Chapter 24
Chapter 24
Sabrina Briones
Nang humupa na ang pag iyak ni Michael ay nagpasiya na siyang ihatid ako sa bahay, pero ang tagal naming nakatayo sa tapat ng bahay namin dahil sa pagtititigan namin na para bang ayaw na naming mahiwalay sa isa't isa.
"Matagal na ulit kitang makikita, tama ba?" Malungkot na sabi ko. Medyo hulas na rin siya mula sa kalasingan pero mukhang inaantok na rin siya.
Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong doon. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Okay ba sayo yun, love?" Malambing na tanong niya.
Hindi naalis ang ngiti sa labi ko at tumango ako na parang isang bata!
"Pumasok ka na, love."
Ngumiti ako saka akmang tatakbo papasok na sa bahay pero bigla niyang hinila ang kamay ko at hinapit niya ako sa bewang.
"Bawal tumakbo. Ang baby natin."Hinimas niya ang tiyan ko.
"Yes, love."
"Dahan dahan pag akyat ng hagdan, h'wag excited." He smirked.
Tumango ako, binitawan na niya ako saka maingat akong naglakad papasok sa bahay. Lumingon ulit ako sa likod ko at napangiti ako nang makita kong wala na siya.
"Dahan dahan paglalakad Sabrina." Bulong ko sa sarili ko.
Nang nasa may hagdan na ako ay halos mahimatay ako sa gulat nang biglang may nagsalita!
"Gabi na."
"Shane! H'wag mo nga akong ginugulat!" Hiyaw ko sakanya, napapansin ko na palagi siyang nagtatago sa dilim! Sobrang dilim kasi dito sa bahay dahil pinapatay lahat ni Manang lahat ng ilaw kapag matutulog na, yung ilaw lang sa labas ng poste ang umaaninag dito sa loob.
"Ang tagal niyo naman ni Nathan, sa park lang ang paalam niya kay dad ah. Manahimik ka nga dito sa bahay." Pagsusungit niya, nginitian ko nalang siya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Opo Kuya!" Nakangiting sagot ko.
"Matulog ka na may pasok ka pa bukas."
"Sus, parang ikaw wala. Sige na!" Sabi ko at naglakad na paakyat, huminga muna ako ng malalim bago ko pihitin ang doorknob ng kwarto ko
Naalala ko bigla ang ibinulong sa akin ni Michael.
"Tabi tayo matulog."
Napangiti na naman ako, marahan kong binuksan ang pinto at napatawa ako nang makita kong nakadapa siya sa kama at mukhang antok na antok na, mabilis kong inilock ang pinto.
"Tagal mo naman, love." Bulong niya medyo husky ang boses niya.
"Naharang kasi ako ni Shane." Sabi ko, sumilip ako sa bintana andun na naman yung hagdanan niya.
Tumayo siya at yumakap siya mula sa likod ko.
"Anong tinitignan mo diyan?" Bulong niya sa tenga ko.
"Yung hagdanan mo." Natatawang sabi ko.
"Tulay nating dalawa yan." Aniya.
Napangiti ako dahil doon. Iniharap niya ako sa kanya at napapikit ako ng halikan niya ang labi ko, sobrang init ng labi niya, sunod sunod na pagkabog ng dibdib ko ang narinig ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin, maingat niyang ipinulupot sa bewang ko ang dalawang braso niya at ipinulupot ko naman ang braso ko sa leeg niya. Sobrang namiss ko siyang halikan.
Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa likod ko patungo sa buhok ko at malambing niyang hinaplos iyon.
"I love you..." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa.
Dahan dahan kaming naglakad papunta sa kama na hindi pinaghihiwalay ang labi naming dalawa. Maingat niya akong inihiga, nasa ibabaw ko na siya ngayon at mas lalong lumalalim ang paghalik niya sa akin na mas lalong nagpapabuhay ng dugo ko, mabilis niyang hinuli ang dila ko at halos mapaungol ako sa pagsipsip na ginawa niya do'n.
Tumigil siya sa paghalik sa akin at tinignan niya ako sa mata, hinaplos niya ang buhok ko at nginitian niya ako, mabibilis na paghinga lang naming dalawa ang naririnig ko dito sa kwarto.
"Namiss ko na ganito ka kalapit sa akin." Sambit niya na hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ko.
"Sobrang namiss din kita." Sagot ko, muli siyang ngumiti at hinalikan muli ang labi ko bago siya humiga sa tabi ko at yumakap sa akin.
Sinilip ko siya at nakapikit na siya ngayon. Pero nagulat ako dahil nagsalita pa siya.
"Four months na siya ano?"
"Huh?"
"I mean, yung baby natin." Napangiti ako dahil ganito pala ang pakiramdam kapag kausap ko siya tungkol sa anak naming.
"Yes. Ilang buwan nalang, makikita na natin siya."
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm tired of missing you. I hope this is not a dream." Bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko, tumagilid ako at niyakap ko siya.
"I love you, Michael." Bulong ko.
"I love you too." Aniya at halos mapangiti ako nang marinig kong bigla na siyang humilik, ipinikit ko na rin ang mata ko at dinama ko nalang ang masarap na yakap niya hanggang sa makatulog na ako.
--
Naikunot ko ang aking noo while I'm half awake. "Hey, love, gising." Dinig kong sabi ni Michael, napaupo ako dahil nakaupo na siya ngayon sa gilid ng kama, nasilip kong nakasapatos na rin siya.
"Michael? Anong oras na?" Pikit matang tanong ko sa kanya.
"Five thirty." Sagot niya, iminulat ko ang mata ko at sumilip sa wall clock, tama nga siya five thirty ng madaling araw.
"Ang aga pa, inaantok pa ako."
"Ayoko ng umalis na tulog ka." Sabi niya, napatingin ako sa kanya at tinignan ko siya ng buong pagtataka. "I'm sorry, pero kailangan ko na kasing umalis, love." Paumanhin niya, bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"Michael, natatakot ako para sayo."
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "This isn't easy for me either. But I promise, I'll come back." Hinampas ko siya sa dibdib niya na nagpagulat sa kanya.
"You better keep that promise, kung hindi, magagalit kami sayo ng anak mo." Paghihimutok ko pero napangiti siya. Sandali niya akong hinalikan sa labi at naglakad na siya papunta sa bintana kung saan siya dumaan kagabi, tumayo ako at sinilip ko ang pagbaba niya.
"Take care, okay?" Sabi ko nang sa wakas ay nakababa na siya. Ngumiti siya at tumango, inihiga na rin niya sa damuhan ang hagdan na ginamit niya.
Muli siyang tumingala sa akin at napangiti ako nang mag flying kiss pa siya sa akin at kinindatan pa ako. I don't like the idea of him leaving, kung pwede ko lang siyang ikulong dito sa kwarto ko gagawin ko. Pero alam kong hindi basta basta ang makakalaban namin. Sa ngayon, matinding pagdarasal ang gagawin ko para sa kaligtasan niya.
---
Michael Cando
Mag aala-siyete na ng umaga nang makarating ako sa warehouse, nalasing ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit kay Sabrina. Nababaliw na ako kakaisip sa kanya at natauhan ako na hindi ko pala kayang makita siya na iba ang kasama.
Hindi pa man din ako nakakapasok sa pinto ay dinig na dinig ko na ang malakas na pagwawala ni Gary.
"Bakit hinayaan niyong makaalis si Michael?!!"
"Boss, pagkahatid namin ng mga droga bigla nalang siyang nawala!" Sigaw ng isang tauhan. Tumayo lang ako sa gilid ng pinto at nagbukas ng yosi at hinithit yon.
Sinadiya kong magdamag patay ang cellphone ko dahil gusto ko munang bumawi kay Sabrina. Alam kong walang kasiguraduhan, pero susubukan kong bumalik ng buhay sa mag ina ko. At saka isa pa, pagkakataon ko na rin iyon para hanapin si Dark Jaguar.
Huminga ako ng malalim, "Tangina. Bugbog ka na naman, Michael." Bulong ko sa sarili at magkakasunod kong hinithit ang yosi. Sa tuwing tumatakas ako kay Gary ay nilalanta niya ang buong katawan ko ng bugbog.
Sandali pa akong nagyosi bago nagpasiyang pumasok na sa warehouse. Napatingin silang lahat sa akin at nang makita ako ni Gary ay kaagad siyang tumayoat isang malakas na hampas ng baseball bat ang natanggap ko sa aking tiyan! Kaagad akong sumuka ng dugo at napaluhod sa sahig habang hawak ang tiyan ko, pero pilit kong pinupuno ang isipan ko ng mga ngiti ni Sabrina upang hindi ko maramdaman ang sakit.
"Ang usapan ay usapan! H'wag na h'wag niyo akong tinatakasan!" Halos mabulabog ang buong warehouse sa sigaw ni Gary at magkakasunod na sipa ang ibinigay niya sa akin.
"Tama na!" Nabaling ang lahat ng atensyon kay Akira nang sumigaw siya, nagtama ang mga mata namin at napansin kong umiiyak siya. Napapikit ako ng mariin nang lumapit sa kanya si Gary.
"H'wag mong sabihing sumusuway ka na ngayon sa akin Akira?!" Sigaw ni Gary! Naikuyom ko ang kamao ko! Pinilit kong tumayo upang lumapit sa kanila at ginamit ko ang buong lakas ko upang mahablot ang braso ni Gary na nakahanda ng sumampal kay Akira. Nagsukatan kami ng tingin ni Gary at ngayon ay nakatutok na sa akin ang mga baril ng mga tauhan niya.
Itinaas ni Gary ang isang kamay niya at sabay sabay na ibinaba ng mga tauhan ang mga baril na nakatutok sa akin. Biglang humalakhak ng malakas si Gary at halos maubo pa siya dahil sa sobrang pagtawa.
"Mukhang may namumuong pag iibigan sa inyo ah." Pang aalaska nito, napakunot ang noo ko pero kaagad akong nakabawi nang maintindihan ko ang sinasambit niya.
"Maganda 'yan. Mas lalo niyong pag iigihan ang pagtatrabaho." Halakhak nito, hindi na ako nag aksaya pa ng panahon, hinila ko si Akira palabas ng warehouse at isinakay ko siya sa kotse.
"O-okay ka lang?" Tanong ni Akira nang makasakay na ako sa driver seat.
"I'm okay. Hindi ka na dapat pa sumagot kay Gary. Nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan." Malamig na sabi ko sa kanya.
"Nag aalala ako sayo, Michael. Hindi kami makatulog kagabi kaiisip kung saan ka nagpunta. Bigla ka nalang nawala pagkatapos ng operation! Nababaliw ka na ba? Alam mo ang pwedeng mangyari! Saan ka ba nagpunta? Buong gabi kitang tinatawagan pero nakapatay ang cellphone mo!" Litanya ni Akira na nagpalingon sa akin sa kanya, namumuo ang luha sa mga mata niya at bakas ang pag aalala sa mukha niya.
At halos hindi ko makayang tanggapin ang sumunod na sinabi niya.
"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top