Chapter 14
Finally! She is able to join her family for breakfast. It was made possible because of the nightmare. She awoke early and never went back to sleep. Nakipagkuwentuhan na lang siya kay Sixto na katulad niya ay nagising din ng maaga. Kumpleto silang nag-almusal kasama si Sixto at Bruce. Sa lanai na sila nag-almusal.
"Akala ko aalis ka, Kuya Bruce?" tanong ni Beatrix sa lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa katabi si Manang Perla.
"After lunch na lang daw," tugon nito. Kikitain raw nito ang mga magulang.
"Babalik ka?"
"Yeah. Magpapaalam na rin muna akong didito muna ako."
"Oh, that's great! Anyway, did you sleep well last night?" Bruce halted from lifting the spoon to his mouth because of Beatrix's question. He fixed his gaze on her. His query was not immediately addressed, as if he needed to consider what to say first.
"Yeah. Great," Bruce finally answered.
"Hmm. Good." Isinubo niya ang pagkaing nasa kutsara, bumaling kay Sixto.
"How about you, Sixto?" Pinangunutan siya ng noo ni Sixto na marahan niyang ikinatawa. Inabot ni Sixto ang batok at tila ba nanakit nito iyong pinisil.
"Nanakit ba ang leeg mo?" Manang Perla assumed.
"Ahm…" Tanging lumabas sa bibig ni Sixto.
"Sabi ko naman sa 'yo tumabi ka na lang kay Bruce. Malaki naman ang kama sa kuwarto."
"Hmm! Good idea, Manang Perla," pagsang-ayon ni Beatrix sa suhisyon ni Manang Perla. Muli siyang tinapunan ng masamang sulyap ni Sixto.
Matamis niya itong nginitian. "Hindi ka kasya sa couch. It's too small for you. Mananakit ang katawan mo."
"Siya nga naman, hijo," Beatrix's mother agreed. Nangingiti niyang sinulyapan si Sixto na nakatitig sa plato nito. Bahagyang ibinaba ni Beatrix ang ulo at sinilip ang mukha ng lalaki. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito. Hindi niya alam pero kinikilig siya, knowing that they felt something for each other. Binitawan ni Sixto ang hawak na kutsara. Gulat siya nang bigla na lang nitong pitikin ang kanyang noo. Napaawang ang kanyang bibig sa gulat habang sapo ang noo kapagkuwa'y natawa siya.
***
"DAMN!" Inis na isinara ni Bruce ang cover ng hood ng sasakyan. Mukhang may problema.
"Is there a problem, Kuya Bruce?" tanong ni Beatrix habang nakatanaw siya mula sa porch. Nilinga siya nito habang ibinabalik ang tools sa likod ng compartment.
"Altenator has a major problem. Hindi kayang rimedyuhan."
"Oh. Wala pa naman si dad. Si Manong Bart mamaya pa ang balik niyon." Ang kanyang daddy ay nagtungo sa supermarket habang si Mang Bart ay inutusan ng kanyang daddy na puntahan ang isang farm sa La Trinidad na magsu-supply ng mga gulay sa supermarket. Tiningala niya ang langit. Mukhang uulan pa. Bumaling si Beatrix sa loob. Napansin niya ang panaka-nakang pagsilip ni Sixto sa labas, kay Bruce habang nakaupo sa sofa sa sala. Napangiti si Beatrix saka muling humarap kay Bruce.
"Gusto mo bang magpasama na lang kay Sixto?" Marahas na napabaling si Bruce sa kanya. Gulat ang bumalatay sa mukha nito. OA ng reaksiyon. Grabe ka-obvious na may something. Paglinga niya kay Sixto ay nagreplika ang reaksiyon ni Bruce rito. Magkatulad na magkatulad.
"Ayos lang ba sa 'yo, Sixto?"
"Hindi na!" maagap na tanggi ni Bruce na naglakad palapit sa porch.
"Lalakarin ko na lang sa labasan. Doon na lang ako mag-aabang ng masasakyan."
"Kuya Bruce, masyadong malayo. Tapos sa highway, madalang ang dumadaang taxi, tapos mukhang uulan pa." Muli siyang tumingala sa langit. Namumuo ang maitim na ulap. Mukhang mabigat na iyon at anumang oras ay babagsak na ang naipon. Medyo liblib ang lugar nila. Medyo maagwat ang distansiya ng kanilang bahay sa highway. Madalang ang sasakyan at kung may taxi man na madaan ay kung may hinatid na pasahero sa malapit.
Nilinga niya si Sixto na biglang nagyuko ng tingin sa phone na hawak. Napangiti naman si Beatrix dahil doon. "Sixto," tawag niya rito. Agad naman itong tumingn sa kanya.
"Puwede mo kayang samahan si Kuya Bruce sa city?" Tumayo si Sixto. Naglakad ito patungo sa kanya.
"Kailangan ko rin kasing magpunta sa siyudad. Kailangan kung bumili ng bulaklak at cake na ibibigay sayo. Utos ng boyfriend mo."
Her mouth agape in surprise. She didn't expect that. That man! Sobrang sweet talaga. Kainis! Lalo tuloy niyang nami-miss.
"Okay pala. Samahan mo na lang siya para sabay na rin kayong umuwi."
Bumaling siya kay Bruce. "Okay sa 'yo, Kuya?" Nakita niya ang pag-aalinlangan kay Bruce kaya agad niyang sinundan ang sinabi para kumbinsihin ito.
"Sige na, Kuya Bruce. Kailangan mong makipagkita sa parents mo."
Marahas itong nagpakawalan ng hininga bago nagawang magdeklara ng sagot. "Kung ayos lang kay Sixto." Bahagyang nanglaki ang mga mata ni Beatrix na bumaling naman kay Sixto. She's more excited than these two.
"Sixto?" untag niya. Matiim ang pagkakatitig ni Sixto kay Bruce. Hindi lang titig ang matiim dahil kahit ang panga nito ay nakatiim din. Gumalaw pa ang buto nito sa panga. "Sige!" Matigas ang bitaw nito sa salita na akala mo galit.
"Great!" Hindi mapigil ni Beatrix ang pumalatak. Napagsalikop pa niya ang kanyang mga palad sa galak.
"Magbibihis lang ako," ani Bruce saka humakbang patungo sa porch. Hindi naman tuminag si Sixto sa kinatatayuan nito na nakaharang sa daraanan. Tumigil si Bruce ilang hakbang sa harapan ni Sixto. They were staring at each other–no, glaring at each other, possibly because they both loathed what they felt. They were both masculine. Nasa perpektong hugis ang mga katawan nito. Nasa tamang puwesto ang mga kurba sa katawan. Namumukol sa tamang parte ang bawat muscle. Walang pang-itaas si Bruce habang nakamaong na pantalon habang si Sixto ay nakasandong itim at drawstrings pants na itim. Bruce was the one who broke the intense eye contact. He advanced, brushing pass Sixto and disappeared into the house.
"Oh, no!" Beatrix grasped Sixto's forearm, checking the small bumps on his skin. At marahil ay dahil sa pagkakadikit ng mga balat ng dalawa kaya ganito ang reaksiyon ng balat ni Sixto.
"You are having goosebumps, Sixto. Oh, my!" Mabilis na hinaltak ni Sixto ang braso mula sa pagkakahawak ni Beatrix. Tila kinikilabutang marahas na hinagod ng kamay ang braso. Mabilis itong tumalikod at pumasok ng bahay. Bumungisngis si Beatrix. Hindi talaga siya makapaniwala sa nangyayari kay Sixto at Bruce. Puwede pala iyon. Same gender na maging mate. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa bagong diskubreng iyon. Ibig sabihin hindi lang iyon biological katulad ng sinasabi ni Romulus. It's love. It's a powerful love na hindi matatakasan ng dalawang taong itinakda. At iyon ang wala sila ni Romulus and soon, Romulus will find his.
Ikiniling ni Beatrix ang ulo para pigilan ang sariling mag-iisip pa. Humakbang siya papasok pero natigil nang marinig ang pagdating ng sasakyan. Hindi iyon sasakyan ng kanyang ama o ng minamaneho ni Manong Bart. Hinintay niyang bumaba ang nagmamaneho niyon. Unti-unti ang paglitaw ng gitla sa kanyang noo nang makita ang taong bumaba mula sa sasakyan. Nagtanggal ito ng suot na shades habang nakangiting tumingin sa kanya.
"Baltazar?"
"Hi, Beatrix." Bumaba siya ng porch, sinalubong ito.
"Hi. Sorry for visiting you without informing you. I tried to call your number that your friend had given me but it was out of coverage." She initially turned off her phone. Ayaw niya munang makausap si Romulus dahil mababaliwala ang hiningi niyang panahon para mag-isip kung makakausap naman niya si Romulus. Baka kapag narinig niya ang boses nito ay magkandarapa siya sa pagbalik.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Just visiting you. Hindi ka kasi pumapasok."
"Two days palang naman. Baka sa Monday pumasok na ako…ahm…halika ka pumasok ka."
"For you nga pala." Inabot nito sa kanya ang bouquet ng Iba't ibang uri bulaklak. Tinanggap naman niya iyon at nagpasalamat. Ipinakilala niya si Baltazar sa kanyang ina at kay Manang Perla, pati na rin kay Sixto at Bruce na tumulak na. Medyo masama ang tingin ni Sixto kay Baltazar at natitiyak niyang magre-report ito kay Romulus. Niyaya naman niya si Baltazar sa likod ng bahay kung saan naroon ang lanai at doon nagkuwentuhan.
Inalam nito ang address niya sa school. Ito kasi ang address na kanyang inilagay at hindi ang kina Romulus.
"Balot ka talaga ng misteryo, Beatrix." Mula sa malayo ay bumaling siya kay Baltazar. Nagtatanong ang kanyang ibinigay na titig sa lalaki.
"I know what happened." Hindi niya kailangan ng matagal na sandali para hindi makuha ang ibig sabihin nito. Nilukob siya ng takot sa isipang may nakakaalam sa kanyang nagawa.
"Ikaw ang nakapatay sa lalaki. Nakita ko." Ginagap niya ang sariling kamay na nasa ibabaw ng mesa. Nagsimulang manginig iyon at kasabay ng panginginig ng kamay ay namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi niya iyon nakakalimutan. Pilit niyang itinatago sa magulang ang totoong nararamdaman pero hindi niya alam kung hanggang kailan. Naghahanap pa siya ng pagkakataon para masabi iyon.
"H-hindi ko sinasadya." Tinitigan ni Baltazar ang kanyang kamay. Agad nito iyong inabot at hinawakan.
"I know. I know. Naniniwala ako."
"Hindi ko ito gusto, Baltazar. Hindi ko makontrol. Maaaring, dala ko sa panahon na ito ang itim na kapangyarihan ni Celtici. Kapag nakakaramdaman ako ng galit ay hindi ko na makontrol ang lahat. Hindi ko na alam ang ginagawa ko."
"May ginawa ang kaibigan mo…iyong lalaki, tinanggal niya ang alaala ng lahat ng nakasaksi ng unang pangyayaring mawalan ka ng kontrol. Nang magalit ka sa boyfriend mo." Bahagyang nanglaki ang punong luhang mga mata niya sa sinabi nito.
"Hindi gumana sa akin ang kung anumang spell ang ginawa niya. I remember everything. I just pretend that I didn't remember. I remember how you protect me from your boyfriend's attack."
Hindi makapaniwala si Beatrix sa narinig. "Paano'ng nangyari?"
"Hindi ko alam. Maybe because I was Baltasar…konektado sa 'yo sa nakaraan…at hanggang ngayon…I couldn't believe everything. Akala ko sa mga libro at pelikula lang ang ganito."
"Maraming bagay ang mahirap ipaliwanag, Baltazar. Katulad ng reincarnation na akala ko ay hindi totoo. Katulad ng kapangyarihan mayroon ako."
"At katulad ng kung paanong lumabas ang pangil at mag-iba ang kulay ng mga mata ng kasintahan mo." Nahigit ni Beatrix ang kanyang paghinga sa narinig. Pati ang bagay na iyon ay nakita ni Baltazar.
"Ano'ng klaseng nilalang siya Beatrix? Isa siyang mayamang negosyante hindi ba?"
Umiling siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Baltazar. "Pakiusap. Baltazar, pakiusap, maaari bang atin na lang ito. Si Romulus…katulad ko rin siyang may hiwaga ang pagkatao. Sana wala na lang makakaalam ng bagay na ito. Pakiusap."
Marahan itong tumango. "Makakaasa ka."
"Siya nga pala. Gustong makipagkita sa 'yo ni lolo. May mahalaga raw siyang gustong sabihin sa 'yo. Tutungo siya rito sa susunod na araw."
"Tungkol daw saan?"
"Hindi ko rin sigurado pero tingin mo tungkol ito kay Celtici at sa punyal."
Matapos makapag-usap ay nagpaalam na rin si Baltazar. Babalik daw ito para bisitahin siya. Tinanaw niya ang papaalis nitong sasakyan.
"Nanliligaw ba sa 'yo ang lalaking iyon, Beatrix?" Agad siyang napabaling sa ina na nasa kanyang likuran.
"Mom?" Tinanaw niya ang sasakyan ni Baltazar na tuluyan nang nawala sa paningin nang marating ang daan.
Ibinalik niya sa ina ang atensiyon nang magsalita itong muli. "Hindi magandang tumatanggap ng manliligaw lalo’t may boyfriend ka. Nakakahiya kay Romulus. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito? Baka mawalan siya ng tiwala sa 'yo at baka isipin niyang kinukunsinti ka namin."
Tipid siyang ngumiti sa ina. "Kaibigan ko lang po siya, mom."
***
SIXTO was waiting in the car while Bruce was in the restaurant meeting someone when he received a phone call from Romulus seeking an update on Beatrix, who had just been gone for two days. OA talaga ng mga lovers.
"Umalis ako. May sinamahan akong bisita nina Beatrix. Si Beatrix naman naiwan sa bahay. Ayos naman siya. May dumating siyang bisita."
"Sino?"
"Iyong lover niya sa past life."
"What!?" Napangiwi si Sixto at bahagyang inilayo ang telepono mula sa tainga sa pagbulalas ni Romulus.
"Bakit iniwan mo, Sixto? Trabaho mong bantayan si Beatrix at hindi kung sinu-sino!"
"Hindi kung sinu-sino lang ang sinamahan ko."
"Than sino 'yan? Gaano siya kaimportante para iwan mo si Beatrix?" Tumiim ang bagang ni Sixto, gumawi ang kanyang tingin sa labas ng sasakyan na medyo pinadilim na ng malakas na ulan.
"She's safe," tugon na lang niya sa halip na sagutin ang tanong nito sa kung sino ang taong sinamahan niya.
"Saka sinabi ko sa kanya na pinabibili mo ako ng bulaklak at cake para sa kanya kaya matutuwa 'yon."
"What? You lied." He lied and he didn't know why he fucking do that. Hindi niya gustong samahan si Bruce sa labasan lang kundi sa pupuntahan mismo nito. Great! He's really fucked up!
"Maganda ang intensyon ko," pagrason na lang niya. Totoo rin naman 'yon. Hindi niya rin gustong nakikitang nasa ganoong sitwasyon ang dalawang iyon. Hindi niya alam ang rason kung bakit kailangan umuwi ni Beatrix sa bahay ng magulang pero tingin niya ay may malaking problema. Higit na malaki pa sa hindi nito makontrol na kapangyarihan nito.
Matapos makausap si Romulus ay nagpasya siyang bumaba at sumunod sa loob ng restaurant nang mag-ring ang telepono ni Bruce na naiwan sa upuan ng sasakyan. Pinagbuksan siya ng security guard ng pinto. Tumiim ang kanyang bagang at direktang lumipad ang kanyang paningin sa kaliwang bahagi ng restaurant kung saan naroon si Bruce. The intoxicating scent of him made it easy for him to find him. Ayaw niyang isipin na ito ang sinasabi ng iba niyang kalahing nakatagpo na ang mate–na amoy na kakaadikan kahit hindi mo gustuhin.
Luminga sa kanyang direksyon si Bruce, probably sensing him. Naamoy nito ang kung ano ang naamoy niya. Humakbang siya patungo sa mesang kinauupuan nito kasama ang magulang. Nakamatiim ang kanyang bagang habang papalapit rito habang ang kanilang mga mata ay nakatitig sa isa't isa na may intesidad na animo'y may galit sa isa't isa. Galit siya. Galit siya sa mapaglarong tadhana.
If he and Bruce are truly mates? What on Earth would Moon Goddess give him a mate of the same sex as him?
"I'm sorry for interrupting," hinging paumanhin sa tatlo. Tumingin siya sa mga magulang ni Bruce bago tumingin kay Bruce.
"You forgot your phone. Someone is calling you." Inabot niya ang telepono kay Bruce, agad naman iyong kinuha ni Bruce at medyo nakakunot-noo na tiningnan ang caller. Displeased, he canceled the call. Inilapag nito ang telepono sa mesa bago muling ibinigay ang atensiyon sa mga magulang.
"Mama, papa, this is Sixto."
Naglahad siya ng kamay sa mag-asawa. Tinanggap naman ng mga ito ang pakikipagkamay niya.
"Join us, hijo," alok ng babae. Tatanggi sana siya pero nag-utos ito sa waiter na lumapit sa mesa na kunin ang kanyang order. Nahiya na siyang magpapilit kaya naupo na lang siya sa tabi ni Bruce. Cushion seat iyon na nakadikit sa dingding at ang mesa ay nasa pagitan ng mesa. Humingi lang siya ng carbonated water sa waiter.
"Are you a friend of my son? Ngayon lang yata kita nakilala," tanong ng babae nang makaalis ang waiter.
"Bodyguard ho siya ni Beatrix, mama. Sinamahan lang niya ako dahil nasira ang sasakyan ko."
"Beatrix? Iyong alaga ni Perla?"
"Yes," Bruce confirmed. The woman's gaze drifted to the screen of the phone when it rang again.
"Si Cameron…why don't you answer? I think she misses you."
"Mamaya na lang," tipid na tugon ni Bruce.
"Hay, Bruce. I want grandchildren already. Stop pushing women away…pero kung ayaw mo naman talaga sa kanya…my amiga's daughter–"
"Mama!" saway nito sa ina.
"Why don't we finish our meal."
"Hay, son! I'm just worried that you aren't able to give me a grandchild since you aren't getting any younger anymore."
"I still can produce millions of sperm in one good ejaculation…hindi ka pa mauubusan ng apo."
Nalukot ang magandang mukha ng ina. "It's useless kung sa kumot mo lang napupunta." Bruce stifled a chuckle. Sa pigil na pagtawa nito ay gumalaw ang binti nito at kumiskis ang gilid ng tuhod nito sa kanya. The sudden contact, along with his fucking scent and chuckle, rushed through him like a powerful drug, tightening every nerve in his body and causing aberrant pulses. Why does this man have such an impact on him? This is quite aggravating.
Natigil sa pigil na pagtawa si Bruce. Kita niya ang naguguluhang pagtitig nito sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Ang konsulasyon na lang dito ay at least hindi lang siya ang nagdurusa. At least siya alam niya ang totoong nangyayari at tiyak na si Bruce ngayon ay gulong-gulo na sa gender identity nito.
Matapos ang pakikipag-usa sa magulang ni Bruce ay umuwi na rin sila. Dumaan lang sila sa isang flower shop at bakeshop para bilhin ang sinabi niya kay Beatrix na pinabibili ni Romulus. The entire ride was silent. No one dares to speak or at least to make conversation. Ang tanging maririnig ay ang tunog ng makina ng sasakyan, patak ng ulan at kanilang mabigat na paghinga dahil sa matinding sekswal na atraksyon. Malala dahil nakakulong sila sa sasakyan at mas naging agresibo ang amoy.
What he is experiencing is completely odd. He had never been this horny before. Great! This is incredibly aggravating. He exhaled a frustrated sigh. Napabaling sa kanya si Bruce pero hindi niya ito nilinga. Tumiim lang ang kanyang bagang.
Narating nila ang bahay ng mga Naval na hindi man lang nag-usap. Agad silang sinalubong ni Manang Perla ng payong pagbaba ng sasakyan. Hindi na talaga tumila ang ulan. Mas lumakas pa. Alas kuwatro palang pero madilim na. Si Beatrix ay kinuha agad kay Sixto ang strawberry shortcake, hiniwa iyon at inaya sila ni Bruce na kainin iyon at ipinareha nila sa brewed coffee. Sa harapan sila ng fireplace naupo. Lamig na lamig ang dalawa pero hindi siya. Masyadong malaki ang apoy sa fireplace at hindi siya kumportable.
"Sarap."
"Takaw talaga," komento ni Bruce na katabi ni Beatrix sa kabilang bahagi ng center table. Nasa harapan siya ng dalawa habang nakaupo sa sahig. Cushion pad ang kanilang nauupuan.
Hindi nakatiis si Sixto. Hinubad niya ang suot na T-shirt. Natigil si Bruce sa pagsubo sana ng cake nang makita ang pagtanggal ng T-shirt ni Sixto. Napakunot-noo ito sa nakitang paglabas ng pawis sa noo ni Sixto.
"Ayos ka lang ba?"
Natigilan si Sixto at napatitig kay Bruce. Hindi niya inaasahang magtatanong ito. "Ahm. Yeah."
"Lakas ng ulan. Ang lamig pero pawis ka. What makes you feel hot, Sixto?" Beatrix teased him, which was rewarded by sharp glare from Sixto. Tumawa si Beatrix at nagpatuloy sa pagkain.
***
INAYOS ni Sixto ang couch na hihigaan sana niya pero nakita siya ni Manang Perla at pinigil. "Itong batang 'to talaga. Doon ka na sa kuwarto. Magtabi na kayo ni Bruce. Sige na. Malamig dito. Malakas ang ulan…sige na, sige na." Kinuha ni Manang Perla ang unan na sa sofa at pinagtulakan siya patungo sa silid. Binuksan nito iyon at tinulak siya papasok. Sa pagtulak sa kanya ni Manang Perla ay nagkagulatan sila ni Bruce. Hindi niya alam kung sino ang mas na-embarrass sa kanila. Si Bruce na kasalukuyang nagsusuot ng boxer short o siya na nakitaan ito ng hubad na puwet.
"Fuck!" Nagmadali nitong ipinagpatuloy ang pagsuot ng boxer. Itinulak naman siya ni Manang Perla dahil sa pagkakaharang niya sa pinto.
"Bruce, dito mo na patulugin si Sixto. Masyadong maliit ang sofa at malamig pa. Ayos lang naman, anak?"
Nasa anyo nito ang pagkadigusto pero wala namang magawa kundi ang sumang-ayon. Inilapag ni Manang Perla ang unan sa kama.
"Sige na matulog na kayo." Lumabas na si Manang Perla pero walang kumilos sa dalawa. Naugat sila sa kinatatayuan habang nakatitig sa isa't isa. Si Sixto ang unang pumutol sa pagtitig at nagpakawala nang malalim na paghinga.
"Ayos lang ba? Ayos lang sana ako sa labas kaso–"
"Ayos lang. Sige na mahiga ka na," mabilis nitong putol sa sinasabi niya at tinalikuran siya. Nagbukas ito sa built-in cabinet. Kumuha ng joggers at sweater at iyon ang ipinatapong sa boxer short. Katulad nito ay naka-joggers din siya at sandong puti. Itim ang suot nitong joggers at puti ang sweater habang ang kanya ay abu.
May pag-aalinlangan siyang naupo sa gilid ng kama. Nang dumilim ang buong silid nang patayin nito ang lampshade ay nahiga na siya. Naramdaman niya ang paglundo ng kama sa kanang bahagi dahil sa paghiga ni Bruce.
"If you aren't comfortable just tell me. Puwede ako sahig na lang," ani Sixto.
"I'm used to this. I was sleeping with men. Sukat sa narinig ay napabaling si Sixto kay Bruce. Kita niya sa dilim na napabaling din ito sa kanya na parang alam ang hindi magandang nasa isip.
"I'm a soldier and surrounded by my comrades. Sa camp lang magkakasama kaming natutulog."
"Uh. Yeah," tipid niyang tugon saka tumagilid ng higa patalikod kay Bruce. He is able to sleep. Even if it seems impossible, he can do it. He could hear his racing heart. His throbbing pulses, labored breathing, and the rushing of his blood are all disturbing. Yeah. Makakatulog siya nito.
"Are you a soldier?" Bruce suddenly asked after a stretch of silence for a few moments.
"Soldier or police officer…Beatrix's boyfriend is a prominent business tycoon who for sure would never hire an inexperienced bodyguard," opinyon nito.
"Boy lang ako sa kanila," he answered him lazily. Hindi na nito dinugtungan pa ang tanong. Ipinikit niya ang mata at nag-focus para makatulog. He even counted sheeps mentally to put himself to sleep until he lost track.
Kinabukasan ay nagising si Sixto dahil sa mabigat na nakadagan sa kanyang ibabang parte. Sa pagmulat niya ng mata ay malapit na mukha ni Bruce ang kanyang nabungaran. Nanigas siya dahil doon. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Dahan-dahang bumaba ang kanyang paningin sa mainit na bagay na nakapatong sa kanyang tiyan. Higit pa siyang nanigas nang madiskubreng nakapatong sa kanyang katawan ang braso nito habang ang hita ay nakapatong naman sa kanyang balakang, nadadaganan ang kanyang pagkalalaki. His morning wood hardened even more at the contact. Wala na rin itong suot na sweater.
"Dammit!" he cursed silently. Maingat niyang inalis ang braso ni Bruce at nang isinunod niya ang hita nitong alisin ay noon naman ito nagising. Nagkatitigan sila nito at nang mapagtantong nasakop na nito ang espasyo niya ay mabilis itong bumangon. Ganoon din siya na para bang may mali siyang ginawa kahit wala naman. Kapwa sila naupo sa magkabilang bahagi ng kama, nakatalikod sa isa't isa.
"Sorry for invading your space," he apologized silently. Hindi nagawang tugunin ni Sixto ang paghingi nito ng paumanhin. Sa halip ay tumayo siya at deretsong lumabas ng silid. Sa pagbukas niya ng pinto, si Beatrix ang kanyang nabungaran at sa itsura nito ay mukhang nakikinig ito ng kung anuman sa loob. She's slightly leaning in, probably pressing her ear against the door before he opened it. Mabilis na tumuwid ng tayo si Beatrix at ngiting asong hinarap siya.
"Mukhang napasarap tulog niyo. Breakfast is ready."
"Sana kumatok ka. That is the right way to wake up someone."
"Ayaw ko naman mang-estorbo. Malay mo wrong timing." Isinara ni Sixto ang pinto nang subukan pang sumilip ni Beatrix sa loob. Pero mali ang kanyang ginawa dahil mas lalong naging berde ang utak nito. Malisyosa itong ngumisi.
"Bumigay na kayo." Pinitik niya ang noo nito at nilagpasan.
Sapo ang noo habang nakanguso na sinundan ni Beatrix si Sixto para sana kulitin pa pero natigil din siya nang makita si Romulus na naroon. Salubong ang makakapal nitong kilay.
"Romulus?" Gulat niyang usal sa hindi inaasahang bisita. Humakbang siya palapit dito.
"What are you doing here?"
"What's that?" Sinundan nito ng tingin si Sixto na tinungo ang banyo.
"What?" she asked.
"What did you do to make him smile? May nangyayari bang hindi ko alam?" Napaawang ang labi ni Beatrix nang mapagtanto ang iniisip ni Romulus pero agad niya iyong binaliwala dahil nagalak niyang malamang mukhang kinikilig si Sixto para ngumiti. Sayang hindi niya nakita.
"He smiled," usal niya habang may ngiti sa labi.
"Damn!" mura ni Romulus. "Kayo ba ni Sixto?"
Nabura ang ngiti sa labi ni Beatrix. "Ngumiti lang. Seriously, Romulus? Pag-iisipan mo talaga ako ng ganyan?" Irita siyang lumabas ng bahay. Humawak siya balustre ng terasa. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Romulus sa kanyang baywang. Ipinikit niya ang kanyang mata. He missed being caged in his arms. He missed him so much.
"I'm sorry. That man doesn't know how to smile." She's glad Sixto smiled. Ibig sabihin masaya si Sixto sa kung ano man nag nararamdaman nito para kay Bruce.
"He knows how to smile, Romulus. Tinatago lang siguro niya at natiyempuhan mo lang makita. There are people that aren't comfortable showing their emotions."
Ibinaon ni Romulus ang mukha sa gilid ng kanyang leeg. "Sumama ka na sa 'kin. Miss na miss na kita. Tama ng pagpapahiram, baby." Idinikit niya ang gilid ng ulo sa ulo ni Romulus at niyakap ang mga braso nito.
He missed him, too.
"God, I missed you so much!" Bigla na lang nitong ipinasok ang kamay sa kanyang T-shirt patungo sa kanyang dibdib. Suminghap si Beatrix nang sapuhin ni Romulus ang kabila niyang dibdib. Wala siyang suot na bra kaya malaya nitong nadama iyon.
"Boobs ko lang yata na-miss mo, eh."
He chuckled, pulling the thin skin on her neck in his mouth and gently sucking it. "I missed you. Ang lahat-lahat sa 'yo." Mahinang ungol ang kumawala kay Beatrix nang laruin ni Romulus ang kanyang utong ng daliri nito. Napapikit siya. Ramdam agad niya ang pagpintig ng kanyang pagkababae. Naramdaman niya ang kamay ni Romulus na bumaba sa kanyang hita, at kapagkuwa'y humaplos paakyat para ipasok sa kanyang shorts patungo sa gitnang parte ng kanyang hita. Muli siyang umungol nang dumikit ang daliri nito sa sentro.
"Fuck! You're horny."
"What would you expect? Sa ginagawa mo sino'ng hindi malilibog." Marahan itong tumawa at kinagat ang kanyang punong-tainga.
"Nandiyan ka pala, Romulus?" Mabilis na nahugot ni Romulus ang mga kamay mula sa kung saan iyon nakapasok at mahinang nagmura. Mabilis itong humarap sa ina ni Beatrix na nasa pinto.
"Y-yes, mommy. Kakarating lang po." Sa taranta ay nautal pa ito. Naitikom naman ni Beatrix ang bibig para pigilan ang matawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top