FINALE
FINALE
Sabrina Briones
"Pwede ko bang maistorbo ang Prinsesa ko?" Napalingon ako nang makita ko sa salamin si Dad at si Mom sa may pinto ng kwarto dito sa hotel. Ngumiti ako, lumapit sila sa akin at pinagmasdan nila akong mabuti, si Mommy umiiyak buti nalang at waterproof ang make up niya.
"Mom, h'wag ka na umiyak." Sabi ko, pati tuloy ako umiiyak na.
"Masaya lang ako anak, ikakasal na kasi ang panganay ko." Bulong ni Mom saka niyakap ako, hindi ko na din napigilan naiyak na rin ako.
Humiwalay sa akin si Mom, si Dad naman kahit hindi niya ipakita na naiiyak siya, yung mata naman niya medyo mamasamasa.
"You're so beautiful my princess. I remember your mom nung kinasal kami, ganito din siya kaganda sa paningin ko. Sobra sobrang ganda." Sabi ni dad at napansin kong pinunasan niya ang gilid ng mata niya sa loob ng eyeglass niya, malabo na rin kasi ang mata ni dad kaya nagsasalamin na siya.
"Anong ibig mong sabihin?! Ang panget ko na?!" Hiyaw ni Mom, dahilan para matawa kami ni dad. Hinapit ni dad si mom sa bewang.
"No, ano ka ba naman Samantha, kahit gaano karami pa yang puting buhok mo ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin." Pambobola ni dad kay mom, natatawa ako sa kanilang dalawa, medyo may puti na rin kasi ang buhok nilang dalawa. Pero mukha pa rin naman silang mga bata eh.
"Ewan ko sayo Mario." Sabi ni mom sa kanya, tumawa lang si Dad.
Humarap saakin si Mom.
"Basta tandaan mo anak, kahit kasal ka na nandito pa rin kami ng daddy mo. Kapag may problema ka hindi kami mapapagod makinig sayo. Yang pag aasawa hindi yan basta basta matatakasan anak, kaya sana maging matatag kayong dalawa ni Michael, okay?" Payo ni mom.
"Yes Mom, thank you po." Niyakap ko silang dalawa.
"I love you dad, mom."
"I love you too anak." Naramdaman ko ang magkasabay na paghalik nila sa ulo ko.
"Naku ang buhok mo, baka magulo." Pag aalala ni mom.
Biglang pumasok si Shane at Shara. Nakatuxedo na si Shane at sobrang gwapo niya, si Shara naman ang ganda niya sa gown na baby blue. Baby blue kasi ang theme ng kasal namin ni Michael.
"Hoy! Ikakasal ka na. H'wag ka ng isip bata." Ang ganda ng bati sa akin ni Shane, pero nakakatuwa kasi kahit ganyan siya alam kong mahal niya ako.
"Oo na." Natatawang sabi ko, 3rd year college na si Shanne.
"Ate ang ganda mo." Manghang sabi ni Shara.
Lumapit ako sa kanila, niyakap ko silang dalawa.
"Ate, kapag sinaktan ka niya ulit sabihin mo lang sa akin." Seryosong bulong niya, napangiti na naman ako.
__
Michael Cando
"Daddy! Magkamukha talaga tayo!" Sabi ni Kyle habang nilalagyan ng wax ang buhok niya, napapangiti nalang ako sa anak ko dahil kung umasta siya kala mo binata na.
Pareho kami ngayong nakaharap sa salamin, nakatuxedo na kaming pareho. Buhok nalang ang inaayos ni Kyle, ako naman itong necktie ko, kanina ko pa 'to paulit ulit na inaayos pero hindi ko maayos, kinakabahan kasi ako eh.
Parang mas triple pa yung kaba ko ngayon kesa nung araw na hinarap ko si Tito Mario para humingi ako ng sorry, huminga ako ng malalim.
Damn, ganito ba talaga kapag ikakasal? Hindi ako mapakali, paano nalang kung magbago yung isip niya?
"Michael?" Napalingon ko kila mama at papa, kasama rin nila si Michelle.
"Ang gwapo natin ah!" Bati ni Michelle kay Kyle.
"Syempre! Mana sa akin yan!" Pagyayabang ko.
"Sus mana ka diyan." Natatawang sabi ni Michelle.
"Oh ano? Hindi ka pa ba tapos? Dapat mauna tayo sa simbahan." Sabi ni papa, sa tuwing pagmamasdan ko si papa ay hindi ako makapaniwala na head talaga siya ng isang secret interpol, punong puno ng misteryo pala si papa.
"Hindi ko po kasi maayos 'to eh. Samantalang dati ang dali dali lang." Sabi ko saka humarap ulit sa salamin, samantalang nung nasa Paris ako saglit ko lang 'to maayos.
Lumapit sa akin si mama tapos hinarap niya ako sa kanya, hinawakan niya yung necktie ko tapos siya na nag ayos.
"Kinakabahan ka." Nakangiting sabi ni mama habang inaayos ang necktie ko.
"Siguraduhin mong hindi mo sasaktan si Sabrina, anak irespeto mo ang asawa mo, h'wag na h'wag kang mambababae, yan ang pinakamasakit na magagawa mo sa kanya." Sabi ni mama, napatingin naman ako kay papa, tumango naman siya bilang sang ayon sa sinabi ni Mama, naikwento kasi kahapon sa akin ni Papa kung paano niya nasaktan si mama noon at hanggang ngayon sobrang pinagsisisihan daw niya ang ginawa niyang yo'n. Nagpapasalamat na rin daw siya kay mama dahil binigyan daw siya nito ng napakaraming pagkakataon.
Kaya siguro panay ang sabi sa akin noon ni papa na isa lang dapat ang mamahalin ko. Hindi ko naman lolokohin si Sabrina eh, baka mapatay ko pa ang sarili ko kapag ginawa ko yo'n. Ayokong makitang umiiyak siya, masakit yon para sa'akin sobra.
Isinara ko na ang butones ng tuxedo ko nang maayos na ni mama ang necktie.
"Wooh!" Sigaw ko. Narinig ko namang tumawa sila Michelle, grabe talaga yung kaba ko!
__
Sabrina Briones
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong naglalakad na ako papunta sa altar habang hawak ni Dad ang kamay ko na nakasabit sa braso niya at kay mom. Nasa harapan na ang lalaking mahal ko at ang kapatid ko na si Shane at ang best friend kong si Nathan. Best man kasi ni Michael si Shane at Nathan. Napahigpit ang kapit ko kay dad nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.
~~Sir, I'm a bit nervous
About being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bear with me please
If I take up too much of your time. ~~
"I can't believe na hinahatid na kita ngayon sa altar, sobrang bilis ng panahon anak, samantalang dati nakikipaglaro ka pa sa akin." Bulong ni dad, pero diretso lang ang tingin niya sa altar at nakangiti siya.
"Dad, h'wag mo na akong paiyakin." Biro ko pero huli na kasi tumulo na angluha ko.
"Malay mo umatras ka pa sa kasal anak, totoo nga ang sinabi ng Lolo mo sa Mommy mo nung araw ng kasal namin. Sobrang hirap bitawan ang kamay ng anak kapag ikakasal na at heto ako ngayon humihiling na sana maging bata ka nalang ulit, pero syempre hindi naman pwede yo'n. Mabuti nalang at mabait yang si Michael, kaya lang pasaway, takasan daw ba ako sa hagdanan nung nag aaral pa kayo." Natatawa ako kay dad pero kasabay non ang pag iyak ko.
"Mario ano ka ba h'wag mo ngang paiyakin si Sabrina." Bulong ni mom.
~~Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter~~
"Ano ka ba Samantha, parang hindi ka umiyak nung araw ng kasal natin ah. Humahagulgol ka pa nga no'n." Pang aasar ni dad kay mom.
"Tumigil ka nga." Naiinis na sabi ni mom, God, thank you dahil binigyan mo ako ng magulang na kagaya nila.
Habang papalapit kami ng papalapit sa altar mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko kasabay no'n ang pag iyak ko. Nginitian ako ni Shane at ni Nathan, si Michael naman niyakap si mom, nakahawak pa rin ako sa braso ni Dad, tinignan ako ni Michael at pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig at ngiti niya sa akin.
"Kagaya ng usapan natin, ako mismo ang naghatid sa Prinsesa ko dito sa altar. Tandaan mo young man kapag sinaktan mong ulit ang anak ko, hinding hindi mo na siya makukuha sa akin." Nakangiting paalala ni dad.
"No Sir, hindi ko siya sasaktan. Bubusugin ko lang ho siya ng pagmamahal!" Sumigaw si Michael sa loob ng simbahan dahilan para magtawanan yung mga guest.
"GO DADDY!! I LOVE YOU LOVE!!! IKAW ANG PINAKA MAGANDA SA LAHAT NG BABAE DITO!!" –Sumigaw din si Kyle na nakatayo rin sa tabi ni Shara at Michelle, lalong nagtawanan yung mga guest, nagpalakpakan pa sila.
"Wala eh! Anak ni Michael yan kaya ang lakas mambola!!" Sigaw ni Nathan habang tumatawa pa.
May pagmamanahan talaga ang anak ko.
Tumawa rin si dad, hinalikan ako ni Mom sa pisngi, tapos si dad niyakap ako at hinalikan ako sa noo.
"Hindi kita ibibigay sa kanya anak, dahil kahit kasal ka na, anak pa rin kita. Daddy mo pa rin ako at prinsesa pa rin kita." Maluha luhang sabi ni dad.
"Daddy naman." Umiiyak na bulong ko.
"Thank you po, dad." Seryosong sabi ni Michael nang makuha na ang kamay ko.
Sobrang gwapo ni Michael sa suot niyang tuxedo, mas lalo pang nagpalakas ng appeal niya yung buhok niya. At ngayong nakahawak na ako sa braso niya, amoy na amoy ko ang pabango niyang kilalang kilala na ng ilong ko.
Nginitian niya ako.
"Sobrang ganda mo, pwede bang honeymoon na agad?" Natatawang bulong niya sa akin, pabiro ko naman siyang hinampas.
"Tinatanggal ko lang ang kaba ko." Nakangiting sabi niya, kinakabahan siya? Parang hindi naman.
Pero naririnig ko ang sunod sunod na paghinga niya ng malalim para ngang may nakabara sa lalamunan niya. Napapangiti ako.
Nagsimula na ang kasal namin.
"Dearly beloved, we are gathered together here in the sight of God, and in the face of this company, to join together this Man and this Woman in holy Matrimony—"
Napatingin ako kay Michael nang hawakan niya ang kamay ko, nakangiti lang siya, sobrang saya ng itsura niya ngayon..
"Michael, do you take Sabrina to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"
Ngumiti si Michael at tinignan ako.
"I do." Hndi nawala ang ngiti niya habang sinasabi niya yon.
"Sabrina, do you take Michael to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?"
"I do." Sagot ko.
Matapos ang ilang mga sinabi pa ng pari dumating na sa wedding vows. Hawak hawak na ngayon si Michael ang kamay ko at nakatutok sa daliri ko ang wedding ring namin.
"Love." Simula palang ng sasabihin niya naiiyak na ako, ano ba yan. Pero kasabay ng pag iyak ko ang pag ngiti ko ng bigla siyang kumanta.
"My eyes adored you , though I never laid a hand on you, my eyes adored you, like a million miles away from me you couldn't see, how I adored you." Tumigil siya pagkanta at tinignan niya ako sa mata, kumikinang yung mga mata niya at yung ngiti sa labi niya hindi ko ma-explain, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya at hindi ko mapigilan ang puso ko sa pagkalampag ng sobrang lakas.
"Wooh! Kinakabahan ako ang hirap pala nito." Natatawang sabi niya saka tumingin kela dad.
"Ayusin mo yan!" Sigaw ni dad at nagtawanan sila mom. Tumawa naman si Michael.
"We have already been through a lot together, and I believe that God has been preparing us for this moment and for our future together."
Sandali siyang tumigil pagsasalita, dun ko lang napansin na umiiyak siya habang nakangiti.
"Sabi nga sa isang palabas, you complete me. Gusto ko rin sabihin sayo na, love. Sabrina, you complete me, para ngang ikaw na yung oxygen ko eh. Paano hindi ako makahinga ng maayos kapag wala ka." Kahit na naiiyak siya sinasabayan niya pa rin ng pagtawa ang pagsasalita niya.
"Yiiiieee." Pang aasar ng mga guest sa amin. Pero sa kanya lang ako nakatingin.
"Alam mo ba nung sinabi ko sa Daddy mo na mahal na mahal kita, ang sagot niya sa akin. Mas mahal ka daw niya. Pero, ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang mapantayan ang pagmamahal na 'yon." Wala na, narinig ko na ang hikbi niya.
"Isuot mo 'tong singsing na 'to, love, hindi lang bilang tanda ng pagmamahal ko sayo, kundi bilang tanda na pag aari mo ako.My body, my mind, my heart, even my soul, everything that is me belonged to you long before this, and it shall be yours long after this. I love you and I will never stop loving you, till the day I die." Hinalikan niya ang kamay ko at ipinasok niya sa veil ko ang kamay niya para punasan ang luha ko. Narinig ko naman ang palakpakan nilang lahat at yung kantyawan nila Nathan.
Isinuot ko na kaagad sa kanya yung singsing. Gano'n pa rin yung ngiti niya, sobrang lapad at yung mata niya sobrang nakakainlove ng binibigay niya sa akin na tingin.
"Michael, hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong sabihin kasi nasabi ko naman na lahat diba?" Natatawang sabi ko dahilan para pati siya matawa, napatigil ako when he mouthed those three words.
I love you.
God, hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti para bigyan niyo ako ng lalaking katulad niya. Katulad ni Michael.
"Bata palang tayo gusto na talaga kita at kahit na ilang taon na yung lumipas, hindi nagbago yo'n. Sa katunayan, mas lalong tumindi yung pagmamahal ko para sayo. Thank you for giving me this beautiful wedding. Dati sinasabi kong maswerte ako kasi may mga magulang akong nandiyan kahit na sobrang tigas ng ulo ko, kahit sobrang pasaway ako. Kahit napaaga yung anak kesa kasal hindi nila ako iniwan." Nagtatawanan sila Dad, ewan ko ba bakit sila tumatawa samantalang ako iyak na ako ng iyak.
"Shhh..." Pag aalo sa akin ni Michael, nginitian ko siya.
"Ngayon masasabi kong mas lalo akong sinuwerte, kasi dumating ka sa buhay ko, kasi, sa akin ka pag aari kita. Mahal na mahal kita." Halos ibulong ko nalang yung huling sinabi ko dahil sa pag iyak ko.
Nagpalakpakan silang lahat.
"I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." Nakangiting sabi ng pari.
Humarap muna si Michael kela dad, tumango sila dad at napa-yes naman si Michael, lalong lumakas ang sigawan nilang lahat. Itinaas ni Michael ang veil ko at pinunasan niya ng thumb niya yung luha sa pisngi ko.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko, kasunod no'n ang tungki ng ilong ko.
Napapangiti ako, kasi pakiramdam ko sinasamba niya ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin.
Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.
"I love you, hindi ako mapapagod sabihin sayo yan." Bulong niya and with that naramdaman ko na ang mainit niyang labi sa labi ko.
"WOHOOO!! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!" –Sigaw ni Kyle dahilan para magtawanan kaming lahat.
__
9 months later
Dati iniisip ko kung tama bang mas pinakinggan ko yung puso ko kesa yung utak ko. Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo ko, kasi mas sumasang ayon ako sa puso ko.
Pero sabi nga nila, gawin mo kung anong makakapagpasaya sayo at kung ano ang itinitibok ng puso mo as long as wala kang nasasaktan na tao.
Pagkatapos ng nangyari sa akin, sa amin ni Michael naisip ko na dapat habang pinapakinggan mo yung puso mo, dapat sabayan mo yo'n ng pakikinig sa utak mo. Dahil mas maganda ang kalalabasan kung pareho mo silang gagamitin.
Maswerte ako dahil may mga magulang akong sobrang mahal na mahal ako, kahit na sobrang tigas ng ulo ko, nariyan pa rin sila. Lalong lalo na nung panahon na pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pero sila yung nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa kahit sino pang umiwan sa akin.
"Mommy!" Sigaw ni Kyle habang tumatakbo palapit sa akin. Mabilis siyang yumakap sa akin.
"Love." Tawag sa akin ng asawa ko at hinalikan ako sa labi.
"Mommy binili namin ng gamit si baby Misha!" Masayang sabi ni Kyle saka hinimas ang namimilog kong tiyan.
I'm nine months pregnant, kabuwanan ko na nga ngayon eh.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni Michael habang minamasahe ang pulso ko.
"Yung..." Natigilan ako nang biglang sumakit ang tiyan ko.
"Alam mo love dapat nasa ospital na tayo ngayong buwan na 'to eh, ang tigas kasi ng ulo mo." Napahawak ako kay Michael ng sobrang higpit nang mas lalong tumindi yung paghilab ng tiyan ko!
"Saka Love dapat tigilan mo na yang pagco-cross stitch mo, lalabo ang mata mo.."
"Michael!" Sigaw ko, shit! Feeling ko nabibiyak yung tiyan ko! Ganito ba talaga kasakit? Hindi ko 'to naramdaman kay Kyle dahil CS si Kyle at seven months siya nung inilabas sa akin.
"Nga pala Love bumili ako ng crib kani—" Nanlaki ang mata nilang dalawa ni Kyle nang sumigaw ako!
"SHIT! MICHAEL! MANGANGANAK NA YATA AKO!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top