Chapter 17

HINDI pa rin ako makatulog kahit na ilang oras na ang nakakalipas simula nang umuwi kami sa bahay. Masaya naman ako dahil nakakain na kami nang sabay-sabay na pamilya sa labas, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Nanay na para bang may ipinapahiwatig siya sa akin.

Sinulyapan ko ang diplomang

nakasabit na sa dingding ng kwarto ko, pati na rin ang picture kong naka-toga na binilhan na ni Ate Jaymie ng frame.

Right, Laila wasn't there to graduate with us because she was still in the hospital. Gusto ko mang humingi ng balita kay Mikaela tungkol kay Laila, pero hindi ko magawa. Ni wala nga rin akong mukhang maiharap kina Tito Ryan para kumustahin man lang ang anak nila. Hindi ko alam, naduduwag ako, pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Maximo.

Paano kung totoo nga ang mga sinabi niya? Anong gagawin ko?

Kinuha ko ang cellphone ko. Mabilis ang kabog sa dibdib ko habang hinahanap ang number ni Laila.

Pero paano kung hindi siya sumagot?
Paano kung masaya na siya sa piling ni Jio?
Paano kung hindi niya na ako kailangan?

Napabuntong-hininga ako tsaka itinapon sa kabilang parte ng kama ang cellphone ko. Iniunan ko na lamang ang braso tsaka humiga, pero kapipikit ko pa lang nang tumunog iyon. Agad akong napabalikwas at madaling kinuha ang cellphone ko nang makitang may tumatawag.

"Unknown number? Sino naman kaya ito? At bakit tatawag nang ganitong oras?" bulong ko kasabay ng pagsagot. "Hello?"

"Hello, Jaydel?" Boses ng isang babae ang nasa kabilang linya.

"A-ako nga. Sino 'to? Paano mo nalaman ang number ko?" sunod-sunod kong tanong.

"Nakalimutan mo na agad? Gusto lang kitang batiin na congrats dahil sa wakas, naka-graduate ka na. Hindi mo ako nakita kanina kasi nagmamadali na kayo ng family mo na umalis. Babatiin sana kita."

Doon ko napagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. "Mikaela?"

"Nakuha mo! Akala ko, hindi mo na talaga ako makikilala, eh," may pagtawang wika niya.

Sandaling katahimikan naman ang namagitan sa aming dalawa, bago ako naglakas ng loob na magsalita.

"Y-yon lang ba ang dahilan kung bakit ka napatawag?" sambit ko sa mahinang boses.

Napatikhim naman siya at mukhang nakipagkumpetensya pa sa akin dahil humina rin ang boses niya.

"Hindi... ang totoo, napatawag ako dahil gusto kong sabihin sa 'yo na nasa hospital ako..."

"Huh? Hospital? May nangyari ba sa 'yo?" may pag-aalalang tanong ko.

"Loko! Wala! Ibig kong sabihin, nandito ako, nagbabantay kay Laila... wala kasi sila Tito Ryan. Umalis sandali. Gusto mo bang pumunta saglit para bisitahin ang kaibigan mo?"

Napatayo ako at sa isang iglap, nasagot na ang tanong ko kung bakit hindi ako makatulog. May mangyayari pa lang maganda... magkakaroon pala ako ng chance...

Chance na sa muli ay makita ang pinakamamahal kong babae sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top