37' Lost
Luel, a faint voice woke up Luel from her deep sleep.
Marahas na suminghap si Luel nang bigla siyang magising. Pakiramdam niya ay naghahabol siya ng hininga. Hinawakan niya ang ulo niya nang makaramdam siya nang matinding sakit.
Argh! Ang sakit naman!
Her eyes squinted while looking around. Nasa forest pa rin siya. Nawala na ang portal at sina Alcaeus. Luh, iniwan ba nila ako? Tanong niya sa sarili niya nang mapansing walang tao. Walang bahid ng mga kapangyarian. Para bang walang nangyari rito.
Tumayo na lang siya at pinagpagan ang kaniyang damit. Napatingin siya sa langit at napansing nag-umaga na pala. Isang araw na ba ang nakalipas, at hinayaan lang nila ako dito?
She exhaled sharply before walking out of the woods. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil parang na-drain na iyon at naubos na.
She looked at her hand and noticed a vine bracelet. Taka siyang tumingin doon, akala ko ba naitago ko na 'to sa spatial ring ko? She just shrugged off the thought and fastly walked.
Tinahak niya ang daang alam niya, pero napansin niya rin na parang may kakaiba... hindi niya alam kung ano, pero mas lalo siyang nagdududa patagal nang patagal. Nasaan ba ako?
Sinubukan niyang gamitin ang vampire speed niya, thankfully nagawa niya 'yon. Phew! Buti nalang talaga.
She used her vampire speed to get away from the forest. Akala niya ang town ng Qidian ang bubungad sa kaniya, pero bigla siyang nagulat nang makakita ng hindi pamilyar na kastilyo.
She noticed a sign. Phoenix Academy. What? Nasaan ba siya? Hindi naman siya pamilyar sa pangalan ng academy. Is this a new academy? Tiningnan niya ang paligid at napansing wala namang mga estudyante.
Baka nga bagong tayo lang 'to. Pero saang parte naman ito ng Aerilon? Qidian? Helevetik? Deshire? Taquine?
Mabilis din siyang nakarating doon sa tapat ng kastilyo. Napansin niya ang iba't ibang estatwa, pero nanlaki ang mata niya nang makakita ng estatwa na kamukha ng kaniyang ina... Sinclair.
Bakit naman may estatwa ang nanay niya rito? Nasaan ba talaga siya? Nasa Qidian ba siya?
Tumigin siya sa taas, at napansing may pangalawang palapag pa. Pero tiningnan niya ang buong first floor pero wala namang daan pataas. She sighed, and tried to gather energy to summon her black wings. Thankfully, it did.
Lumipad siya pataas at namangha. Parang nasa outer space lang sa ikalawang palapag. Napansin niyang puro planeta dito. Sa gitna ay naroon ang araw. Hindi naman siya pamilyar sa ibang planetang naroon.
Because of her curiosity, she walked towards the sun. Nagtaka naman siya kung bakita ganito sa second floor. Wala namang rooms, and whatsoever. Hinawakan niya 'yon at nagulat nang iabsorb ng sun ang kamay niya. Para bang nakapasok sa loob ang kamay niya.
Ah! Baka naman may room sa loob, at kailangan ko lang makadaan dito.
She stepped her foot and caught a glimpse of the inside of the sun. Pero bago pa siya tuluyang makapasok, naramdaman niyang may kung anong puwersa ang tumulak sa likod niya.
For the second time, everything went black for Luel.
༻❁༺
"Bakit mo kasi pinatamaan agad, Alpha?" sambit ng isang lalaki, at iyon ang unang bumungad kay Luel paggising niya. Hindi niya pa naimumulat ang kaniyang mata dahil napapariin ang pikit niya sa sakit ng likod niya.
"Hindi naman kasi natin siya kilala! Nakakapagtaka nga kung pano 'yan nakapunta rito!" One answered with a deep growl.
Another man sighed, "What if she's the first woman for this lifetime?"
"Tols," wika ng isa. "Walang makakapalit kay Sinclair. Alam mo naman 'yan."
This time, Luel opened her eyes by the mention of her mother's name. Kaagad siyang bumangon at nagulat ang mga lalaki. Luel looked at four men, pero nagtagal ang tingin niya sa isa. Puti ang buhok niya, at itim naman ang mga mata. He looks familiar...
"Who are you?" matapang na tanong ni Luel. Her palms made a fist while watching the men warily.
The blonde hair with blue eyes answered, "We mean no harm. Pasensiya na kung nasaktan ka namin kanina. You are an intruder, so kami dapat ang nagtatanong sa'yo n'yan. Sino ka?"
Umirap naman si Luel, "Hindi niyo ba ako kilala? What division of Aerilon is this?"
Sumama naman agad ang mukha ng isa. The man with light blue hair and black eyes that seems to have a moon within it, "What the fuck are you saying?"
Luel was taken aback by his curse. Pakiramdam niya tuloy masasamang tao sila. Nilabas niya agad ang kapangyarihan niya. Black aura was in her right hand, while on the left, white.
"Woah, sino ka ba talaga? Sabihin mo sa'min kung sino ka at hindi ka namin sasaktan," sabi naman ng isa na may kulay light green na buhok, at sea green na mata.
Napansin naman n'ong isang lalaki ang kapangyarihan ni Luel, "You're a demon angel?"
Nanlaki naman ang mata ni Luel at marahas siyang lumingon sa blondie, how did they know? "Tell me who you are! Or at least your clan name so I would know you."
Umalis siya mula roon sa kama at lumapit sa pinto. She shrieked when a man suddenly held her hand. Napatingin siya sa lalaking kanina ay puti ang buhok, na ngayon ay naging pula na. His eyes turned from black to red too.
"Where are you going?" Tanong n'on. Luel squinted her eyes. Pamilyar talaga siya sa'kin.
"Isa rin siyang bampira, Lucifer," wika n'ong lalaking may sea green na mata sa blondie. Dahil doon, nanlaki ang mata ni Luel.
Lucifer... nabasa niya iyon sa Sansinukob. One of the creators of the mortal realm. Nasa mortal realm ako?! Bigla niyang napagtanto. Nanigas siya at napansin naman 'yon n'ong Lucifer.
"Hey, are you okay?" He asked worriedly.
She glanced at the one with light blue hair. Alpha, hula niya. The moon. Lumingon naman siya sa lalaking may sea green na mata, Seraphin? Then, lastly lumingon siya sa lalaking may pulang mata at buhok, Red.
Once more, she looked closely at that man. Bigla niyang naalala si Draco, ang dragon na nakaseal kay Sinclair.
"Rain Evan Delvar..." she murmured when she realized that it was him. Ang sinasabi ni Sinclair na best friend niya, previous owner of Draco.
Namilog kaagad ang mata ni Red, "She knows me."
Tila hindi makahinga si Luel sa sobrang intense ng tingin sa kaniya ng apat na lalaki. These are creators from the mortal realm. Malamang makapangyarihan sila.
"Paano mo siya nakilala? Nanggaling ka ba sa hinaharap?" Tanong ni Seraphin sa kaniya.
Umiling si Luel, "No. I am from another realm."
"Kung gayon, paano mo ako nakilala?" Tanong ni Red sa kaniya.
Luel gulped because the man was getting too close to her. Tumikhim naman si Lucifer, "Don't scare her, Red."
Nagbuntong-hininga naman si Red at medyo lumayo kay Luel. She bit her lip. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin...
"My mother, Sinclair, knows you. Sinabi niya sa'kin na bestfriend ka niya," wika ni Luel at kaagad namang nanlaki ang mata nilang apat.
Para namang bigo ang hitsura ni Lucifer at Red, "A-anak ka ni Sinclair?!"
They both thought, may asawa si Sinclair?! That broke their hearts since the two were both in love with Sinclair.
Marahang tumango si Luel, "Oo pero... hindi niya ako tunay na anak. Adopted lang."
Because of that, the two sighed in relief. Akala nila may nakauna na sa kanila, buti nalang ay wala... pero bakit nga ba kilala niya si Sinclair?
"Alam mo kung nasaan si Sinclair?" Tanong ni Seraphin.
She nodded once again, "She's in Aerilon. Our realm and world. Sa ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya dahil nalaman nilang hindi siya talaga Aerilonian at nahuli siya. Then, nakatakas siya."
"Matagal na namin siyang hinahanap. Lumalaganap na kasi ang mga demonyo rito, at walang nakakapagkontrol sa mga demonyong 'yon, siya lang," wika ni Alpha.
Umawang naman ang bibig ni Luel. If this is the mortal world, where are her true and biological parents?
"I am Lucianna Sariel Rofocale," wika niya na ikinagulat muli ng apat.
They all turned to her with wide eyes, and dropped jaws. May mali ba sa sinabi ko? Kilala ba nila ako?
"Speak again?" Sabi ni Lucifer. "Sariel Rofocale? That is your name?"
Tumango muli si Luel, "Yes, but I am called Luel. Ang sabi ni Sinclair," sa panaginip ko, "isa akong vampire, demon-angel. I was wondering if you knew my parents? Lucifuge Rofocale and Georgia Kaye Alas?"
Napasinghap si Red, at exaggerated na tinakpan ang bibig niya na para bang gulat na gulat at manghang mangha. "You're alive?!"
Luel raised an eyebrow, "Y-yes? I was in Aerilon since birth. Along with Sinclair— I mean, mother. We've been there since I was born."
Lucifer had his brows furrowed, "Your parents don't exist in this lifetime anymore. They existed in the past lifetime of the mortal realm."
"Paano ka ba nakapunta rito, Sariel?" Tanong ni Seraphin.
Luel slightly scrunched her nose because he called her using Sariel. "Through a portal in our world, I think."
Tumango naman si Red, "Ako ang gumawa ng portal na 'yon." He nonchalantly said like it was no big deal!
"What?" Marahas na tanong ni Luel, "Kayo ang gumawa ng portal na 'yon?"
Red pouted, "Oh bakit ka nagagalit?"
"That portal is destroying lives!" she almost roared. May nabasag mula sa mga tables dahil sa sigaw ni Luel.
Napapikit siya nang mariin, at hinilot ang sentido niya. Hindi ko dapat sila sinigawan, baka hindi na nila ako pabalikin sa Aerilon. Nang imulat niya ang mata niya napatingin siya kay Lucifer na mukhang kalmado pa rin.
"We made the portal to search for Sinclair, Luel. We need her here in our world, she belongs here. Ganoon ka rin. I'm sorry if the portal is destroying lives, but the portal is a way for us to save lives. Marami na ang namamatay dahil sa walang kontrol na demonyo. We need her, the demon. One of the creators," wika ni Lucifer.
"Then I'll find a way to bring her to you! Huwag niyo lang ituloy ang pagbuo ng portal."
Red sighed heavily, he shook his head, "Hindi na namin ma-uundo ang portal. Unless it's destroyed. Sadly, we can't do it, Sariel."
Mas lalong napaawang ang labi ni Luel. Selfish bastards! Mundo niya nga ito, pero kinalakihan niyang mundo ang Aerilon.
Lucifer also sighed as he looked at Luel's bracelet. Iyon ang bracelet ni Leonidas... Now, he finally realized.
"Hindi ka nakarating dito gamit ang portal, Sariel. The vine bracelet was a teleportation object to bring one person to a realm and another."
Luel looked at her vine bracelet, ang pagkakatanda niya sa nanay niya talaga ito. The last memory of her sphinx.
"Return to your world, and give the bracelet to Sinclair, Sariel. Matapos ay pabalikin mo siya sa mundong 'to, permanently," diretsong wika ni Alpha.
Permanently? Mapapahiwalay na ako kay Sinclair? Isip niya.
"Paano naman siya, Alpha? She also belongs to this world," giit ni Red.
Umiling naman si Alpha, "Yes, but she belongs to her own world more. Doon siya lumaki, at doon na rin siya namuhay. It doesn't matter if her blood comes from this world. Her soul belongs there."
Napaawang ang bibig ni Luel, hindi alam ang sasabihin.
"We will do our best to weaken the portal... pero hindi talaga namin alam kung papaano iyon masisira," malungkot na wika ni Red. "Please return Sinclair to us. This world needs her."
She shut her eyes. This is all too much. Hindi niya alam kung kakayanin niyang mawalay sa kaniyang ina. She's just sixteen... parang hindi niya pa kaya.
"We are deeply sorry, Sariel. As much as we want you here in our world, too. You know that you most belong to your world. Please do it for us, and we will find a way to destroy the portal," Lucifer promisingly said.
Hindi alam ni Luel kung gaano siya katagal na nanahimik. The silence lasted for a few minutes until she finally exhaled deeply.
"I will try," her voice croaked.
The four men smiled.
"Magchikahan muna tayo bago ka umalis, Sariel," wika ni Red at ngumiti nang malapad. Just like what her mother told her, he really had the brightest smile.
Sinubukan din naman niyang ngumiti. Maaaring sila nga ang dahilan ng portal, pero hindi naman nila alam na mapapahamak ang Aerilonians. They've only done it to save themselves.
Siguro nga, wala naman talagang villain sa istoryang ito. It's all about saving each other. Saving friends. She just really hoped that the portal can be destroyed.
Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Sana hindi maguluhan 'yong mga hindi pa nakakabasa ng Phoenix Acad. hahhahahhahaha.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top