Chapter 15
TUMUTULO ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha ng taong kumitil sa kanyang buhay.
"Eu vou voltar para você…" May mga salita pa siyang inusal pero hindi na niya iyon narinig pa hanggang sa unti-unting sumarado ang kanyang mga mata.
Ipinikit ni Beatrix ang kanyang mga mata nang alalahanin ang kanyang panaginip. Ilang araw na itong bumabagabag sa kanya. Lahat ng nalalaman niya para palawakin ang panaginip o kahit makita man lang sana sa kanyang vision ay hindi niya magawa. Pero isa lang ang alam niya. Si Gonçalo ay si Romulus sa kasalukuyang panahon at kung tama ang sinasabi ni Manoela at ang nakasaad sa talaarawan ni Baltasar na babalikan niya si Romulus para patayin…ibig sabihin ay siya ang banta kay Romulus. Nanganganib si Romulus sa mga kamay niya at iyon ang hindi niya matanggap..ng puso at isip niya. Umaasam siya na hindi totoo pero napatunayan na niya ng ilang beses. Lagi niyang nasasaktan si Romulus kapag lumalabas ang kanyang kapangyarihan at natatakot siyang mas malubha pa ang kanyang magawa.
When he recognized Romulus' face as Gonçalo, he decided to abandon Romulus for a while. They were enemies in a previous life. In this incarnation, they are lovers, but the Celtici in her still sees him as an enemy. Celtici has entire power over her, and when she is completely under Celtici's influence, he will undoubtedly kill Romulus.
"Beatrix, anak." Boses ng ama ang gumambala sa malalim na daloy ng kanyang isip. Kasalukuyan siyang nasa likod ng bahay, sa mesa na nasa ilalim ng puno.
"Punasan mo ang likod ko, anak," lambing ng kanyang daddy. Agad naman siyang tumayo at kinuha ang towel mula sa kamay ng ama. Inilagay nito ang hinubad na T-shirt sa mesa at tumalikod mula sa kanya.
"Tapos na po ba kayo mag-abuno?" Sinulyapan niya ang mga pananim na gulayin sa munting hardin sa likod bahay nila habang sinisimulang punasan ang likod nito na nabasa ng pawis.
"Oo, tapos na…tingnan mo at ang tataba ng halaman."
"Oo nga po. Magaling kang magtanim, dad. You haven't considered farming?"
"Tama na muna 'yan…mas okay kita sa supermarket."
"You can do both naman. Supermarket and farming. Your own farm will be the supplier of our Supermarket…Your own farm will supply our supermarket…Your own farm will supply our supermarket...you may also supply other markets."
"Mahirap na gawain ang pagsasaka. Madalas kalugian lalo sa panahon ngayon. Farmers are losing an average of millions daily as a result of agricultural smuggling. Iyon ang hindi mapagtuon ng pansin ng gobyerno. We might be able to do it someday. We might explore that at some point. But for the time being, I'm content with our small vegetable and fruit garden."
Natigil si Beatrix sa pagpunas sa likod ng ama nang mapagtuunan ng pansin ang tila mga lubid na pelat sa likod nito. Ibinaba niya ang kamay kung saan hawak ang towel habang dahan-dahan namang itinaas ang isa para haplusin ang pilat sa likod. Sa pagdaiti ng kanyang daliri sa peklat ay marahas na napasinghap si Beatrix habang mariing naipikit ang mga mata nang magkaroon siya ng pangitain. Sa una ay hindi niya masigurado kung pangitain ba ito sa nakaraan o sa hinaharap ngunit agad ring nagkaroon ng linaw nang makita niya ang isang taong gulang na sarili habang nakahiga sa crib at nilalaro ng kanyang ama.
Her face is being tenderly stroked by her father. He laughed along with her when she giggled. He left her there for a time as he went to prepare her milk near the cot. He glanced over his shoulder at the baby while making her milk. He resumed his work with a smile on his face. While kicking in the air, the baby is still giggling and babbling. Her hands are also in the air. Until lightning sparks from her fingertips, forming lighting, and an electric blast is discharged, knocking his father down. Hindi man lang ito nakasigaw sa sakit na dulot dahil agaran itong bumulagta. Mga sigaw ng kanyang ina ang pumuno sa silid habang ang inosenteng bata ay patuloy sa pagkawag.
Marahas ang ginawang singhap ni Beatrix na para ba siyang umahon mula sa malalim na dagat at pinangapusanan ng hinga.
"Beatrix," nag-aalalang gising sa kanya ng ama. Agad na umatras si Beatrix sa takot…takot para sa kanyang magulang na baka masaktan niya ito.
"What's wrong? Hmm?" Humakbang ang kanyang ama pero agad siyang umatras, itinaas ang isang kamay para pigilin ito.
"Beatrix, anak, ano'ng nangyayari? Ano ang nakita mo?"
"Ako ba ang dahilan ng pilat sa likod mo?" Ang towel na kanyang hawak kanina ay nasa baba na. Itinaas niya ang kanyang mga kamay habang katitig roon. Takot. Nanginginig iyon.
"Ako ang may gawa. I saw it, dad. I hurt you!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Beatrix. Umiling ang kanyang daddy. Hinawakan siya magkabilang balikat at pilit siyang kinalma nang magsimulang siyang umiyak.
"Sshh! Hindi mo sinasadya. Bata ka palang noon. Walang alam. Daddy is still alive. I'm okay."
"Dati pa may kapangyarihan na ako. Bakit hindi niyo sinabi? I almost killed you!" Marahas niyang sinuklay ang daliri sa buhok at kapagkuwa'y pumirmi ang kamay na sumabunot sa buhok. She couldn't wrap her mind around it. She has had this dangerous power ever since and has been unable to control it.
Dumating ang kanyang mommy. Nag-aalalang nagtanong sa kung ano ang nangyayari and her dad explained what she discovered.
"Beatrix, matagal nang panahon iyon. Nagawa naman naming pigilan. Everything is normal. Kung meron man hindi napigilan ay iyong pagiging tagakita mo dahil siguro iyon talaga ang itinakda. Pero iyong kapangyarihan, nagawan namin ng paraan. Napigil namin para hindi magamit ang katawan mo ng itim na diwata." Shock na napatitig si Beatrix sa kanyang ina. She knows. They knew about it.
"Kilala niyo si Celtici?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Kapwa nabigla sa kanyang sinabi. "Paano mong…paano mong nalaman ang patungkol sa kanya?"
"So, totoo nga? Ako si Celtici sa panahon na ito at maaari kayong manganib lahat nang dahil sa akin."
"Beatrix, hindi. Kung anumang kapangyarihan meron ka napigil namin sa tulong ng magagaling na Paganus."
"No! I still have it, mom. Nasaktan ko si Romulus nang dalawang beses gamit ang kapangyarihan na iyon. Hindi ko siya makontrol kapag nagagalit ako…at iyong nabalitang nangyari sa university…ako 'yon…ako ang nakapatay sa lalaking 'yon!" Halos magiba ang kanyang dibdib sa marahas na pagsuntok niya ng sariling kamay sa matinding frustration. Suminghap ang mag-asawa. Ang kanyang ina ay natutop ang sariling bibig.
"Nagawan lang ni Faro nang paraan para manipulahin ang isip ng mga nakasaksi…pero hanggang kailan? Hanggang kailan nila gagawin iyon para protektahan ako. Magiging normal nalang ba iyon? Magiging normal na lang ang pagpatay ko? At paano kung sa susunod kayo naman ang masaktan ko?" Sa hindi pag-imik ng mag-asawa ay natitiyak ni Beatrix ang matinding pagkabahala nito.
"Kuya died because of me. Sino ang susunod? Kayo? I can't!" Tuluyang napabulalas ng iyak si Beatrix. Napaluhod siya. Agad naman siyang dinaluhan ng ina at ama. Kapwa lumuhod ang dalawa at yumakap sa kanya.
"We will do something about it. Kung napigil namin noon, magagawa natin ng paraan ngayon. Si Maddalena. We can ask her help. Everything will be alright," pag-alo sa kanya ng kanyang papa. Kahit gusto man niyang paniwalaan hindi niya magawa. Hindi na ito mapipigil dahil sa bawat araw ay mas nagiging klaro ang lahat. Isa siyang panganib sa mga tao, higit sa mga mahal niya sa buhay. Kung walang magawa si Manoela za kundisyon tiyak wala ring magagawa si Maddalena.
"How could this happen? Paanong naging descendant ako ni Celtici? Akala ko po ba Elysian tayo, sa linya ni Genoveva?" Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Nag-uusap ang mga titig ng dalawa. May pag-aalinlangan.
"Mom, dad, please enough the hiding. Hindi na ako bata. I need to know the truth. Gulong-gulo na ako. Ni hindi ko na nga alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko. Ayaw ko ng bumalik sa school, iniwan ko si Romulus dahil sa mga nangyayari…please!"
"Halika." Itinayo siya ng kanyang papa papasok sa bahay. Si Sixto ay naguguluhan nabg makita sila at nagtanong kung maayos lang ba siya. Isang tipid na tango lang ang itinugon niya. Pinasok niya ng kanyang papa sa silid. Naupo sa kanyang harapan ang kanyang mama habang siya ay nakaupo sa kama, ang kanyang daddy ay naupo sa silya sa tabi ng kama.
"Paanong lumabas ang kapangyarihan mo? Paano mong nalaman ang tungkol kay Celtici?" paunang tanong ni Florina.
Bumuntonghininga si Beatrix at sinimulang ikuwento ang lahat sa magulang. Ang hindi sadyang pagkikita nila ni Professor Armadillo Tavarez na siyang nagkuwento sa kanya ng tungkol kay Celtici. Lubha itong nabahala nang sabihin niya ang tungkol sa labi ni Celtici na hawak ni Professor Armadillo.
"Kahit ano'ng iwas…mangyayari," tila nanghihinang usal ng kanyang ina.
"Sinubukan naming ilihim ang lahat dahil akala ko okay na…sumapit na ang ikalabing walong taong kaarawan mo kaya akala ko nalagpasan mo na. Pero hinahabol pa rin tayo ng katotohanan. Pilit pa rin nangyayari ang nakatakda." Hindi umimik si Beatrix. Nanatili siyang matamang nakatitig sa ina.
"Isa kang Elysian at nagmula rin sa linya ni Celtici," deklara ni Florina.
"How?" mahina niyang usal.
"Nang mamatay si Celtici…naging bantay sarado si Lopo, ang kapatid ni Celtici mula kay Siera, hanggang sa mga naging anak nito at mga angkan. Para hindi makabalik si Celtici ay pinapatay ang bawat sanggol na babae. Nasunog noon ang Elysium dahil kay Lusitania, kasamang naubos ang angkan ni Celtici. Pero si Agueda ay nakaligtas…siya ang muling pinagmulan ng lahi ng Elysian at lahi ni Celtici."
"Pero hindi ba't si Agueda ay nakapangasawa ng isang Paganus?"
"Tama. Nailigtas si Agueda ng kaibigan nitong isang Paganus, pero lingid sa kaalaman ng lahat, buntis si Agueda sa isa sa mga kadugo ni Celtici." Ang mamumugto niyang mga mata ay bahagyang nanglaki dahil sa pinatutunguhan ng usaping ito.
"Pero hindi sila nakawala kay Siera. Dinakip si Agueda at ang Paganus at dinala sa komunidad kung saan si Siera ang namumuno. Nagpatuloy ang pagpatay, ang unang anak ni Agueda at mga naging anak nito ang sumapit sa patakaran na iyon na umabot hanggang sa modernong panahon." Tumingin si Florina kay Andreas na tila ba humihingi ng lakas ng loob upang magpatuloy. Tumango ang esposo saka ibinalik ni Florina ang atensiyon kay Beatrix.
"Naging dalawa ang mabigat na pagsubok sa angkan ni Agueda. Ang una ay dahil dito magmumula ang tagakita na nakasaad sa aklat ni Genoveva at ang pangalawa ay ang bubuhay kay Celtici. Kaya naging mahirap ang buhay nila. Sa tuwing may nagdadalang tao, pinangungunahan na ng takot kung babae ang magiging anak. Inasam na lang ng lahat na maging lalaki ang bawat sanggol pero hindi nangyari…maraming pinapatay si Siera na sanggol na babae …mga lalaking descendant ni Celtici lang pinapayagang mabuhay na nakakapangasawa naman ng tagalabas,
"Hanggang sa magdalang tao si Doroteia, isang tagalabas na napangasawa ng isang descendant ni Celtici. They wished to have a boy child but it didn't happen. Babae ang dinadala ni Doroteia…hindi niya kayang mamatay ang anak niya kaya nagpasya silang tumakas na mag-asawa nang magkaroon ng pagkakataon. Sa pagtakas, ay inabutan siya ng panganganak. Nagsilang siya ng isang babaeng sanggol sa ilalim ng asul na buwan." Habang patuloy sa pagkukuwento si Florina ay unti-unti ang pagpigil ni Beatrix sa kanyang paghinga dahil sa tinatahak ng usapan.
"Ano…ano'ng ibig mong sabihin?" naitanong niya kahit pa tila alam na niya ang sagot.
"Ipinangak sa ilalim ng asul na buwan senyales na ito ang susunod na tagakita…at ipinanganak na taglay ang malakas na kapangyarihan para masabing si Celtici iyon…At ikaw iyon, Beatrix…" Tulala habang sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Anak ka ni Doroteia at Aleixo…ibinigay ka ni Doroteia sa papa mo." Sumulyap ito sa asawa na tahimik na nakikinig saka muling ibinalik sa kanya ang napakalungkot na mga mata.
"Kasama ang angel's grace ni Seraphim na ibinigay sa amin at ang kuwento ng angkan. Magkaibigan ang iyong tunay na ama ay iyong papa…humingi si Aleixo ng tulong sa papa mo para sa pagtakas…pero inabutan sila ng mga alagad ni Siera. Nakatakas ang papa mo at ikaw, dahil nagpamalas ka ng malakas na kapangyarihan sanggol ka palang."
Inabot ng kanyang ina ang kanyang palad na nanginginig. "Nagpasya kaming bumalik ng Pilipinas, bumalik sa mapupuno ng Paganus na minsan na naming tinakasan dahil mas nais naming mamuhay ng normal. Pero nagpasya kaming magpasailalim sa pamumuno ni Seraphim para sa proteksyon na maiibibigay nila satin, higit sa 'yo. Itinago namin ang pagkatao mo, sinubukan ang lahat para ang kapangyarihang meron ka ay mawala para magkaroon ka ng normal na buhay."
"Hindi niyo ako anak!" Higit pa ang pagbuhos ng kanyang luha. Umusog ang kanyang ina at mahigpit siyang niyakap.
"You may not be my biological daughter but in my heart, you are my child and I love you so much! Ang pagmamahal ko sa 'yo at sa kuya mo ay magkatulad lang."
Mahigpit siyang yumakap sa ina. Naninikip ang kanyang dibdib sa sobrang kalungkutan dahil sa mga nalaman. Ang akala niyang pamilya ay hindi pala kanya at ang masakit ay napahamak ang kanyang kapatid, ang tunay na anak ng kanyang mga magulang nang dahil sa kanya. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay hindi man lang siya sinumbatan ng kanyang mommy at daddy.
"Nasaan po ang mga magulang ko? Ano ang nangyari sa kanila." Mas humigpit ang yakap ng kanyang ina sa kanya.
"Wala na sila, Beatrix. Napaslang sila habang itinatakas ka." Napahagulhol siya. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang mga ito. Buhay niya ang naging kapalit ng buhay ng kanyang mga magulang. Ang daming nag sakripisyo ng buhay para sa kanya. Ang kapatid niya, ang kanyang tunay na mga magulang at sino pa ang susunod? Hindi niya na kakayanin pa kung pati ang kanyang mommy at daddy ay mapapahamak pa at si Romulus…ngayon ay higit niyang nasisiguro na ito ang susunod niyang ipapahamak o baka sa sariling mga palad niya ito mapamahak. Hindi niya kakayanin kapag nangyari iyon. Hindi!
***
"BEATRIX," nilinga niya si Sixto na nakatayo sa pinto habang siya ay nakaupo sa sala sa sofa. Nakatulala lang.
"Nandito na si Baltazar;" imporma nito. Bumuntonghininga si Beatrix, kinuha ang shoulder bag na nakapatong sa sofa. Sinukbit iyon sa balikat bago tumayo. Nagpaalam siya sa kanyang ina at kay Manang Perla bago lumabas.
"Thanks for coming," aniya kay Baltazar na nakatayo sa harapan ng sasakyan. Bumaling siya kay Sixto.
"Kay Baltazar na ako sasabay. Sundan mo na lang kami." Hindi naman nagkumento si Sixto kahit nasa anyo nito ang tila hindi pagsang-ayon.
Agad siyang pinagbuksan ni Baltazar ng pinto sa shotgun. Umusal siya ng pasasalamat bago sumakay. Nang makasakay si Baltazar ay agad nitong pinausad ang sasakyan. Nakasunod naman si Sixto.
"You look problematic. What's wrong?"
Kumurap si Beatrix habang blankong nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan. Nilinga niya si Baltazar at pilit na pinalitaw ang ngiti sa labi. But despite her best efforts, her smile seemed insincere.
"Bakit ka nagpasundo? Hindi ba magagalit ang boyfriend mo na ako ang maghahatid sa 'yo sa bahay niya?"
"Magagalit," tapat niyang sabi.
"Oh!" Baltazar chuckled.
"Medyo kinakabahan ako, ah?" himig itong nagbibiro. Ibinalik ni Beatrix ang tingin sa labas. Hindi naman na umimik pa si Baltazar nang mapansin na wala sa mood si Beatrix makipag-usap. Tahimik itong nagmamaneho sa loob ng dalawang oras hanggang sa marating ang bahay ni Romulus.
As Beatrix gazed at Romulus' house, she tightly closed her eyes. She stood on the car's side for a moment before moving toward the door, but Sixto grabbed her arm, stopping in her tracks. He turned to face him.
"Tinawagan ko siya na babalik ka ngayon. He's excited. You know he loves you so much." Pagpapaalala sa kanya ni Sixto. Para bang nagbabanta ito sa kung ano man ang hindi maganda niyang gagawin. Tumango lang siya. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso hanggang sa bitawan siya. Muli ay dahan-dahan siyang nagpakawala ng malalim at mabigat na paghinga, sinubukang ibsan ang bigat ng kanyang dibdib pero hindi iyon naging epektibo. Sa halip na mabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman ay higit lang na lumala nang magsimula ulit siyang humakbang patungo sa bahay.
Bukas ang pinto kaya dumiretso na siya papasok. Napatigil siya nang makitang abala si Romulus sa dining na naglalagay ng nilutong pagkain. Naka-drawstring pants ito na kulay khakie, walang pang-itaas habang nakasuot lang puting apron.
Natigilan ito nang sa paggawi ng tingin sa direksyon niya ay naroon siya. Agad na bumalatay ang ligaya sa mukha ni Romulus. Agad nitong inalis ang apron, inilapag sa mesa at malalaking hakbang ang ginawa sa paglapit sa kanya.
"Baby!" Agad nitong ipinaikot ang mga bisig sa kanyang baywang at mahigpit siyang niyakap. Bahagya pa siyang umangat sa sahig dahil sa ginawa nito. Napayakap siya sa leeg nito.
"God, I missed you." Pinakawalan siya nito pero sinapo naman ang kanyang mukha at hinalikan sa labi. Pumikit ang nag-iinit niyang mga mata. Wala siyang maramdaman sa halik nito kundi pangungulila at matinding sakit at lungkot.
"Sixto informed me that you are coming home. Ipinagluto kita ng mga paborito mo." Dalawang beses siya nitong pinatakan ng magaan na halik sa labi bago sinundan ang sinasabi. "Pero kung may gusto kang kainin na wala sa niluto ko sabihin mo lang at lulutuin ko." Muli siya nitong pinatakan ng sunod-sunod na smack kiss sa labi bago siya muling mahigpit na niyakap. Ibinaon nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg.
"Thank you for coming back home. You don't know how much I've been missing you."
Gumalaw ang kanyang daliri sa batok nito. Hinaplos ang mainit nitong balat doon. "Let's talk. I have something to tell you."
"Okay." Pinakawalan siya ni Romulus. Kinuha ang kanyang kamay at iginiya siya patungo sa sala. Marahan siya nitong hinila para paupuin sana sa ibabaw ng hita nito pero hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. Naupo siya sa tabi ni Romulus, naglagay siya ng distansiya sa pagitan nila, but Romulus drew nearer to her, narrowing the distance between them. He took both of her hands in his. He assumedly became serious after observing her behavior. Lalo namang naninikip ang kanyang dibdib habang dumadaan ang minuto. Hindi niya kayang titigan si Romulus sa mata kaya nag-iwas siya ng tingin. Naramdaman niya ang pagpisil ni Romulus sa kanyang kamay kasunod nang pagbigkas ng isang salitang baka huling beses na niyang maririnig sa malamyos ngunit puno ng pag-alalang boses. "Baby."
Hindi niya ibinalik ang tingin sa kasintahan. Pinagtagis niya ang kanyang bagang at pinalakas ang loob para maisanitig ang mga salitang mahirap para sa kanyang sabihin ngunit kailangan.
Taking a deep breath, she muttered in a weak voice. "Let's end this." Her gaze falling on Romulus's tightly gripped fists.
He didn't react right away; it took a few minutes for her to hear him speak.
He remarked in a light voice, nearly laughing but with an obvious undertone of fear, "Hate this kind of joke. Not funny, baby."
When one of Romulus' hands let go of her, the other tightened, as if she could escape if he let go of her hand. One hand grabbed for her chin, raising her face to meet their gaze. She felt as if her heart was being crushed when she saw the pain in his eyes, despite his refusal to believe what she said.
"You got me. Bawiin mo na," punong-puno ng pakiusap nitong sabi. Hinila ni Beatrix ang kamay mula sa pagkakahawak ni Romulus.
"I'm…I'm sorry. Hindi ko na maipagpapatuloy pa 'to Romulus." Laglag ang panga na napatitig si Romulus kay Beatrix. Sandaling nablanko. Agad na muling nagyuko si Beatrix ng tingin nang unti-unti ay mag-sink in kay Romulus ang nangyayari hanggang balutin ng sakit ang buong ekspresyon nito.
"Beatrix, baby. Please, don't do this to me. Okay naman tayo di ba? We're happy."
Marahan siyang umiling. Muling hinawakan ni Romulus ang kanyang kamay nang mahigpit. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May nagawa ba akong mali? Tell me…I can fix it. I can change, just tell me what you want me to change!" The anguish in his words nearly killed her right away.
"Nothing…you are good to me. You are a perfect boyfriend."
"Then why?"
"Because we aren't meant for each other!"
"Said who?"
"You are a Lycan with a destined mate. Hindi ako 'yon."
"Fucking mates! Does it matter?" He said in controlled anger.
"It does. Love is important."
"I love you!" He stated that with such earnestness that it nearly wrenched her heart.
Mariing ipinikit ni Beatrix ang mga mata. "But I don't!" Mahina ngunit mariin niyang sinabi. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Iyong sinabi niyang hindi niya mahal si Romulus o ang sinabi ni Romulus na mahal siya nito…pareho lang. Pareho ang epekto. Parehong tila pinipiga ang kanyang puso.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. She can't bear the agony in his eyes. That was so much that it doubled her suffering.
"I'm sorry. And thank you for everything!" Nagmadali na siyang tumayo at iniwan ito. Hindi na niya kaya pang manatili kahit isang segundo pa. Nasa pinto na siya nang muli siyang mapatigil nang hawakan siya ni Romulus sa braso at hilain pabalik. May puwersang tumama ang kanyang likod sa katawan ni Romulus. Ikinulong ng mga bisig nito ang kanyang katawan habang ang mukha ay ibinaon sa gilid ng kanyang leeg.
"It doesn't matter to me…if you don't love me. I can wait…I can wait until you learn to love me. Sabi naman nila natutunan ang pagmamahal. Matututunan mo rin akong mahalin, Beatrix…please don't leave me, b-baby." Mariing ipinikit ni Beatrix ang kanyang mga mata. Tuluyang nag-unahan ang luha nang marinig ang mga sinabi ni Romulus higit nang gumaragal ang boses nito hudyat nang napipintong pag-iyak. Senyales na sobra-sobra niya itong nasasaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top