Chapter 3

JESSY present, July 2020

'Rex Villanueva, 17 years old. Suspected of killing and eating his own parents. Was now under police' wanted list.

June 18, 2019'

"Hi babe." rinig kong wika ni Ashton, boyfriend ko, dahilan para matigil ako sa pagbabasa nitong article na ito at mapalingon sakanya.

"Hey." nakangiti kong sagot at tsaka bumaling sa laptop para magbasa ulit. Lumapit naman siya sakin at ginawaran ako ng halik sa noo. Bumaling din siya sa laptop at marahan pang binasa iyong article na binabasa ko.

Nakita ko pa kung paano kumunot ang noo mula sa gilid ng aking mata. Napalitan rin agad iyon ng ngisi. "Again with your investigations, huh?"

I chuckled on that. "Yeah. I overheard mommy and daddy's conversation. May narinig akong 'Rex Villanueva' kaya ito."

Narinig ko pang tumawa ng mahina si Ash pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Kumuha siya ng upuan at itinabi iyon sakin tsaka umupo. Inilabas niya ang cellphone niya at naglaro ng kung ano.

Bata pa lamang ay nahilig na ako sa misteryo. Ang mommy ko kasi ay isang pulis at si daddy naman ay isang imbestigador. Gusto kong sundan ang mga yabag nila, not because they wanted me to, kundi dahil iyon talaga ang pangarap at hilig ko.

"Rex Villanueva? I knew that guy." narinig kong sabi ni Ash dahilan para lingunin ko ito. Inosente itong nagpapalit palit ng tingin sa laptop at sakin habang nagkakamot ng ilong. "I saw him on tv last year."

Pinukulan ko ito ng masamang tingin. "And you didn't even bother to tell me?"

He chuckled on that. "I knew once i tell you about him, you would search all over the internet about him, katulad ngayon."

"Whatever you say." sabi ko and rolled my eyes on him. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.

Nageenjoy ako sa pagbabasa ng comments ng may nakaagaw saking atensyon. Comment din siya, a long one. It was posted twenty one hours ago, which is odd, for me, at least. Wala na kasing masyadong pumupuna sa isyung ito, this issue died months ago.

"Look, babe." pagaagaw ko sa atensyon ni Ashton habang nakatingin padin sa comment na iyon.

'Alam kong late na ako at matagal na ding patay itong isyung ito, pero gusto ko lang ibahagi ang experience ko at ng bestfriend ko patungkol kay Rex Villanueva:

Meron akong matalik na kaibigan, si Luna. Sikat siya sa school dahil sa kanyang angking kagandahan at katalinuhan. Sanay na itong makatanggap ng mga love letters mula sa mga secret admirers niya pero isa lang ang pinapatulan nito. Isa lang.

At iyon yong secret admirer niya na palaging kulay maroon ang envelope kapag magpapadala ng sulat. At alam ko, nahulog na si Luna para sa lalaking ito.

Long story short, niyaya niya akong magovernight sa condo niya, pumayag naman ako. Nabuksan ko agad iyong pinto niya dahil may duplicate key ako ng condo niya. Pero iba iyong bumungad sakin. Ang katawan ni Luna, nakabigti at hubot hubad.

Nakabukas ang kanyang katawan, nawawala ang mga laman loob na tila ba'y kinain dahil may naiwan pading mga 'karne' ni Luna sa baba. Punong puno din ng dugo ang paligid. Ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang nakasulat sa wall na pangalan, gamit dugo, and it was Rex.

May nakita din akong envelope na maroon sa floor, alam kong galing iyon sa secret admirer niya. Pinulot ko yon at binasa. Hindi ko maaring sabihin ang nilalaman ng sulat na iyon pero ang nakalagay sa pinakahuli ng sulat ay:

'Your flesh tastes so good.

Your secret admirer,

Rex.'

P.s: Ayokong magassume kasi maraming 'Rex', pero i do think so na siya ang may gawa nito sa bestfriend ko.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top