Chapter 32
Chapter 32
Michael Cando
Isang oras na ang lumipas at balisa pa rin ako. Nanginginig ang mga kamay kahit na hawak ito ngayon ni mama. Lahat kami ay magkakasabay na napatayo nang lumabas ang doctor.
"Mr and Mrs. Briones?" Aniya, naglakad palapit sa kanya sila Tita Samantha.
"How is she?" Maluha luhang bulong ni Tita.
"She is fine, but I am really sorry to say this, but the baby was born as a premature baby." Napakunot ang noo ko at napalakad ako palapit sa kanila kasabay ni mama.
"Wh-what?"
"We don't have a choice, the baby was due mid-February, pero kinakailangan naming i-cesarean ang pasyente para mailigtas silang pareho, since buhay naman ang bata sa sinapupunan niya. The baby is 2.5 pounds and 11 ounce, 28 weeks palang ang bata. The lungs are not fully developed at 28 weeks, at ikinalulungkot kong sabihin, the baby also an apnea condition dahil sa maagang pagputok ng panubigan ng ina ng bata and her stomach has been severely injured."
"Apnea?"
"This is a pause in breathing for 20 seconds or more, while the baby is sleeping. It may happen together with a slow heart rate. Although it's normal for all infants to have pauses in breathing and heart rates, those with apnea of prematurity have drops in heart rate below 80 beats per minute, which causes them to become pale or bluish."
Narinig ko ang malalalim na paghinga ni Tita Samantha at ni Mama.
"Nakakatakot ang lagay ng bata, hindi siya maaaring umalis sa ospital hangga't hindi pa niya nakakayanang huminga ng maayos with his own. He may also appear limp, and his breathing may be noisy."
"Anong kailangan nating gawin Doc?" Kalmadong tanong ni Papa.
"Sa ngayon kinakailangan nating ipasok sa neonatal intensive care unit ang bata, it is an intensive care unit specializing in the care of ill or premature newborn infants kagaya ng anak ng pasyente. Dun na muna ang bata hanggang sa maka-recover na siya. H'wag kayong mag alala, gagawin namin ang lahat para gumaling ang bata."
"Hindi ba makakaapekto sa paglaki ng bata yon?" Tanong ni Tito Mario.
"Sa ngayon hindi ko pa masasabi, kailangan muna naming imonitor ang magiging lagay ng bata every day. All we must do is pray."
Hinawakan ng Doctor ang balikat nila Tito Mario at magalang na umalis ito sa harap namin. Dinig ko ang malalim na na paghinga ng bawat isa sa amin.
--
Hating gabi na at lahat kami nandito sa bahay nila Tita Samantha, kailangan daw kaming makausap, kaming lahat maliban kay Shara na ngayon ay tulog na, si Manang muna ang pinagbantay nila Tita kay Sabrina sa ospital, ayoko sanang iwanan ang mag ina ko doon pero kinausap ako ni Papa na kailangan kong harapin ang mga magulang ni Sabrina, dahil kanina nagkaroon silang apat ng pag uusap doon sa coffee shop ng ospital. Isipin ko palang na pag gising ni Sabrina malalaman niya ang lagay ng anak namin, sigurado akong masasaktan siya ng sobra.
Nakaupo kami ngayon sa dining area, kung saan kaharap namin sila Papa at sila Tita Samantha.
"This is not the right time para magsisihan pa tayong lahat." Simula ni Tita Samantha.
"Pero sana manlang, kahit isa manlang sa inyo ay natutong magsalita. Parang tinanggalan niyo kami ng karapatan bilang magulang niyo." Emosyonal pa rin si mama.
"I...I'm sorry, ma. Kung hindi siguro ako tumakas nung gabing 'yon, hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito. Patawarin niyo po ako! Lahat po ito kasalanan ko! Iniligtas lang po ako ni Kuya!" Umiiyak na tangis ni Michelle.
"Dad, wala namang patutunguhan 'tong pag uusap na 'to. Nangyari na, kung hindi lang sana nilapitan nitong Michael na 'to si Ate edi sana hindi nangyayari ngayon 'to! Saka isa pa aalis na rin naman kami ni Ate sa January." Napalingon ako sa sinabi ni Shane, aalis? Lahat sila ay napatahimik at alam kong iniiwasan nila ang mata ko.
"Shane! Mag ingat ka sa pagsasalita mo." Suway ni Tita Samantha!
"Bakit totoo naman diba?!!" Muling sigaw ni Shane sa akin.
"Shane!"
"Mario, h'wag mong sigawan ang bata. Natural lang yan, nag aalala siya kay Sabrina." Sabi ni Mama.
"Walang aalis sa bahay na 'to." Patuloy ni Tito Mario habang nakatingin kay Shane.
Halata naman ang pagkagulat ni Shane sa ibinalita ni Tito Mario, pero ako,mukhang ako lang ang walang alam sa pinag uusapan nila.
"Napag usapan na namin kanina 'to. Hindi na kayo aalis ng Ate mo." Mahinahon na si Tito Mario.
At doon na nagtagpo ang paningin namin ni mama, umiiyak na ito ngayon.
"Dahil ikaw ang aalis Michael."
"Ma, hindi naman yata tamang paalisin niyo si Kuya." Nanginginig ang boses ni Michelle at humawak siya sa braso ko.
"No, Michelle, tama ang Tito Mario mo. We decided to send you in Paris, Michael." Hindi ko alam, pero hindi ko na makuhang sumagot pa.
"Pero Ma ako ang may kasalanan!" Muling sigaw ni Michelle, hinawakan ko ang kamay niya at inilingan ko siya.
"Tama lang. Ikaw ang dapat umalis, hindi kami ni Ate Sabrina."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top