Chapter 9
PALAPAG palang ang chopper ay natanaw na niya ang papa at mama ni Romulus sa porch sa likod ng mansiyon kung saan naroon ang landing area. Kumaway ang mama ni Romulus nang makababa sila at hinintay hanggang sa makalapit sila. Mahigpit na yakap ang salubong sa kanya ng magandang si Natasha, ang ina ni Romulus at ni Nikuro ang ama ni Romulus.
"I'm glad you two visit us," Natasha said, guiding her inside the mansion which they followed by Romulus and Nik. Si Sixto naman ay sumunod na rin sa kanila.
"Miss mo kami, mom?" Saglit lang na nilinga ni Natasha si Romulus para sagutin ito.
"Of course, son." Muli nitong ibinalik ang atensyon kay Beatrix at excited na nagbalita ng mga kaganapan.
"Wow! Parang si Beatrix lang naman yata ang na-miss mo." Napatawa siya na nilinga si Romulus at dinilaan ito. Si Romulus ay napatawa na lang din.
"So, how are you? Mabait ba anak ko sa 'yo?" tanong ni Natasha nang maupo silang magkatabi sa mahabang sofa sa sala. Nanatiling hawak nito ang kanyang braso. Si Romulus at Nikuro ay magkatabi namang umupo sa three seater couch.
"Medyo po." Natasha shot Romulus a dagger glance which made her laugh.
"Just kidding, mommy. He's such a good boyfriend," pagbawi ni Beatrix. Natasha had requested that she be addressed as "mommy", so iyon ang ginagawa niya.
"God, akala ko may mapapalo ako." Napatawa silang lahat.
"Ang totoo po mas lalo siyang bumait."
"Aw!" Natasha glanced at Romulus with a loving look on her face. "I'm so proud of you, son."
"Thanks, mom."
"Hey, biatch!" Agad na tumayo si Beatrix nang makita ang pagdating ni Zanaya kasama si Lakon.
"Hey," bati niya rito at mahigpit na nagyakap. Sumunod niyang binati si Lakon. Bumeso siya sa pinakamatandang Lycan, ang siyang pinagmulan ng lahi.
"Lalo kang bumabata, Uncle Lakon."
Tumawa ito. "Naaalagaan nang mabuti. I guess." Sinulyapan nito si Zanaya. Bumungisngis naman ang malandi na lumingkis sa braso ni Lakon.
"Sina Luna hindi mo ba kasama?"
"Hindi po. Next week daw po sila pupunta rito."
Nagyaya na si Natasha sa courtyard. Nakahanda roon ang buffet table. Naroon na rin si Damon at Logan umiinom ng alak habang nakaupo sa seating area. Agad niyang inilibot ang tingin para hanapin ang taong pakay pero wala sa paligid. Nilapitan niya ang dalawa at bumati.
"Nandito ba si Manoela?" tanong niya kay Damon.
"Wala siya ngayon. Baka bukas o sa susunod na araw pa ang balik."
"Where did she go?"
Nagkibit si Damon. Umasim ang mukha bago uminom ng alak. "I don't know. Kailangan niya raw magbakasyon…nang mag-isa." May diin nitong sinabi iyon. He looks pissed off now. His mood was ruined by her question.
Hinila siya ni Zanaya paupo sa couch. Naupo silang magkatabi. Si Damon at Logan naman ay tumayo at nilapitan si Romulus at Sixto. Si Natasha at kinausap ang chef na nasa outdoor kitchen. Agad namang nagdaldal si Zanaya. Nagkuwento ng tungkol sa relasyon nito kay Lakon. She's happy for Zanaya. She is genuinely happy and in love.
"Eh, kayo, ano'ng status niyo ni Romulus? Kailan ang kasal niyo?" Agad na umikot ang mata ni Beatrix sa tanong na iyon ni Zanaya.
"You know what our status is."
"Fuck-buddies pa rin?" She just smiled.
"No way!" Bumaling si Zanaya sa kinaroroonan ni Romulus. Nakatayo ito sa mesa kung saan nakalagay ang alak. Kaharap nito si Damon at Logan pero ang mata ay nakatuon sa kanya. Awkward siyang ngumiti kay Romulus. Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang dati rati kapag tumitig ito sa kanya nagfi-flirt siya. She even licked her lips while staring back at him which made him laugh while also arousing him at the same time.
Nagyuko ng ulo Beatrix. Itinuon niya ang tingin sa daliri na pinaglaruan niya. Dahan-dahang nagpakawala ng malalim na hininga.
"She's in love with you, Beatrix. Look at him." Muli siyang nag-angat at awtomatikong lumipad muli ang tingin niya kay Romulus. Kasalukuyan itong sumisimsim ng alak mula sa old-fashioned glass habang nakatitig sa kanya.
"He loves you." Zanaya nudged her.
"Ano ba ang sinasabi mo? Nakatingin lang. Malay mo kung nalilibog lang."
Humalakhak si Zanaya. "Beatrix, I'm serious. He's madly in love with you. He's staring at you, thinking about how lovely you are. He wished to spend the rest of his life with you. He wanted to propose but is afraid." Napakunot-noo si Beatrix na tumingin kay Zanaya.
"What? Ako nga, Zanaya, tigilan mo ako!"
Her eyebrows raised, as if she had challenged her to prove her wrong. "Remember what my supernatural ability is? I can read and even invade someone's mind."
"Lycans are not included. You can't read their mind."
"Yeah. But I read Romulu's right now. He was too exposed. Ang puso niya at isip ay nagkakaisa. He's in love with you, Beatrix. Hindi ba niya sinasabi sa 'yo?" Hindi niya masagot ang tanong na iyon ni Zanaya. He did. Pero hindi niya kayang tugunin ang I love you nito. Tinugon lang niya si Zanaya ng isang ngiti. Bigla na lang siyang tinitigan ni Zanaya at alam na agad niya ang ginagawa nito. She's trying to read her mind.
"Zanaya, stop it!"
"What the heck! Why couldn't I read your mind? Marunong ka na bang mag-block like Luna?"
Napangiti siya. "Nah! Baka pumapalya na ang supernatural power mo."
"Of course not! Mas lalo ngang lumakas ang power ko kapag nagse-sex kami ni Lakon, eh." Tumawa si Beatrix. Bigla naman napatili si Zanaya na parang nabingi ito. Napahawak ito sa sariling mga tainga. Napatingin ito kay Lakon na na nasa mahabang mesa kasama si Nikuro. May warning itong nakatitig kay Zanaya. Bumungisngis naman si Zanaya at nag-peace sign. Mukhang nasinghalan ni Lakon ang malandi sa pamamagitan ng telepathy. Isa sa mga nadi-develop sa mates ang telepathy. Kapag lumalim ang nararamdaman sa isa't isa kahit emosyon ng mga ito ay nararamdaman na ng isa't isa.
"Ladies, tara na rito," yaya ni Natasha sa kanila. Agad na tumayo si Beatrix at Zanaya. Si Zanaya ay tumakbo patungo kay Lakon. Sumimangot siya nang halikan nito si Lakon sa labi nang matagal bago naupo sa tabi nito. Bumungisngis pa ito. Napakalandi talaga. Si Romulus ay pinaghila si Beatrix ng upuan sa kabilang bahagi ng mesa katabi si Natasha. Si Nikuro ay nakaupo sa kabisera. Si Lakon ang Alpha pero sa mahabang panahon na wala ito ay si Nikuro na talaga nakapuwesto sa kabisera. Kahit si Fhergus ang mas matanda kay Nikuro at namuno sa mga Lycan ay hindi ito umaaktong mas nakakataas. Binabase raw ng mga ito sa itsura since si Nikuro ang tumatanda ang itsura dahil normal itong tao, si Nik ang itinuturing na patriarch ng lahat.
Si Damon at Logan ay naupong magkatabi sa kahilera nina Lakon at Zanaya kasama si Sixto. Nagdasal muna si Natasha bago nila sinimulan ang pagkain. Sa angkan nila ay hindi sila nagdarasal ng sa katulad ng ginagawa nina Natasha. Iba ang sinasamba nila. The are worshipping Goddess of nature–ang pinaniniwalaan nilang siyang nagbibigay kapangyarihan sa kanilang mga Paganus.
"Hey, everyone!" Isang magiliw na boses ang nagpabaling sa lahat.
"Romi!" Natasha exclaimed, surprised at her daughter's arrival.
"Hi, mom!" Tumakbo ito paikot sa mesa. Agad namang tumayo si Natasha at mahigpit na niyakap si Romi.
"Oh, Romi, baby!" Kumawala ito mula sa pagkakayap at sinapo ang mukha ng anak. Mangiyak-ngiyak ito.
"I missed you so much!"
"Me too, mom." Bumaling ito sa ama na tumayo. Nilapitan ito at mahigpit na niyakap.
"Did you miss me, dad?" tanong nito na kumawala mula sa pagkakayakap.
"Not much."
"Dad!" tili ni Romi.
Tumawa ang ama. Pinisil ang pisngi. "Iyan ang na-miss ko sa 'yo, brat." Romi giggled and hugged his father again, then she turned and screamed before rushing towards Beatrix. Mabilis na tumayo si Beatrix at niyakap ang kapatid ni Romulus.
"I have pagsalubong for you." Nang bumaling ito kay Zanaya ay nag-abot ng kamay ang dalawa sa pagitan ng mesa at tumili.
"Let's have girly talk later." Zanaya agreed at Romi's suggestion.
"Hi, Uncle Lakon." She gave him an air kiss.
"Kuya Damon!"
"Hey, Brat," bati ni Damon kay Romi. Romi's broad smile gradually faded as her gaze shifted to Logan.
"Uncle Logan," kaswal nitong bati sa lalaki pero walang sigla. Which is weird. Logan is Romi's favorite among others. Si Logan ay hindi bumati pabalik. Nanatili itong nakatitig kay Romi. Naputol lang pagtitig ng dalawa sa isa't isa ng hilain ni Romulus ang buhok ng kapatid. Nang bumaling si Romi kay Romulus ay ibinuka ni Romulus ang mga braso at binigyan si Romi ng tingin na parang nangkukumpronta kung bakit siya hindi binabati.
"Nandiyan kapala, Kuys?"
"Loko ka, ah?" Tumawa si Romi saka niyakap nang mahigpit ang kapatid.
"I've missed you so much, Kuya Rom."
"I've missed you, too, brat. I'm glad you came home." Romi had been in Paris for months. After Javiah's birthday she left for Paris. Akala ng lahat ay magbabakasyon lang ng isang linggo pero hindi na bumalik. Mag-aaral daw ito ng fashion design sa Paris.
"May kasama ka, Romi," si Natasha na nakangiting tumingin sa lalaking nakatayo lang sa hindi kalayuan.
"Oh, I almost forgot." Nilapitan ni Romi ang lalaki. Hinila ito palapit sa mesa.
"Guys, meet Xavier, my mate."
"Your what?" Everyone exclaimed, including Beatrix, except Logan, who looked perplexed.
"I found my mate."
"Is he a–"
"No!" Mabilis na putol ni Romi sa ina.
"He's human. Mukha lang siyang Greek God but he's human." Marahang natawa ang lalaki sa deskripsiyon ni Romi rito. Inilagay pa nito ang kamay sa baywang ni Romi kaya napasunod ang mata ng lahat doon.
"Puro ka kalokohan, Romi!" Naiiling na sabi ni Romulus.
"It's not kalokohan…like dogs I could have the intense desire upon meeting him. Di ba ganoon 'yon? Ibig sabihin we're mate." Napabaling ang lahat kay Logan nang marinig ang malakas na pag-ungol nito. Nakatiim ang mukha habang nakatitig sa pinggan nito. Ang mga kamay ay mahigpit na nakayukom at ang hawak nitong kubyertos ay bumaluktot na.
***
PATULOY na binasa ni Beatrix ang talaarawan ni Baltasar. Dito sa ilalim ng puno ng Hickory sa hardin ni Manoela. Nakakagaan ng damdamin ang bawat pahina. Ramdam niya ang pagmamahal ni Baltasar kay Celtici. Ramdam niya ang pagpapahalaga ng dalawa sa isa't isa. Pero nararamdaman niya rin ang selos ni Baltasar para sa bagong kaibigan na si Gonçalo. Parang batang isinusumbong ni Baltasar ang malalagkit na pagtitig ni Gonçalo kay Celtici. Muli niyang binuklat ang pahina. Ang isang buong pahina na iyon ay may ginuhit talisman. An oval talisman with blue oval gemstone in the center– she wasn't sure what gemstone is this. Sa paligid niyon may walong iba't ibang kulay ng gemstone. Nakapaikot iyon sa asul na gemstone. Naalala na niya. Ito ang pendant ng kuwintas na suot ni Celtici sa painting.
"Baby." Nag-angat ng tingin si Beatrix kay Romulus.
"Hey," she smiled at him, closing the book. Naupo si Romulus sa kanyang tabi. Agad siyang kumilos nang marahan nitong tapikin ang ibabaw ng hita. Ibinaba niya sa damuhan ang talaarawan at patagilid na naupo sa hita ni Romulus. Agad niyang isiniksik ang katawan dito nang ipaikot ni Romulus ang mga bisig sa kanyang katawan.
"You spend four hours here."
"Four hours na ba?" Matapos mananghalian ay nagtungo siya sa hardin ni Manoela at naupo sa ilalim ng puno. Wala rin siyang relo at walang dalang phone kaya hindi alam kung ano'ng oras na. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi na nga tirik ang araw. Kanina ay kalat pa ang sinag ng araw sa mga tanim na bulaklak ni Manoela lalo na sa mga tulips. Ngayon ay hindi na iyon inaabot.
"Hindi ko namalayan. Bakit ngayon mo lang ako nilapitan?" Inilapat niya ang palad sa dibdib ni Romulus. Ramdam niya ang tibok ng puso nito sa ilalim ng kanyang palad. Feeling his heartbeat is one of her favorite scenarios she has with Romulus. She's at peace whenever she rests his hand or her ear against his chest and hears his calm heartbeat. Masuyong humaplos ang mga daliri ni Romulus sa kanyang buhok.
"You were drawn to the book you were reading. Maybe it has an interesting plot para hindi mo mamalayan ang oras." Hindi siya umimik. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin pa kay Romulus ang tungkol sa bagay na ito. Naguguluhan siya nang sobra sa mga nangyayari. Sa mga natuklasan at sa maaari pang matuklasan sa misteryo sa pagkatao ni Celtici. Nagpasya siyang manatili sa isla para hintayin si Manoela. Kailangan niya talagang makausap si Manoela.
"Lalabas ba tayo ng isla? Pupunta tayo sa mansiyon."
"Hmm." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Beatrix nang halikan ni Romulus ang ibabaw ng kanyang ulo. Ito pa ang isang gustong-gusto niya sa ginagawa ni Romulus. He loves kissing her on the of her head and she loves it.
"I love it whenever you are in my arms. It feels like no one can take you away from me," bulong nito sa ibaba ng ulo niya bago idiniin ang malambot nitong labi.
"Hindi ka naman papaagaw diba?"
"Hindi," She said it almost in hushed tones.
"Promise?" Tumango si Beatrix.
"Do you know that my life has never been the same since the day I met you?"
Marahan siyang natawa. "From better to worst. I know that. Magastos akong maging girlfriend. I'm sorry for that, Rom."
Paulit-ulit nitong hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. "Mas gusto ko kapag magastos ka. Para akong magkakasakit kapag wala akong binayaran sa credit card mo." Sa pagkakataon na iyon ay malakas na tumawa si Beatrix. Tiningala niya ito. Sa pagtingala niya ay bahagya nitong inangat ang hita hanggang sa umangat siya. Sinalubong ng labi nito ang kanyang labi. Her lips did a wild motion as their lips came into contact. Her hands raised to his face, cupping it firmly as their lips fused.
Feeling the warmth of his mouth against hers stirs up emotions in her that she hasn't felt before, not even with Kajick, whom she considers her first love.
His kiss became more subdued. "I love you more than bison meat," he said as he feathered kisses across her lips.
Her lips slanted into a smile. "Bakit? Dahil mas masarap ako?" Dumausdos ang mga kamay niya mula sa pisngi ni Romulus patungo sa balikat nito.
Romulus grinned. "One of many reasons," his hand caressed her back as he continued to kiss her. "The main reason is that I'm madly in love with you, Beatrix."
Natigilan siya sa sinabi nito. Lately, naririnig niya na ang mga salitang I love you mula kay Romulus pero hindi sa ganitong paraan. Minsan ay parang pabiro lang pero ngayon may diin. Tama nga si Zanaya. Muli siya nitong hinalikan sa labi nang buong suyo.
"I'm dead serious, baby." Gumapang ang kamay nito patungo sa kanyang balikat, bumaba sa kanyang braso hanggang sa abutin ang kanyang kamay na nakapatong sa balikat nito. Ibinaba iyon ni Romulus sa ibabaw ng kanyang hita.
"I know you know what I really feel for you." He stopped kissing her when he talked and kissed her again.
"Gusto kitang makasama panghabang buhay, Beatrix." Mabilis na napababa ang kanyang tingin sa kanyang kamay nang maramdaman may isinuot si Romulus sa kanyang daliri. Umawang ang kanyang labi sa hindi inaasahang makikita. Isinuot nito sa kanyang daliri ang heirloom ring ng pamilya. It was a twisted ring with a huge oval blue diamond, the same ring Romulus' mother gave Luna when they were still engaged.
"Romulus," Beatrix responded with a soft gasp.
"I know…you aren't ready. You're still figuring out your feelings for me and I'm gonna wait. But please, Beatrix…" Dinala nito ang kamay niya sa labi at hinalikan ang ibabaw ng kanyang kamay.
"Please, wear this ring. Ikaw lang ang gusto kong magsuot nito. Just wear it until you realize you love me, too. Simply put this on until you realize you want to be Mrs. Saldivar...to be my wife...to have me cater to your every whim for the rest of your life." Muli nitong hinalikan ang kanyang kamay. Ang sarap marinig ang mga salitang iyon. His heart-melting words made him feel loved, appreciated and special. Sino ang babaeng aayawan ang ganitong klaseng lalaki?
"Pero paano kung hindi tayo para sa isa't isa? Paano kung may tao talagang nakatakda para sa akin? Paano kung isang araw dumating ang mate mo?"
"Hindi lahat ng Lycan may mate. I love you…and that is more important than the mating response every Lycan felt for their mate. I am actually sexualy attracted to you but you know what the difference is? Mine…is accompanied by love. At kung dumating man ang araw na makilala ko ang mate ko…I'm sure my intense pure love for you will outweigh any sexual attraction I might have for whoever she is. Lycan's mating response can be triggered by the mate…It's only a chemical reaction between mates…but you…" Inilapat ni Romulus ang palad ni Beatrix sa dibdib nito, sa ibabaw ng puso.
"You're eliciting emotions in me that I've never felt for anyone else besides you. I love you…and I don't fucking care if we aren't mates. We aren't mates…we are a couple."
Sinapo ni Beatrix ang mukha ni Romulus. Buong suyong pinakatitigan ang mga mata nito habang ang puso niya tila sasasabog sa emosyong hindi niya mailabas. She's a believer. Love at first sight. Destiny. Myths. Lahat 'yan ay pinaniniwalaan niya. Puwede bang baliin na lang niya ang paniniwalang iyon? Kaya niya kaya?
Idinikit ni Beatrix ang noo sa noo ni Romulus at ipinikit ang mata.
Please! Show me our future. Please! She prayed silently and she started to say the Latin prayer mentally.
"Deum naturae rogavi. Audire studui quid diceret. Volebam mundo oculos aperire ad videndum et cognoscendum. Mysteria revelare. Veritatem reserare."
Dumiin ang hawak niya sa mukha ni Romulus habang mas mariin pang ipinikit ang mata.
Please! Please! Show me. Even a little. Show me. I'm begging. Inulit niya ang pag-usal ng dasal sa isip. Nang wala pa rin ay muli niyang inulit. Paulit-ulit.
"Beatrix." Boses ni Romulus ang nagpasuko sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mata.
"What's wrong?" Pinahid ni Romulus ang luhang naglandas sa kanyang pisngi na hindi niya namalayan. Wala siyang makita sa buhay niya kasama si Romulus. Nakapasimpleng bagay ang kanyang ginagawa. Mabilis niyang nakikita ang kinabukasan ng sino man pero bakit hindi ang kanya at kay Romulus. Bakit hindi ang future nila ni Romulus?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top