iii | manatili




MANATILI
by : fSA

Ikaw sa akin, akoy sayo,
Manatili ka sana sa mundong ito.
Sa mundong ikaw lang ang liwanag na natira.
Dito sa buhay ko'ng puno ng tiyaga.

Manatili ka sana.
Bukas, mamaya at sa susunod pa.
Huwag ka nang umalis at lumisan pa.
At huwag ka sana'ng mawala ng parang bula.

Mahal na mahal kita,
At nais ko itong ipadama pa.
Kaya manatili ka muna.
Uminom ka muna ng kapeng aking hinanda.
Sa umagang puno ng pait ngunit kapag nandiyan ka'y napunuan ng lasa.
At sa gabi, tayo'y mag kwento ng ating nakaraan.
Wag tayo magsawa at gumawa ng paraan.
Tanggapin natin ang ating mga sarili sa pag andar ng panahon.
Mahalin natin ang isa't isa simula ngayon.

Ako'y napakasaya.
Na ang dalangin ko'y natupad na.
Nandiyan kana.
Nanatili , hindi lang sa umpisa.

Sa pagdaan ng mga araw mas minamahal ka.
At sa pagdaan ng mga oras ngiti'y nangigibabaw pa.
Siguro puso'y parang kape.
Sa una mapait ngunit dumating ka,
Ang asukal na noon ko pa hinahanap at ngayon ako'y kampante na.

Nanatili siya.
At di tumulad sa iba.
"It feels like home"
Sa tulad niya, wala nang mahihiling pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top