Chapter 4

REX

"For you." nakangiti kong sabi sabay abot kay Luna ng kahon. Lumiwanag naman ang kanyang mukha at ngumiti ng matamis. Narito kami ngayon sa condo niya, pinapunta niya kasi ako rito.

"Aww, thank you, babe. I love you." hindi mapaliwanag ang sayang nakikita ko sa mga mata niya. Iba ang kislap noon, na mas lalong nagpasaya sakin. Masaya akong masaya siya, lalong lalo na't mamatay siyang masaya.

"Happy monthsary, babe." nakangiti ko paring bati.

Oo, isang buwan ng naging kami. Walang may alam, kaming dalawa lang. Ok lang naman yun sakin, basta ang alam ko ay mahal ko siya. At mahal din niya ako, yun ang sabi niya.

I never believed her. I saw her kissing with Jason, isang varsity player, last day. At gusto ko, ako lang. Dapat, ako lang.

Ayoko sa lahat ay ang sinungaling.

Yinakap niya ang mga braso ko. "Akala ko pa naman, nakalimutan mo eh."

Hinarap ko siya sakin. Habang tumatagal na nakikita ko ang pagmumukha niya ay nawawala na din ang pasensya ko at gustong gusto ko na siyang giitan ng leeg. "Open it."

Ngumiti naman siya ng matamis at mabilis na tumango tango.

Pabebe ampota.

Binuksan niya ang kahon at bahagya pang nabitawan ng makita kung ano ang nasa loob niyon. Napasapo siya ng bibig, nagsimula na ring manginig ang mga kamay niya. Iiling iling siya habang dahan dahang humahakbang paatras, nakatingin parin sa regalo ko.

"I take Jason's heart for you. It's all yours now." sabi ko. Akala ko magugustuhan niya. "A simple thank you will do."

"W-what did you d-do?" she asked trembling, her voice fading.

Nakaramdam ako ng inis. Kailangan ko pang pasukin ang bahay nila Jason para makuha lang yan tapos hindi naman pala niya magugustuhan. "Akala ko ba gusto mong makuha ang puso't kaluluwa niya? Sinabi mo pa yun sakanya nung isang araw diba? Imposible namang makuha ang kaluluwa niya kaya puso niya nalang ang kinuha ko."

"Also, you don't mind if i ate some parts of his brain, right?" dagdag ko pa dahilan para gulat niya akong tingnan at mabilis na umiling iling. Tatakbo na sana siya pero mas mabilis ako dahil nahugot ko kaagad iyong baril sa bulsa ko at mabilis siyang binaril sa ulo.

Gusto ko pa sana siyang pahirapan para naman sana memorable ang pagkamatay niya pero she left me no choice. Not my fault.

Nilapitan ko siya. May butil ng luha ang nagbabadyang tumulo sa mga mata niyang ngayon ay nakapikit, at mabilis kong binaril ang kaniyang mata. Ayoko sa lahat ay makita siyang umiiyak.

"I love you, babe." sabi ko habang nakangiti at hinalikan siya sa noo.

Hayaan mo, Luna. Magkikita din tayo sa impyerno. Doon, ipapakilala kita sa mga magulang ko. Soon, babe. Soon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top