Chapter 18

Chapter 18


KEI'S P.O.V

Nandito kami ngayon ni Jade at Jelly sa mall. Halos magkakasabay na kaming nag-out dahil sa bagong schedule. 2nd week na ng December ngayon at malapit na kaming mag-isang buwan ni Kyle. So far, wala pa naman kaming nagiging problema bukod sa pagseselos ko sa mga naging ex niya na panay pa rin ang text sa kanya. Hindi niya naman mapalitan yung number niya dahil may mga hinihintay siyang tawag ng mga kliyente nila.

"Going strong pa rin ba kayo ni Papa Kyle? Ibigay mo siya sa akin 'pag nagsawa ka na!" natatawang sabi ni Jade habang hawak-hawak yung isang damit na pambata. Naghahanap kasi kami ng mga ipangreregalo sa mga inaanak namin, malapit na ang pasko at mayroon lang naman akong walong inaanak.

"Oy, ikaw talaga Jade, sa tingin mo ba maghihiwalay pa yang dalawa na 'yan? Samantalang nung nasa outing tayo kulang na lang buhusan sila ng isang timba ng langgam!" naaasar na sabi ni Jelly kay Jade.

"Hoy h'wag ka! Mayroon nga dyan ikakasal na dapat pero naghihiwalay pa rin!" sabi ni Jade saka isinauli yung hawak niyang dress na pambata.

Napalunok naman ako. Ikakasal na 'yon ha? Paano pa kaya kami ni Kyle wala pa nga kaming isang buwan na mag-boyfriend?

"Hoy! Ibahin mo si Kyle! Kitang-kita naman sa mata nung lalaki na 'yon kung gaano niya kamahal 'tong si Kei. Saka isa pa, tignan mo nga sumama siya sa outing natin last month kahit na wala naman siyang kakilala! Isa lang ibig sabihin non, si Kei lang talaga ang pinunta niya sa outing!" sigaw ni Jelly. Pinagtitinginan kami dito sa mall pero wala kaming pakialam. Tama rin naman si Jelly. Wala namang kaibigan o kakilala si Kyle sa outing namin kung hindi ako lang. Nakisama siya sa mga katrabaho ko para sa akin.

"Tama ka naman. Pero teh, lahat ng tao nagbabago!" sabi ni Jade saka umiling iling pa.

Si Kyle? Magbabago? Hindi naman siguro. Mahal ako ni Kyle. Mahal na mahal.

"Ibahin mo nga sinabi si Kyle!" sabi ni Jelly at saka sinulyapan ako ng tingin.

"Oo na! Ibahin na! Iba na si Kyle na boyfriend ni Kei!" tumatawang sabi ni Jade.

Wala namang dahilan para magbago si Kyle, 'di ba? Saka siya na rin ang nagsabi sa akin, gusto niya akong bigyan ng perfect relationship.

Tinignan ko ang basket na dala ko. Isa na lang ang kulang na regalo para sa mga inaanak ko, tapos sila Mama naman ang ibibili ko. Pati pala si Kyle saka ang Mommy at Daddy niya.

Napag-usapan kasi namin na sa kanila kami magno-noche buena, tapos sa 25 uuwi ako ng Laguna para makasama sila Mama. Ako lang yung makakauwi kasi ang daming projects ni Kyle ngayon sa studio dahil December. Kawawa naman dahil araw-araw siyang pagod sa trabaho.

"Pagkatapos nating mamili kumain tayo ng merienda ha! Nagugutom ako!" sabi ni Jade.

Tumango naman kaming dalawa ni Jelly. Nakahanap na ako ng ipangreregalo kela Mama, tapos sa parents ni Kyle naisip kong regaluhan sila ng comforter, para naman sigurado akong magagamit nila. Tapos si Kyle binilhan ko siya ng polo shirt na kulay pink. Hindi ko pa kasi siya nakikitang nagsusuot ng pink. Ano kayang itsura niya? Gwapo pa rin siguro? Kahit ano namang isuot ng boyfriend ko, gwapo pa rin siya.

Pagkatapos naming mamili dumiretso kaming tatlo sa isang coffee shop para mag merienda.

"Grabe buti na lang talaga at sale ngayon! Kung hindi, butas na naman ang bulsa ko!" reklamo ni Jade. Paano ba naman kasi siya ang pinakamaraming binili sa aming tatlo? Diyos ko sa pitong kapatid niya palang lugi na siya. Mabuti na lamang at solong anak ako.

"Okay lang yan, once a year lang naman," nakangiting sabi ko.

Napatigil ako sa pagkain nang marinig kong mag-ring ang phone ko. Naghagikhikan naman sila Jade. Sino pa nga bang tatawag sa akin?

"Hey baby, I just wanna know kung pauwi na ba kayo? Mukhang pwede ko kayong sunduin galing sa pag-sho-shopping niyo, maaga kaming natapos sa photoshoot," masayang bungad ni Kyle.

"Nagmemerienda pa kami, kumain ka na ba?"

"Hi! Papa Kyle!" sigaw ni Jade. Narinig ko naman ang pagngisi ni Kyle.

"Hindi pa, mag-dinner tayo sa labas pagkahatid natin kela Jade? Nami-miss na kita." seryosong sabi niya. Narinig kong nagliligpit siya ng gamit sa studio niya.

"Kung sa bahay na lang kaya? Mukhang pagod ka na," pag-aalala ko. Maghapon siya sa studio tapos ako naman maghapon sa resto. Tuwing gabi na nga lang kami nagkikita dahil sa trabaho namin, tapos parehas pa kami pagod.

"No baby, I'm okay. Gusto kitang makasama, matagal tagal na rin tayong hindi lumalabas." Pagpupumilit niya.

"Matagal? Parang 2 weeks lang?" Natatawang sabi ko.

I heard him sigh.

"But I really really miss you baby, kung magkikita man tayo madalas pag matutulog na." Rinig ko sa boses niya ang pakikiusap kaya naman napangiti ako.


"Sige na nga, pero hanggang eight o'clock lang tayo, at maaga ang duty ko bukas," suway ko.

"YES! Sure baby, see you in a minute. Mahal kita." Napangiti ako dahil ligayang-ligaya ang boses niya.

"Mahal din kita, mag-ingat ka ha? Papakasalan pa kita!" satatawang sabi ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Jade! Binato niya pa ako ng tissue.

"Haha. Yes, I will!"

Yun lang at pinatay ko na ang tawag.

"Grabe teh, cheesy ka na niyan? Haha! Medyo komorny ka na simula ng maging jowawers mo yang si Papa Kyle ha!" Natatawang sabi ni Jade.

"Ganyan talaga pag-ibig na ito!" Natatawang sabi ni Jelly. Napapansin ko kumukulit na rin siya.

Nandito na kami sa labas ng mall. Malapit na raw kasi si Kyle.

"Ang bait talaga ni Kyle," sabi ni Jelly.

Maya-maya lang dumating na siya. Bumaba siya ng kotse para halikan ako sa labi sandali, panay naman ang hagikhikan nila Jade. Kinuha naman niya yung mga dala ko.

"Hello girls, long time no see ah?" Bati ni Kyle kela Jade saka pinagbuksan niya ito ng pinto sa backseat.

"Let's go, misis ko," bulong niya at binuksan yung pinto sa passenger seat. Nginitian ko muna siya bago ako sumakay.

"Ang langgam teh nagkalat na naman!" sabi ni Jade.

"Tumigil ka nga jan!" natatawang sigaw ko. Umikot na rin si Kyle sa harapan para makasakay na rin siya, at nagmaneho na siya.

"Ang bango-bango mo Papa Kyle!" sigaw ni Jade saka inilapit ang ilong kay Kyle. Tawa na naman nang tawa si Kyle dahil sa kakulitan ni Jade.

"Papa Kyle, baka naman pagtagal-tagal magbago ka na!" pabirong sabi ni Jade. Tinignan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Ako? Kay Kei? Hindi yata ako magbabago dito sa misis ko. Ang ikinatatakot ko lang baka siya pa ang magbago sa akin." Natatawang biro ni Kyle saka sumulyap sa akin at kinindatan ako.

Narinig ko naman ang malakas na tawanan nila Jelly.

"Korek teh! Baka si Kei pa ang magbago!" Natatawang sabi ni Jelly!

Ako? Magbabago? Bakit ko pa pakakawalan si Kyle?

Pagkahatid namin kela Jade, nagulat ako dahil sa tower ng condo namin kami pumunta.

"Oh teka? Akala ko ba magdi-dinner tayo sa labas?" pagtataka ko sa kanya.

"Uhm, yes baby, sa labas." Nakangiting sabi niya habang inaayos yung pag-park ng kotse niya.

"Let's go!" excited na sigaw niya saka sabay na kaming bumaba.

Tinignan ko siya ng buong pagtataka nang makasakay na kami ng elevator at nanlaki ang mata ko nang makita kong sa roof top ng tower ang pinindot niya.

"Dinner? Sa rooftop?" naguguluhang tanong ko.

Pero nginitian niya lang ako. Maya-maya lang hinila na niya ako palabas ng elevator. Pagkabukas niya ng pinto ng rooftop, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang parents niya pati ang mga kapatid niya, nandito din si Felix at may iba pa.

"Kyle ano 'to?" tanong ko.

Pero hinila niya lang ako palapit sa table ng parents niya, may catering dito sa taas at may mahinang music.

"Kuya! Happy Birthday!" sigaw ng isang babae na sa tingin ko kapatid niya. Nanlaki ang mata ko at napahigpit ang kapit ko sa kamay niya.

Birthday niya? Ba-bakit hindi ko alam? Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko. Sarili kong boyfriend hindi ko alam ang birthday?

"Thank you, Misha."

"Hi! Ikaw ba si Ate Kei?!" excited na tanong nito. Pinilit kong ngumiti at tumango. Nagulat ako nang yakapin ako nito.

"I'm Misha!" sigaw nito. Hinila niya ako palayo kay Kyle. Napalingon naman ako sa kanya tinanguan niya muna ako bago siya humarap sa parents niya.

Nagpunta kami sa isang table kung saan nandun yung tatlong kapatid niya pa.

"Girls, siya si Ate Kei! Ang pretty niya right? Ate meet my sisters, si Cassandra, si Anne and Kesiah!" ngiting ngiting sabi nito.

Nakipagkamay ako sa kanila. Nakakahiya nakasuot pa ako ng uniform ko, tapos feeling ko gulo-gulo yung buhok ko.

Napatingin ako sa apat na may edad na lumapit sa amin.

"Lolo! Lola! Si Ate Kei!" sigaw nung Kesiah.

Sobrang amo ng mukha nilang apat. Sila pala ang Lolo at Lola ni Kyle.

"So, ikaw pala yung kinukwento ng Mama ni Kyle." Nakangiting sabi ng isang magandang babae sa harap ko.

Napalunok ako. Hindi ako makahagilap ng tamang salitang sasabihin ko. Tumango na lang ako.

"Hey hey! Ano ginagawa niyo sa misis ko ha? Ikaw, Andres, anong pinaplano mo?! May evil plan ka ba?" natatawang sabi ni Kyle sa kapatid niya at pumulupot ang braso niya sa bewang ko.

Napansin ko naman ang panlilisik ng mata ni Cassandra kay Kyle.

"Kuya inaasar mo na naman si Cass kay Andres!" sigaw ni Anne. Tinawanan lang siya ni Kyle.

"Relax ka lang, hijo, pinapakilala lang naman nila Misha itong girlfriend mo." Nakangiting sabi ng isang Lola niya.

Tumungo ako. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko expect na makakaharap ko silang lahat ngayon!

"Tinatakot niyo yata," biro ni Kyle.





"Of course not!" sigaw ni Misha saka tinawanan ako.

Nakipagkwentuhan pa si Kyle sa mga kapatid niya at sa Lolo't Lola niya, samantalang ako tahimik lang nakaupo. Nahihiya kasi ako. Alam niyo yung feeling na bago ka sa klase at wala kang makausap? Grabe nakakahiya, sa tuwing lilipat sa akin yung usapan wala akong magawa kundi ang ngumiti na lang at tumango.


Tumayo silang lahat sa table namin para lumapit kela Tita Sabrina kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap itong si Kyle.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na birthday mo?" nahihiyang tanong ko.

"Nagui-guilty ka ba dahil hindi mo alam? Okay lang naman sa akin," nakangiting sabi niya.

"Pero Kyle girlfriend mo ako, mag-iisang buwan na tayo pero birthday mo lang hindi ko pa alam. Pakiramdam ko wala akong kwenta," bulong ko. Totoo naman kasi. Halos lahat ng tao dito alam ang dahilan kung bakit sabay-sabay kaming nag-dinner, samantalang ako hindi.

"Okay nga lang," bulong niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Wala akong regalo sayo."

"Meron, puso mo." Natatawang sabi niya.

"Kyle naman..."

"Biro lang. H'wag ka nang malungkot. Iregalo mo na lang sa akin yang magandang ngiti mo, masaya na ako," seryosong sabi niya. Tinitigan ko muna siya sa mata. He gave me a peck on my lips kaya naman nagulat ako.

"Smile, baby," bulong niya. Tumango na lang ako at kahit labag sa loob ko nginitian ko siya.

Hindi kami masyadong nakapag-usap ng parents ni Kyle dahil kausap nila ang Lolo at Lola ni Kyle. Ngayon lang yata ulit sila nagkita kita.

Kaya naman nung inihatid na namin sila sa parking lot todo thank you at sorry ako. Natatawa nga sila sa akin dahil sa paghingi ko ng sorry na hindi ko man lang sila nakausap.

Basta aasahan daw nila ako sa Christmas. Yung mga kapatid naman ni Kyle panay ang yakap sa akin.

Pagpasok namin sa unit ko umupo kaagad ako sa couch at kinalkal yung mga pinamili ko.

"Anong mga binili mo?" tanong niya.

Pero hindi ko siya sinagot. Huminga ako ng malalim at kinuha ko yung polo shirt na binili ko para sa kanya.

"Oh...h-hindi ko kasi alam na birthday mo, kaya yung regalo ko dapat sa'yo sa pasko ang mabibigay ko sayo." Nahihiyang bulong ko. Napansin kong nakatingin siya dun sa polo shirt na inaabot ko sa kanya.

"Ayaw mo? Bibi—" Pero inagaw niya sa akin yung polo shirt!

"No! Gusto ko! Ito yata ang unang regalo mo sa akin!"


Hinila niya ako sa kamay at umupo kaming pareho sa couch.

"Sorry ha? Hindi ko—"

"Tama na, baby, okay lang naman sa akin, 'di ba? At least ngayon alam mo na, December 16," nakangiting sabi niya.

"Kasi naman, tinatanong kita nung nakaraan hindi mo ako sinasagot ng matino."

"Ayoko kasing mag-abala ka pa baby. Palagi ka nang pagod sa trabaho, 'di ba? Kaya okay na sa akin yung kasama kita parang araw-araw birthday ko!" sabi niya.

"Adik ka!" sigaw ko. Hinampas ko siya, pero tinawanan niya lang ako. Kinurot niya yung pisngi ko kaya naman hinampas ko ulit siya.

"I love you," bulong niya, pero imbis na sagutin ko siya hinalikan ko siya sa labi niya.

"Happy Birthday, baby," bulong ko sa pagitan ng halik naming dalawa.

"Uhm," sagot niya. Napatayo kaming dalawa at kusang naglakad ang paa naming dalawa papasok sa kwarto ko.

Isinandal niya ako sa pintuan ng kwarto at naramdaman ko ang pagtaas baba ng mainit niyang kamay sa hita ko. Parang pakiramdam ko buong katawan namin nag-iinit kahit halik lang ang ginagawa namin.

Dahan-dahan pa rin ang paghalik niya sa akin at napasinghap ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Hanggang sa lumalim ang paghahalikan naming dalawa.

Ipinulupot ko ang dalawang binti ko sa bewang niya, hinawakan naman niya ako sa bewang para maalalayan niya ako. Napaungol siya nang hilahin ko ang buhok niya. Nakakabaliw halikan si Kyle. Masarap at magaling kasi siyang humalik.

Umikot siya at inihiga niya ako sa kama. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at halos mapaliyad ako nang maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kaliwang dibdib ko. Pero napatigil siya sa ginagawa niya. Hingal na hingal kaming pareho, para kaming hinahabol ng kung ano. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko at namumula ako.

Nasa ibabaw ko pa rin siya at naramdaman kong yumakap siya sa akin. Isinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko. Sobrang bilis pa rin ng paghinga niya.

"I'm sorry, baby..." Hinihingal na bulong niya sa leeg ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa mainit niyang paghinga.

"No, Kyle, o-okay lang," bulong ko. Alam ko kung gaano katagal na siyang nagpipigil sa akin.

"Sorry..." bulong niya ulit at hinalikan ang leeg ko. Naramdaman kong parang may kung anong nakaumbok dun sa gitna niya at alam ko kung ano 'yon. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Lumunok muna ako bago ako nagsalita.

"Let's do it, Kyle."

Halos ibulong ko na lang 'yan. Ipinikit ko ang mata ko. I'm ready. Wala namang dahilan para hindi namin gawin ni Kyle ang bagay na 'yon. Mahal ko siya at mahal niya ako at isa pa matanda na rin naman kami pareho. Alam na namin ang tama at mali.

Naramdaman kong umangat ang ulo niya. Iminulat ko ang aking mata at nakita kong titig na titig siya sa akin.

"Kei—" Alam kong sasabihin niyang hindi naman kailangan kung hindi pa ako handa.

"I'm ready, Kyle. I love you, at sigurado na akong sa'yo ko ibibigay," nahihiyang bulong ko.

Napansin kong napalunok siya.




"But—"

"Kyle, alam ko nagpipigil ka lang dahil sa akin. Gusto ko, okay? Gusto kong gawin 'yon kasama ka." Pilit kong hinuli ang mata niya. Napalunok ako dahil nakita ko kung paano kuminang yung mata niya sa saya, pero nandun pa rin yung doubt niya. Parang may nagkakarera naman sa loob ng dibdib ko.

Niyakap ko siya.

"Mahal kita, Kyle, at 'yon ang dahilan ko dito," bulong ko.

Tinitigan niya ako sa mata at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa balikat ko pababa sa braso ko.

"I love you," bulong niya habang nakadapo ang labi niya sa noo ko. Narinig ko ang malakas na pagkalampag ng puso niya at napangiti ako dahil doon.

Maingat niyang inangkin ang labi ko at sabay naming ipinikit ang mata naming dalawa. I opened my mouth when his tongue came seeking for an entrance. Halos lakbayin na naman niya ang buong bibig ko ng walang pag-aalinlangan.

Nakakabaliw yung halik niya, dahan-dahan at ramdam kong may pagmamahal. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa likod ko at narinig ko ang pag-unhook niya sa bra ko. Nagawa niya 'yon kahit na nakadamit pa ako.

Napasinghap ako nang maramdaman kong lumuwag iyon. Pinutol niya ang halik naming dalawa at isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng uniform ko. Tinitigan niya ako sa mata habang ginagawa niya iyon. Punong-puno ng pagmamahal yung tingin niya sa akin na para bang ako yung pinakamagandang babae sa buong mundo.

Nang matanggal na niyang lahat sa pagkakabutones ang uniform ko, dahan-dahan niyang hinubad iyon sa katawan ko kasabay ng bra ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil ito ang unang pagkakataon na may makakakita ng hinaharap ko. Iniwas ko ang mata ko sa kanya.

"Look at me, Kei."

Pero imbis na sundin ko siya tinakpan ko ang mata ko.

"Baby, maganda ka," nakangising sabi niya. Dun ko na naman naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ako sa kanya. Sandali niyang hinalikan ang labi ko pagkatapos ay nginitian niya ako, yung ngiting nakapagpabilis pa lalo ng tibok ng puso ko.

"You're so beautiful," bulong niya at halos magdugo ang ibabang labi ko sa pagkakakagat ko nang simulan niyang halikan ang kanang dibdib ko and I couldn't help myself from moaning as his other hand touched and played with my other breast. Ganito pala ang pakiramdam kapag may humahaplos ng dibdib ko.

"Uhm... Kyle..." ungol ko. Dito pa lang nababaliw na ako, paano na kaya kung sa mga susunod pang gagawin namin? Bawat haplos niya alam kong nag-iingat siya na para bang natatakot siyang masaktan ako.

Naramdaman ko ang pamilyar na paghalik na ginagawa niya sa dibdib ko—'yon ang paraan ng pag-iiwan niya ng marka.

"Uhhhh, baby..."

Ipinikit ko na lang ang mata ko at naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagbaba ng zipper ng pencil cut ko. Napamulat ako nang maramdaman kong nahubad na niya ang palda ko. Nasa mata niya ang pagmamahal at pangangailangan.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa gitna ng hita ko. Nagtataas baba ang palad niya malapit doon.

"Oh, Kyle." Hindi ko napigilan ang pag-ungol dahil sa ginagawa niya. Nakakabaliw, pakiramdam ko dinadala niya ako sa malayo.

Bumaba ang halik niya hanggang sa puson ko at naramdaman ko ang maingat na paghaplos niya doon. Hindi ko maiwasan kagatin ang ibabang labi ko dahil ramdam na ramdam ko yung init doon kahit na suot ko pa ang huling saplot ko.

Dahan-dahan niyang hinila pababa ang panty ko at halos mag-init ang buong mukha ko dahil doon.

"Close your eyes, baby," bulong niya. Sinunod ko naman siya at mas lalo akong napapikit ng mariin nang maramdaman ko ang dahan dahang pagpasok ng daliri niya doon sa core ko. Napakapit ako sa bed sheet dahil sa sensasyon na ibinibigay niya sa akin.

"Shit." Hindi ko napigilan ang pagmumura dahil sa pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Bago ang lahat ng ito sa akin at nababaliw ako sa pakiramdam na ito.

Sinimulan niya ang paglabas masok ng daliri niya doon at parang hinihingal ako kahit na nakahiga lang ako. Pakiramdam ko may gusto akong marating!

"Ahh, Kyle, naiihi ako," nahihiyang ungol ko.

"It's alright, baby, give it to me," mariin na sabi niya at napamulat ako nang maramdaman kong dalawa na ang daliri niya sa loob at parang may hinahalukay siyang kung ano. Narinig ko pa ang mahinang pag-ungol niya sa ginagawa niya sa akin, parang buong pagkatao ko nahuhukay sa ginagawa niya!

"Ahhh, K-Kyle." Naramdaman ko ang panginginig ng hita ko kasabay n'on ang parang paglabas ng mainit doon.

Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko, pero nagtayuan ang balahibo ko nang sunod kong maramdaman ang paghalik niya doon sa pagkababae ko!




"Hmm..." Sabay na ungol naming dalawa, nagtagpo ang mata naming dalawa habang hinahalikan niya ng buong pagmamahal ang pagkababae ko. Kung paano niya halikan ang labi ko ay ganoon rin ang ginagawa niyang paghalik doon sa akin.

"Ugghh, Kyle, malapit na naman," bulong ko dahil naramdaman ko na naman na parang may gustong lumabas ulit! Ganito ba talaga 'yon?! Nakakabaliw! Napaupo ako at nahila ko ang buhok niya dahilan para mas idiin niya ang paghalik doon sa akin.

Ilang sandali pa ay muli akong nanginig sa mga halik niyang mapusok. Inubos niya ang lumabas doon na para bang sarap na sarap siya. "Haaa, I love you." Hindi ko napigilang sambit.

Pagkatapos niyang gawin iyon inangkin niya ang labi ko, nalasahan ko ang pagkababae ko sa bibig niya pero kahit ganoon ay napakasarap pa rin niyang humalik.

"I love you." Bulong niya.

Nanghihina ako. Pero nabubuhay ang dugo ko dahil sa paghalik niya sa akin at nababaliw ako sa ginagawa niyang paghaplos ng mainit niyang kamay sa balat ko. Maingat at ramdam kong mahal niya ako.

Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng T-shirt niya and he groaned as I touched his muscular chest and his abs.

"Take it off, Kyle," bulong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa pagitan ng halik naming dalawa.

"As you wish, baby."

Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa saka hinubad ang T-shirt niya. Napanganga ako sa ganda ng hubog ng katawan niya, yung abs niya parang natural lang talaga.

Sandali siyang tumayo at hinubad ang pants kasama ang huling saplot niya. Agad kong nakita galit na galit na pag-aari niya.

"This is all yours, baby," aniya at napalunok ako nang ikulong niya iyon sa kamay niya at tinaas baba ito. Napatingala pa siya na para bang may nararamdamang kung ano.

Napamura ako sa isip ko dahil sa laki nito, hindi ko maiwasang isipin kung kasya ba sa akin yon?

"Kyle..." Hindi ko napigilang bulong ko at dahan-dahan akong umupo saka itinaas ang kamay ko upang hawakan iyon. Napatingin siya sa akin at namungay ang kanyang mata nang maramdaman niyang nakahawak na ako sa matigas niyang pag-aari. Sinubukan kong itaas baba iyon pero napapitlag ako nang tumibok iyon.

Ngumisi siya, "I think it's time for my buddy to get inside your..." Ibinaba niya ang tingin doon sa pagkababae ko. Inalis niya ang pagkakahawak ko doon sa pagkalalaki niya saka muli niya akong inihiga at pumaibabaw siya sa akin. Hindi ako magkamayaw sa paglunok nang bumangga ang matigas na 'yon sa hita ko.

This time pareho ko nang nararamdaman ang balat naming dalawa, parehong mainit yung balat namin na para bang nilalagnat kami kahit hindi naman.

Naramdaman kong pinaghiwalay ng binti niya ang binti ko to give him more access to my pearl.

"Look at me, baby," bulong niya. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa. I could see the admiration in his eyes, parang sinasabi nito kung gaano niya ako kamahal at ako lang ang babaeng mamahalin niya ng ganito. He kissed me hungrily at naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagtaas sa bewang ko. Ang init ng palad niya. Napalunok ako nang unti-unti kong maramdaman sa tapat ng akin ang kanya, para akong kinukuryente dahil doon!

"Kyle!" I sobbed in pain nang maramdaman kong parang may kaunti na siyang ipinasok sa akin.

Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa na parehong nakaawang. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko at hinalikan niya ang magkabilang mata ko. Pakiramdam ko may unti-unting napupunit sa loob ko. Sobrang sakit at halos mapalunok ako ng sunod-sunod!

"Shhh, I'll be gentle, baby, I'm half way inside." Napalunok ako nang sabihin niya iyon. Nasa kalahati pa lang ng sa kanya ang naipapasok niya.

"I love you, damn, you're so tight and hot inside, baby. Ughhh." Nahihirapang bulong niya, siniil niya ulit ako ng halik at pakiramdam ko unti unting nawawala yung sakit dahil sa halik niya.

Dahan-dahan siyang naglabas masok sa akin na para bang sinasanay niya ako sa laki niya at napahawak ako sa likod niya nang maramdaman ko ang marahan niyang pagsagad.

"Kyle!" hiyaw ko. Ang sakit pero masarap!

"Uhh!" he groaned.

"Ahhh, Kyle, it hurts ahh..." Nababaliw ako sa sakit pero kasabay n'on ang kakaibang pakiramdam na parang nagdadala sa akin sa kung saan.

"I'm sorry baby, I'm trying to be gentle, shhh." Nahihirapang bulong niya at naramdaman kong iniyakap niya ang bisig niya sa akin. Hinigpitan ko naman ang pagyakap ko sa kanya ng dalawang binti ko.

Nagsimula siyang maglabas-masok sa akin at unti-unti ay nasasanay na ako sa ginagawa niya. Nawawala na ang sakit at puro sarap na ang nararamdaman ko. Nagpasya akong sabayan ang paggalaw niya dahilan para mas lalo kong marinig ang pag-ungol naming dalawa sa kwarto.

Napakagat siya sa labi ko nang maramdaman niyang parang may kung anong lumabas mula sa akin. Para akong nababaliw at nanghihina habang lumalabas ang mga iyon sa akin! Napayakap ako ng mahigpit sa kanya dahil bumilis ang paglaba- masok niya sa akin.

"Shit," mura niya. Hindi ko alam pero mas lalong nanggigil ang pagkilos niya.

Tinitigan niya ako sa mata, at halo-halong emosyon ang nasa mata niya, pero mas nangingibabaw ang pagmamahal doon.

"Mahal na mahal kita, Kei!" hiyaw niya at halos ipagdiinan ko ang kuko ko sa likod niya nang maramdaman ko ang mas lalong pagdiin ng kanya sa akin kasabay ng panginginig niya at kasunod n'on ang mainit na lumabas mula sa kanya. Awtomatiko namang sumunod ang katawan ko sa ginawa niya!

"Uhmm! Kei!" he cried out my name as we reach our climax.

"I love you, Kyle!"

Hanggang sa pabagal ng pabagal ang paglabas masok niya sa akin.

"Kyle... uhhh..." ungol ko dahil halos mahibang ako sa ibinibigay naming dalawa. Mainit ang likidong iyon na naghahatid ng kakaibang sarap.

Siniil niya ng maingat na halik ang labi ko bago siya tumungo sa balikat ko. Hingal na hingal kaming pareho na para bang kinakapos kami sa hangin at halos maiyak ako sa ibinulong niya sa tenga ko.

"Let's get married..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top