Chapter 8
HINDI niya maunawaan. Sinasabi ni Professor Armadillo na posibleng siya si Celtici sa panahon na ito. Na-reincarnate si Celtici sa katauhan niya. Posible ba talaga 'yon? Iyong mga panaginip niya, may koneksiyon kaya kay Celtici. Sino ba si Celtici?
"Who is she?" He inquired the professor who was seated across from her. They are now in the library.
"My ancestor is Portuguese, Baltasar Tavarez. He actually didn't get married after Celtici was killed. Ayon sa kuwento ng pamilya, iyong kapatid ni Baltasar Tavarez ang siyang pinagmulan na talaga namin. Siyang nagparami sa lahi. They were existed in the mid-18th century." Tumayo ang propesor at tinungo ang isang glass display box kung saan may lamang isang luma at makapal na libro. Binuksan nito iyon gamit fingerprint at kinuha mula roon ang libro. Bumalik ito sa kinauupuan.
Bumaba ang tingin ni Beatrix sa libro. It was a brown vintage hardbound book with a title Vintage Tale, printed on it. Binuklat ng propesor iyon. Sulat kamay ang laman at hindi iyon wikang Ingles.
"It was my ancestor's tale. Dito niya isinulat ang kuwento tungkol sa pagmamahalan nila ni Celtici. Ang pagmamahal niya kay Celtici." Hinaplos ng propesor ang pahina bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"Gusto mo bang makita?" Marahang tumango si Beatrix. Inabot sa kanya ng propesor ang libro. Medyo mabigat iyon. Ipinatong niya sa kanyang hita at sinimulang tingnan ang unang pahina. Isa itong talaarawan.
"Oh," usal niya at hinaplos ang petsa na nakasulat sa kaliwang bahagi. 20 de Outubro de 1755. 18th century. Humaplos pababa ang kanyang mga daliri sa talata.
Eu tinha dez anos quando conheci a mais bela Elysian de cinco anos, que tinha olhos tristes.
(I was ten years old when I met the most beautiful five-year-old Elysian, who had sorrowful eyes.)
Unti-unti ang pagkunot ng noo ni Beatrix nang malinaw niyang maintindihan ang nilalaman ng talata kahit nakasulat iyon sa banyagang lengguwahe. Tumingin siya sa propesor.
"Portuguese ito tama?" The professor nodded.
"Nababasa ko. Nauunawaan ko kahit wala akong alam sa salitang Portuguese."
Gumitaw ang katuwaan sa anyo ng lalaki. "Dahil ikaw si Celtici. Sigurado na ako. Ikaw talaga Celtici."
Ibinalik niya ang tingin sa libro at ipinagpatuloy na basahin ang talata na higit pa niyang ikinamangha dahil walang hirap niyang naiintindihan iyon na para bang salitang tagalog lang iyon.
Mailap sa tao. Ayaw makipagkaibigan. Parang laging takot. Pero sa pagpupursige ko ay pumayag itong maging kaibigan ko. Nakuha ko ang kanyang tiwala. Lumaki kami nang sabay. Wala siyang ibang kaibigan kundi ako lang. Hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya. Kapwa kami masaya sa tuwing magkasama kami. Alam ko na ako lang ang pumupuno sa pagkatao niya at ganoon din siya sa akin.
Habang patuloy sa pagbabasa ay hindi namalayan ni Beatrix ang pagitaw ng isang ngiti sa kanyang labi. Ang bawat araw na masayang pangyayari sa buhay ni Baltasar at Celtici ay isinusulat sa talaarawan. Sinuri niya ang iba pang pahina. Makapal ang pahinang nasulatan. Gusto niyang basahin ang lahat. Gusto niyang malaman kung ano'ng klaseng pag-ibig meron siya sa past life niya kung siya man nga talaga si Celtici. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi nang may maalala. Ang kamatayan ni Celtici.
"Ano'ng taon namatay si Celtici?" naitanong niya sa propesor.
"1762...Oktubre trenta y uno, araw mismo ng kanyang kapanganakan. She's eighteen when she died. When she was killed." Agad niyang hinanap ang taon at buwan na sinabi ni Professor Armadillo.
"Nobyembre singko...doon nakatala." Iyon ang kanyang hinanap. Nang makita ang pahina ay agad niyang sinimulang basahin ang nakasulat.
Nasaksihan ng aking dalawang mata kung paano siyang pinatay ng traydor na si Gonçalo. Pinatay niya ang mahal kong si Celtici.
Nag-angat siya ng tingin sa propesor. "Gonçalo?"
"Isang lalaking sugatan na tinulungan ni Celtici at Baltasar. Walang maalala kaya kinupkop nila pero ayon sa talaarawan na 'yan. Isa itong mandirigma ng isang tribu na may masamang motibo kay Celtici. Isang mandirigma na ipinadala para patayin si Celtici."
"Gonçalo killed Celtici," mahina niyang usal.
"Na pinaniniwalaan ni Baltasar na siyang babalikan ni Celtici para patayin...Eu voltarei...iyon daw ang mga huling salitang binitawan ni Celtici habang itinatarak ni Gonçalo ang punyal sa dibdib ni Celtici. Nagbitaw si Celtici ng sumpa na babalikan niya ang mga pumatay sa kanya."
"Bakit nila pinatay si Celtici?"
"Hindi nasabi sa talaarawan. Pero marahil ay may kinalaman sa pagiging itim na diwata nito."
Manoela is also a fairy but her father was a warlock. She should ask Manoela about Celtici. Marahil ay may alam ito.
"Si Baltasar...posible po kayang reincarnation siya ng ancestor niyong si Baltasar?"
Bahagyang nangunot ang noo nito. "He's Baltazar...z. Ipinangalan ko lang siya. Ayaw pa ng anak ko na ipangalan siya sa ancestor namin. Nagagalit dahil sa sobrang obsession ko sa paghahanap sa labi ni Celtici na hindi naman sigurado kung totoo. But look..." He spread his arms proudly. "I found it...hindi lang ang labi ni Celtici kundi pati ang Celtici sa modernong panahon." Malakas itong humalakhak. Masayang halakhak.
"Bakit mo naitanong ang bagay na iyan? Bakit mo naisip na si Baltazar ang reincarnation ng ancestor namin?" Naisip nito na siya siya si Celtici dahil sa pagiging magkamukha nila pero bakit hindi si Baltazar? Unless wala itong ideya sa kung ano'ng itsura ni Baltasar.
"May larawan po ba kayo ni Baltasar?"
Umiling ito. "Wala. Kahit ang kapatid nitong siyang pinagmulan namin ay wala. Tanging ang painting, mapa ng Elysium at ang talaarawan ang siyang nagpapatunay ng existing ng ancestor namin." It's clear now.
Bumuntong-hininga si Beatrix. Niyuko niya ang hawak na talaarawan. Sinarado iyon at hinaplos ng kamay ang makapal na vintage cover.
"Maaari ko po bang hiramim ang diary na 'to. Gusto ko lang makilala pa si Celtici at Baltasar."
"Sige." Nagpaalam na rin siya kay propesor. Nangako naman ito sa kanya na welcome siyang bumalik kung meron siyang mga katanungan.
"Beatrix." Natigil siya sa tangkang pagpasok ng sasakyan nang tawagin siya ni Baltazar–with Z.
Sinulyapan niya si Sixto. Agad naman nitong nakuha ang mensahe niya. Muli nitong isinara ang pinto ng sasakyan at hindi na umangkas pa. Sumandal pang ito sa sasakyan at humalukipkip. Nalapitan niya si Baltazar habang kipkip ang talaarawan sa dibdib.
"Hey," he greeted her, and she returned his greeting with a small smile.
"Ang sabi ni lolo...ikaw raw ang reincarnation ng patay sa loob."
Nagkibit siya. "Do you believe in that?"
"Hindi ko rin alam...ano ba ang sign? May sign ka bang nararamdaman o nakita?"
"I saw Celtici and Baltasar in their previous incarnation, when I touched the dagger earlier. Kamukha ko si Celtici habang kamukha mo naman si Baltasar...that's why I mentioned your name even though I just met you."
"Wow!" He looks really shocked. Kitang-kita iyon sa namimilog na mga mga mata nito at bibig habang inuusal ang salitang 'wow'.
"For real? Akala ko kilala mo lang talaga ako. That was amazing." He jammed his hands into his short's pockets.
"Kamukha ko siya? Nakita mo talaga?" tanong nito. Nasa anyo ang emosyong normal na mararamdaman ng isang tao. Lalo na kung hindi naman kinasanayan ang mga kababalaghan. Katulad rin niya noon na halos atakihin siya sa puso dahil sa mga ganap sa buhay niya. Ang alam lang niya ay mangkukulam sila na may prayer na kailangan i-master para makapangkulam na siyang ginawa niya sa babaeng sumira sa kanila ni Kajick. Hanggang sa malaman niyang totoo pala ang Lycan, at si Fhergus na propesor nila at Romulus na siyang tumulong sa kanya ay pawang mga Lycan. Pagkatapos ay muntik siyang kidnap-in ng black rider hanggang sa nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Paganus na pinamumununan ni Seraphim at Lycan.
Tumango siya. "Do you think I was Baltasar with S in the past?" Muli lang siyang nagkibit.
"If that's the case, then we were lovers. Sabay ulit tayong na-reincarnate sa panahon na ito. It means, may unfinished business tayong kailangan ituloy." Maybe. Possible.
"It makes sense now. That was the reason why I was drawn to the diary. I couldn't help staring at the diary whenever I had a chance. May koneksiyon ako. Ang galing. I can't believe this." Marahan itong tumawa.
"Hindi ko mapaniwalaang mabilis mo akong makukumbsini sa bagay na ito. Hindi rin ako naniniwala sa mga bagay na sinasabi ni lolo noon hanggang sa mahanap nga niya ang labi ng tinatawag niyang Celtici."
Pinakatitigan ni Beatrix ang lalaki. She studied his features for quite long, trying to find the familiar emotion she must have felt for him if he was really Baltasar in this time. The foreign descent in him was recognizable. You can easily tell that he was mixed race. He's got looks, he's got physique.
He has a baby face yet manly. Yeah. She can characterize his face as "baby" because of his eyes, which have a deep expression of hooded and upturned sockets. His eyes are incredibly green, and he has beautiful locks and his fair complexion added to it. His nose is narrow and straight. The upper lip is short and slightly curved outwards, with the bottom lip matching it perfectly, and the entire mouth is narrow. But his razor-sharp jaw and five-o'clock shadow gave him a rugged appearance. He's as tall as Romulus. Six-footer. Katulad niya may cleft chin din ito.
Beatrix moved closer to him while still glancing at his face. Her right hand lifted gently, aiming for his face. As her fingertips contacted his skin, her eyes closed and she felt as though an electric force surrounded her until she saw a tragic scenario in which she was laying on the ground. A long hair man was kneeling across her body, holding the knife against her chest. Baltasar was a short distance away, also on the ground, laying on his stomach. He was immobile. In pain, he extended his hand to her while murmuring Celtici's name. He is pleading. He's in tears as he watched Celtici fighting for her life. He wanted to help her; to save her but lacked enough strength.
Her heart filled with sorrow at the scenario. Ang punyal ay tila nasa puso niya nakatarak. Ramdam niya ang paghihirap ng mga tao sa kanyang pangitain. Binuksan ni Beatrix ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang pumatong ang kamay ni Baltazar sa ibabaw ng kanyang kamay at maramdamang hinalikan nito ang kanyang palad na kanina ay nakalapat sa pisngi nito. Hawak nito ang kanyang kamay habang ang labi ay nakalapat sa kanyang palad. Nakapikit ang mga mata nito. No doubt. He's Baltasar; the lover of Celtici. Nararamdaman ng puso niya...magaan. Tila ba matagal na niya itong kilala. Pamilyar ang emosyon na kanyang nararamdaman.
Nagmulat ng mata si Baltazar at tumingin sa kanya. Binitawan nito ang kanyang kamay at masuyong sinapo ang kanyang magkabilang pisngi. Pinahid ang luhang hindi niya namalayang namalisbis.
"I'm not the type of person who easily believes in the supernatural or anything like this–reincarnation. But my heart felt differently this time."
***
"WHAT the heck they are doing?" Bulalas ni Romulus habang pinapanood si Beatrix at ang lalaki na tila nasa madamdaming tagpo. He was fucking holding Beatrix's face while staring at her
"Ano ang pinag-uusapan nila, Sixto?" Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina habang nakatitig sa screen ng phone. Nag-video call siya kay Sixto nang sabihin nitong may kausap pa si Beatrix na guwapo raw na lalaki kaya hindi pa ang mga ito makaalis. Ngayon ay ipinakita sa kanya ni Sixto ang scenario na ikinataranta niya. Umiinit nang todo ang kanyang ulo habang ang kabog ng dibdib ay hindi maawat. He's afraid. He's fucking afraid right now. Damn it!
Si Sixto ay nakatalikod mula sa dalawa. Nakaharap ito sa sasakyan habang pasimpleng nakatutok sa dalawa ang camera ng phone.
"Reincarnation. Parang ganoon ang narinig ko. Baka reincarnation silang dalawa...lovers sila sa past life."
That made his heartbeat increase. Nakakasakal ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Naikuyom niya ang isang palad. Hindi siya nakapagsalita. Inanalisa ng utak ang sinabi ni Sixto. Nang sa wakas ay ma-absorb nang tuluyan ng utak ang sinabi ni Sixto ay mabilis siyang naglakad palabas ng opisina. Nilapitan niya ang kanyang sekretarya, si Niña.
"May Paganus bang on duty ngayon? I need to transport right now."
"Si Jobelle lang ang nandiyan. Kaso air manipulation ang abilidad niya. Rest day naman ni Kai."
"Damn!" mura niya, marahang ipinukpok ang kamao sa noo. Kung kailan kailangan ngayon pa wala.
"Papunta na kami. Tapos na mag-usap ang lovers." Nanggalit ang bagang ni Romulus nang marinig ang sinabi ni Sixto. Nang tingnan niya ito sa screen ay nasa loob na nang sasakyan. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag-alala nang makita ang mukha ni Beatrix. Parang ang lalim ng iniisip. Malungkot. Damn reincarnation! That's a fucking myth. Walang katotohanan.
"Mag-ingat sa pag-drive, Sixto." Pinatay niya ang tawag. Hinaplos niya ang kanyang panga at bumuntong-hininga.
Reincarnation?
Lovers in past life?
Is that possible?
No! Fucking no!
"Niña?" kuha niya sa atensyon ng sekretarya na ngayon ay inabala na ang sarili sa trabaho. Nagtaas ito ng tingin sa kanya.
"Do you believe in reincarnation?" hindi niya mapigil ang itanong. Kailangan niya ng second opinion. Gusto niyang makarinig ng opinyon na kagaya sa kanya.
"Oo naman." Damn it! His teeth clenched.
"Kung lovers ang dalawang tao sa past life tapos nagtagpo uli, ano ang ibig sabihin niyon?"
"Kung may unfinished business sa nakaraang buhay tatapusin nila iyon sa kasalukuyan." Mabilis na pumihit paharap si Romulus nang marinig ang pamilyar na boses.
"Nana Minnesota." Sinalubong ni Romulus ang matanda at niyakap. Ito ang sekretarya ng kanyang ama nang ito pa ang namamahala ng kumpanya. Si Niña naman ay apo na nito at siya namang sekretarya niya. Malapit sila ni Niña palibhasa ay taga Sorsogon din at laging kasama ng lola sa kanila. Si Nana Minnesota ay isang tao katulad na rin ng apo nitong si Niña. Iilan lang ito sa taong pinagkakatiwalaan nila. Alam ng mga ito ang kanilang existence.
"Bakit ka naman nakakapagtanong ng ganyan?"
"Si Beatrix po, Nana. Mukhang natagpuan ang destiny. Ang lover niya sa past life," mabilis na tugon ni Niña na hindi niya nagustuhan.
"Shut up, Niña!" baling niya sa babae. Bumungisngis lang ito. Baliwala ang galit niyang boses.
"Talaga? Wala pa akong nabalitaan ng kaso na nagtagpo sa kasalukuyan ang dalawang taong nag-iibigan sa past life. Then alam nilang lovers sila in the past life...siguradong maraming nagbalik mula sa past life na hindi nila alam...hindi natin alam. Dahil iyon naman talaga ang nangyayari, tanging déjà vu lang naman ang sign para masabing nabuhay na tayo sa nakaraan. Pero si Beatrix...hindi naman nakakapagtaka...she's a seer."
"So, posible ba na ang dalawang taong nagmamahalan sa nakaraang buhay nila ay muling magpatuloy sa present life nila?"
"Posible...ang sabi nila kapag may unfinished business sa nakaraang buhay na hindi nagawa maaaring tatapusin ngayon." Muling humugot nang malalim na buntong-hininga si Romulus dahil sa frustration na unti-unting lumalamon sa kanya.
"But they also said that encountering a lover from a previous life does not guarantee that you will love them again in this incarnation. Lalo na raw kapag iyong taong iyon ay nasaktan ka nang sobra. Ang maramdaman mo sa kanya ay annoyance o galit...anyway, how did Beatrix meet his lover from the past life?"
Umiling si Romulus. "I'm sure. Baka nagbibiro lang si Sixto."
Tumaas ang kilay ni Minnesota. "Sixto is a serious type of person. I've never heard him joking." Romulus groaned at that fact. Pero puwede rin namang sinaktan ng lalaking ito si Beatrix sa past life at wala ng chance ngayon katulad ng sinabi ni Minnesota. Yeah. That's possible. Pero ang tanong ngayon ay kung paano nangyaring nakikilala ni Beatrix ang lalaki sa panahon ngayon? Ano'ng ebidensya? Meron ba? Iniling ni Romulus ang ulo. Sumasakit ang ulo niya kakaisip. Nagpaalam muna siya kay Nana Minnesota para hintayin ang pagdating ni Beatrix sa labas. Sa lobby siya tumambay pero nang mainip ay pinili niyang sa labas na mismo maghintay. It took an hour before Beatrix and Sixto have arrived. Pagkababa na pagkababa palang ni Beatrix sa sasakyan ay agad na niya itong nilapitan. Kinabig niya ito sa kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap hindi pa man ito nakakahakbang.
Yumakap naman sa kanya si Beatrix. Gusto niyang mangiti sa yakap na iyon pero hindi niya magawa. Nangingibabaw ang kanyang takot dahil sa kilos ni Beatrix.
:Do you want to go out? Let's watch movie. Eat. Shopping. Replenish your wardrobe." Isinubsob ni Beatrix ang mukha sa kanyang dibdib. Umiling ito.
"Wala ako sa mood lumabas." Hinaplos niya ang likod ng ulo ni Beatrix habang ang labi ay idinikit sa ibabaw ng ulo nito.
"Paris. Maybe you'd like to fill your shelves with more new luxury bags, shoes, and perfumes.. Hmm?"
She only shook her head, which added to his frustration and worry not to mention the fear. Hindi ganito ang response na inaasahan niya. Hindi ganito si Beatrix sa tuwing maririnig ang shopping spree. Nagiging magiliw ito. Excited. At iyon ang gusto niya.
"How about beach? Banwa Island, Amanpulo o kung saan mo gusto. O kaya sa Hawaii?"
"Sorsogon," mahina nitong usal.
"Sorsogon," ulit niya. Hinuli niya ang mukha ni Beatrix ng mga palad at pilit pinatingala sa kanyang mukha para matitigan niya ito sa mga mata.
"We will go to Sorsogon right now. Matutuwa sina mama kapag nakita ka." Bumaba ang mukha ni Romulus kay Beatrix hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Ipinikit ni Beatrix ang mga mata nito. He could sense her sadness and perplexity. That man and the fucking reincarnation are to blame for her sadness.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top