Chapter 27
Chapter 27
Sabrina Briones
"Congratulations, it's a boy!" Nakangiting balita ng Obygyne ko, six months na ang ipinagbubuntis ko, parang kailan lang. Naalala ko nung unang beses kong marinig ang heartbeat ng baby ko, naiyak ako sa sobrang saya at para bang iyon na ang pinaka Magandang musika na narinig ko sa buong buhay ko.
Sobrang halata na talaga ang tiyan ko na nagiging dahilan ng bulungan ng mga estudyante sa university, pero baliwala naman sa akin ang lahat ng iyon dahil ang importante sa akin ay mairaos ko ang sem na ito.
Nalalapit na rin ang pag alis namin ni Shane patungo sa New Jersey, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi iyon kay Michael. Pero mamaya ay balak ko na sabihin sa kanya iyon, nag usap kasi kami na magkikita kami ngayon, tatakas na naman siya kay Gary.
"Magkakasundo kami ng apo ko!" Masayang sabi ni dad, siya at si mom kasi ang kasama ko ngayon sa pagpapacheck up ko.
Hinihimas himas ko ang tiyan ko habang tinitignan ang printed ultrasound ko.
"Sabi nga ni Doctora malaki ang tiyan ni Sabrina, mukhang macho yata ang apo natin! Kasing macho mo Mario!" Natatawang sabi ni mom.
"Syempre kanino ba magmamana yan, kundi sa dugong Briones!" Ani dad.
"Dad naman..." Tumatawang sabi ko.
"Nagugutom ka ba?" Usisa ni mom, umiling ako. Pero ang totoo ay medyo gutom na ako.
"Teka, dito ba kayo magkikita ng kaibigan mo?" Tanong ni dad habang bumubwelong mag-park sa may mall entrance.
"Opo Dad!" Excited na sabi ko, sinabi ko kasi na magkikita kami ng kaibigan ko dito sa mall. Pero si Michael talaga ang kikitain ko, oo na alam ko napakasinungaling ko, pero paraan ko na ito para sulitin ang mga araw habang nandito pa ako sa Pinas.
"Mag ingat ka paglalakad, tumingin ka sa nilalakaran mo hindi yung kung saan saan ka nakatingin! Tumawag ka kapag may problema!" Magkakasunod na paalala ni mom.
"Opo!" Sabi ko, bumaba si Dad at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse saka inalalayan bumaba.
Naka dress ako at bilog na bilog ang tiyan ko.
"Ang panganay ko." Biglang bulong ni Dad at hinalikan ang ulo ko.
"Mag ingat ha." Dagdag pa niya.
Tumango ako at pumasok na sa mall, pagpasok ko palang nakita ko na si Michael na nakatayo sa tapat ng isang fine dining restaurant,naka black siya na damit at naka-shades, ang gwapo niyang tignan, gusto kong maging kamukha ni Michael ang anak namin para kapag namimiss ko siya, titignan ko lang ang baby namin. Nginitian niya ako at mabilis siyang lumapit sa akin! Kinuha niya ang shoulder bag ko at binitbit niya iyon, nakahawak ang kanang kamay niya sa bewang ko na parang inaalalayan niya akong maglakad.
"Dahan dahan sa paglalakad magandang buntis." Pambobola niya.
"Hindi ka ba nila nasundan?" Tanong ko sa kanya, kinuwento kasi niya sa akin na sinisimulan na nila nung kasamahan niya ang mga plano nila kay Gary.
"Magaling yata 'to." Pagyayabang niya.
"Sus, talaga lang ha?"
"Saan mo gustong kumain?" Pag iiba niya ng usapan na hindi binibitawan ang bewang ko, ngumiti ako at sumagot!
"Jollibee!!" Magiliw na sabi ko.
"Dinala ka ba ni Nathan don?" Iritang tanong niya, tumawa ako dahil narinig ko na naman ang tono ng pagseselos niya.
"Tsk." Inis na patunog niya at kahit ayaw niya sa Jollibee dun kami pumasok, inupo niya muna ako saka siya umalis para umorder, inilabas ko sa bag ko yung ultrasound ng anak namin, napangiti na naman ako.
Nang makita kong parating na siya agad kong itinago 'yon. Mamaya ko nalang ipapakita sa kanya, inorder niya yung madalas kong kainin.
"Para sa mag ina ko." Nakangiting sabi niya at saka inayos sa harapan ko ang mga pagkain.
Umupo na rin siya sa tabi ko at tinulungan niya akong himayin yung chicken.
"Kumain ka na din ha."
"Oo tatapusin ko lang 'to." Sabi niya habang hinihimay yung chicken.
"Aw!" Hiyaw ko nang maramdaman kong parang may sumipa sa tiyan ko!
"Bakit?!"
Tinuro ko ang tiyan ko, agad naman siyang tumungo at inilapit ang pisngi niya sa tiyan ko, sumipa na naman siya! At narinig ko ang pagtawa ni Michael.
"Lakas mong sumipa anak ah! Soccer player ka ba paglaki?" Natatawang sabi ni Michael, bigla siyang umayos ng upo!
"Ultrasound mo?!" Excited na tanong niya, alam niya kasi na ngayon na malalaman ang gender.
"Mamaya na!" Sabi ko saka nagsimulang kumain.
"Ngayon na, love." Paglalambing niya.
"Mamaya na." Matatawang sabi ko, napakamot siya ng ulo dahil hindi niya ako mapilit. Kumain nalang din siya nung inorder niyang burger.
Pagkatapos naming kumain naglakad lakad kami sa mall.
"Kung ayaw mo ipakita yung ultrasound mo, sabihin mo nalang sa akin kung lalaki o babae siya." Pangungulit niya.
"A-YO-KO." Kainis dahil talo ako sa pustahan namin, lalaki kasi ang hula niya samantalang babae naman ang sa akin. Pero kahit anong gender naman ay okay lang sa akin ang importante ay healthy siya.
"Siguro lalaki yan kaya ayaw mo ipakita! Sige na patingin na, hindi na kita pipitikin sa ilong." Sabi niya, pustahan kasi namin kapag lalaki pipitikin niya ako sa ilong, eh ang sakit niya kaya mamitik ang laki ng daliri niya!
Bigla akong tumigil sa paglalakad nang maramdaman kong parang kumirot ang tiyan ko.
"May masakit?" Natatarantang tanong niya.
"Pagod na yata ako." Sabi ko, dahan dahan niya akong dinala sa isang upuan sa mall at pinaupo niya ako, tuwing napapagod ako medyo humihilab yung tiyan ko.
"Tsk, dapat sa bahay nalang tayo, nakakapuslit naman ako do'n." Inis na sabi niya.
"Eh gusto ko nga kasing magmall." Sabi ko, pero ang totoo niyan humahanap ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang pag alis ko.
Pero hindi na siya sumagot, laking gulat ko nang buhatin niya ako at naglakad siya papunta sa parking area, isinakay niya ako sa itim na kotse.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay natin." Sabi niya, ang bahay na sinasabi niya ay yung lugar kung saan unang may nangyari saaming dalawa, sabi niya balang araw ay patatayuan niya ng maayos na bahay yon dahil espesyal daw ang lugar na iyon para sa aming dalawa.
Pagkadating namin sa bahay namin, kinuha niya kaagad ako ng tubig at ipinainom sa akin iyon. Nakaupo na kami ngayon sa couch at nanonood sa isang maliit na tv. Kinuha ko sa bag ko ang ultrasound ko at iniabot ko sa kanya yon.
Napangiti ako nang makita kong napatulala siya.
"I-ito siya? Yung anak natin?" Nauutal na tanong niya.
Tumango ako bilang sagot.
"Panalo ka. Masyadong malakas yang du— "Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap.
"Thank you." Bulong niya.
"Pa-para saan?" Nalilitong tanong ko.
"Dahil hindi mo siya pinabayaan kahit na iniwan ko kayo noon." Patuloy niya, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at parang naramdaman kong may tumulong tubig sa balikat ko. Luha niya siguro yon, napangiti ako, dahil kahit ako napaiyak ako ng makita ko ang anak naming dalawa.
Humiwalay siya sa akin at pasimpleng pinunasan niya ang luha niya, sandali niyang hinawakan ang namimilog kong tiyan, parang nakaramdam ng lukso ng dugo ang anak ko dahil bigla na naman siyang sumipa, tumawa ng malakas si Michael dahil naramdaman niya rin ang pagsipa ng panganay namin.
"Anong ipapangalan natin?" Tanong ni Michael ng hindi inaalis ang tingin sa picture ng anak namin.
"Ikaw, ano sa tingin mo ang ipapangalan natin?"
"Hmmm, mukhang gwapo 'to. Kasing gwapo ko." Mayabang na sabi niya, ngumis ako.
"Talaga lang ha?" Tumawa siya at tinignan ako, hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.
"Let's name him, Kyle." Kumikinang ang mga mat ani Michael na para bang iyon ang pinaka magandang salita ang nabanggit niya.
"Kyle?" Ulit ko, ngumiti siya at tumango. "Nabasa ko kasi maraming meaning ang Kyle, sa Arabic beloved ang meaning ng may pangalan na Kyle, sa Irish naman handsome. Spiritually naman, brave daw ang meaning." Paliwanag niya sa akin.
"Wow, mukhang nag research ka talaga para sa ipapangalan sa baby natin ha?" Panunuya ko sa kanya, ngumisi siya.
"Syempre naman. Kyle...simple pero gwapo at matapang."
Napatawa ako dahil kitang kita ko sa mga mata niya ang excitement. Kinabig niya ako ng yakap at hinayaan kong haplosin niya ang likod ko.
Ayoko sanang sirain ang kasiyahan ni Michael, pero kailangan kong sabihin sa kanya.
"Love..." Malambing na tawag ko sa kanya.
"Uhm?"
Lumunok ako. Pero hindi ko yata kayang sabihin sa kanya. Huminga ako ng malalim at mas lalo ko siyang niyakap.
"Wala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top