Chapter 26

Chapter 26

Sabrina Briones

Nagkita kami ni Nathan sa isang coffee shop malapit sa labas ng subdivision ng bahay namin dahil pag uusapan namin ang isang project na kaming dalawa ang magkagrupo.

"Here's your hot chocolate." Ngiti niya at saka inilapag iyon sa mesa.

"Thanks, Nathan." Ngiti ko sa kanya, nagsimula na kaming mag discuss tungkol sa aming group project at hindi namin namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas.

"Grabe, inaantok na kaagad ako." Humihikab na sabi ko.

"Inaantok na yung anak mo." Ngisi ni Nathan saka isinara ang laptop. "Ako nalang ang magtatapos nito sa bahay." Suhestiyon niya.

Inilingan ko naman siya. "Ano ka ba, kaya nga group project eh."

"That's okay. Para saan pa at magiging Ninong ako niyang anak mo." Natatawang sabi niya.

"Ninong?" Humahalakhak na sambit ko.

"Bakit hindi ba? Aba, Sabrina, binusted mo na nga ako tapos hindi mo pa ako kukuhanin na Ninong?" Umasta pa siyang naiinis, tawang tawa naman ako sa entry nito ni Nathan.

"Oh siya, sige na nga. Ninong Nathan!" Sinaluduhan ko pa siya dahilan para tumawa siya.

"Ano? Hatid na ba kita?" Pag iiba niya ng usapan.

Ngumiti ako at sumandal sa upuan, "Parang ayoko munang umuwi."

"Teka, parang may lungkot yang mga mata mo na naman ah?"

Tinignan ko siya at kahit na ngumingiti ako ay ramdam ko talaga ang lungkot sa mga mata ko.

"Nagbabalak kasi sila dad na mag for good kami sa New Jersey." Kwento ko, mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Biglaan naman yata, anong dahilan?"

"They want to make sure na mapapalyo ako kay Michael."

"Anong plano mo?"

Huminga ako ng malalim, "Hindi ko alam. Minsan na akong sumuway sa kanila, Nathan."

"Nathan, alam ko hindi ko dapat sinasabi sayo 'to. Pero, ikaw lang ang nasasabihan ko ng mga problema ko. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Michael at kung gaano ko kagusto na makumpleto kami sa pagdating ng panahon hindi ba?" Hindi ko alam pero nagiging masyado akong emosyonal simula nang mabuntis ako. Para bang lahat nalang iniiyakan ko, minsan naman sobra akong masaya, lalo na kapag kasama ko si Michael.

Lumapit sa akin si Nathan at umupo siya sa tabi ko. Napangiti ako nang punusan niya ang luha sa pisngi ko at niyakap ako.

"Alam mo naman din siguro na handa akong makinig sa lahat ng kwento mo. Gusto mo ba itanan na kita ngayon para hindi ka nila madala sa New Jersey?" Natatawang sabi niya na nagpatawa din sa akin, kinurot ko siya sa tagiliran niya habang nakayakap ako sa kanya.

"Sira ka talaga. Busted ka na nga diba?" Pang aasar ko sa kanya.

"Aray naman. Masyado mo naming pinamumukha sa akin." Sabi niya na mas lalong nagpahalakhak sa akin, mas lalo ko siyang niyakap para hindi na siya mapikon.

"Thank you, Nathan. The best ka talaga."

"The best, but not the best man for you." Hirit pa niya dahilan para hampasin ko siya sa likod niya.

Ilang sandali pa ay nagpasiya na kaming lumabas ng coffee shop dahil humahamog na rin at masama daw sa buntis ang mahamugan sabi ni Nathan.

"Ang dami mong alam!" Pang aasar ko sa kanya dahil ang dami niyang sinasabi na pamahiin tungkol sa pagbubuntis, nakasakay na kami ngayon sa kotse kahit na sa labas lang naman ng subdivision namin ang coffee shop. "Saan mo naman nalaman yang mga yan ha?" Ngisi ko.

"Sa kasambahay namin." Ngisi niya.

"What? Nagtanong ka pa talaga?"

"Yes, iniisip nga nila may nabuntis na ako e." Tawa niya, napailing nalang ako sa kalokohan niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto saka inalalayan pababa.

"Thanks, Nathan." Humalik siya sa pisngi ko at muli akong niyakap.

"Don't stress yourself too much. Everything will be fine." Bulong niya sa akin, ngumiti ako at niyakap ko siya ng pabalik.

"Sus. Sige na, mag ingat ka." Sabi ko matapos ko siyang yakapin, ngumiti siya at saka sumakay na sa kotse niya, kinawayan ko siya at hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa bahay.

"I'm home!" Sabi ko nang marinig kong nasa kitchen sila mom, sumilip siya.

"Kumain ka na?"

"Yes mom. Magpapahinga na po ako." Ngiti ko saka umakyat na sa kwarto ko.

Pero nanlaki ang mata ko nang pagkabukas ko ng ilaw ay nadatnan ko si Michael na preskong nakahiga sa kama ko! Mabilis kong nilock ang pintuan at lumapit sa kanya.

"Hey, what are you doing here?!!" Naeexcite na tanong ko sa kanya, tinignan niya ako saka umupo. "Mukhang ayaw mo akong makita ah?"

"Sira!"

"Nakakarami na 'yan si Nathan sayo ha." Nasa tono niya ang pagkainis, nanlaki ang mata ko dahil doon ko lang narealized na baka sinusundan niya ako kanina.

"Don't tell me, minamanmanan mo ako?" Panunuya ko sa kanya, umirap siya nabigla ako nang kabigin niya ako ng yakap.

"I'm so fucking jealous." Inis ngunit may lambing na bulong niya sa akin. Pabiro kong sinuntok ang tiyan niya pero nagulat ako nang bigla siyang umaray. Napalayo siya ng yakap sa akin at napahawak sa tiyan.

"Hey..." Pag aalala ko, marahan kong tinaas ang shirt niya at napasinghap ako nang makita ko ang malaking pasa doon pero mabilis niyang ibinaba muli ang tee-shirt niya.

"Michael, anong nangyari sayo?! Si Gary na naman ba?" Puno ng pag aalala ang boses ko.

"Shhh. I'm okay." Paninigurado niya saka hinaplos ang pisngi ko.

"You're not okay, Michael." Akma akong tatayo para sana bumaba at kumuha ng yelo pero hinila niya ako sa braso ko at muling niyakap.

"Sandali lang ako dito, hindi ako magtatagal. Yakapin mo ako nang mahigpit, lahat ng masakit sa katawan ko mawawala." Malambing na pakiusap niya.

"Michael—"

"Shhh, please, Sabrina." Pakiusap niya, huminga ako ng malalim at kagaya ng gusto niya niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"I can't wait to be with you again, love. Kapag dumating na ang panahon na 'yon, sisiguraduhin kong wala nang ibang makakayakap o halik sayo, kundi ako lang."

Magiging masaya na sana ang puso ko sa sinabi niya, pero muli akong sinampal ng katotohanan na magkakahiwalay pa rin kaming dalawa. Pero sisiguraduhin kong bago dumating ang panahon na 'yon, gusto ko ligtas na siya sa mga kamay ni Gary.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top