Prologue

[ FYI. Updated Prologue, 2022 ]

Please view the mini-trailer above. TY!

Please leave in the comments your zodiac sign as well. Hehe.

♈♉♊♋♌♍♎♏♐♑♒♓

SKY

"I'm sorry, Third. But I have to go!"

Ngunit mahigpit na hinawakan ni Third ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Si Third Luan ang lalaking pinakamamahal ko.

"Sky, please.. dito ka lang, kung gagamitin mo ang kapangyarihan mo—,"

"Third—, I'm gonna be okay. Hmm?" Ngumiti ako sa kaniya bilang assurance na magiging okay lang ako sa gagawin ko.

"Hayaan mong protektahan kita," pagpupumilit niya. Hay naku talaga, Third. Kung hindi lang talaga kita mahal kanina pa kita binatukan sa katigasan ng ulo mo.

"Third, you're not ready, you know that. Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Hindi ba sabi mo na sabay pa tayong papasok sa Zodiac University?"

Patulo na ang luha sa kaniyang kaliwang mata. Naaawa ako sa kaniya, pero wala akong magagawa dahil kaligtasan niya rin ang nakataya sa desisyon ko.

"Kung hindi ako aalis, matutunton ng Dark Source ang Zodiac High, magiging peligro ang buhay ng lahat, Third."

Hindi na siya sumagot. Halatang gusto niya pa rin akong pigilan kaya hinalikan ko nalang siya sa kaniyang labi.

"Magkikita tayo ulit, don't worry!" Iniwanan ko siya ng matigas na shield barrier para hindi niya ako masundan nang tumakbo ako palayo.

"Sky! Stop!" Sigaw ni Oe.

Huminto ako nang makaramdam ako ng kakaibang aura, aura na sobrang lakas.

Ang Dark Source, ang kalaban namin, naglabas ng kakaibang kapangyarihan, at papalapit sila rito sa Zodiac High. Naririnig ko rin ang mga pagsabog na sa tingin ko ay nangyayari sa kagubatan na malapit lang dito.

"Oe, please take care of everyone," mahinang sambit ko sa best friend kong napahinto rin dahil sa shield barrier na ginawa ko para kay Third.

I have to do this, I can protect the zodiac signs.

Agad akong nag-teleport tungo sa mga kalaban bago pa sila makapasok sa Safe Zone ng Zodiac High. Napunta ako sa kagubatan. Hinarangan ko sila.

"Sa wakas! Nagpakita ka na din, Sky Nunez!" Pananakot ng isa sa mga naka-itim na kampon ng Dark Source. Nasa mga labing-limang katauhan sila. Tanging mga mapupulang mata lamang ang nakikita sa kanilang katawan dahil halos nakabalot lahat ng maitim na tela.

Umiinit ang dalawang kamay ko. Hinahanda ang sarili na umatake. Shet! Ayaw ko pa naman sanang makipaglaban lalo na't naka-school uniform pa ako. E, paano? Timing na lulusob ang mga hinayupak na 'to pagkatapos ng klase namin.

"Ako ang kailangan ninyo, 'wag niyong idamay ang mga walang kinalaman sa kasunduan natin," sagot ko sa kanila.

"Pwes, sabihin mo sa amin kung nasaan ang Zodiac University, at pababayaan na namin ang mga kaibigan mo."

Kumunot ang noo ko. Tumatawa naman ang ibang kasamahan niya na parang binubully pa nila ako. Doon sila nagkakamali, minamaliit nila ang estudyante ng Zodiac High.

"Over my dead body." Gumawa ako ng sarili kong shield barrier in case na may maglabas ng kapangyarihan.

"My.. my.. nagmamatapang ang pinakamakapangyarihang estudyante sa Zodiac High, how cute," wika naman ng kasama nilang babae sa kaniyang mala-kikay na boses. Mukhang leader nila. Nakasuot siya ng maitim na tube at skinny, glossy pants. "Well, as you wish!" Nag-bow pa siya.

Naglabas ng napakalakas na purple laser beam ang babae tungo sa shield ko at nabasag ito kaagad. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa taglay niyang kapangyarihan. Sobrang lakas talaga ng kampon ng Dark Source!

"Fire blades!" Sigaw ko nang itinuon ang mga daliri ko sa kanila. Sunod-sunod na fire blades ang lumabas sa kamay ko kaya silang lahat ay kaniya-kaniyang umilag.

Sayang, wala akong natamaan sa kanila..

"Tunay ngang napakalakas mo na kahit na hindi mo pa nailabas ang simbolo sa iyong katawan." Nagawa pa niya talagang puriin ako sa ganitong sitwasyon, 'no?

Itinaas niya nang kaunti ang kaniyang ulo habang nakatingin pa rin sa akin, at doon umiilaw ng pula ang mga mata niya. "Ngunit, isa ka pa rin lang namang bata."

Sa isang iglap, nasa harapan ko na siya, sinakal niya ako at tinulak sa mabatong lupa hanggang sa bumaon ang katawan ko. Walang patawad niyang nilabasan ng pwersa ang braso niya para bumaon pa ako nang husto.

"Nasaan ang Zodiac University?!" Sigaw niya sa akin.

Hindi ako makahinga sa ginawa niya kaya naglabas ako ng vibration sa katawan ko para matapon siya palayo sa akin.

"Enough!" Sigaw ko rin.

Sunod-sunod na umatake sa 'kin ang mga tauhan niya. Napakabilis nila, one wrong move mula sa akin, tiyak na ikababagsak ko.

Hindi na ako nag-alinlangan pa, inilabas ko na ang pinakamalakas kong kapangyarihan.

"Fire.."

Lumutang ako sa ere at pilit na nilabas ang isang napakalakas na apoy sa katawan ko. Unang nasunog ay ang lupang nasa ilalim ko tungo sa area naming lahat, pinalibutan kami ng apoy, pinaakyat ko ito pataas hanggang sa wala ng matatakasan ang mga kalaban. Nasusunog din ang mga punong-kahoy.

"Fire elemental user?!" Nanlaki ang mga mata ng babae at pati ang mga kasamahan niya ay napatingin na sa buong paligid.

Kaka-practice ko lang ng ability na 'to kaya malaki ang enerhiyang mababawas sa 'kin nito. Oo, isa akong fire elemental user.

At sa panghuling atake, naglabas ako ng napakalakas na energy bomb sa buong area ng apoy, sabay silang nagsigawan sa sakit nang matamaan sila nito.

"Gusto kong sabihin sa Hari ninyo na 'di ako natatakot sa kaniya, alam kong naririnig niya tayo ngayon. Lubayan n'yo na ang Zodiac High at Zodiac University hangga't maaga pa, kung 'di, ako ang makakalaban niya," pagmamatapang kong binabalaan ang buong Dark Source. Tapang e, no?

Sabay na naglabas ng maitim na usok ang mga tauhan, at dahil doon, umuubo ako at sumusuka ng dugo.

Anong klaseng kapangyarihan ito?

"Masarap ba ang epekto ng black hollow?" Nakatawang pang-iinsulto ng babae.

Hindi ko na nakikita ang paligid dahil sa maitim na usok na 'to. Sa bawat langhap ko, parang niluluto nito ang lamang-loob ko, napakasakit!

"Arrrrgggh!" Naglabas ulit ako ng energy bomb para subukang lisanin ang maiitim na usok. "Tama na ang laro, tapusin na natin 'to."

Bigla silang nagulat sa mukha ko.

"Ang mga mata niya.."

"Kung gayon, gumagamit ka na pala ng zodiac power mo?.."

Sa tingin ko'y nakikita nilang umiilaw ng dilaw ang mga mata ko, ganito ang mangyayari kapag gagamitin ang sariling zodiac power, iilaw ang mga mata.

Dinamdam ko ang presensiya ng zodiac sign ko, at doon umilaw ang buong paligid. Isang malaking bilog ang nabuo sa buong paligid, bilog na may mga imahe ng zodiac symbols.

"Imposible!" Sigaw ng babae.

Nag-teleport ako sa itaas nilang lahat at mas nilakihan pa ang bilog, pagkatapos ay binitawan ko 'yon tungo sa kanila.

"Hindi!"

Sumabog ang bilog sa buong paligid.

Nanghihina ako, humihingal.

Ngayon ko pa nga lang nagamit ang ability na 'yon, hindi ko alam na ang laki ng damage nun! Nasunog ang buong katawan nilang lahat. Ang cool, a.

Pero nang dahil din doon, iba't-ibang imahe ang lumalabas ngayon sa isipan ko, mga ala-ala ng nakaraan.

"Maging matatag ka Sky, totoong magiging malungkot ang buhay ngunit darating ang araw na tatawanan mo na lamang lahat ng ito," sabi ni mama.

"I know we will forget everyone after we graduate, including us, pero hindi pa dito magtatapos ang pagsasama natin. Magkikita ulit tayo. Hindi man kita makikilala, pero mararamdaman kita," sabi ni Third.

Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa lupa. Bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Aray!"

Napatanaw ako sa buong paligid, madilim na, nasa gitna ako ng kagubatan, umuulan, at nag-iisa.

Ngunit, napakunot ang noo ko sa sarili ko, na tila ba'y nagiging malabo ang paningin at isipan ko.

Nakapagtataka.

Oo nga pala,

"Anong nangyari? Nasaan ako?"


Wala na akong maalala sa nakaraan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top