52
Red Velvet Creamcheese Cake Pt. 2
Valerie's
"Hindi ko alam na marunong ka mag bake..." ani ko habang pinag mamasdan siyang haluin ang mga ingredients.
Pinagmamasdan ko siya kung paano kumilos sa kusina... malay ko baka may matutunan ako sa kung paano siya mag bake or baka may mga technique siya. Kapansin pansin din kasi na ang expert niya sa gano'ng bagay.
"Tinuruan ako ni tita," tipid niyang sagot.
Ningitian ko siya at tumango na lang. Ang dami kong gustong itanong sa kan'ya kaso hindi ko na lang tinuloy. Baka mamaya sabihan pa ako na masyado akong nanghihimasok sa buhay niya. Mas mainam na mag focus muna ako sa baking session namin.
Nilapit niya sa akin ang napaghalo niyang ingredients para ako na mag lalagay no'n sa cake pan. Pinag mamasdan ko lang siya habang nanginginig ang kamay na tinatransfer 'yon sa lalagyanan. Ramdam na ramdam ko na nakatingin siya sa akin kaya kinakabahan ako.
"Nakakatakot naman..." natatawa kong sabi.
Natigilan siya ng tingnan ko ito. Kumunot pa nga ang noo.
"Huh? Bakit?"
"Nakakatakot sa pakiramdam kapag tumitingin ka. Parang anytime magkakamali ako. Nakakapressure," pambibiro ko at mahinang natawa. "Para kang head chef na bantay sarado sa mga kasama mo."
Napailing na lang siya at may sinabi pa na kung ano ano. Nang maisalang namin sa oven ko ang cake ay parehas kaming naupo sa highstool chair at tahimik na kumakain. Nag order siya ng fries sa potato corner para may kainin kaming meryenda habang nakasalang pa ang cake sa oven.
Nagpalit na rin ako ng cotton tokong, alam kong nakita ni Magnus ang mga peklat ko sa hita pero hindi na niya 'yon nabanggit sa usapan namin. Pero mas mainam na rin 'yon... na nag palit ako dahil hindi ko naman din alam na baka mamaya nakakatrigger na sa kan'ya na makita kung gaano karami ang peklat ko doon.
"Kumusta ka na?" tanong ko sa kan'ya habang kumakain ng fries.
Natigilan siya sa pag nguya at napatingin sa akin. Ang layo ba naman kasi ng tingin niya, nakatulala siya sa labas ng balcony. Napasulyap ako roon saglit at muling binalik ang paningin sa kan'ya. Naalala niya kaya siguro ang gabing 'yon?
Nagkibit balikat siya at tipid akong ningitian.
"Medyo okay na?" hindi pa siya sigurado sa sagot nito.
Tumango ako. "That's nice. Atlis may usad... I'm proud of you."
Namayani ang katamikan sa pagitan naming dalawa. Ang tagal niyang nakatingin sa akin, at gano'n din ako. Dahil saktong ang sinag ng araw ay tumatapat sa pwesto namin ay kitang kita ko ang pag tingnan ng kulay asul niyang mga mata.
Medyo kumukunot nga lang ang noo nito. Nasisinagan siya? Agad akong umiwas ng tingin at tumayo para isarado ang kurtina sa glass sliding door sa balkonahe para di siya masinagan. Bumalik din agad ako sa kinauupuan ko at kumuha ng fries para kainin 'yon.
"Thank you, Valerie." Umangat ang paningin ko sa kan'ya nang marinig ang boses niya. "Salamat sa mga sinisend mo sa text. It helps for me to be okay, nakakatulong siya... and thank you. Thank you for saving me."
"You're always welcome," tugon ko.
Siguro dito na rin nag start na medyo mas naging close kami ni Magnus. Siguro... nararamdaman namin sa isa't isa na parehas kami ng pinagdadaanan pero sa ibang paraan?
Pero kahit na gano'n, may boundaries pa rin sa aming dalawa... sa pagitan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top