Chapter 13

PINAGMASDAN  ni Romulus ang singsing na ibinigay niya kay Beatrix. Naiiwan nito sa nightstand. Naiwan. Iyon ang gusto niyang isipin. Pero paano kung sadyang iniwan. Mababaliw siya kakaisip. Cool off lang naman. Babalik din si Beatrix. Maybe a week. He'll wait. He'll wait for her. 

Kumurap si Romulus, nahugot mula sa malalim na daloy ng iniisip nang may malamig na bagay na dumikit sa kanyang pisngi. Tumaas ang kanyang tingin sa babae. Matamis itong ngumiti sa kanya. Inabot niya ang lata ng beer na inalok nito sa kanya. Isinuot niya ang singsing sa hinliliit, nasa ilalim ang diyamante. 

"Thanks, Aurora." Binuksan niya ang lata at deretsong ininom iyon. Nagyeyelo ang likido na dumaloy sa kanyang lalamunan pero hindi niyon napagaan ang bigat ng nararamdaman. 

"Beatrix needs some alone time. Don't act as if she'd break up with you permanently," Aurora advised him, walking  towards her husband, Axton. Sa pag-upo nito sa tabi ng asawa ay agad na ipinaikot ni Axton ang isang braso sa baywang ng asawa.  

"That's what we told him," Axton stated before taking a swig of his beer. Dumating si Luna at nagpatong ng pulutan sa mesa bago naupo sa tabi ni Fhergus na katulad ni Axton ay ipinaikot din ang braso sa baywang ni Luna. Kasalukuyan silang nasa compound ni Fhergus. Nag-iinuman habang nasa harapan ng firepit na may munting apoy lang. Their kinds weren't comfortable with the enormous fire, but Aurora was here, and Axton couldn't let Aurora suffer through the frizzy night, so they lit the fire pit.  Logan and Damon were here too. Dumating ang mga ito kanina lang. Marahil ay dahil sa kanya. Mabuti na lang at hindi kasama ang kanyang papa. 

"Hindi pa kayo niyan mate ni Beatrix, ah? Ano na lang kung naging mate pa kayo? Baka nagpatiwakal ka na  niyan," si Logan na isang  bote ng alak ang iniinom; ang klase ng alak na ginawa para da uri nila. Ito na iyong pinakamatamang.

"Ikaw nga wala ka pang karelasyon niyan pero daig mo pa ang broken-hearted." Natigil si Logan sa pagtungga ng alak. Bumusangot lang ito pero hindi sumagot sa sinabi niya. 

"Kung sakali mang makipaghiwalay nga sa 'yo si Beatrix dahil sa past lover nito…then ouch!" Nagkatawanan ang mga lalaki sa pang-aasar ni Axton. Sinita naman ito ni Aurora nang makitang hindi natutuwa si Romulus. 

"Pero seryoso, Romulus. Don't complicate things. Ang nakatakda ay nakatakda. Kung si Beatrix talaga at iyong Baltazar you have to accept that. Ibig sabihin may laan para sa 'yo." Romulus preferred the first comment of Axton over this one. Nagdagdag lang iyon sa prustasyon na nagpapahirap sa kanya.  

"Kung mawala kaya sainyo ang mga asawa niyo? Ano'ng mararamdaman niyo" seryosong tanong ni Romulus. Kahit imposibleng mawala ang mga asawa nitong parang bula sa tabi ng mga ito ay humigpit ang mga braso ng dalawa sa katawan ng mga asawa. Ang lalakas ng loob pangaralan siya pero ang mga ito mismo ay takot mawalan ng mga asawa.

"We're mates, Romulus," Fhergus defended. 

Romulus rose up and placed the empty can on the table. "I love her. That's more powerful than the ties mates experience." He turned away from them and began walking away.

"Saan ka pupunta?" habol na tanong ni Fhergus habang papalayo siya. 

"Kuha ng pulutan," tugon niya habang patungo sa bahay. Nang nasa main door na ay natigil si Romulus sa paghakbang nang makita ang sasakyan. Nilinga niya ang matatandang Lycan. Bumuntonghininga bago pumasok ng bahay. Deretso sa kuwarto, kinuha ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng nightstand saka muling lumabas at deretsong sumakay sa kanyang sasakyan. Agad niya iyong pinaandar at inilabas sa compound.  Narinig niya ang pagsigaw ni Fhergus sa pangalan niya pero hindi niya ito pinansin. 

Makalipas ang dalawang oras ay natagpuan ni Romulus ang sariling nakaparada sa tagong bahagi kung saan tanaw ang bahay nina Beatrix. Mababaliw siya kapag hindi niya nakita si Beatrix. Tama sina Fhergus, hindi pa sila mates ni Beatrix pero may nakakabaliw na itong epekto sa kanya. Habang tumatagal palalim nang palalim ang nararamdaman niya para kay Beatrix. Parang inalipin na nito ng tuluyan hindi lang ang puso niya kundi pati ang isip at kaluluwa niya. 

Napuno ng kaligayahan at pananabik ang puso niya nang makita niyang lumabas si Beatrix mula sa bahay. Kanina palang sila nagkakahiwalay pero miss na miss na niya ito. Iba pala kapag iyong pagkakalayo nila sa isa't isa ay dahil sa trabaho. Iyong ganitong temporary break-up ang dami niyang agam-agam. Nakakabaliw. Hindi niya alam kung paanong tatapusin ang araw at kung paanong sisimulan ang araw bukas sa ganitong sitwasyon. Nagpasya siyang bumaba ng sasakyan. Nagkubli siya sa halamanan at kahit hindi kuntento sa ganito lang ay pinagkasya niya na lang sarili sa pagmasid kay Beatrix sa malayo. Hinawi niya ang dahon na nakaharang sa kanyang mata. He can clearly see Beatrix's lovely face now, with the warm light from the porch bulb highlighting her beauty even more. Everyone had always mistaken Beatrix for a southern European because of her mestiza features but had dark hair and eyes. Hindi naman ipagtataka iyon dahil sa pinagmulang lahi nito na Portuguese kahit pa masasabing malaking porsyento ng dugong Pilipino ang dinadala nito. 

As if she felt being watched, her gaze snapped to the direction where he's hiding. Nanigas siya sa kanyang pinagkukublian nang tila ang mga mata nito ay direktang nakatitig sa kanya. Hindi niya gustong makita ni Beatrix. Gusto niyang irespeto ang desisyon nito. Lumabas ang mama nito at tinawag si Beatrix kaya medyo nakahinga siya nang maluwag nang lumayo ang mata nito sa direksyon niya. 

"Tulog  ka na, 'Nak." 

"Sige po." Sumunod si Beatrix sa ina pero bago ito pumasok nang tuluyan sa bahay ay muli itong huminto at lumingon sa kanyang kinaroroonan. Nararamdaman kaya nito ang presensiya niya? Tuluyan itong pumasok. Muli siyang nakaramdaman ng pangungulila nang mawala ito sa kanyang paningin. 

"Boo!" 

"Godammit!" he startled. Si Sixto ang nanggulat sa kanya na nasa kanyang likuran. 

"Ano ang ginagawa mo rito? Para kang aswang, ah?" pambubuska nito sa kanya sa seryosong tono.

"Akala ko no communication?" 

"Sinilip ko lang. Kamusta siya?" tanong niya kahit halos oras-oras naman ang update ni Sixto sa kanya.

"Maayos naman. Mukhang mas masaya ngayon." Tumiim ang bagang ni Romulus. Hindi niya alam kung paniniwalaan si Sixto o hindi. Seryoso ang anyo nito at hindi naman ito joker. 

"Biro lang." Damn this man! 

"Maayos siya. Hindi naman lumabas. Gusto mo bang tawagin ko?"

"Hindi na. Baka magalit." 

"Ihalik at iyakap na lang ba kita?" He darted at him with a sharp gaze. 

Nagkibit si Sixto. "Baka lang gusto mo."

"Damn, Sixto! Can you please amend your tone if necessary?" Kahit nagbibiro parang seryoso pa rin.

***
KANINA pa gising si Beatrix pero hindi niya gustong lumabas ng silid. Nanatili siyang nakahiga. Masyado siyang sinasampayan ng lungkot at katamaran sa katawan. Mula sa kisame ay bumaling si Beatrix sa pinto ng silid nang may kumatok kasabay ng malambing na boses ng ina. 

"Beatrix, anak. Tanghali na. Lipas na ang oras ng almusal. Magluluto na kami ng pananghalian. Ano ang gusto mo?" 

"Kahit ano po mommy," matamlay niyang tugon.  

"Labas ka na. Gawan kita ng hot chocolate." 

"Okay po. Thank you." Kahit mabigat ang katawan at mas nais manatili sa higaan ay bumangon si Beatrix. Alam niyang nag-aalala ang mommy niya. Ramdam nitong may pinagdadaan siya. Kahapon ay tinanong siya kung may problema ba sila ni Romulus at naisipan niyang umuwi na hindi kasama si Romulus. Ang sabi lang niya ay na-miss niya ang mga ito which is true naman. Sa kanyang pinagdadaanan ngayon ay ang magulang niya ang gusto niyang makasama. Kailangan din ng mga itong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. 

Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa banyo dala ang kanyang pamalit na damit. Nagbihis lang at inayos ang sarili saka lumabas. Kakatapos lang ng kanyang mommy na gumawa ng hot chocolate drink. 

"Doon ka na sa likod. Naroon si Sixto at ang daddy mo. Tara na." Nagpatiuna na ang kanyang mommy. Sumunod naman siya rito. 

"May bulakalak pala riyan, oh?" Her mother pointed at the fancy red roses in a round box on the center table and continued walking out the backyard. Beatrix was left speechless as she stared at the beautiful red roses in a box, wondering who had sent them. She took the card that was tucked among the blooming flowers. Her heart kicked in upon seeing the name of the sender and the hand-written message on the card, saying: Sending flowers isn't restricted, right? I miss you already, baby. I'll wait for you. I love you so much, Beatrix. Uwi ka agad, please! 

Each word should have brought her joy, but instead it filled her heart with heavy emotions...emotions so deep that she couldn't hold back the tears that burned her eyes. She placed the card against her chest. "Oh, Romulus!" Lalo siyang nangungulila. Lalo siyang tila inilulubog sa kalungkutan dahil sa tila kawalang pag-asa para baguhin ang nakatakda. 

Ibinalik niya ang card sa kinalalagyan niyon at agad na pinahid ang namalisbis na luha sa kanyang pisngi. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Mas lalo lang siyang malulungkot at ayaw niyang bigyan pa ng matinding alalahanin ang kanyang mga magulang. Lumabas siya at tinungo ang mesa na nasa ilalim ng puno ng kahoy kung saan inilagay ng kanyang mommy ang mainit na tsokolate. 

Naroon pala ang kanyang daddy at si Sixto. Namimitas ng mga gulay na tanim ng kanyang magulang. May kanya-kanyang basket na hawak ang dalawa. 

"Inumin mo na habang mainit pa. Magluluto lang ako ng pananghalian." Ngumiti siya sa kanyang mommy bilang tugon. Nilapitan nito si Sixto at ang kanyang daddy. Kinuha mula kay Sixto at sa kanyang daddy ang basket saka dinala iyon sa loob. Ang kanyang ama ay nagpatuloy sa pag-aasikaso ng halaman habang si Sixto ay lumapit naman sa kanya. Naupo ito sa kanyang tapat. 

Humigop siya ng tsokolate. "Nagpa-deliver si Romulus ng bulaklak. Kanina lang ba?" tanong niya kay Sixto. 

"Hindi. Siya mismo ang nagpunta." Napatigil siya sa muli sanang paghigop ng tsokolate. Baka kagabi dinala. Alam niyang nandito si Romulus kagabi. Naramdaman niya ang presensiya nito. Naamoy niya ito na para bang may trademark itong amoy na agad niyang makikilala. It's kinda strange because she now observes things she didn't notice before, like his distinctive scent that is so standout.

"Kagabi ba? Nandito siya kagabi hindi ba?" Itinuloy niya ang paghigop. 

"Oo. Pero kaninang umaga nagpunta ulit siya para dalhin lang ang bulaklak." Bigla ay muling nag-init ang kanyang mata sa nalaman. 

"Why are you doing this? Obvious naman na nahihirapan ka rin. May problema ba?" 

Hindi umimik si Beatrix. Ikinulong niya sa mga palad ang mug. Hindi niya maramdaman ang init ng tsokolate dahil sa double wall ng mug para maging heat resistant iyon. Tumitig siya sa umuusok na tsokolate. 

"We're not mates," mahina niyang usal. Ang mga salitang iyon tila bikig na pinapaliit ang daanan ng kanyang hininga, pinipigil ang pagpintig ng kanyang puso. 

"Mate." Nag-angat ng tingin si Beatrix kay Sixto nang umusal ng salitang mate. Wala sa kanya ang atensiyon nito. Sinundan niya ng tingin ang direksyon kung saan nakatuon ang mga mata nito. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nang makita ang taong naroon. Agad niyang ibinaba ang mug. Kumaway siya sa lalaki pero mukhang hindi man lang siya nito napansin. Nakakunot-noo ito habang nalilitong nakatitig kay Sixto. Lumipat ang titig ni Beatrix kay Sixto na katulad ni Bruce ay matiim ding nakatitig sa lalaki. May kalituhan sa kanya-kanyang mukha ang dalawa. 

Naputol lang ang pagtitig ni Bruce nang lapitan ito ng Mang Bart. "Tay!"  

"Anak. Kamusta? Hindi ka man lang nagpasabing dadalaw ka?" Nagyakap ang mag-ama. Muling sumulyap si Bruce kay Sixto. Si Sixto at muling humarap sa kanya pero tingin ay walang partikular na tinititigan. Punong-puno ng kalituhan ang mata nito. 

"Fucking impossible!" 

"What is it, Sixto?" tanong niya nang hindi makatiis. 

"Who's him?" 

"Si Kuya Bruce." He's a soldier. Anak-anakan nina Manang Perla at Mang Bart. Bago kasi namasukan ang mag-asawa sa kanila ay naging kasambahay ito ng pamilya ni Bruce. Malapait si Bruce sa mag-asawa at parang magulang kung ituring. 

"Do you know him?" Tumitig sa kanya si Sixto nang ilang sandali bago nagawang umiling. 

"Akala ko kilala mo. You looked shocked." 

"Age?" tanong nito habang may matigas na ekspresyon sa mukha.

"He's thirty I think…or more not sure." 

"Beatrix." Agad na tumayo si Beatrix, ibinuka ang mga bisig at sinalubong ng yakap ang lumapit na si Bruce. Dahil sa madalas na pagdalaw ni Bruce sa kanila ay kahit siya naging malapit dito, sila ng yumaong kapatid

"How are you, brat?" Ginulo nito ang kanyang buhok  ng kamay. Natatawa niya itong sinita at sinuklay ng daliri ang nagulong buhok. 

"I'm fine. Ikaw? Bakit ngayon ka lang napasyal?" 

Inabot nito ang kanyang ilong at pinisil. "Ikaw ang laging wala rito kapag umuuwi ako. Himala at nandito ka ngayon? Ibinalik ka ng boyfriend mo? Hindi na ba natagalan ang ugali mo." 

Sumimangot siya. "Matiisin 'yon." Tumawa ito pero natigil din nang mapatingin kay Sixto.

"Oh, this is Sixto. Sixto, this is Kuya Bruce." Tumayo si Sixto habang matiim ang pagkakatitig sa lalaki. Inilahad nito ang kamay. Tinitigan iyon ni Bruce. Hindi niya alam kung pag-aalinlangan ba ang nakikita niya sa mga maga nito. But eventually, Bruce took Sixto's hand. Sa pag-abot nito sa kamay ni Sixto ay bumaba naman ang paningin ni Beatrix doon at napansin niya ang pagpisil ni Sixto sa kamay ni Bruce. Mabilis na binawi ni Bruce ang kamay at hinagod ang dalawang kamay sa maong na pantalon na para bang nililinis iyon. 

"Upo ka rito." Hinila ito ni Beatrix paupo sa kahoy na upuan. Magkatabi sila nitong umupo habang si Sixto ay muling umupo sa tapat nila. 

"Sino siya?" tukoy nito kay Sixto. Pabulong itong nagsalita at ang mata ay pasimple at mabilis lang na sumulyap. 

"He's my bodyguard." 

"Bodyguard?" 

"Iyon ang gusto ni Romulus. Hindi mapakali na walang nagbabantay sa kin." 

"Kasi brat ka." Malakas siyang tumawa at hinampas ito sa braso. Nakitawa rin ito pero natigil nang mapatingin kay Sixto na seryoso ang pagkakatitig kay Bruce. May na-sense agad si Beatrix sa dalawa. Mukhang magkakilala ito. Hindi kaya may alitan. Naging magkaribal. Alam niya wala pang nobya itong si Sixto sa ngayon but in the past…hindi niya alam.

***
SIXTO couldn't sleep because not because of the uncomfortable couch on which he was sleeping, but because of the strange things that happened to him after meeting this soldier. Alas kuwatro na yata siyang nakatulog pero naging maiksi ang tulog niya sa inaasahan nang sa kaunting kaluskos ay magising siyang muli. Alas singko na ng umaga na. Iyon ang oras sa vintage clock na nasa dingding. Lumabas ng silid si Bruce at tinungo ang banyo. Rinig niya ang lagaslas ng shower. Mukhang naliligo. Napakaga. Aalis na siguro. Mabuti naman. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung magtatagal ang lalaki rito. He can't stand him. Hindi niya gusto ang presensiya nito. 

Nanatiling nakapikit si Sixto hanggang sa marinig niya ang pagtigil ng lagaslas ng tubig mula sa shower at hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng banyo. Tumiim ang kanyang bagang nang maramdaman niya ang paglapit nito sa kanyang kinaroroonan. Bago marating ang silid na ukupado nito na siyang ukupado niya nang nagdaang gabi ay dadaanan muna ang sala. Bahagya niyang idinilat ang isang mata, sapat para may maaninag.

Kumuyom ang kanyang palad nang malinaw niyang maanig sa dilim ang maskuladong bulto ni Bruce. He's fucking naked. Why the hell is he walking naked? Wala ba itong tuwalya? Naaburido siya nang makitang tumigil pa ito at tumitig sa kanya. Malinaw niyang nakikita ang kalituhan sa mukha nito. Gusto niya itong bulyawan at paalisin pero hindi niya magawa. Ang totoo pa niyan ay nanigas siya sa kanyang kinahihigaan. Hindi niya maramdaman ang pintig ng puso na mukhang natigil kasabay nang pagpigil sa kanyang paghinga. 

Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan itong dumiretso sa silid. Mabilis na bumangon si Sixto at nagmura. Bumaba ang kanyang paningin sa pagitan ng kanyang hita. Great. He's having a fucking boner. Tuluyang nagising ang diwa ni Sixto at imposibleng nakatulog pa siya. Tinungo niya ang kusina. Nagtimpla ng kape at lumabas ng lanai.

"Fucking great!" palatak ni Sixto habang nagpaparoo't parito, hawak ang tasa ng kape sa kanang kamay.

"Imposible! Imposibleng lalaki ang maging mate ko. What the heck is this? That Bruce could be my mate. Dammit! Hindi puwede! Babae ang mate ko. Babae." 

"Mate mo si Kuya Bruce?" Muling napamura si Sixto habang mabilis na napabaling kay  Beatrix, na katulad niya ay  may hawak na tasa. Sunod-sunod na mura ang naging tugon.

"Oh, goodness! Mates kayo ni Kuya Bruce!" palatak ni Beatrix. Mabilis siyang humakbang kay Beatrix. Inilagay ang daliri sa sariling bibig. "Sshh! Huwag kang maingay. Hindi kami mates. Kapwa lalaki magiging mates. Abnormal iyon!" 

"Pero paano mong nasabi na mates kayo?" Natigilan ito sa tanong niya. 

"Did you see the gold rings round the irises?" Sa hindi nito pag-imik natitiyak niyang nakita nga nito ang isa sa mga signs. Tinungo ni Beatrix ang bilog na mesa na naroon at ipinatong ang tasa roon. 

"Wow! Congrats! You found your mate." 

"No! I'm fucking straight." 

"Are you?"

"Of course! I've never been attracted to a person of the same sex. Pagkakamali lang ito." Marahas na isinuklay ni Sixto ang daliri sa buhok at muli ay nagpalakad-lakad. 

"What do you feel when he's around?" Natigil itong muli at nilinga siya. His jaw tightened, he looked ashamed. "I'm fucking horny!" palatak nito. "Disgusting!" he added in an angry and disgusted tone. 

"It's not disgusting, Sixto. It's beautiful." Beatrix classed her hands together, smiling dreamily. 

"It's more than just arousal; it's linked to love." Sixto grumbled in distaste and became even more disgusted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top