51
Red Velvet Creamcheese Cake Pt. 1
Valerie's
"Flour... Egg... Creamcheese..." ilang beses kong tiningnan ng maigi kung kumpleto na ba ang mga ingredients ko rito para wala ng magiging aberya kapag mag babake na kami ni Magnus.
Siguro ilang araw na rin kaming magka usap sa text? Medyo okay naman ang pakiramdam ko. Parang matagal ko na siyang matalik na kaibigan na ngayon lang kami nagkita. Parang gano'n ang nararamdaman ko.
Dapat maiilang pa ako sa message convo namin pero siguro... dahil sa pakiramdam ko na halos parehas kami ng pinagdadaanan ay parang gano'n na lang din kalambot ang puso ko at dibdib sa nararamdaman ko sa kan'ya.
"Hmm... mukhang kumpleto naman na," nakangiti kong sambit sa sarili.
Naituwid ko ang aking tayo at pinagmasdan ang mga naka mise en place na mga ingredients. Ginawa ko na 'yon kanina pa para hindi na kami mahihirapan sa pagtansya tansya mamaya. Hinayaan ko na muna silang nakalagay lahat sa counter ng kitchen island at pumunta sa sala para kinunin ang remote ng aircon.
Pinababaan ko agad ang temperature para lumamig ang buong unit. Nakasuot kasi ako ng tshirt na may longsleeve na design sa loob pero nakadikit lang 'yon sa loob lang mismo ng sleeve. Para hindi magtaka si Magnus kung bakit ako naka gano'n. Comfy naman din ako sa suot ko dahil malambot ang tela at presko na rin lalo na dahil nakasuot din ako ng cotton short.
Umangat ang paningin ko nang marinig ang pagtunog ng door bell. Agad akong nag tungo roon at binuksan ang pinto. Si Magnus na nga. Tipid ko siyang ningitian at binati.
"Hello, Magnus. Pasok ka," aya ko sa kan'ya at pinapasok na.
Nakasuot lang siya ng plain mossy green shirt at pinartneran ng black sweat pants. Magulo ang buhok niyang wolf cut at may suot siyang eye glasses. Nakababa lang ang tingin niya sa akin kaya nagsisimulang mag likot ang paningin ko.
Hmm... anong meron?
Bumaba pa lalo ang tingin niya sa akin lalo na sa hita ko. Agad lang rumehistro sa isipan ko kung ano 'yan. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ng marealize kung bakit siya napatingin sa hita ko.
"Uhmm-"
"Magbabake na ba tayo?" Naunahan niya na ako.
Binalewala niya nakita niya sa hita ko at binalik ang paningin sa mga mata ko. Okay... kumalma ka, Valerie. Mahalaga hindi na siya nagtanong pa.
Tipid ko siyang ningitian at naglakad na papuntang kusina. Tahimik lang naman siyang naglakad at sinundan ako. Nakita ko pa na napapatingin pa siya sa kabuuhan ng unit ko. Ang plain lang naman kasi talaga. Wala ako gaanong ka design design sa unit ko kaya siguro napapalinga linga siya.
"Ito pala yung niready kong mga ingredients," sabi ko sa kan'ya. Sumenyas ako na lumapit siya kaya ginawa niya naman 'yon.
Nilapag niya sa gilid ng counter ang dala niyang phone at naghugas ng kamay sa lababo bago ako lapitan. Nilahad ko sa kan'ya ang itim na apron at pinasuot sa kan'ya. May ruffles nga lang na design yung sa kan'ya at kung itim ang kulay no'n, ang sa akin naman ay kulay red.
Ito yung freebies sa order kong oven para sa mga ibabake ko. It was a impulsive decision, ang pag bili ko no'n. Naisipan ko na rin na galawin ang naipon kong pera para rito... para sa bagong hobby ko. Mukhang nag eenjoy naman ako at napapakinabangan ko siya ng maayos.
Marami akong freebies na nakuha at lahat naman 'yon ay nagagamit ko-
"Magsisimula na ba tayo?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Magnus. Naisuot na niya ng maayos ang apron niyang itim kaya nilapitan ko na siya at sinabi ang gagawin namin.
"May recipe ka?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Wait. Alam ko sinave ko 'yon sa tablet ko-"
"Red Velvet Creamcheese ang gagawin natin hindi ba?"
"Uhmm... Oo."
"Huwag mo ng kunin tablet mo. Kabisado ko yung procedure."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top