Chapter 07

Chapter 07

It was almost dawn nung makatulog ako. Hindi ata pwedeng i-consider na tulog iyon—more like nap. Hindi kasi ako makatulog! I kept on thinking about the fact na may chance na pupunta kami sa perya ni Chester later! Although hindi pa sure kasi manghihiram pa siya ng jeep, but at least! So, instead na matulog dahil may work pa bukas, ang ginawa ko ay nagprepare ako ng outfit. Sobrang nagsisi ako kagabi na wala akong dalang maayos na damit! Malay ko ba na pupunta kami sa perya ng crush ko ngayong medical mission? Lahat ng dala ko ay maluwag na pants lang and comfortable shirt. I suddenly yearned for my wardrobe in Manila!

"Good morning," bati sa akin pagdating ko sa dining area kung nasaan iyong food.

"Good morning," I greeted with a smile on my face.

"Namamaga mata mo."

"Yeah..." sagot ko na lang kasi there's no denying that dahil kahit ako nakita ko kanina sa salamin! Sana lang hindi ko makita si Chester ngayon dahil baka isipin niya na hindi ako nakatulog dahil sa lakad namin mamaya. But sobrang impossible na hindi kami magkita dahil maliit lang naman iyong place.

But, still, to avoid him (at least this morning), I quickly grabbed my breakfast at naglalakad na ako palabas nung mapahinto ako dahil literal na nakasalubong ko siya.

"G-good morning," I said and then forced myself to stand properly.

"Morning," he greeted. "Ano'ng breakfast?"

"Uh... I think tapa?" I replied. "Not sure if iba-iba."

Tumango siya. "Okay."

Okay... Should I stand here? Should I ask him? Pero ano ang itatanong ko sa kanya? But I was not able to formulate a question dahil biglang may nag-excuse me sa amin dahil nakaharang pala kami sa daan.

"Nakausap ko na si Kuya," bigla niyang sabi habang nakatayo kami sa may gilid ng pinto. Nandoon pala kasi kami sa harap ng pinto. Umagang-umaga. Ang liwanag. Kitang-kita ko iyong buong mukha niya. Parang biglang luminaw iyong mata ko lalo. Wala siyang pores! I mean, not surprising dahil wala atang pores ang pamilya niya. But he looked really neat! Maybe he's one of those people na malinis sa katawan but madumi sa gamit? I mean... if we're meant to be, ako na lang ang maglilinis for him. He'd be doing me a huge favor because I love cleaning. Kaya nga minsan tinutukso ako ni Iñigo na may mga dumi daw na ako lang ang nakakakita, e.

"Oh... Did he agree?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Basta daw palagyan ng gas pagbalik," sabi niya. "Tanong na lang tayo mamaya kung saan gas station."

My heart was beating loudly inside my chest. Hindi ko alam kung bakit ganon! Instinctively, I took a step back dahil baka marinig niya iyon kahit alam ko naman na impossible. Pero dahil sa ginawa ko, kumunot ang noo niya. I just smiled at him.

"Okay," sabi ko habang humihinga nang malalim. "So... after work?"

Tumango siyang muli. "Kita tayo ng mga 5:30?"

"Hindi 5?" sabi ko.

"I assume tutulong ka pa magayos ng gamit?"

I blinked. "Oh... right," sabi ko kahit medyo namangha ako na parang alam niya kung ano ang gagawin ko right after. Nakaka-guilty naman kasi talaga na bigla na lang akong umalis kahit na may mga tao na nag-stay pa para magayos ng gamit. Saka sandali lang naman magayos and it wasn't as if pinagbubuhat nila ako ng mabigat na gamit—the most I do was to stack the chairs.

"Sa likuran daw nakapark 'yung jeep," sabi niya. "Kita na lang tayo 'dun?"

"Okay," sabi ko. Bibilisan ko na lang tumulong kasi babalik pa ako sa room para magpalit ng damit. Ayoko naman na iyong suot ko maghapon iyong isusuot ko mamaya. Saka kailangan ko pa magretouch. Alam ko naman na hindi 'to date, but still! I wanted to always look presentable in front of him.

After that, nagpaalam na si Chester dahil kakain na siya ng breakfast. Gusto ko sana hintayin siya para sabay kami kumain, pero nakita ko na may kausap siya habang kumukuha ng food kaya naman lumabas na ako at doon ako kumain. Tapos nun, nagsimula na ulit iyong checkup. It was a busy day, but every chance I got, tumitingin ako sa gawi niya. Minsan natatawa ako sa itsura niya kasi halata sa kanya kapag nakakunot iyong noo niya. Since internist siya, puro matanda mga patients niya. Alam ko naman na karamihan sa kanila makulit talaga kausap. He looked like he was frustrated, pero hindi naman galit. Makikita mo na kukunot iyong noo niya pati kilay. And then you'd see him pause, take a deep breath, and then explain again whatever he was explaining.

"Gracey," sabi sa akin ng katabi ko.

"Yeah?"

"Halata ka."

"Huh?"

"Kanina ka pa nakatitig kay Chester."

Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata. "What? Sobrang halata ba?" I asked because I wasn't one to shy away naman sa pagkaka-crush! Kilala nga ako sa hospital as someone who goes on a lot of date. Bakit ba? Excited na ako makilala ang true love ko, e! And as long as single naman iyong mga ka-date ko, I see no problem.

Tumango siya. "Matutunaw na, e."

I wrinkled my nose. "Ang cute niya, e."

Tumawa siya. "Ngayon mo lang na-crush-an?"

"Ngayon lang kami nagkausap talaga," I replied.

"Oh? Laging nasa hospital 'yan, e. 'Dun na ata nakatira," she said. Kumunot iyong noo ko. I wanted to ask more about what she said, but hindi ako nakapagtanong pa dahil dumating na iyong next patients ko, so I focused my attention on them.

* * *

"Gotta go," mabilis na sabi ko bago naglakad pabalik sa room ko. I quickly helped stacking up the chairs tapos ay nagpaalam na ako sa kanila. I took a quick halfbath tapos ay sinuot ko na iyong damit ko na ni-ready ko na kagabi pa. I wore my white faded denim pants and plain white shirt na naka-tuck-in. Sinuot ko rin iyong white shoes ko. Sana hindi umulan para hindi mabasa sa putik. Because I knew that we're going out tonight, naka-bun iyong buhok ko the whole day, so tinanggal ko na lang siya ngayon for wavy effect. And of course, nagpabango ako. Buti na lang lagi akong may dala na pabango.

Before ako umalis sa room ko, tumingin ako sa salamin to check. Okay naman iyong itsura ko, but definitely not what I would've wore kung may option ako. But this would do.

Kinuha ko iyong YSL sling bag (na 'donation' ni Mama galing sa collection niya. I couldn't buy this with my current salary!) ko at saka lumabas na. Mabilis akong naglakad para makapunta sa likod pero natigilan ako nung makita ko si Chester from afar. He was riding in the driver's seat. It looked like he was checking if everything was in order. It was... so nice to watch him. I hope hindi ako mukhang stalker sa ginagawa ko. But I wanted to watch him even for just a few seconds. It was like he was trying to practice drive para ma-make sure na kaya niya i-drive.

Pero napatingin siya sa gawi ko. Nanlaki iyong mga mata ko. Umayos ako ng tayo. Sana hindi niya nakita na nakatingin ako! Nakakahiya na talaga ako sa paningin niya siguro.

"Pinapanood mo ba ako?" he asked nung makalapit ako.

My eyes widened for a split second. "What? Hindi, ah," sabi ko.

"Okay..." he said while looking at me like he didn't even believe for one second iyong sinabi ko.

"Uh... okay na ba iyong jeep?" I asked.

Tumango siya. "Tinry ko i-drive kanina. Okay naman," sabi niya.

"Oh. Okay, then," sabi ko tapos ngumiti. "Alis na tayo?"

Tumango rin siya. "Seatbelt, please."

I wore my seatbelt. Nagsimula ng mag-drive si Chester. I kept on biting the inside of my mouth kasi if hindi, sure ako na nakangiti lang ako buong byahe! I mean, this wasn't a date, but compared to all the dates I've been to? Mas kinikilig pa ako rito!

"May preference ka ba?" he asked. "Sa pagkain?" tanong niya. "Para pagdating natin 'dun."

"Uh... no naman. Kahit ano," sabi ko. Saka hindi naman ako pwedeng maging choosy kapag nasa medical mission ako. I'd eat whatever was offered to me as long as hindi ako allergic.

"Fast food, okay lang?"

"Yup. If meron," sabi ko.

"Meron ako nadaanan nung papunta ako," he said. His eyes were on the road. Sabi niya isinama niya ako dahil ako iyong may alam nung daan, but by the looks of it, mukhang hindi niya naman ako kailangan dahil dire-diretso lang siya sa pagda-drive. It looked like kinausap niya na si Kuya kanina for directions dahil alam niya kung saang part liliko and whatnots.

The ride was quiet but comforting. Ang lamig nung hangin. Ang saya sa feeling kahit wala namang nagsasalita sa aming dalawa. It's like we didn't need to talk for me to be entertained. Just by simpling sitting beside him, okay na ako.

Delikado na nga talaga gaya ng sinasabi ng mga tao sa paligid ko—confirmed.

"Hindi ba nakakapagod?" I asked nung nagpark na kami doon sa may bandang simbahan. Halos one hour din kasi iyong byahe. Nung ako kasi nagdrive nung manual before, nangalay talaga iyong paa ko.

"Hindi naman," he replied. "Sanay na 'ko."

I just nodded. Lumabas na kaming dalawa. Doon ko lang nakita iyong suot niya. He was wearing a brown cargo shorts, black shirt, and black sliders. He looked so casual! Sana nagshorts na lang din ako kung meron lang akong dala, e.

"Doon ata 'yung fast food," sabi ni Chester habang nakaturo sa other side nung simbahan.

Naglakad kaming dalawa. Kita ko na pinagtitinginan si Chester nung mga kabataan. I mean... I get it. If teenager din ako, for sure kikiligin din ako kay Chester, e! And I mean, he's so cute! Mukha siyang bida sa Kdrama dahil singkit siya, maputi, and matangkad. Tapos doctor din siya! Makalat lang siya, but I mean... nobody's perfect, right?

Lord, sana ito na! Ready na ako sumaya!

Pagdating namin sa fast food, sabay kaming pumila. Kinikilig talaga ako kahit nakatayo lang naman kami na magkatabi! Wala namang dahilan, pero kilig na kilig ako. Ito na ba iyong sinasabi nila Rhys na if you know, you know?

Chester ordered two pieces of chicken plus extra rice. I ordered one piece chicken and rice lang. After nun, doon kami naupo sa vacant spot sa gilid. I suddenly felt conscious kasi nakaupo kami ngayon sa isa't-isa.

"Safe naman?" he asked.

"Alin?"

"Rides," sagot niya. "May nakita akong ferris wheel."

"Gusto mong i-try?"

He nodded. "Kung safe."

"I think safe naman."

Tumango siya. "Tignan natin mamaya."

"Okay."

"Ano pa meron dun?"

"Hindi ko sure," sabi ko kasi hindi ko pa rin naman napupuntahan. "But usually, may octopus, caterpillar—"

"Puro hayop?"

I shrugged. "Hindi naman ako nagbigay ng pangalan," sabi ko sa kanya and he nodded. Grabe... sobrang sheltered ba niya na hindi niya talaga alam iyong mga ganito? Kung sabagay... ang alam ko bata pa sila nung namatay Mama nila, e... Busy din siguro si Tito sa business nila kaya walang alam si Chester sa mga ganito. I suddenly felt sad as I imagined a kid version of him na walang childhood memory kagaya ng pagpunta sa perya or theme parks...

"Mayroon ding horror house."

"Nakakatakot?"

I shrugged again. "I'm not sure..." sabi ko kasi nung pumupunta kami dati dito, si Iñigo pa iyong nananakot sa mga nasa loob ng horror house, e—like siya pa iyong manggugulat 'dun sa mga dapat manggugulat sa amin. Pero kasi siraulo naman 'yong si Iñigo.

Nung ready na iyong food namin, si Chester iyong kumuha. Buti na lang wala siya kaya nakangiti ako nang maayos! Kinikilig talaga ako! Ano kaya ang pwede kong gawin na reason para makakuha ako ng selfie namin for tonight? Gusto ko kasi ng picture to remember this night!

"Thank you," I said habang nilalagay niya iyong food sa harap ko. We ate in silence. Ang bilis niyang kumain. Nasa half pa lang ako nung food ko, pero tapos na siya. Buti hindi siya nabulunan.

Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa perya. Buti na lang talaga walang ulan kasi mase-stress talaga ako kapag puro putik iyong white shoes ko.

"Saan na 'yung mananalo ng baso?" he asked.

Natawa ako sandali. "Akala ko hindi mo alam kung ano ang gagawin mo sa baso at plato?"

He shrugged. "Pamalit."

"Sa may hagisan ng barya 'yon," sabi ko sa kanya. "But if magta-try tayo ng rides, I suggest na iyon muna para if manalo, wala tayong bitbit."

"Okay," sabi niya.

Habang naglalakad kami, mas lalong dumami iyong mga bagets na tumitingin kay Chester—iyong iba ay tinuturo pa siya. Mukhang hindi pansin ni Chester or sanay na siya. Either way, patingin-tingin lang siya sa paligid. So cute! He's like a kid na first time makapunta sa mall!

"Alin maganda unahin?" he asked.

"Uh... octopus?" sabi ko sa kanya. "But kailangan kumapit nang mabuti," dugtong ko because I still remember like it was yesterday na parang muntik na matanggal iyong ulo ko muna sa katawan ko dahil sa sobrang lakas ng hangin. I told myself na never na ako uulit doon, yet here I was, in the line para bumili ng ticket!

"Ako sa gilid," sabi ni Chester nung mauupo na kami. He was observing kanina and napansin niya siguro na iyong nakapwesto sa inner side iyong nasisiksik. Tsk. Small gestures talaga!

Nung nakasuot na sa amin iyong safety, nakahawak na ako nang mahigpit. Huminga ako nang malalim.

"Oh, my god, I'm so sorry!" malakas na sabi ko dahil ang ingay dahil sa sigaw ng mga bagets sa paligid namin. Sobrang nakasiksik na ako sa side niya dahil sa paggalaw nung ride!

Ang bango-bango niya! It was like half na parang mamamatay na ako dahil sa lakas ng hangin, but the other half of me was enjoying this life threatening experience! My gosh! Iyong buhok ko pa ay nasa mukha ko na lahat. Halos hindi na ako makakita. I kept on trying na hawiin iyong buhok ko, pero hindi ko magawa dahil hindi ako makabitaw sa pagkakahawak sa railing.

My eyes widened nung biglang akbayan ako ni Chester. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya, but then bigla niyang inilagay iyong kamay niya sa may mukha ko at saka hinawi iyong buhok ko.

'Gracey, ito na yata 'yon!' I managed to tell myself amidst everything that was happening!

The ride lasted for like three minutes. Feel ko ay mukha na akong bruha dahil sa buhok ko, but it was still a fun ride dahil siksik na siksik ako kay Chester the whole time. Mukha namang okay lang sa kanya dahil wala naman siyang sinabi.

"Thank you," I said nung sadly ay huminto na iyong ride. Chester, being a man of few words sometimes, just gave me a shrug as a response. "What?" I asked nung makababa na kami. He pursed his lips like he was stopping himself from laughing. Napahawak ako sa buhok ko and remembered na mukha nga pala akong bruha.

I frowned. "I forgot na itali iyong buhok ko."

"Pwede ba 'to?" he asked habang tinatanggal niya iyong bracelet niya. Lagi niyang suot iyon—alam ko kasi nga lagi ko siyang tinitignan.

"No, it's fine," I said as I tried to tame my hair.

"Balik mo na lang sa 'kin," he replied as he offered me his bracelet.

"Thank you," sabi ko sa kanya. I was telling my heart to calm down! Nakaka-isang ride pa lang kami, pero ganito na ako. Chester stood and waited for me as I tied my hair.

"Saan tayo next?" he asked nung matapos ako. "Horror house?"

I nodded as I excitedly walked towards the horror house—inilagay ko rin sa bulsa ng pants ko iyong ticket. If wala akong selfie tonight, ito na lang ang remembrance ko. And sana may manakot sa akin para magka-reason ako para kumapit sa kanya!

**
This story is already at Chapter 12 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top