Chapter 22
"Anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Laila. Tila mas lumakas ang tugtog mula sa radio kasabay ng malakas na pintig ng puso ko.
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
'Di ko papayagan
INIWAS niya ang mukha tsaka siya tumalikod sa akin. Hinabol ko naman
siya ng tanong. "T-totoo ba 'yang sinasabi mo? Crush mo na ako dati, Laila?"
"Bakit ba ang kulit mo?! Oo nga sabi! Huwag mo nang ipaulit!"
"P-pero paano? Paanong nangyari?" pag-uusisa ko. "Harap ka sa 'kin! Gusto kitang makita!"
"Ayoko! Bitiwan mo 'ko!" Pilit kong hinihila ang kamay niya, pero nakahiga siya at nakatagilid para itago ang sarili sa sulok.
"Dali na kasi! Let's be honest with each other! Ibig sabihin, noon pa lang ay may gusto ka na rin sa akin?" nakangiti ko pang tanong sa kaniya.
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan...
Imbes na salita ay tumango lang siya. Napasiil ako ng labi. Shit. Ganito pala ang pakiramdam kapag na-crushback. Parang kaya ko nang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Kahit sabay-sabay ibigay sa akin ngayon, nakangiti ko pang iwe-welcome.
Hinaplos ko ang braso niya bago nagsalita. "Okay lang 'yan. Wala kang dapat ikahiya. Crush din naman kita. Quits lang tayo."
"Hindi tayo quits kasi akala ko hindi mo ako gusto, kaya naghanap ako ng paraan para mawala lahat ng nararamdaman ko, pero hindi effective! Sobrang tindi ng pagkagusto ko sa 'yo, Jaydel, kaya nagkaroon ako ng sakit."
Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. I caressed her hair and felt her warmth between my arms. Parang gusto kong pumikit at magpahinga. Sa isang iglap, naging malinaw sa akin ang lahat. Kung alam ko lang na ito lang pala ang dapat gawin, sana noon pa ako umamin sa kaniya. Sana hindi ako nagpalamon sa takot.
"Kaya nga nandito ako. Babawi ako sa 'yo, Laila. Gagamutin natin ang puso mo. Mula sa araw na 'to, pasasayahin kita at poprotektahan." Itinaas ko ang kamay niya na may singsing na santan na ako mismo ang nagsuot sa kaniya. "Alam mo ba ang sinisimbolo ng bulaklak na 'to?"
"Ano?"
"Friendship and love," bigkas ko. "Mahal ko ang pagkakaibigan natin, at mahal kita. Maswerte ako na kaibigan ko ang minamahal ko. Naging sapat na sa akin noon na tingnan kang nagiging masaya sa piling ng iba kasi 'yon lang ang tingin kong lugar ko. Hindi ko alam na ako pala talaga ang laman ng puso mo."
Isiniksik ko ang ulo sa balikat niya. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga.
"Sinubukan ko rin namang alisin ka. Sinubukan kong mahalin sila, pero hindi ko alam kung bakit sa huli bumabalik pa rin ako sa 'yo, Jaydel. Kaya napakasama kong tao... Karma na rin siguro 'tong sakit ko."
Umiling ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. "Shush. Huwag mo ngang sabihin 'yan. Gagaling ka, Laila. At kapag dumating ang araw na 'yon, pakakasalan kita."
"Nagpo-propose ka na ba sa akin?" natatawa niyang hirit tsaka lumingon sa dako ko. Ipinaharap ko naman siya kaya ngayon kitang-kita na namin ang isa't isa.
"Hindi pa... sinusukat ko pa lang. Sooner or later, bibigyan kita ng singsing na ako mismo ang gagawa."
"At ano namang alam mo sa paggawa ng singsing? Engineer ka di ba? Engineer ang kukunin mong course?" Tila nagbago ang ihip ng hangin at ang kaninang pagkailang namin sa isa't isa ay nawala na.
"Hindi, ah..." pagtanggi ko.
"Huh? Anong hindi?"
"Ikaw kasi ang kukunin ko," hirit ko.
"Sira! Ginawa mo akong course!" Hinampas niya ang balikat ko, kaya napangiti ako. Lalo na nang gumasumot ang mukha niya na para bang nadidiri pero kinikilig.
"Pero seryoso nga kasi, Jaydel... Hindi ba't Engineering talaga ang gusto mong kunin?"
"Oo, para mapatayo ko ng magandang bahay sila Inay. Iyon din kasi ang pangarap ni Tatay noon. How about you? Bakit nga ba fashion designing ang gusto mo?"
"Hindi mo alam? Sabagay, puro ka kasi pamba-bash noon sa akin, kaya hindi ko na ine-explain sa 'yo kung bakit." Inirapan niya ako, pero nginitian ko lang siya.
"Sorry, huwag ka na magalit," bigkas ko at akmang hahalikan siya nang iharang niya ang kamay niya sa bibig ko.
"Ikaw, ha?! Namumuro ka na! Hindi ka nagpapaalam sa akin, basta-basta ka nanghahalik! Patay ka talaga kay Daddy kapag nalaman niya 'to!"
"Matagal naman na talaga akong patay na patay sa 'yo," sambit ko tsaka itinaas-baba ang mga kilay ko.
"Pfft! Laos na 'yan! Bakit ba imbes na kiligin ako, eh, kinikilabutan pa ako sa 'yo?" naiirita niyang salita, pero patuloy ko lang siyang nginitian habang inuungkat kung bakit nga ba fashion designing ang gusto niya.
"Well, anyway, gusto ko kasing gumawa ng dress kaya gusto kong kumuha ng course na related sa fashion... Gusto ko ako 'yong gagawa ng mga isusuot ko sa mga special occasions sa buhay ko. Doon ko kasi mas nae-express ang sarili ko. Alam mo ba? May ginawa akong dress na susuotin ko dapat sa graduation kaso hindi ko naman nasuot kasi wala ako. Hindi ako nakapagmartsa. Sana lang sa susunod na event ng buhay ko, maisuot ko na 'yong gawa ko," mahabang paliwanag niya. Pinagmamasdan ko lang siya habang nagkukwento. Kinuha ko sa bulsa ang naitabi kong yellow bell tsaka isiniksik sa tainga niya.
"Ano naman 'to?" tanong niya.
"Bulaklak?"
"Bakit ba iba't ibang bulaklak ang binibigay mo sa 'kin? Noong una, white gerber. Tapos kanina, santan. Ngayon naman yellow bell."
"Because I know you like flowers... any kind of flower... Sa tuwing binibigyan kita, nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka namamangha."
She smiled softly while gently nodding. "You're right about that, Jaydel. Ang gaganda kasi nila. You know I like pretty things..."
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Mas napagmasdan ko ang mukha niya sa pagkakataong ito.
"But you're prettier, Laila. And I can't wait to see you bloom once you go to school and study fashion design. Hindi na ako makapaghintay na makitang suot mo ang mga gawa mo."
She pouted and rubbed my shirt. "Tsk. Kung wala lang akong sakit, matagal mo nang nakita."
"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Laila. I'm sure, magagawa mo rin ang gusto mo someday. Makakapasok ka sa fashion school na gusto mo at magagawa mo ang damit na gusto mong suotin sa araw-araw ng buhay mo. And I will support you on that."
"Well, sana nga rin makagawa ako ng wedding dress... at maisuot ko 'yon sa araw ng kasal ko. Pangarap ko 'yon, eh," wika niya pa sa akin. Hindi ko alam nang mga sandaling 'yon ay na-imagine ko siyang ikinakasal sa akin. Nakaputi siyang wedding dress, 'yong makintab... tapos nakalugay 'yong buhok niya habang nakangiti na naglalakad sa aisle papunta sa altar kung saan ako naghihintay...
"Oh, bakit ka nakatitig sa akin?" mataray niyang tanong habang kinukutkot ang logo sa damit ko.
"Wala. Na-imagine ko lang na nakasuot ka ng wedding dress. Bagay siguro sa 'yo 'yuong french tube," komento ko na nagpatawa sa kaniya.
"At paano mo naman nalaman ang french tube, ha?" Hinampas niya ang dibdib ko. "Siguro, may ibang babaeng nagturo sa 'yon no'n, ano?"
"Wala, ah. Hindi ba pwedeng alam ko lang?"
"Tss. Lulusot ka pa, eh! Mga lalaki talaga manloloko! Sabi na nga ba't 'di ako dapat magtiwala sa 'yo! Kaya ang laki ng trust issues ko, gawa mo!"
Tinalikuran niya ako, pero hinila ko lang ang braso niya dahilan para mapalingon siyang muli sa akin.
"Hindi ako manloloko, huy! Ikaw nga lang ang mahal ko, eh. Ikaw ba, mahal mo rin ba ako?"
Sandali siyang napatitig sa akin. Ilang segundong katahimikan ang pumuno sa loob ng apat na sulok ng tent kung nasaan kami. Malalakas na tibok ng puso ang yumanig sa buong pagkatao ko habang lumalalim ang paghinga naming dalawa.
"Laila... ako ba talaga ang mahal mo?" giit ko pa habang sinusubukang basahin ang mga mata niya. Tinanggal niya naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya.
"Kung malaman mo... anong gagawin mo?"
I heaved a sigh before answering her, "I will give you the good breakup you want."
"A good breakup?"
"Yes, the kind of breakup we'll both want. The kind where neither of us has to cry. Because there's only one breakup, I'd ever call good... the one that's followed by a proposal.
So I'm breaking up with you, Laila...
I won't be your boyfriend anymore.
I'll be your husband."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top