Chapter 21
SAKTONG paakyat kami sa bundok nang makita naming malapit nang magbukang-liwayway. Pasan-pasan ko si Laila habang bitbit din ang tent namin. Ang gusto niya kasi ay salubungin namin ang pagsikat ng araw sa pinakamataas na lugar, at hintayin namang lumubog sa pinakababa nito-sa dagat.
Nakaupo si Laila sa folding chair na binaon ko. Pinagtimpla
ko na rin siya ng gatas na maiinom niya habang hinihintay namin ang pagputok ng liwanag. Nagkabit na rin ako ng tent para kung sakaling gusto niya pang umidlip dahil madaling araw ko siya itinakas, makakatulog pa siya.
Kumuha naman ako ng makapal na jacket nang mapansin kong kanina pa kinikiskis ni Laila ang kamay niya sa magkabila niyang braso. Nilapitan ko siya at saka isinuot ang jacket sa kaniya.
"Thank you..." nahihiya niyang sambit.
Napangiti naman ako tsaka umupo sa tabi niya. "Sus! Maliit na bagay! Lahat naman handa kong ibigay sa 'yo!" wika ko.
Bakit hindi ko nalaman kaagad na masarap pala sa pakiramdam kapag malaya ka nang nasasabi ang mga bagay na gusto mong sabihin sa taong mahal mo?
Tinitigan niya ako bago ngumiti at ibinaling na lang ang atensyon sa umuusbong na araw.
"Bakit nga pala nagbago ang isip mo?" tanong niya tsaka ibinaba ang tasa.
"Ahhh..."
"Makikipag-break ka na ba?"
Nagsalubong ang kilay ko. "H-ha?"
"Maganda 'tong lugar na 'to para makipag-break sa akin, Jaydel. Remember 'yong hiling ko sa 'yo last time? Kaya gusto kitang maging boyfriend? Kasi alam kong mabibigyan mo ako ng good breakup... ito na ba 'yon?"
Naguguluhan akong umiling sa kaniya. "N-no... hindi ako makikipag-break sa 'yo, Laila, kahit anong mangyari."
"Bakit hindi? Talaga bang sunud-sunuran ka sa akin? Ginagawa mo lang ba 'to dahil sinabi ko?"
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. May mali na naman ba akong ginawa? Hindi ko maintindihan.
"Laila," matigas kong pagtawag sa pangalan niya. "No'ng wala akong ginagawa, nagagalit ka. Ngayong may ginagawa ako, minamasama mo pa rin... Kahit anong sabihin ko, hindi mo pinapaniwalaan. Hindi ko na alam saan ako lulugar."
"Wala ka kasing paninindigan. 'Di bale, naiintindihan ko naman. Mga bata pa naman tayo. Ano bang maaasahan natin sa isa't isa?"
Kung may pader lang siguro sa paligid, nasuntok ko na. Kanina pa kumukuyom ang kamao ko.
Bakit ba hindi kami magkatagpo ng babaeng 'to? Bakit ba ang gulo-gulo?
Kasalanan ko ba 'tong lahat?
Napabuntong-hininga ako. "Bakit ka ganiyan?"
"What do you mean?"
"May nagawa ba ako sa 'yo noon kaya ang laki ng trust issues mo sa 'kin? O wala na naman ba akong nagawa na inaasahan mong gawin ko? Nahihirapan akong basahin ka, Laila. Hindi ko alam ang iniisip mo kaya sabihin mo sa 'kin."
I looked at her with pleading eyes, silently begging for us to finally be honest with each other. I've been doing everything I can to get closer to her heart, and I only hope that while we still have this chance, she won't push me away anymore.
Hinawakan ko ang kamay niya at mas nilambing pa siya. "Laila, please... Hindi ako manghuhula. Hindi rin ako gano'n kagaling na tao para makalkula ka. If you're just mathematics, I can figure you out, but you're a hundred times more complicated than that."
Yumuko siya at nakita kong pumatak ang luha niya. "Pati ba naman 'yon kailangan ko pang sabihin?" sumbat niya habang patuloy na nakatingin sa mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng kaniyang mga hita.
"Of course, paano ko gagawin kung hindi ko alam ang gusto mong gawin ko? You know I'd do anything for you, Laila. I'll do whatever you want me to do. I'm your slave... your shadow, your loyal dog," pagsubok ko na patawanin siya para tumigil na siya sa pagluha, pero lumingon siya sa akin. Basang-basa ng mga luha niya ang pisngi niya.
"I want to hear you tell me that you truly love me, and I know all my worries will fade away. But even that is something I still have to beg for, Jaydel. Lahat kailangan kong sabihin... hindi ko alam kung kapag ginawa mo, totoo ba talaga o dahil inutos ko lang... Hindi ko alam kung anong totoo. Hindi ko alam kung mahal mo ba talaga ako-"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit sa kaniya. Siniil ko ang labi niyang kanina pa ako sinasaktan. How could she not know that I love her when I've been showing her that from the very beginning? Don't actions speak louder than words?
Tiningnan ko ang mga mata niyang gulat na gulat sa nangyari nang humiwalay ako sa kaniya. Pinagmasdan ko ang namumula niyang mukha.
Hinampas niya ang dibdib ko. "B-bakit mo ginawa 'yon? H-hindi ko tuloy nakita 'yong sunrise!" sumbat niya habang itinuturo ang sunrise. Tumayo siya, pero hinawakan ko ang kamay niya kaya siya muling napalingon sa akin. Tinagpo ng kumikinang niyang mga mata ang ordinaryong sa akin.
"B-bakit?" napapalunok niyang tanong.
"I love you, Laila, and I'm sorry kung hindi mo ulit makikita yung sunrise..." I cupped the back of her neck and kissed her again. This time, she kissed me back which made me smile. I stopped for a moment to stare at her eyes that looks caught off guard. "I truly love you, Laila. I love you even before that day no'ng c.r. moment natin after my swimming class."
Nanlaki ang mga mata niya dahil mukhang naalala niya ang pagkakataong 'yon. Hahampasin niya na sana akong muli pero nahawakan ko na ang kamay niya.
I pulled her closer by the waist and captured her lips once more, deepening the kiss and savoring every moment, knowing that she had finally stopped doubting me.
Mabilis ang tibok ng puso ko at para bang huni na lang ng mga ibon ang naririnig ko. Sa tuktok ng bundok, kasabay ng pagsibol ng umaga ay ang pagsibol din ng lakas ng loob kong umamin sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi niya tsaka siya tinitigan.
"Laila... akala mo lang nakaya kong wala ka. Hindi mo alam kung ilang beses akong namatay sa pangungulila dahil hindi ako makalapit sa 'yo... ilang beses kong sinubukang suwayin ang ama mo, ilang beses akong naaksidente sa trabaho kaiisip sa 'yo. Walang araw na hindi kita inisip sa mga araw na nagkukunwari akong ayos lang ako. Ilang beses kong sinubukang mabuhay para bumawi sa 'yo, balikan ka, humanap ng mukhang ihaharap para sabihin sa 'yong mahal kita. Ilang beses akong kumalap ng mga salitang pwede kong ialay para paniwalaan mo na ako. Mahal talaga kita. At hinding-hindi magbabago 'yon..."
Tumulo ang luha sa kaniyang pisngi. Mabilis ko 'yong pinunasan. Ang tanging naging sagot niya lang sa akin ay ang isang mahigpit na yakap.
Nanatili kami sa tent nang matapos ang pagbukang-liwayway. Kumain na rin kami ng dala kong almusal habang nagkukwentuhan. Napalingon naman kaming pareho nang biglang tumugtog ang isang kanta sa radyo. Dinala ko ito kanina para may libangan kami.
Bakit nga ba ang puso 'pag nagmamahal na?
Ay sadyang nakapagtataka
Nagkatinginan kami ni Laila at pareho kaming napangiti. Sinusubukan niya pang umiwas, pero hinawakan ko lang ang kamay niya.
"Naalala ko 'yong narinig ko sa radio dati. Sabi ng DJ, hindi raw totoo ang right person at the wrong time," panimula ko.
Ang bawa't sandali
Lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama
"Huh? Bakit daw?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"Kasi wrong person daw 'yon. Ang right person na may right love, palaging perfect timing, darating sa 'yo at the right time. Naniniwala ka ba ro'n?"
"Hmmm... Hindi."
Ako naman ang napakunot ang noo. "Bakit hindi?"
"Kasi wala namang perfect timing sa tao. Malay ba natin kung kailan 'yon? It's a matter of choice kung gusto mong maging tamang tao para sa kaniya. Kahit ang worst timing, nagagamot kapag mahal mo siya."
Para bang ang lahat ay walang hangganan
Dahil sa tamis na nararanasan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan
I stared at her for a few seconds. I could still see the emptiness in her eyes, as if simply being by her side still wasn't enough. It felt like something was missing. Like everything still wasn't okay. Parang hindi pa rin siya naniniwala sa akin.
And it's driving me crazy, wondering how I can prove to her that I love her.
Bakit parang ang hirap niya nang basahin sa tagal naming hindi nagkita? O matagal na siyang ganito, hindi ko lang napapansin?
Lalo kong napapatunayan hindi lang talaga sina Mikaela at Ate Jaymie ang magaling magtago, kung hindi siya rin. Mas malala pa.
"Laila..." pagtawag ko sa pangalan niya. Tinagpo niya ang mga mata ko.
"Hmm?"
"Anong nararamdaman mo ngayon?"
Muli siyang sumulyap sa akin tsaka ngumiti. "Okay naman."
"Masaya ka ba?"
Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
"Bakit mo tinatanong? Of course, I am." Lalong lumaki ang ngiti sa mga labi niya.
"Sigurado ka? Pwede kang magsabi sa akin ng mga bumabagabag sa dibdib mo."
"Why? Sasabihin mo rin ba sa akin ang sa 'yo?"
Tinitigan niya ako nang makahulugan. "You see, matagal na tayong magkaibigan, Jaydel, pero parang hindi pa rin pala natin kilala ang isa't isa. O baka dahil marami nang nagbago? O marami lang nakatago?"
"O baka kasi hindi ka lang naniniwala?" sagot ko naman.
"O baka kasi mahirap lang paniwalaan?" tugon niya pabalik.
"Ang alin ba ang mahirap paniwalaan? Na mahal kita? Gusto mo bang sabihin ko sa 'yo kung kailan pa?"
Hindi naman siya nakasagot agad at napayuko.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong niya nang bigla akong tumayo.
"Sandali, may kukunin lang ako."
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag
"Ano 'yang dala mo?" Napansin niya ang santan na kinuha ko doon sa tabi-tabi na pinagdugtong-dugtong ko para makabuo ng singsing.
"Akin na ang kamay mo." Umupo naman siya sa harap ko at tsaka ibinigay ang hinihingi ko. Sinuot ko ang singsing na gawa sa santan sa kaniyang daliri. "Hindi mo ba alam? Noon pa lang gusto na kita. Naalala mo no'ng nahuli kita sa c.r. ng boys? Crush na kita no'n."
"A-anong ibig mong s-sabihin?"
"Bata pa lang tayo, matagal ko nang tinatago na may gusto ako sa 'yo. Hindi ko masabi kasi natatakot ako. Sa isip ko, na-turn off ka na sa akin dahil sa nangyari. Ang dami ko pa namang sinabi no'n na nakakahiya," wika ko habang kinakagat ang ibabang labi ko at napapakamot sa batok.
Napansin ko ang pamumula sa pisngi niya.
"C-crush din kita no'n,Jaydel."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top