.

Hindi pa siya nakuntento, niyakap niya pa ako. Yeah, I'm still sore down there, dama ko yun.

"Kyle..."

"Sorry, sorry, sorry." Paulit-ulit na bulong niya at hinaplos niya ang likod ko. Tumingala ako para matitigan ko siya.

"Naman eh... Okay lang ako, natural lang naman 'yan, 'di ba?" Nakangiting sabi ko.

"Pero nasaktan parin kita," seryosong bulong niya. Hinalikan ko ang labi niya at nakita kong napapikit siya.

"I'm okay, baby. Maligo ka na, magbe-breakfast tayo sa labas, 'di ba? I love you po." Paglalambing ko para hindi na siya maguilty dahil sa nasaktan niya ako. Ayokong isipin niya 'yon dahil pareho kaming masaya nung ginawa namin yon. Saka wala namang mali, 'di ba? Pareho na kaming matanda at alam na namin ang ginagawa namin.

"Ang sarap pakinggan na sinasabi mong mahal mo ako, alam mo 'yon? Mas mahal kita." Nakangiting sabi niya saka hinalikan ulit ang labi ko.

Pumunta kaming dalawa sa unit niya para makaligo na siya.

Sabi niya, ano kaya kung maglagay na kami ng damit sa bawat unit namin para hindi na pabalik-balik pa. Sira talaga 'tong si Kyle.

Nag-breakfast kami sa McDonalds. Natatawa nga ako kay Kyle kasi ang kulit niya para siyang bata bumili ba naman ng Happy Meal. Nagpalusot pa siya ibibigay niya daw kay Kesiah 'yon, yung bunsong kapatid nila, samantalang tuwang-tuwa siya dun sa Happy meal!

Naglalakad na kami ngayon dito sa parking lot ng hotel. Medyo mabagal akong maglakad dahil nga medyo masakit pa talaga. Inaayos ko na lang yung paglalakad ko para hindi masyadong masakit. Nakaramdam yata si Kyle kasi inaalalayan niya ako.

Pagdating namin sa employees' entrance, hinarap niya muna ako sa kanya. Napapikit ako ng hawiin niya yung buhok ko at inilagay 'yon sa gilid ng tenga ko.

"Pag may masakit, tawagan mo lang ako," pag-aalala niya. Namula yung mukha ko.

"Kyle naman."

"I'm being serious here, baby. Tawagan mo ako." Napalunok ako nang makita ko kung gaano kaseryoso ang titig niya sa akin kaya tumango-tango na lang ako.

"Opo, tatawag na po," sagot ko. Dahil nga sa pagtawag tawag niya sa akin ng baby para na talaga akong bumalik sa pagkabata, masyado niya akong inaalagaan.

Nagulat ako nang bigyan ni Kyle ng calling card yung guard namin.

"Manong, pakitawagan naman ako kapag may nangyari sa kanya," seryosong sabi ni Kyle.

Ngumiti si Manong guard at tumango-tango.

"Aalis na ako. I love you!" Halos ipagdiinan niya ang pagkasabi ng 'I love you'. Nahiya ako kay Manong guard nang bigla akong halikan ni Kyle sa labi, kaya naman nagmadali na akong pumasok sa loob ng hotel.

"15 minutes late!" sigaw ni Jade mula sa cashier.

"Oo na!" Tinawanan ko lang siya.

Natigilan ako nang makita ko si Tom.

"Ay... Good morning, Sir." Nginitian niya lang ako at tumango. Kita pa rin sa mata niya yung sakit.

Hindi na lang ako umimik, nagtrabaho na lang ako. Madaming tao ngayon dahil December na nga.

"Kei, may naghahanap sayo dun sa Table 20," sabi ni Drew.

"Ha? Sino?"

"Hindi ko alam, babae siya. Tinanong kung may Kei Gonzales dito." Napakunot ang noo ko, isinerve ko muna yung order sa akin nung Table 8 tapos naglakad na ako papunta sa Table 20.
Isang babaeng nakatalikod ang nakaupo dun.

"Excuse me, Ma'am?" tanong ko. Tumayo 'to at tinitigan akong Mabuti. May edad na ito pero halata namang maganda siya, mga nasa 40's siguro? Sa tindig at pananamit nito halatang may kaya siya sa buhay.

"Ma'am?" untag ko. Medyo naiilang na kasi ako sa ibinibigay niyang tingin sa akin. Napansin kong medyo namumuo ang luha sa mga mata niya. Mabilis niyang pinunasan ito at nginitian ako. Napapitlag ako nang hawakan niya ang pisngi ko.

Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko nang hawakan niya ako.

"I-I'm sorry, hija," sabi nito at binawi ang kamay niya.

Ngumiti na lang ako.

"Hinahanap niyo raw po ako?" tanong ko.

Pero imbis na sagutin niya ako binigyan niya ako ng isang paper bag.

"Para sa iyo 'yan hija, sana masuot mo 'yan," nakangiting sabi niya sa akin.

"Po? Sa-salamat po." Nakangiting sabi ko. Sanay na akong may mga guest na nagreregalo sa akin pero bakit nung binigyan niya ako ng regalo, parang iba?

Nagulat ako nang yakapin ako nito bago umalis.

Napakunot na lang ang noo ko at naglakad na ako pabalik sa cashier.

"Sino yun teh? Bakit niyakap ka?" puna ni Jade. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko kilala, binigyan nga niya ako ng regalo," sabi ko kay Jade at ipinakita yung paper bag na ibinigay sa akin nung babae.

"Patingin!" excited na sabi ni Jade. Inabot ko sa kanya 'yon. Mabilis niyang binuksan at inilabas doon ang isang kulay green na dress. Favorite color ko pa.

"Teh, ang ganda," sabi ni Jade habang sinusuri ang dress. Maganda nga ito mukhang mamahalin pero bakit naman niya ako bibigyan ng ganitong kagandang damit?

*


"ANO?!!!!!"

Halos na magkasabay na sigaw ni Jade at Jelly. Tinignan ko sila ng masama. Nandito kasi kami ngayon sa isang carinderia, sa likod lang 'to ng hotel. Dito kami kumakain ng lunch kapag hindi namin gusto yung free meal sa trabaho.

"Ikakasal ka na?!!" sigaw pa ulit ni Jade. Tinakpan ko ang bibig niya. Mabuti na lang at nasa dulong-dulo kami.

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya.

"Teh, nag-ano na kayo? Alam mo na..." Naramdaman kong nag-init ang mukha ko nang maalala ko na naman yung espesyal na gabi na 'yon. Sariwa pa rin sa isip ko yung mga nangyari.

Nasapo ni Jade ang noo niya nang makumpirma sa reaction ko na mayroon na ngang nangyari sa amin ni Kyle.

"Kailan?" bulong ni Jelly.

"Kagabi." Nahihiyang sagot ko.

"Pa-pano nangyari?! I mean paano naging..."

"Teh! H'wag mong sabihing buong detalye ipapakwento mo kay Kei?" Naaasar na sabi ni Jelly kay Jade. Tumawa naman 'tong si Jade.

"O siya, hindi na! Pero teh... malaki?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Jade!

"Jade!!!" suway ni Jelly! Pero tumawa lang nang tumawa si Jade, loka-loka talaga.

"E di masakit?" nakangiwing tanong ulit ni Jade. Mas lalong nag-init ang mukha ko. Uminom ako ng tubig.

"Natural the, masakit..." prangkang sabi ni Jelly.


"H'wag kang magulo!" suway ni Jade.

"Pero kailan ang kasal?" tanong ni Jade sa akin. Kailan nga ba? Wala namang sinabi si Kyle, at isa pa wala pa rin naman kaming napag-uusapan.

"Wala pa kaming napag-uusapan. Basta nag-propose lang siya kagabi. Nga pala, birthday ni Kyle kahapon," sabi ko saka kumain na ulit ako. Napansin ko namang biglang nanahimik si Jade kaya tinignan ko siya.

"Dahil birthday niya, binigay mo?" Nakataas ang isang kilay niya ng tinanong niya 'yon.

"No! Mahal ko siya Jade kaya pumayag ako!" naiinis na sagot ko. Hindi lang dahil birthday niya!

"Ano ka ba, Jade? Matanda na sila, may sarili na silang pag-iisip," suway ni Jelly sa kanya.

"See? Saka may mga trabaho naman sila, lalo na si Kyle sa kanya pa yung studio. Kung sakaling mabuntis man itong si Kei, sigurado na ang future nila!" paliwanag ni Jelly. Nanlaki ang mata ko at napalunok ako. B-buntis? Natural! Ginawa na nga namin, 'di ba?


"O bat parang nagulat ka? Sigurado ako hindi naman kayo gumamit ng proteksyon dahil biglaan ang lahat," sabi ni Jelly. Parang ang daming alam nito ni Jelly kaya nagkatinginan kami ni Jade.

"Jelly? Ikaw ba, may hindi ka sinasabi sa amin?" sabay na tanong namin ni Jade sa kanya. Nag-iwas ng tingin si Jelly saka kumain.

"Wala noh." Nauutal na sagot niya.

"Talaga?" Pang-aasar namin ni Jade.

Hanggang sa matapos kaming mag-lunch inasar lang namin nang inasar si Jelly.

"Umamin ka na kasi!" Nag-aasaran pa rin kami dito sa loob ng resto dahil walang tao kundi kami lang.

"Fine." Nanlaki ang mata namin ni Jade, at huminga muna ng malalim si Jelly.

"Nagkabalikan na kami ni Paul." Lumapad ang ngiti namin ni Jade. Si Paul ang ex-boyfriend ni Jelly na nagtatrabaho sa banko.

"And?" excited na tanong namin ni Jade.


"Ano, ayun alam mo na Kei."

Napatakip ako ng tenga ko nang sumigaw si Jade. "Grabe yang mga pasabog niyong dalawa ha!" Natigilan kami ng may mga guest ng pumasok.

"Istorbo naman." Humahagikhik na bulong ni Jade. Hinampas ko naman siya.

*
KYLE'S P.O.V

"Hindi ka pa ba maglu-lunch?!" sigaw ni Felix habang inaayos yung mga pictures.

"I'm not hungry." Nakangising sabi ko saka itinuon ang tingin sa monitor ng computer ko. Ine-edit ko kasi yung first picture namin ni Kei. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinagkatiwala niya sa akin ang sarili niya kagabi. I just can't believe it! Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat, at yung puso ko ang abnormal pa rin ng pagtibok.

She's really beautiful last night. Don't get me wrong, maganda naman talaga si Kei, pero kagabi hindi ko siya maikukumpara sa iba dahil iba siya. Pero nasaktan ko pa rin siya kagabi dahil sa ginawa namin. Sana maging okay kaagad siya.

"Bestfriend! Masama na 'yang pag-ngiti-ngiti mo!" bulyaw ni Felix sa akin at umiling-iling pa ito. Takte hindi ko namalayan ngumingiti na pala akong mag isa.

"May naalala lang." Nakangiting sabi ko.

"Sino? Hulaan ko! Si Kei yan noh? Tsk. Grabe yang tama mo sa kanya! Baliw ka ba?" pang-aasar ni Felix. Minsan parang tomboy 'tong si Felix kung umasta, pero sabi niya hindi naman daw siya tomboy.

"Tama? Tinatanong mo pa ba sa akin yan, Felix? Kinder pa lang malakas na ang tama ko kay Kei. Saka isa pa, baliw ba kamo? Kung baliw lang ang pag-uusapan, ako na 'yon, baliw kay Kei," nakangising sabi ko.

"Yuck, Kyle ang korni mo talaga!" Binato ako ni Felix ng hawak niyang ballpen.

"Okay ng korni, basta may Kei." Natatawang sagot ko sa kanya.

Seryoso, pagkatapos ng nangyari kagabi kailangan kong mag-propose ng maayos sa kanya. Yung proposal na alam kong babagay sa kanya at magiging masaya siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top