Chapter 20

MAG-IISANG oras na yata akong nakatitig sa alkansya ko, habang iniisip ang dahilan kung bakit ko ito babasagin ngayon. Nakalaan ito dapat sa pag-aaral ko sa college, but it looks like I need it for something else right now.

Tama. Mas mahalaga ang paggagamitan ko ngayon.

Mabilis kong binasag ang alkansya at kinuha lahat ng pera na naipon ko buong sembreak ng pagtatrabaho sa construction site at sa bakery. Dala ang higit sa sampung libo ay lumabas ako sa bahay namin. Dinala ako ng paa ko sa isang rental shop ng mga kotse. Pinili ko ang pinakamagandang sasakyan at binayaran bago ako pumunta sa hospital. Madilim pa ang kalangitan nang gawin ko iyong lahat.

"Oh, ba't ka bumalik, Jaydel? Talaga bang ang kapal ng mukha mo?" bitaw niya na para bang gusto na akong sugurin ng saksak. Napakamot na lang ako sa batok.

"Buo na ang desisyon ko. Itatakas ko na si Laila."

"Anong sabi mo? P-pero-"

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Mikaela, at agad kong sinilip ang pinto ng kwarto ni Laila. Nasa labas kasi si Mikaela at mukhang dito siya nagbabantay. Napakunot naman ako ng noo nang mapansing umiiyak si Laila.

"Anong problema, Mikaela? Bakit umiiyak si Laila? At ikaw? Bakit namamaga rin ang mga mata mo?" puno ng pag-aalala kong tanong.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mikaela at agad akong pumasok sa kwarto. Napatunghay sa akin si Laila at nagtataka kung anong ginagawa ko sa harapan niya.

"J-jaydel? B-bakit ka nandito? Mikaela? W-wala ba sila Daddy? Paano kung makita siya?" giit ni Laila na puno ng pag-aalala. Pumasok na rin si Mikaela na parang pinatapos lang ang sariling kumalma.

"U-umalis. K-kasama ang doctor... k-kausap," nauutal na sagot ni Mikaela.

"Kung gano'n, paalisin mo na siya. Baka makita pa siya ni Daddy."

"Bakit hindi ako ang kausapin mo, Laila? Bakit hindi mo 'ko matingnan? May nangyari ba?"

Umangat ang ulo niya at tinagpo ang mga mata ko. Namumula ang mga mata niya at namamaga ito. "Umalis ka na kanina, hindi ba? Iniwan mo na 'ko. Bakit bumabalik ka pa?"

"I'm sorry..." sambit ko. "But I came back... for you, Laila... I have decided, itatakas na kita rito." Rumagasa sa dibdib ko ang kaba, pero baka tama sila na pinapalakpakan lang ako ng sarili ko kasi sa wakas nagkaroon na ako ng tapang na ipaglaban ang gusto ko.

Inilabas ko ang pera at ang susi ng kotseng nirentahan ko. "Laila... Pinag-ipunan ko 'tong lahat nitong sembreak na hindi ako pumupunta rito. Pumasok ako sa construction site at sa bakery. We can start from this. Gagawin natin ang gusto mo. Kahit isang araw lang o dalawa o tatlo o hanggang sa matagpuan nila tayo at ilayo ka ulit sa 'kin, pero bago mangyari 'yon, I'll make you happy. I'll cure you... I will try to do that. At kung gumaling ka at makalabas ka rito sa hospital, pumunta ka sa ibang bansa para mag-aral, hindi mo man ako kasama... may baon kang mga alaala kasama ako."

Tumulo ang luha ko, maging ang sipon. Ni wala na nga akong pakialam kung makita niya o ng kahit na sino. Pakiramdam ko, malaya ako ngayon kahit na pumupuslit lang ako para makita at maitakas siya.

"A-ano bang sinasabi mo, Jaydel?"

"Hindi ba't gusto mong itakas kita? Gusto ko rin namang gawin 'yon. Everything I didn't do I almost do it, Laila. Kung alam mo lang... Kaya heto na. Pasensya na kung ngayon lang ako. Halika na, sumama ka na sa akin. Gagamutin natin ang puso mo. Pasasayahin kita," bigkas ko sa kaniya habang nakangiti. Napakagat na lang siya sa ibabang labi para pigilan ang luha, pero pumatak na ang butil no'n sa pisngi niya.

"Laila..." Muli kong pagbigkas ng pangalan niya tsaka inilahad ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan, pero sa huli ay hinawakan niya na ang kamay kong naghihintay.

Nakangiti ko siyang inilabas sa hospital. Sumunod naman si Mikaela, pero hindi para pigilan kami. She covered for us and acted as our lookout in case dumating si Tito Ryan at mahuli kami.

"Jaydel! Ingatan mo ang kaibigan ko!" bilin ni Mikaela na umaagos na rin ang mga luha sa pisngi.

"Oo! Ako na'ng bahala sa kaniya!" sigaw ko pabalik tsaka minaneobra na ang sasakyan. Nakita ko pang kumakaway siya sa amin.

"Saan tayo pupunta, Jaydel?" tanong ni Laila habang nakakapit sa seatbelt. Nilingon ko siya at nginitian. Hinaplos ko rin ang buhok niya at inilagay ang ilang hibla sa ilalim ng tainga.

Napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"Marami... marami tayong pupuntahan. Susulitin natin ang araw na 'to, Laila. 'Yong tipong hindi mo na gugustuhing umuwi," sagot ko. Ngayon pa lang na katabi ko siya, parang ayoko nang umalis sa pwestong ito. I can't explain how happy I am right now.

"Kung gano'n, dalhin mo ako sa bundok... tapos mag-camping tayo o kaya sa dagat o beach tapos manghuli tayo ng isda," suhestiyon niya.

"Sigurado ka bang iyon ang gusto mo? Hindi ba boring 'yon?" giit ko.

Umiling siya at ngumiti. Dumungaw siya sa bintana habang binabaybay namin ang daan patungo sa hindi namin alam. "Gusto kong pumunta sa mga lugar kung saan tanaw ko ang langit, Jaydel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top