EPILOGUE
EPILOGUE
Sabrina Briones
"Weee..." Tuwang tuwa si Kyle habang pinapaliguan nila ni Michael si Misha, inaayos ko naman yung mga gagamitin ni Misha.
"Daddy, totoo ba yung sinabi ni Yaya sa akin? Sabi niya dapat daw bago ka gumawa ng isang bagay pag isipan mo ng 100 times? Bakit naman gano'n kadami Daddy? Edi bago ko pa magawa yung isang bagay pagod na yung isip ko sa kaiisip ng isang bagay sa loob ng 100 times!" Reklamo ni Kyle, narinig kong natawa si Michael kay Kyle. Five years old na ngayon ang panganay ko at masasabi kong habang tumatagal mas lalong dumadami yung mga tanong niya. Parang mas lalo siyang nacu-curious. Masyadong malawak na agad yung pag iisip niya, tama nga sila mom iba na mag isip ang mga bata ngayon.
"Hindi gano'n anak. Siguro may point naman si Yaya mo, pero tandaan mo. Hindi lahat ng bagay kailangang pag isipan ng 100 times. Dapat ang isang bagay pinag iisipan mong mabuti kung tama ba ito bago mo gawin. Hindi yung 100 times mo nga siyang pinag isipan pero hindi mo naman naisip kung tama ba ito o mali." Paliwanag ni Michael, aba gumaganon na ngayon ang asawa ko? Napapangiti ako sa pag uusap nilang dalawa.
"Daddy..." Biglang bumulong si Kyle pero rinig ko pa rin yung bulong niya kasi nakabukas ang pinto ng CR.
"Ano 'yon anak?"
"May crush ako sa school. Kaya lang lumipat na siya ng ibang school eh, pero malay mo daddy paglaki namin magkita ulit kami! Popormahan ko na yo'n!" Biglang sigaw ni Kyle, tawa naman ng tawa si Michael! Kinder na kasi si Kyle ngayon.
Mabilis akong pumunta sa cr.
"Oy, oy anong crush crush? Ke bata bata mo pa Kyle ha." Suway ko, biglang tumayo si Kyle at sumaludo sa akin.
"Yes Love! Pero sabi ni daddy ang crush ay paghanga! Which means hindi mahal!" Nanlaki ang mata ko!
"Mahal mahal ka diyan! Limang taon ka pa lang!" Sigaw ko pero hindi naman pagalit.
"H'wag kang mag alala mommy! Hangga't hindi ko pa ulit nakikita yung crush ko, hindi ko pa siya mamahalin! Pag nagkita na kami! Saka ko siya kakantahan ng ~~my eyes adored you, though I never laid a hand on you, my eyes adored you." Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil pilit niya pa talagang ginagaya ang boses ng daddy niya. Si Michael naman tuwang tuwa! Binato ko siya nung shampoo na nakuha ko sa may sink.
"Tuwang tuwa ka pa! Kung ano yung nakikita sayo nung bata ginagaya din niya! Sinasabi ko sayo Michael ha! Ang bata bata pa ni Kyle! Bilisan niyo diyan nalalamigan na si Misha!" Sigaw ko, pero hindi tumigil pagtawa si Michael kay Kyle. Lumabas na ako ng cr.
Hindi naman sa ayokong ginagaya ni Kyle ang Daddy niya, kaya lang may mga bagay kasi na hindi niya dapat gayahin, ang bata bata pa niya at kahit na sabihin pa na matagal pa ang pagbibinata ni Kyle hindi ko maiwasang hindi kabahan, dahil ayokong maranasan niya yung mga nangyari sa amin noon ni Michael.
Maya maya lang ay lumabas na sila sa cr. Buhat ni Michael si Misha at kinakausap pa 'to.
"Ang ganda ganda talaga ng prinsesa ko, manang mana sa mahal na reyna." Nakita ko namang ngiting ngiti si Kyle habang pinapanood ang daddy niya, napatingin sa akin si Kyle at lumapit sa akin. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama, laking gulat ko nang biglang hawakan ng anak ko ang kamay ko.
"Pero walang tatalo sa pinaka maganda sa lahat! Hindi ba ikaw ang mahal na Reyna!" –Nakangiting sabi ni Kyle at nginitian ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pambobola ng anak ko, naku naman ang daming mamanahin kay Michael yun pa.
"Sus, nakita mo na naman yan sa Daddy mo noh!" Sigaw ko saka binuhat si Kyle at hiniga sa kama sabay kiniliti sa tiyan.
"Huwaa! Hahahaha! Mo—mommy! Hahaha! Love!"
"Bolero ka rin ha!" Sigaw ko at kiniliti ko pa rin siya! Sobrang lakas ng tawa niya at sobrang likot niya dahil sa pangingiliti ko!
"Hahaha! Love! Hahaha, stop! Stop! Hahaha!" Napapangiti ako sa tuwing tatawagin niya akong 'Love' pakiramdam ko para rin siyang si Michael. Sana paglaki ni Misha, tawagin rin siya ni Kyle sa endearment na yon. Dahil alam kong magiging masaya si Misha kapag nangyari yon at sana si Kyle kagaya ni Shane, ipagtanggol niya si Misha kapag nasasaktan na ang kapatid niya.
"Mambobola ka pa ha anak?" Itinaas ko ang kamay ko at pinagalaw ang mga daliri ko na parang gagamba, pilit siyang umiilag pero tawang tawa pa rin siya!
"NO!! You're really beautiful mom! Mas maganda ka pa sa crush ko!" Napatigil ako do'n at napangiti. Kahit papaano pala hindi pa rin ako kinakalimutan ni Kyle kahit na may crush na siya.
Biglang hiningal si Kyle pero tumatawa pa rin siya! Nakalimutan kong may hika nga pala siya, mabilis kong kinuha ang nebulizer niya at inilagay sa bibig niya yo.. Hinagod ko naman ang likod niya.
"Sorry baby..." Bulong ko saka hinalikan ang pisngi niya.
"I'm alright mom." Nakangiting sagot niya.
"You sure?"
"Yes!" Bibong sagot niya.
Inihiga naman ni Michael si Misha sa crib at lumapit kay Kyle.
"Strong 'tong panganay ko eh, diba?" Nakangiting sabi niya kay Kyle.
Tumango tango naman si Kyle, hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako para sa kundisyon ni Kyle. Habang lumalaki kasi siya mas lalong sumusumpong yung hika niya at parang hirap na hirap siyang makahinga, sabi naman ng Doctor niya natural lang yo'n dahil sa bagong environment ni Kyle sa school, hindi daw maiiwasan na makipaglaro 'to sa mga bata, kaya naman kaunting galaw lang hihikain na kaagad siya.
"Mom, si baby Misha..." Bulong ni Kyle, humiga siya sa kama habang hawak yung nebulizer niya.
Tumayo ako at lumapit sa crib ni Misha para bihisan na 'to. Sobrang taba ni Misha, ang lakas kasi sa gatas eh! Pero nakakatuwa kasi ang ganda talaga niya, pagkabihis ko kay Misha binuhat ko siya at itinabi ko siya kay Kyle, tumabi naman ako sa gilid ni Kyle, tapos si Michael sa gilid ni Misha.
Nilalaro laro ni Michael ang paa at kamay ni Misha.
"Ang taba taba mo anak." Natatawang bulong ni Michael kay Misha.
Hinawi ko naman ang buhok ni Kyle, tapos na siyang mag nebule at napangiti ako nang tumagilid si Kyle at yumakap sa akin saka sumiksik sa dibdib ko.
Tinignan ako ni Michael.
"Matutulog?" Bulong niya, tumango ako. Nginitian naman niya ako at inabot ng kamay niya ang ilong ko sabay pinisil yon.
"Hey!" Suway ko.
"I love you Mrs. Cando." Bulong niya.
Hanggang ngayon sobrang lakas parin ng pintig ng puso ko kapag sinasabi niya sa akin ang mga salita na yon.
Tinitigan niya lang ako sa mata, parang nangungusap yung mata niya. Tapos yung ngiti niya, sobrang ang lakas ng epekto sa akin.
___
"Love..." Nagising ako nang biglang dumagan sa akin si Michael!
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Nilipat ko na yung mga bata sa kwarto nila." Bulong niya at hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan yon.
Napatingin ako sa orasan sa side table namin, alas kwatro palang ng hapon. Nakatulog na rin pala ako kanina nung natulog si Kyle.
Tinignan ko ng masama si Michael, pero ngumisi lang siya.
"Inaantok pa ako." Sabi ko saka itinulak tulak ko siya sa dibdib, pero nginitian niya lang ako at sinimulan niya akong halikan sa leeg.
"Hmm, Michael..inaantok ako.." Bulong ko, totoo inaantok talaga ako. Dahil kay Misha, palagi kasi siyang gising sa madaling araw tapos sa kinabukasan maghapon siyang tulog. Pero okay lang naman sa akin yo'n.
"Tatanggalin natin yung antok mo..." Pilyong bulong niya at patuloy pa rin sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko. Ipinikit ko nalang ang mata ko at napapangiti ako kapag naririnig kong umuungol siya kahit na halik palang ang ginagawa niya.
"Love..wake up..Come on Love, habang tulog yung mga bata." Bulong niya habang hinahalikan pa rin ang leeg ko.
"Hmm..." Ungol ko narinig kong tumawa siya!
"Ahhh!" Hiyaw ko nang maramdaman kong kinagat niya ako sa leeg! Itinulak ko siya! Tumatawa lang siya!
"Sorry, sige na love, tulog yung mga bata oh, saka five months na eh." Reklamo niya, hinampas ko naman siya sa dibdib niya.
"Five months na ano?!" Hiyaw ko kahit na alam ko na naman kung anong ibig niyang sabihin.
"Alam mo na yo'n, namimiss na kita Love." Natawa ako nang kumunot ang noo niya.
Oo limang buwan na ring walang nangyayari sa aming dalawa simula nang ipanganak ko si Misha.
"Ang hirap kayang manganak."
"I know, kaya nga pangako ko sayo lahat ng paghihirap mo para maisilang ang mga anak natin papalitan ko ng tapat at wagas na pagmamahal." Nakangiting sabi niya at nagpaubaya na ako sa kanya.
We really did explore our feelings for each other, chasing and exploring those feelings was exciting and thrilling.
That feeling was love, we were both young minds, and we had always been impulsive, believing that love could conquer all. Dahil nga sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa hindi ko na naisip na sobrang naging mapusok na rin kaming dalawa. The thrill and excitement of our impulsive love began to feel dangerous, hanggang sa hindi na namin alam kung ano ang dapat gawin.
Yes, love could conquer all, but we should distinguish right from wrong.
Take things one step at a time.
No more impulsive decisions without considering the consequences.
Knowing our limits.
Distinguishing right from wrong doesn't mean we stop exploring what we feel or wish for, it means we learn how to dream and love wiser.
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top