Chapter 24
"Totoo ba 'yong sinabi mo kanina, Jaydel?" paninigurado ni Laila sa akin.
PINAGMASDAN ko ang ganda ng kalangitan sa likuran niya. Hindi ko maiwasang isipin na gusto ko kapareho ng panahon ngayon, sana gano'n din ang panahon sa kasal namin.
Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kaniya. "Na?"
"G-gusto mo akong pakasalan?" nahihiyang sagot niya.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba? Well, kahit ayaw mo, pananagutan ko pa rin ang ginawa ko sa 'yo. Pag-uwi natin, haharap ako sa papa mo bilang lalaki. Kahit pa pagsuntuk-suntukin niya ako, wala na akong pakialam. Mag-iipon ako para pagbalik mo mula sa Paris, pagkatapos nating mag-aral ng college, pakakasalan na kita. Hihintayin kita, Laila."
Lumawak ang ngiti sa mga labi ko, ngunit nang ikiling ko ang ulo ko para tingnan siya, narinig ko siyang sumisinghot.
"L-laila? U-umiiyak ka ba? Bakit? May nasabi ba akong hindi mo gusto?"
Agad kong binitiwan ang pamingwit tsaka lumuhod sa harap niya para tingnan ang nakayuko niyang mukha.
"Laila..."
"Nakakainis ka..." bigkas niya tsaka mahinang sinuntok ang dibdib ko.
"B-bakit?"
"Sana matagal mo nang sinabi sa akin... sana matagal ko nang alam na ako ang mahal mo... para hindi ko kailangang mahirapan nang ganito..."
Napabuga siya tsaka pinunasan ang mga luha at pinilit na ayusin ang sarili. "Hindi... bakit ba palagi kong sinisisi sa 'yo ang lahat? Mali... dahil kasalanan ko rin. Sana mas naging matapang ako. Sana hindi rin ako kinain ng takot na baka kaibigan lang ang tingin mo sa akin, kaya inaalagaan mo ako. Sorry, Jaydel... sorry kung ang dami kong nilihim sa 'yo. Sorry na sa lahat ng itatago ko 'yong nararamdaman ko pa. Sana okay tayong lahat. Sana masaya tayong dalawa. Sana magkasama tayo at nagmamahalan."
"Bakit ka nagsasalita ng ganiyan? Hindi ba natin pwedeng gawin 'yon ngayon? Sabihin mo lang na mahal mo ako, ako nang bahala sa lahat."
Umiling siya. Agresibong pag-iling na ikinabahala ko.
"B-bakit hindi pwede? Nagkabalikan na ba kayo ni Jio? May iba ka na bang mahal? Sabihin mo, hindi ko maintindihan, Laila... naguguluhan ako."
"Hindi na natin 'yon magagawa, Jaydel..."
"H-ha?" Nabasag ang boses ko at hindi ko na rin napigilan ang luha kong tumulo.
"Kanina... sinabi sa amin ng doctor na nasa peligro na ang buhay ko. Ang puso ko... malala na ang sira. At nararamdaman ko na 'yon ngayon, Jaydel... Maiiwan na kita."
Sinuntok-suntok niya ang puso niya na siyang pinipigilan ko.
"At lalo akong nasasaktan dahil ayokong umalis... ayoko, lalo na ngayon na naririnig ko sa 'yo na mahal mo rin ako. Akala ko makakatulong 'tong araw na 'to para mabuhay pa ako... pero hindi... sobrang saya, pero sobra ding sakit. Kinakain ako ng mga pagsisisi..."
Patuloy siyang humikbi. Ako naman ay patuloy na pinupunasan ang mga luha niya. Punong-puno ng kadesperaduhan ko siyang niyakap. Doon ay nakita ko ang papalubog na araw. Mas lalo akong nasaktan. Para akong nilulubugan ng pag-asa. Kung pwede lang kunin ko na lang 'yong sakit niya.
Pwede bang ako na lang ang mamatay?
Pwede bang ako na lang ang mahirapan?
Hindi ko kaya na nagkakaganito si Laila.
Humigpit ang yakap niya sa akin. Maging ang mainit niyang kamay ay naramdaman kong humaplos sa likod ko. Ilang sandali kaming nasa ganoong kalagayan hanggang sa nagsalita siya.
"Jaydel... 'yong binili mo ba kanina... singsing ba 'yon?" tanong niya na nagpabitiw sa akin mula sa pagkakayakap sa kaniya.
"Nakita mo?"
Tumango siya. "Napansin ko ring nakaumbok sa bulsa mo. Huwag mong sabihing magpo-propose ka talaga? Mamamatay na ako, oh. Save it for the girl who'll be by your side for the rest of your life instead."
Umiling ako at inilabas mula sa bulsa ko ang kahon na tinutukoy niya.
"Paano ko ito ibibigay sa iba, kung binili ko 'to para sa 'yo?"
Kinuha ko ang singsing bago lumuhod sa kaniya nang maayos.
"Hindi ka mamamatay, Laila. Magpapakasal pa tayo. Masyado pang maaga para mawala ka sa akin. Huwag ka munang mag-isip, okay? Huwag kang matakot, nandito ako. Malalagpasan natin 'to nang magkasama... kaya kung okay sa 'yo, pumapayag ka bang pakasalan ako sa lalong madaling panahon?"
Pumatak ang butil ng luha sa pisngi ni Laila. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin na para bang nagdadalawang-isip. Muli kong binigkas ang pangalan niya.
"Laila... please... will you marry me? Please?"
This isn't how I imagined my proposal would be. But my heart is telling me to be brave, take a chance, and finally ask. It's all or nothing.
"Jaydel..." pagtawag niya sa pangalan ko. Napapikit ako dahil pakiramdam ko hindi ko kayang tanggapin ang pagtanggi niya. "I will accept this proposal on one condition..."
"C-condition?"
"Yes..."
"Anong kondisyon?"
"Huwag na huwag mong ibibigay ang puso mo sa akin. I would rather die than live without you. Mas lalo kong ikamamatay 'yon."
Magpoprotesta pa sana ako nang haplusin niya ang mukha ko at halikan ang noo. Hinaplos-haplos niya rin ang ulo ko na para bang pinapaamo. Nakatitig ako sa mga mata niya habang ginagawa 'yon.
"You became such a good boy to me, Jaydel... You fulfilled my wish. You really made me happy today... This is the good breakup I wanted before I leave this world."
She locked eyes with me. At tuluyan akong nanghina dahil do'n. Hinawakan ko ang kamay niya at idinampi sa mukha ko. Para akong batang nagmamakaawa na huwag niya akong iwan. Punong-puno na ng mga luha ang mga mata ko.
Kung siya, gusto niya 'tong nangyayari, ako hindi...
This is not a good breakup. It is the worst.
"Promise me, you'll bring me flowers, okay? Magtatampo ako sa 'yo kapag hindi. Alam mo naman kung anong gusto ko, 'di ba?"
Tumango ako habang patulyo na umiiyak.
"Kahit anong bulaklak, gusto mo, Laila."
Umiling siya. "Kahit anong bulaklak mula sa 'yo, gusto ko dahil gusto kita, Jaydel. Mahal... mahal na mahal."
Malawak siyang ngumiti at hinalikan ang labi ko.
Kung sa mga fairytale, nabubuhay ang mga matagal nang nahihimbing o kaya gumagaling sa sakit sa pamamagitan ng isang halik... kabaligtaran no'n ang nangyari sa amin.
Bigla na lang dumugo ang ilong ni Laila kasabay ng panghihina niya. Hindi ko na naisuot sa kaniya ang singsing dahil nang buhatin ko siya, gumulong 'yon papunta sa dagat.
Mabilis akong tumawag ng ambulansya. Isang malakas na suntok naman ang natanggap ko mula kay Tito Ryan nang magkita kami, matapos kong dalhin si Laila sa hospital.
"Gago ka! Hinding-hindi kita mapapatawad kapag namatay ang anak ko, tandaan mo 'yan!" sigaw niya na puno ng galit habang dinuduro-duro ako. Pinipigilan siya ni Tita Lileth, pero tinanggap ko lang lahat ng masasakit na salita na nagmumula sa kaniya. Kahit na ilang beses niya akong pinaalis, nakatindig lang ako sa labas ng operating room habang nananalangin na sana hindi pa kunin ng Panginoon ang pinakamamahal ko.
Pero siguro nga... Matagal nang alam ni Laila na mangyayari 'to... dahil ang palagi niyang paghingi sa akin ng mga bulaklak ang mga pahiwatig niya na darating ang araw na bibigyan ko siya ng mga 'yon... sa puntod niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top